GraceNotes
   

   Ang Kaligtasan ng Magnanakaw sa Krus


“At mayroon naman sa itaas Niya na isang pamagat, ITO’Y ANG HARI NG MGA JUDIO. At Siya’y inalipusta ng isa sa mga tampalasang nabibitin, na sinasabi, Hindi baga ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang Iyong sarili at kami. Datapuwat sumagot ang isa at pagsaway sa kaniya’y sinabi, Hindi ka pa baga natatakot sa Diyos, yamang ikaw ay nasa gayon ding kaparusahan? At tayo sa katotohanan ay ayon sa katuwiran sapagkat tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa; datapuwat ang taong ito’y hindi gimagawa ng anumang masama. At sinabi niya, Jesus alalahanin mo ako pagdating Mo sa Iyong kaharian. At sinabi Niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi Ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso.” Lukas 23:38-43.

Sa pagpako kay Cristo sa krus, isa sa dalawang tampalasang pinakong kasama Niya ay naligtas kailan pa man. Ano ang tinuturo ng kaniyang kwento tungkol sa kaligtasan?

Ang background

Ang Lukas ang tanging Ebanghelyong nagrekord nang buo ng kwentong ito. Kasama nila Mateo at Marcos, binanggit ni Lukas na ang dalawang magnanakaw ay nang-alipusta kay Jesus ngunit tanging ang Lukas lamang ang Ebanghelyong nagbanggit na ang isa sa dalawang magnanakaw ay nagbago ng isipan na tinugon ni Jesus ng isang pangako. Bagamat sila ay madalas tawaging “magnanakaw,” ang salitang ginamit ni Mateo (mula sa leptes) ay maaaring mangahulugang magnanakaw, insurektionista, o rebolusyunaro. Ang salita ni Lukas para sa kanila (mula sa kakourgos) ay maaaring mangahulugang tampalasan o manggagawa ng masama, na nagpapahiwatig ng matinding kasamaan. Anupaman ang mga taong ito ay masama at inamin nilang sila ay nararapat sa kaparusahan (Lukas 23:40-41).

Bago ang nagsising magnanakaw magpahayag ng kaniyang pananampalataya kay Jesucristo, ang mga konteksto ng tatlong Ebanghelyo ay nagmumungkahing nasaksihan ng mga tampalasang ito na si Jesus ay nananalangin para sa Kaniyang mapanuyang mga mamatay-tao: “Ama, patawarin Mo sila sapagakat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lukas 23:34) at nakita ang pamagat sa krus ni Jesus na mababasang “Ito si Jesus, ang Hari ng mga Judio.” Ang magnanakaw ay maaaring nakasaksi pa sa iba pang supernatural na pangyayari, gaya ng naging dahilan para ang senturion at ang kaniyang kadre na magpahayag, “Tunay na ito nga ay Anak ng Diyos” (Mat 27:54). Nirekord ni Lukas na ang senturion ay nagpahayag, “Tunay na ito ay matuwid na Tao!” (Lukas 23:47). Lumalabas na ang pagkapako kay Cristo ay nagbago ng isipan ng maraming tao.

Ang mga bagay na tila alam niya

Gamit ang kwento ni Lukas, resonableng ipalagay na ang magnanakaw ay nalalaman o nakarating sa kaalaman sa mga katotohanang ito:

  • Alam niyang siya ay makasalanan.
  • Alam niyang dapat lamang siyang ikondena dahil sa kaniyang mga kasalanan.
  • Kinikilala niyang hindi siya karapatdapat sa kaawaan ni Jesus.
  • Kinikilala niyang inosente si Jesus.
  • Nasaksihan niya ang mapagpatawad na espiritu ni Jesus sa mga makasalanan.
  • Kinikilala niyang si Jesus ay Panginoon, Hari ng mga Judio at samakatuwid ay Mesiyas.
  • Naniniwala siyang namatay ang Mesiyas sa krus bilang Tagapagligtas at Siya ay babangon muli mula sa mga patay upang maghari.
  • Naniniwala siyang si Jesus ay makabibigay ng siguradong eternidad kasama Niya.
Ang hindi ginawa ng magnanakaw
  • Hindi siya nagpahayag ng moral na pag-aangkin sa pabor ni Jesus.
  • Hindi siya gumawa ng anumang mabubuting gawang maaangkin niyang merito sa harap ng Diyos.
  • Hindi niya pinatunayang magagawa niyang talikuran at lalong hindi niya tinalikuran ang kaniyang mga kasalanan.
  • Wala siyang mabubuting gawang magpapatunay na siya ay makatitiis sa kaniyang bagong pananampalataya.
  • Hindi siya nangako ni nagawang mabautismuhan.
  • Hindi siya nagpahiwatig na ginawa niyang Panginoon si Jesus ng kaniyang buhay.
  • Hindi siya nangakong itatalaga ang sarili bilang alagad.
  • Hindi siya nagpakita ng paglago sa sanktipikasyon.
  • Hindi siya humingi ng temporal na kaligtasan mula sa krusipiksiyon.
  • Hindi siya naghayag ng pananampalataya sa paraang berbal sa paraang ating inaasahan.
Ang ginawa ng magnanakaw
  • Nagbago siya ng isip mula sa pang-aalipusta kay Jesus patungo sa pagkilala sa Kaniya bilang Panginoon.
  • Nagpahayag siya ng pagbabago ng isipan sa kaniyang paghiling ng pananampalataya sa magagawa ni Jesus para sa kaniya.
  • Nanampalataya siyang si Jesus ay ang Mesiyas-Hari at humingi ng kinabukasang kasama Siya sa Kaniyang kaharian.
Ang natutunan natin tungkol sa kaligtasan
  • Ang biyaya ng Diyos ay nagliligtas ng pinakamasamang makasalanan.
  • Ang biyaya ng Diyos ay binigay sa sinumang humihingi nito sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtas.
  • Ang biyaya ng Diyos ay hindi pantay sa esensiyal na kalikasan. Ang pangako ng eternal na hinaharap kasama ni Cristo ay balido para sa magnanakaw sa kaniyang mga huling sandali at sa mga taong namuhay nang mas mahabang moral na buhay (hal si Nicodemus, ang apostol Pablo, si Cornelio).
  • Ang biyaya ay nagbibigay sa atin nang higit sa nararapat o inaasahan. Bagama’t nararapat sa eternal na kundenasyon, ibinigay ni Jesus ang buhay na walang hanggan sa magnanakaw na ito at ng isang personal na kaugnayan sa Kaniya. Ang pangako ng hinaharap sa Paraiso kasama si Jesus ay tumutukoy sa agarang paglipat sa lugar ng mga patay, na sa panahong iyon ay nahahati sa Hades at Paraiso (tingnan ang Lukas 16:19-26).
  • Ang biyaya ay tumutulong sa nangangailangan. Sa puntong ito walang magagawa ang magnanakaw na kahit anuman para iligtas ang kaniyang sarili.
  • Dumating si Jesus para iligtas ang mga makasalanang gaya ng tampalasang ito, at hindi ang mga matuwid (ie ang matuwid sa kaniyang sarili, Lukas 5:32).

Pagbubuod

Sa katapusan, hindi natin alam kung bakit ang kundenadong magnanakaw ay nagbago ng kaniyang isipan tungkol kay Jesus. Ang isang magnanakaw na pinako’y tinaas nang may pang-aalipusta ang isyu kung si Jesus nga ba ang Cristo (Lukas 23:39). Samantalang ang magnanakaw na iyan ay malinaw na tinakwil si Jesus bilang Mesiyas, ang magnanakaw na naligtas ay tinanggap si Jesus bilang Mesiyas. Bukod sa mga pangyayaring nasaksihan ng magnanakaw sa kaniyang sariling krus, may isang bagay tungkol sa krusipiksiyon ni Jesus ang maaaring tumulong na magbago ng kaniyang isipan. Sa Juan 12:32-33, ipinahayag ni Jesus na ang Kaniyang kamatayan sa krus ay isang impluwensiyang moral, isang atraksiyon, na hihila ng tao patungo sa Kaniyang sarili: “At Ako, kung Ako’y mataas na mula sa lupa, ang lahat ng mga tao ay palalapitin Ko sa Akin din. Datapuwat ito’y sinabi Niya na ipinaaalam kung anong kamatayan ang ikamamatay Niya” (tingnan Ang Tala ng Biyaya Blg 75 “Paano Dinadala ng Diyos ang Tao sa Kaligtasan”). Natutunan natin mula sa hiling mula sa himlayan ng kamatayan ng magnanakaw na ang simpleng pananampalataya sa kung sino si Jesus ay makadadala ng kaligtasan, kahit pa sa mga huling sandali ng buhay. Natutunan din nating walang sinumang hindi abot ng pag-ibig, biyaya at kapatawaran ng Diyos.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes