GraceNotes
   

   Ligtas Kayo Kung Matiya Kayong Nanghahawak - 1 Corinto 15:1-2

Ngayo’y ipinapatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang ebanghelyo na sa inyo’y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinanatilihan. Sa pamamagitan naman nito’y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo’y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.

Sa maraming tao ang pasaheng ito ay tila nagbibigay ng kaligtasan, tapos babawiin din. Ipinahihiwatig nito na niligtas tayo ng ebanghelyo ngunit hindi nito patuloy na ililigtas tayo malibang “matiyagang manghawak” dito. Ginagamit ng iba ang pasaheng ito upang sabihing maiwawala ng mga mananampalataya ang kanilang kaligtasan. Ang ilang ay nagsabi na ipinakikita nito na ang ilang binibilang na mananampalataya ay napatunayang huwad na mananampalataya dahil hindi sila nanatili sa ebanghelyo. Ngunit wala sa alin mang pananaw na ito ang umaayon sa mga detalye ng pasahe sa konteksto.

Ano ang nangyari, ano ang nangyayai, ano ang mangyayari

Bagama’t may ilan sa iglesia sa Corinto ang nagsisimulang itanggi ang pagkabuhay na maguli ni Cristo, napakalinaw mula sa pasahe na ang Apostol Pablo ay sigurado sa kanilang kalagayahan: “Kanilang “tinanggap” at “sinampalatayahan” ang ebanghelyo na kaniyang pinangaral sa kanila (ang pangnakalipas na aspeto ay nagpapakita ng natapos na gawain) at ngayon ay “nananatili” sila sa ebanghelyong iyan (ang perpektong aspeto ay nagpapakita ng nakalipas na aksiyon na may nagpapatuloy na resulta). Ang kanilang pananatili ay tumutukoy sa kanilang posisyunal na pag-aaring matuwid, na hindi kinukwestiyon at una nang inapirma: “kayo’y inaring matuwid” (1 Cor 6:11). Walang kwestiyon na ang sulat ni Pablo ay nangungusap sa mga taga-Corinto bilang tunay na mananampalataya (Tingnan ang 1:2, 4, 9; 3:16; 4:14; 6:11, 15, 19-20; 11:1; 12:13). Subalit ang pangkasalukuyang aspeto “ligtas kayo” ay malinaw na nakadepende sa kundisyong “kung matiyaga ninyong iingatan ang salita” na tumutukoy sa ebanghelyo. Nangangahulugan ba ito na ang mambabasa ay maiwawala ang kanilang kaligtasan o patunay na sila ay hindi tunay na ligtas kung hindi sila “maingat na manghawak?”

Ligtas kayo

Ang pananaw na sinasabihan ni Pablo ang mga mambabasa na maaari nilang maiwala o mapabulaan ang kanilang kaligtasan ay nanggaling sa matigas na pagdedepina ng “ligtas” bilang kaligtasan mula sa impiyerno. Ang basikong depinisyon ng “ligtas” ay iligtas o iningatan at ginamit sa Biblia para sa pagliligtas mula sa maraming bagay (sakit, kamatayan, mga kaaway, kapahamakan, kasalanan). Ito ay humihingi sa ating magtanong, “Niligtas mula saan?” Gaya ng ipinakikita ng sulat sa Corinto, ang mga mananampalatayang ito ay maraming isyu ng kasalanan na nangangailangan ng pagliligtas.

Ang pakasunod-sunod ng isipan ay mahalaga: ipinangaral ni Pablo ang ebanghelyo, tinanggap ito ng mga taga-Corinto, at ngayon nakatindig sila dito. Ang natitira ay ang tamasahin ang kaligtasang ito sa pangkasalukuyang karanasan, kaya ginamit ni Pablo ang pangkasalukuyang aspeto ng “[nali] ligtas kayo.” Kung impiyerno ang binabanggit ni Pablo, mas magiging natural sa kaniyang magbanggit ng kanilang pinal na kaligtasan: “ligtas na kayo.”

Matiyaga ninyong iingatan

Ang karanasan ng nagpapatuloy na kaligtasan sa kasalanan sa buhay ng isang mananampalataya ay may kundisyon: kailangan ng taong “matiyagang mag-ingat” sa ebanghelyo. Ito ay hindi pagpapalagay na nagawa na o hipotetikal na kundisyon, kundi isang tunay na kundisyon (Ang kundisyong unang klase sa Griyego ay hindi matuwid na isalin ang “kung” bilang “dahil”). Ang pandiwa sa “ingatan” (katecho) ay ginamit sa Bagong Tipan kaugnay ng karanasan ng pagpapakabanal ng isang Cristiano (Tingnan ang Luk 8:15; 1 Tes 5:21; Heb 10:23). Sinasabi ni Pablo na ang mga taga-Corinto ay dapat patuloy na sumunod sa katotohanang kanilang natutunan mula sa ebanghelyo upang maranasan ang nakababanal na epekto nito. Samakatuwid posible para sa isang mananampalataya na hindi matiyagang manghawak o mag-ingat. Ang Bagong Tipan ay nagpapakitang ang mga mananampalataya ay maaaring hindi magpatuloy o maingat na manghawak sa katotohanan (1 Tim 5:14-15; 6:20-21; 2 Tim 1:5; 2:17-18, 24-26; 4:9-10, 14-16).

Ang ebanghelyo at ang mga resulta nito

Base sa ebanghelyong kaniyang pinangaral at kanilang tinanggap (sinampalatayahan), masasabi ni Pablo na ang mga taga-Corinto ay “nakatindig” o “nanatili” sa kanilang kaligtasan. Ang kanilang posisyun ay sigurado, subalit ang kanilang karanasan ng pagliligtas na probisyon ng kaparehong ebanghelyo ay nakadepende sa kanilang maingat na panghahawak sa katotohanang ito. Ito ang dahilan kung bakit pinaalalahanan sila ni Pablo ng ebanghelyo na kaniyang ipinangaral sa v3-4: “na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan ayon sa mga Kasulatan, at Siya’y inilibing at Siya’y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga Kasulatan.” Ito ang parehong ebanghelyo ng kaniyang “tinanggap” sa unang bahagi ng kaniyang ministeryo (Gal 1:11-12; 2:16), “ipinangaral” sa kanila sa kaniyang unang pagbisita (Gawa 18:1-8), at ipinaliwanag sa kanila sa unang bahagi ng epistula (1 Cor 1:17-21; 2:5).

Ang salitang “ligtas” kung ganuon ay ginamit upang ilarawan ang karanasan ng pamumuhay ng mga katotohanan ng ebanghelyong naksentro sa kamatayan at pagkabuhay na mag-uli ni Jesucristo. Ang kamatayan at pagkabuhay na maguli ni Cristo ay hindi lamang basehan ng kaligtasan ng isang tao mula sa impiyerno, ito rin ang basehan ng pagkakakilanlan at karanasan ng isang Cristiano. Sa Roma 6:2-5 tinuturo ni Pablo na ang pakikiisa ng mga mananampalataya kay Cristo ay ang basehan ng buhay ng tagumpay sa kasalanan. Sa pagkamatay at pagkabuhay ni Cristo, ang mga nasa Kaniya ay namatay din sa kasalanan at sila ay ibinangong kasama Niya upang lumakad sa bagong buhay.

Walang maliligtas mula sa kasalanan malibang sila ay patuloy na ilakip ang kanilang sarili sa kamatayan at pagkabuhay na maguli ni Cristo na tinuro sa ebanghelyo. Ito ang ibig sabihin ni Pablo na “matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo.” Anumang depekto sa ebanghelyo o sa pagkalakip natin kay Cristo sa Kaniyang kamatayan at pagkabuhay na maguli ay magreresulta sa depektibong karanasang Cristiano. Sa madaling salita, kung ang mga taga-Corinto ay hindi magpapatuloy sa panghahawak sa ebanghelyong ipinangaral ni Pablo, sila ay “nanampalatayang walang kabuluhan” dahil ang kanilang inisyal na pananampalataya sa ebanghelyo ay hindi lilikha ng nakababanal na karanasan sa kanila, na isa sa mga resultang inaasahan. Ang terminong “walang kabuluhan” ay nangangahulugang hindi napakinabangan. Ginamit ito sa Bagong Tipan upang ilarawan ang isang bagay na hindi naabot ang inaasahang layon; hindi ito kailan man ginamit upang kwestiyunin ang realidad ng aksiyong inugnay dito (halimbawa, tingnan ang 1 Cor 15:10, 58). Kung itatanggi ng mga taga-Corinto ang pagkabuhay na mag-uli ni Cristo, hindi sila maliligtas sa makasalanang pamumuhay, na ginagawa ang kanilang inisyal na pananampalataya sa ebanghelyo na hindi umabot sa inaasahang resulta ng kanilang kabanalan.

Pagbubuod

Hindi nakapagtatakang ginawa ni Pablo ang ebanghelyo na kaniyang prioridad: “Ngayo’y ipinatatalastas ko sa inyo”(lit. Una sa lahat) (1 Cor 15:3; ang ilang Biblia ay sinalin ito na “pinakamahalaga sa lahat”). Kailangan nating makuhang tama ang ebanghelyo upang maligtas (mula sa impiyerno), ngunit kailangan din nating makuhang tama ang ebanghelyo upang patuloy na manatiling ligtas (mula sa kasalanan). Ang kaligtasan ng Diyos na nais Niya para sa atin ay hindi lamang mula sa penalidad ng kasalanan (ating pag-aaring matuwid), kundi mula rin sa kapangayarihan ng kasalanan (ating pagpapaging banal) at sa presensiya ng kasalanan (ating kaluwalhatian). Bilang mga Cristiano, mahalagang maunawaan natin kung ano ang ibig sabihin ng pakikiisa kay Jesucristo sa Kaniyang kamatayan at pagkabuhay na maguli. Kung pananatilihin nating tuwid ang ebanghelyo, ganuon din ang ating lakad. Ang ebanghelyo na inisyal na nagligtas sa atin ay ang parehong ebanghelyo na patuloy na nagliligtas sa atin at ang ebanghelyong magliligtas sa atin sa huli- at lahat ng ito ay sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos!


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes