GraceNotes
   

   Dapat Mo Bang Putulin Ang Iyong Mga Kamay?

Ang Marcos 9:43-50 ay isa sa pinakamahirap na pasahe sa Bagong Tipan. Sa ibabaw, tila tinuturo ni Jesus na dapat putulin ng isang mananampalataya ang kaniyang kamay/paa/mata upang siya ay huwag magkasala. Sa iba tila iminumungkahi nitong ang mananampalatayang nagkasala ay maiwawala ang kaniyang kaligtasan at mapupunta siya sa impiyerno. Ngunit para sa mga nanananampalataya sa kaligtasan sa biyaya, ang paliwanag na ito ay hindi gumagana. Ano kung ganuon ang sinasabi ni Jesus?

Ilang obserbasyon

Ang pagtingin sa ilang mga detalye ay makatutulong sa ating unawain ang matinding lengguwahe sa vv 43-48. Una, mahalaga ang konteksto. Ang sukdulang mga pahayag ni Jesus ay bahagi ng isang seksiyon mula sa v. 33 at nagtatapos sa v. 50. Kasunod ng pagtatalo ng mga alagad kung sino ang pinakadakila sa lahat, tinuro ni Jesus ang tunay na kadakilaan. Ipinahayag Niyang ang tunay na kadakilaan ay matatagpuan sa pagtanggap at pagpahalaga ng mga taong madalas ituring na walang signipikansiya, gaya ng Kaniyang halimbawa sa Kaniyang saloobin sa mga munting bata (vv. 36-37), na kabaligtaran sa maling saloobin ng mga alagad tungo sa mananampalatayang mahina o kulang ng impormasyon at hindi nakikihalubilo sa kanila (vv. 38-41). Ang reperensiya sa “sa mga mumunting itong nanampalataya sa Akin” sa v. 42 ay lumilingon sa mananampalatayang kulang sa impormasyon, ngunit ang pangmaramihang bilang ay tila sinasama ang mga mananampalatayang bata. “Ang mga munti” ay hindi tumutukoy sa laki o sa edad, kundi sa imaturidad ng pananampalataya ng isang tao. Ang matinding kapalaran ng paghulog sa dagat nang may taling batong gilingang-bato sa leeg (v. 42) ay nagpapakita kung gaano kaseryosong huwag maging dahilan ng pagkatisod o pagkasala ng mga mananampalatayang hindi pa ganap.

Ikalawa, alam nating ang kamay, paa at mata ay hindi aktuwal na dahilan ng kasalanan kundi ang pamamaraan kung paano natin isinasagawa ang kasalanan. Itinuro pa lang ni Jesus sa kabanata 7 (lalo na sa vv. 20-23) na ang kasalanan ay nagmula sa puso na dumudumi sa makasalanan.

Ikatlo, hindi aktuwal na sinabi ni Jesus na ang kasalanang pinag-uusapan ay magdadala sa taong gumawa nito sa impiyerno bagama’t ito ay imperensiya ng karaniwang mambabasa. Sa katotohanan, ang kasalanan ay nagawa na. Pagkatapos na ang kamay/paa/mata “ay magpatisod sa iyo” saka lamang ipinayo ang pagputol nito. Samakatuwid ang kasalanang pinag-uusapan ay hindi dahilan upang ang tao ay tumungo sa impiyerno, kung ito man ay babala laban sa kaniya.

Ikaapat, ang kasalanan ay espisipiko at matindi. Ang mga hakbanging ito ay hindi kailangan para sa mas mahinang mga uri ng kasalanan. Kapit pa sabihing ang lengguwahe ay pagmamalabis, na tiyak na oo, ang pwersa ng paglalarawan ay nagbibigay-diin kung gaano katerible ang kasalanan. Mayroon lamang isang kasalanang nabanggit sa konteksto, at ito ay parehong espisipiko at matindi- dahilang upang “ang mga mumunting nanampalataya kay [Kristo] ay matisod” (v. 42).

Ikalima, tila hiwalay kay Jesus na magbabala laban sa pagiging dahilan upang ang iba ay magkasala (v. 42) at biglang liko upang magsalita tungkol sa sariling kasalanan (vv. 43ff). Samakatuwid, tila baga ang mga kasalanan dahil sa kamay/paa/mata ay may koneksiyon sa ating kilos o kung paano natin naiimpluwensiyahan ang mahinang mananampalataya sa v. 42. Ang koneksiyong tugma ay ito: Ang mga kasalanan ginagawa ng mga alagad ay maaaring maghikayat sa mga mananampalatayang hindi pa sakdal na magkasala rin. Ito ang paliwanag kung bakit ang diin ay nasa panlabas na kamay/paa/mata at hindi sa puso gaya ng kapitulo 7. Ang isang alagad ay hindi maidadala ang mahinang mananampalatayang magkasala sa puso lamang; kailangan itong maisagawa upang makita.

Ikaanim, may paghahambing sa pagitan ng pansamantalang pagkawala ng kamay/paa/mata at sa walang hanggang paghihirap sa impiyerno. Oo sa kaharian, ang mga katawan ay ibabalik sa kabuuan, kalusugan at walang pilay. Kung tayo ay magiging tapat sa Kasulatan, tanging mga mananampalataya lamang ang papasok sa kaharian at tanging mga hindi mananampalataya ang pupunta sa impiyerno.

Isang minumungkahing interpretasyon

Kung ganuon tila sinisikap ni Jesus na hikayatin sila sa kadakilaan sa pamamagitan ng paggawa ng paghahambing sa pagitan ng mga tutungo sa kaharian at ng mga tutungo sa impiyerno. Ang kadakilaan ay nagmumula sa pagkilala sa mga taong madalas na ituring na walang halaga. Lalo’t dapat pahalagahan ang mga mananampalatayang hindi pa sakdal, at hindi ang akitin sila sa kasalanang sisira sa kanilang mahinang pananampalataya. Samakatuwid ang mga alagad ni Jesucristo ay dapat na itakwil, o putulin, ang kanilang mga pagnanasang magiging dahilan para sa kanilang magkasala sa harap ng mahihinang mananampalataya. Ito ay maaaring mahirap at masakit at maaaring maging dahilan para sa ilang alagad na pumasok sa kaharian na may pakiramdam ng pagkalugi. Ngunit ang pansamantalang pakiramdan ng pagkalugi ay halatang mas mahusay kaysa sa panghuling hangganan ng mga hindi mananampalatayang nagkakasala nang walang habas at walang pakialam sa epekto sa mga nasa paligid nila at papasok sa impiyernong buo upang maghirap magpakailan pa man. Sa madaling salita ang mga alagad ay hindi dapat magluksa sa mga kalugihan sa buhay na ito kapag kanilang inalay ang mga pagnanasa alang-alang sa iba, dahil ang pagtitiis ng ganiyang maikling kalugihan ay wala ikumpara sa hindi mananampalatayang nagpakasasa sa kasalanan at magtitiis ng walang hanggang impiyerno.

Isang ilustrasyon

Halimbawa, ang isang lalaki ay maaaring matuksong lokohin ang kaniyang asawa at mangalunya sa ibang babeng kaniyang inibig. Ang gawin ito ay maaaring hikayatin ang mahihinang mga mananampalataya na bigyang katuwiran ang kaparehong kasalanan sa kanilang mga buhay. Bilang alagad ni Jesucristo, dapat putulin ang pagnanasa o relasyon at tiisin ang pansamantalang pakiramdam ng pagkalugi, yamang nalalaman niyang ang hindi mananampalatayang malayang mangalunya sa buhay na ito,ay nakatalaan sa teribleng hinaharap sa impiyerno. Dapat niyang alalahaning ang kaniyang kapalaran ay sa kaharian at maging mapagpasalamat sa pribilehiyong tanggihan ang kaniyang sarili upang sumunod kay Jesus at paglingkuran ang iba, na ito ang tunay na kadakilaan.

Apoy at asin

Ang interpretasyong ito ay sinusuportahan ng kaparehong mahirap na sitas 49-50. “Sapagkat bawat isa’y aasinan ng apoy” ay paliwanag nang nabanggit na kanina. Tila tinutukoy ni Jesus ang apoy na hahatol sa gawa ng lahat. Ang mga pagpipili at aksiyon ng isang mananampalataya ay hahatulan at gagantihan ayon sa kahatulang ito (1 Cor 3:12-15), ganuon din ang hindi mananampalataya (Pah 20:12-13). Ang mga alagad na tinanggihan ang kanilang mga sarili para kay Cristo ay “inaasinan” ang mga sakripisyong ito, isang pigurang naghahayag ng kalugud-lugod at atraktibong kalikasan ng mga sakripisyo, sapagkat “ang asin ay mabuti” at minsan ay ginagamit sa “pagtimpla” ng mga sakripisyo sa Lumang Tipan (Lev 2:13). Ang v. 50 ay isang akmang pagtatapos ng seksiyong ito. “Magkaroon kayo ng asin sa inyong mga sarili” ay isang pangaral na atraktib sa lahat ng tao (na may saloobing mala-Cristo na nagpapahalaga sa mga ito), at “ang magkaroon kayo ng kapayapaan sa bawa’t isa” ay sumasalamin sa naunang inisyal na pagtatalo tungkol sa kadakilaan sa pasimula ng seksiyong ito.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes