GraceNotes
   

   Ang Ebanghelyo Ba ni Juan Ay Humihingi ng Pananampalataya sa Walang Hanggang Katiyakan Para sa Kaligtasan?

May ilang nag-aangking ang nagliligtas na mensahe ng ebanghelyo ay “Manampalataya kay Jesus bilang tagagarantiya ng buhay na walang hanggang hindi maiwawala.” Sa madaling salita, ang isang tao ay kailangang makaalam, makaunawa at magpahayag ng pagsang-ayon sa doktrina ng eternal na seguridad, ang turo na ang lahat nang ligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo ay hindi maiwawala ang kaligtasang iyang anuman ang kanilang gawin o hindi gawin. Ang Kasulatan ay malinaw na nagtuturo ng seguridad na ito (Tingnan ang Tala ng Biyaya 24), ngunit kailangan bang iapirma ng isang tao ang doktrinang ito bago siya maligtas, o ito ay isang hindi kinakailangang karagdagan sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Cristo lamang?

Ginagawa nila ang kanilang argumento mula sa Ebanghelyo ni Juan, na sa katunayan ay marami ngang sinasabi sa buhay na walang hanggan na kaugnay ng kaligtasan (hal. 3:15-16; 3:36; 4:14; 5:24; 6:27; 6:40, 47, 54, 58, 68; 10:28). Ang pagpapalagay na ginagawa ay ang Juan ang tanging aklat ng Biblia na nagsasabi kung paano maligtas, at ang buhay na walang hanggan ay ang tanging tuon ng mensaheng iyan.

Isang sulyap sa layon ni Juan

Sa Juan 20:30-31, ang may-akda ay nagdeklara ng kaniyang layon sa pagsulat sa ilang piling himala: “Gumawa rin nga si Jesus ng iba’t ibang maraming tanda sa harap ng Kaniyang mga alagad,na hindi nangasusulat sa aklat na ito. Ngunit ang mga ito ay nangasulat upang kayo’y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Diyos, at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa Kaniya.” Habang ang ilan ay nag-aangking ito ang nag-iisang layong pahayag ng buong aklat, ang ipinapaliwanag lang ni Juan ay kung bakit niya piniling sumulat tungkol sa walong tandang nakita sa aklat. Kung si Juan ay sumusulat lamang sa mga hindi mananampalataya tungkol sa kung paano maligtas, ang mga kabanatang 13-17 ay hindi lalapat sa layong iyan. Sa mga kabanatang ito, matapos lumisan ni Judas, si Jesus ay may talakayan kasama ang Kaniyang mga alagad tungkol sa pag-ibig, paglilingkod, pananahan, pagkatuto mula sa Espiritu Santo, pag-uusig at pagkakaisa.

Inaasahan natin si Juan na ipahayag ang kaniyang layon sa panimula ng kaniyang aklat gaya nang ginawa niya sa 1 Juan 1:3-4. Kung ganuon, ang Juan 1:4-5 ang nagsasabi sa atin na siya ay sumusulat upang iharap si Jesucristo bilang liwanag at buhay ng tao. Maging ang Juan 20:31 ay sumusuporta sa temang ito, dahil ang pinangakong resulta ng pananampalataya ay “buhay,” hindi eksplisit na “buhay na walang hanggan.” Ang Ebanghelyo ni Juan ay naghaharap ng buhay hindi lamang sa diwang linyear at kwantitatib, ngunit pati sa diwang pangkasalukuyang kalidad ng buhay, na siyang dahilan kung bakit ang mga alagad ay paulit ulit na nananampalataya sa aklat (hal 1:50: 2:11, 22; 13:19; 14:10-11; 20:27). Hindi “buhay na walang hanggan” kundi simpleng “buhay” ang isyu sa 1:4; 3:36; 5:21; 6:33, 35, 48, 51, 53, 63; 8:12; 10:10; 14:6 at 20:31).

Isang sulyap sa iba pang pahayag ni Juan tungkol sa kaligtasan

Maraming ibang konteksto ng kaligtasan sa Juan ang nakapokus hindi sa buhay na walang hanggan kundi sa ibang aspeto at resulta ng kaligtasan.

    Kaligtasan mula sa kasalanan: 1:29; 8:21, 24; 9:24; 13:8-10 (“hinugasan”), 15:3 (“malinis”); 16:8-19.
  • Lumapit sa liwanag: 1:4-5, 9; 3:20-21; 8:12; 11:9-10; 12:35-36, 46.
  • Buhay bilang kalidad: 1:4; 4:36; 5:21, 40; 6:53, 63; 8:12; 10:10; 12:25; 17:2-3 (tingnan ang Mat 16:25; Roma 6:23; Gal 6:8; 1 Tim 6:12, 17-19 kung saan ang “buhay na walang hanggan” ay kwalitatib).
  • Hindi muling magugutom o mauuhaw, kabilang na ang temporal na satispaksiyon sa pangkasalukuyang buhay ng isang tao: 4:10; 6:33, 35; 7:37-38.
  • Ang bagong kapanganakan o paninirahan ng Espiritu Santo: 1:13; 3:3-7; 5:21; 7:39.
  • Pagiging anak ng Diyos o paglapit sa Ama: 1:12; 14:6-7.
  • Kaligtasan mula sa pinal na kamatayan: 5:24; 8:51-52;11:25-26.
  • Pagkamatay ni Jesus para sa mga kasalanan at pagkabuhay na maguli: 1:29; 2:19; 3:14-15; 11:25-26; 12:32-33; 18:32;19:30; 20:27-29.
  • Ligtas o niligtas mula sa kahatulan: 3:17-18; 5:29; 10:9; 12:47.
  • Paniniwala sa kung sino si Jesus: “sa Kaniyang pangalan:” 1:12; 2:23; 3:18; “sa Kaniya:” 2:11; 3:15-16, 18; 4:39; 6:29; 7:31, 39; 7:48; 8:30; 9:36; 10:42; 11:45, 48; 12:37, 42; “ang Cristo:” 1:41; 4:25-26, 29, 42; 6:69; 7:26-27, 31, 41-42; 9:22-3; 10:24-25; 11:27; 20:31; “ang Anak ng Diyos:” 1:49; 3:18; 6:69; 9:35-38; 11:27; 20:31; “mula sa Ama:” 6:46; 8:42; 9:16, 33; 11:42; 16:27-30; 17:21).

Ang pag-aangking ang teksto ni Juan at ang mga salita ni Jesus ay nanghihingi ng paniniwala sa eternal na seguridad ay isang myopikong pananaw ng kaligtasan sa Ebanghelyong ito kung saan ang kaligtasan ay pinag-usapan sa iba’t iba nitong aspeto. Mula sa napakaraming gamit ng mga pasahe kung saan ang pagkakakilanlan ni Jesus ay dapat tanggapin o sampalatayahan, maitataltal ng isa na kung sino si Jesus ang pokus ng nagliligtas na mensahe sa Juan- Siya ang sinugo mula sa Diyos. Ang Kaniyang pagkakakilanlan ang empasis ng prologo (Juan 1:1-18). Hindi rin natin maisasantabi ang sentralidad ng kamatayan at pagkabuhay na maguli ni Cristo, lalo na sa espesyal na empasis dito matapos ang kabanata 12.

Isang sulyap sa iba pang pahayag ni Juan tungkol sa kaligtasan

Kung ang eternal na seguridad ang layon ng pananampalataya ng isang tao, bakit ito binabanggit bilang resulta sa mga pasaheng dinisenyo upang bigyang kasiguruhan ang mga nanampalataya? Sa Juan 5:24 ang layon ng pananampalataya ay “Siya na nagsugo sa akin” at ang resulta ay “buhay na walang hanggan.” Ngunit matapos sabihin iyan, dinagdag ni Jesus, “siya [ang nanampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan] ay hindi darating sa paghatol, ngunit nakalipat mula sa kamatayan patungo sa buhay.” Ang katiyakan ay tungkol sa resulta ng buhay na walang hanggan, hindi hinihingi para magkaraon ng buhay na walang hanggan. Gayun din sa Juan 6:35, sinabi ni Jesus na ang pananampalataya sa Kaniya bilang Tinapay ng Buhay ay mageresulta sa hindi na muli pagkagutom o pagkauhaw (na maaaring unawain bilang satispaksiyon sa buhay na ito at sa eternidad), ngunit hinayag sa v37 ang katiyakan na hindi Niya kailan man itataboy ang mga lumalapit sa Kaniya, at muli sa v39 na hindi Niya maiwawala ang mga binigay ng Ama sa Kaniya. Muli sa Juan 10:27-30, si Jesus ay nagbigay ng katiyakan na ang mga nakarinig sa Kaniya (nanampalataya sa Kaniya) ay may buhay na walang hanggan, hindi mapapahamak at walang makaaagaw sa kanila mula sa Kaniyang kamay o sa kamay ng Kaniyang Ama.

Ang mga pahayag na ito ng eternal na seguridad ay binigay upang bigyang katiyakan ang mga nanampalataya kay Jesucristo. Ang mga ito ay hindi layon, kundi resulta ng pananampalataya sa nagliligtas na mensahe. Kung ang mga nanampalataya kay Jesus ay nanampalataya na sa eternal na seguridad, ang mga katiyakang ito ay hindi na kailangan. Sa halip ginamit ni Jesus ang mga ito bilang kaaliwan sa mga nanampalataya na.

Lagpas sa Ebanghelyo ni Juan

Samantalang ang Ebanghelyo ni Juan ay may tiyak na layong dalhin ang mga tao sa kaligtasan, isang hindi mapatutunayang palagay na sinulat niya ang tanging aklat na may layong magebanghelyo. Bakit susulat si Mateo sa mga Judio malibang ang layon niya ay kumbinsihin silang si Jesus ang Mesiyas? Bakit ang Lukas at Gawa ay nagbabanggit ng mga resulta ng ebanghelyo gaya ng kapayapaan, kapatawaran ng mga kasalanan, at pag-aaring matuwid (hal Lukas 18:14;24:46-47; Gawa 10:40, 43; 13:38-39)? Ang Roma at Galatia ay parehong nagpapaliwanag ng ebanghelyo ngunit ang kanilang paglalarawan ng kaligtasan ay madalas sa termino ng pag-aaring matuwid sa harap ng Diyos. Kung ang pag-aaring matuwid (Roma 3-4) ay dumarating sa pananampalataya sa doktrina ng eternal na seguridad, bakit malaon pa nang ang apostol Pablo ay inubos ang sarili sa elokwenteng pagpapaliwanag ng seguridad sa Roma 8:38-39?

Lagpas sa Kaisipang Judeo-Cristiano

Ang paghingi ng pananampalataya sa Cristianong konsepto ng eternal na seguridad ay nagpapalagay ng isang Cristianong dating pagkaunawa ng buhay na walang hanggan bilang pananahan kasama ang Diyos magpakailan pa man. Ngunit paano ang konseptong ito maisasalin sa isang Hindu na marahil nakikita ang buhay na walang hanggan bilang walang katapusang siklo ng reinkarnasyon, o sa Budistang ang pagkaunawa ng buhay na walang hanggap ay ang pakikiisa sa kawalan, o sa isang ateista na walang konsepto ng buhay matapos ang buhay na ito? Ang ebanghelyo bang ihaharap sa kanila ay kailangang magpaliwanag ng Cristianong konsepto ng buhay na walang hanggan at eternal na seguridad, o sila ba ay makalalapit upang manampalataya kay Cristo para sa kapatawaran ng kasalanan, katuwiran sa harapan ng Diyos, bagong buhay o kaligtasan mula sa kahatulan?

Pagbubuod

Bagama’t maitataltal nating ang isang taong nanampalataya kay Jesucristo para sa buhay na walang hanggan ay dapat maunawaang ang eternal ay naghihingi o nagpapahiwatig na hindi mababawi, ito ay maaaring hindi inisyal o eksplisit na maunawaan; maaaring ni hindi nga ito nagrehistro sa kanilang radar. At hindi rin ito ekslusibong paraan ng pagpapahayag ni Juan at ni Jesus ng mensahe ng ebanghelyo (o maging ni Lukas o ni Pablo man). Bukod diyan, malinaw na nakikita ang buhay na walang hanggan hindi lamang sa kaniyang linyear o kwantitatib na diwa, kundi bilang kalidad ng relasyon sa Diyos: “At ito ang buhay na walang hanggan, na makilala Ka nila, ang tanging tunay na Diyos, at si Jesucristo na Iyong sinugo” (Juan 17:3, may dagdag diin). Ang ebanghelyo ni Juan ay hindi humihingi ng pananampalataya sa buhay na walang hanggan “na hindi maiwawala.” Siyempe, maiiging ibahagi ang eternal na seguridad sa pagbabahagi ng ebanghelyo. Kapag naunawaan, ginagawa nito ang pangako nang kaligtasan na mas kahangahanga. Ngunit kailangan nating maihiwalay kung ano ang layon at ang kundisyon ng kaligtasan mula sa resulta ng kaligtasan. Maraming resulta ang kaligtasan, na maaring kumain ng oras bago lubos na maunawaan ng isang tao. Ang doktrina ng eternal na seguridad ay isang kahangahanga at nakaaaliw na katiyakan na ang mga may buhay na walang hanggan ay hindi ito maiwawala, ngunit ang hingiin na ang hindi ligtas na tao ay maunawaan ito upang maligtas ay isang hindi kinakailangang karagdagan sa nagliligtas na ebanghelyo. Ang taong nanampalataya sa Panginoong Jesucristo bilang kanilang Tagapagligtas na namatay para sa kanilang mga kasalanan at muling bumangon ay sapat na para sa kaligtasan.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes