GraceNotes
Ang GraceNotes ay isang maigsi na quarterly na pag-aaral sa Bibliya sa mahahalagang isyu na may kaugnayan sa
kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Ang mga ito ay dinisenyo para sa pag-download (*pdf available)
at pagkopya para magamit sila sa ministeryo. Walang pahintulot ang kailangan kung sila
ipinamahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Maaari kang makatanggap ng bagong GraceNotes sa pamamagitan ng pag-subscribe sa
ang aming libreng quarterly na GraceLife newsletter.
Topic: Katuwiran
(If the Gracenote is displayed in english, the translation was not available.)
Tinuturo ba ng Santiago 2:14 na ang mga gawa ay mahalagang bahagi ng kaligtasan?
Ang disipulo ba ay isang katawagan sa Kristiyanong pinanganak sa pamilya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya, o ang alagad ba ay isang Kristiyano na natupad ang mga espisipikong kundisyon sa pagsunod kay Jesus?
Ang tao bang naligtas ay maiwawala o maiwawaglit ang kaligtasang iyan?
May sapat na dahilan na isipin na ang nanampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtas at dahil dito'y ipinanganak sa pamilya ng Diyos ay makararanas ng pagbabagong buhay kahit paano. Maraming nagsasabi na ang pagbabagong buhay na ito ay makikita sa mabubuting gawa na nagpapatunay na sila ay ligtas.
Ang kilalang sitas na ito ay madalas gamitin sa pagbabahagi ng ebanghelyo upang ipakita sa mga makasalananan na sila ay magbabayad sa kanilang mga kasalanan ng walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos (kamatayan), at maiiwasan nila ang kapalarang ito sa pamamagitan ng buhay na walang hanggan na ibinibigay ni Jesucristo. Ganito ba ang tamang paliwanag at gamit ng tekstong ito?
Ang pagpapaliwanag ng 1 Juan ay mahirap para sa iba dahil sa mga pahayag na tila baga pagsubok o mga kundisyon. Ang nananaig na pananaw sa mga komentarista ay ang layuning ng mga pagsubok na ay malaman kung ang isang tao ay ligtas magpakailan pa man o hindi.
Ang ibang mga Kristiyano ay ginagamit ang sitas na ito upang panindigan na ang pananampalataya na nagliligtas ay dapat patunayan ng mga gawa o kung hindi ito ay hindi tunay.
Ang maling pagkaunawa ng pag-aaring ganap ay maaaring sirain ang ebanghelyo, wasakin ang pundasyon ng Kristiyanong pamumuhay, at gawing imposible ang makatiyak ng kaligtasan.
May mga naghahayag na ang nagliligtas na mensahe ng ebanghelyo ay 'Manampalataya kay Jesus bilang Tagagarantiya ng buhay na walang hanggan, na hindi maiwawala.' Sa madaling salita, ang isang tao ay kailangang malaman, maunawaan at sumang-ayon sa doktrina ng walang hanggang kasiguruhan ... ngunit dapat ba ang isang taong sumang-ayon dito para maligtas, o ito ay isang hindi kinakailangang karagdagan sa pananampalataya lamang kay Kristo lamang?
Ang isang tanong na madalas marinig ay "Paano ang mga tao naligtas magpakailan man sa mga araw ng Lumang Tipan?" Para sa mas komprehensibong pananaw, marahil mas maiging itanong, "Paano ang mga tao naligtas magpakailan man bago namatay at nabuhay na mag-uli ni Jesucristo?"
Ang kasabihang ito ni Jesucristo sa Sermon sa Kabundukan ay maaaring mag-intimida sa mga nag-iisip na imposibleng maging kasin-sakdal ng Diyos. Marami ang nagpapalagay na ang “sakdal” (teleios) ay tumutukoy sa ganap na kawalang kasalanan, at ang masahol ay ang pagkamit ng ganap na kawalang kasalanan ay kailangan para sa kaligtasang walang hanggan. Maraming Cristianong naniniwalang imposible sa buhay na ito ang makamit ang kasakdalang walang kasalanan. Ano kung ganuon ang ibig sabihin ni Jesus? Sisiyasatin natin ang ilang mga pananaw at pipiliin natin ang pinakamahusay na pananaw na sinusuportahan ng konteksto.
pa man. Ano ang tinuturo ng kaniyang kwento tungkol sa kaligtasan?
Ang tatlong pasaheng ito ay pare-pareho dahil sa paglilista nila ng mga kasalanan at ng mga konsekwensiya para sa mga gumawa ng mga ito. Ang mga pasahe ay madalas makalito ng mga tao. Anong uri ng mga tao ang inilalarawan nila, mga mananampalataya o hindi mananampalataya? Ano ang punto ng paglilista ng mga kasalanang ito para sa orihinal na mambabasa at para sa atin ngayon?
Ano ba ang itinuturo ng Romano Catolika (RC) tungkol sa kung paano ang tao maliligtas? Ang pananaw ng RC sa kaligtasan ay galing sa kanilang mga paniniwala tungkol sa biyaya, pag-aaring matuwid, at katubusan, ngunit ang mga ito ba ay biblical?
*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo.
Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad.
Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito
para mag-download ng libreng bersyon.