GraceNotes
   

   Ang Kristiyano at Apostasiya

Sa pagkagamit dito, ang apostasiya ay ang pagtalikod o pagtakwil sa Cristianong pananampalataya ng isang taong minsang nanghawak dito. May ilang pananaw sa kung ano ang nangyayai sa isang taong iniwan ang pananampalataya. May ilang nagsasabi na ang tunay na Cristiano ay hindi tatalikod kailan man. Ang ilan ay nagsasabi na ang tunay na Cristiano ay maaaring umalis sa pananampalataya, ngunit maiwawala niya ang kaniyang kaligtasan. Ang iba ay nagsasabing ang isang tunay na Cristiano ay maaaring lisanin ang pananampalataya, at marahil ay hindi na babalik, ngunit hindi niya maiwawala ang kaniyang kaligtasan bagama’t maaaring magbata siya ng ibang konsekwensiya.

Ang apostasiya ay malinaw na makikita sa BIblia

Madaling maipakita na ang apostasiya ay tinuturo o makikita sa Biblia. Bigyang pansin ang mga pasaheng ito:

  • Tinatwa ni Pedro ang Panginoon, Lukas 22:34, 54-62
  • Ang hinirang na bansa ng Diyos, ang Israel ay tumigil manampalataya, Roma 3:1-3; 10:16-21.
  • Hinula ni Pablo ang apostasiya sa mga huling araw, 1 Tim 4:1-3.
  • Ang babala ng 1 Timoteo 4:16 ay nagpapahiwatig na ang isang Cristiano ay maaaring tumalikod sa pananampalataya.
  • May mga biyuda sa iglesia na “tumalikod at sumunod kay Satanas.” 1 Tim 5:14-15.
  • Inilarawan ni Apostol Pablo ang mga huwad na mangangaral na naligaw mula sa pananampalataya, 1 Tim 6:20-21.
  • Ang mga nang-iwan sa Apostol Pablo at kumalaban sa kaniya (2 Tim 1:15; 4:9-10, 14-16) ay dapat turuan nang may kahinahunan upang sila ay makatakas sa bitag ni Satanas, 2 Tim 2:24-26.
  • Naligaw si Hymenaeus at Philetus mula sa katotohanan, 2 Tim 2:17-18
  • Ang mga nasa kamalian ay maaaring ibaliktad ang pananampalataya ng iba, 2 Tim 2:18.
  • Ang Aklat ng Hebreo ay isinulat para sa mga delikadong tumalikod sa pananampalataya. Heb 2:1-3; 3:12; 5:4-6; 10:26-39; 12:25

Ang tunay na Cristiano ay makatatalikod sa pananampalataya

Malinaw sa mga pasaheng nalilista sa itaas na ang mga tumalikod ay mga tunay na Cristiano, dahil kung hindi ang mga paglalarawan, babala at pangangaral ay walang laman at walang halaga. Ang ideya na ang isang tao ay maliligaw mula sa isang bagay ay nagpapahiwatig na minsan silang nanghawak dito. Ang isang tao ay hindi makatatalikod sa isang bagay o isang lugar na hindi niya naranasan.

Ang mga tunay na Cristiano ay hindi maiwawala ang kaligtasan

Wala sa alin man sa halimbawang nilista sa itaas ang nagbabanggit ng impiyerno o pagkawala ng kaligtasan bilang resulta ng pagtalikod sa pananampalataya. Ang konklusyong iyan ay pinatatakbo ng teolohiya. Ang kaparusahang hinahaap ng mga tumalikod sa pananampalataya sa Hebreo ay matindi, ngunit hindi ito tumutukoy sa impiyerno (tingnan ang Tala ng Biyaya 34 “Ang Hebreo Tungkol sa Apoy”). Maraming pasahe ng Biblia ang nagtuturong ang kaligtasan ay hindi maiwawala (tingnan Tala ng Biyaya 24 “Eternal na Kasiguruhan”).

Bagama’t may ilang nag-iisip na ang nagpapatuloy o seryosong kasalanan ay magiging dahilan upang maiwala ng isang Cristiano ang kaniyang kaligtasan, ang ilan ay nagsasabing ang kaligtasan ay maiwawala lamang kung ang isang tao ay tumigil manampalataya sa ebanghelyo at sa Cristianong pananampalataya. Sinasabi nilang ang pangkasalukuyang panahon ng pandiwang “manampalataya” sa mga pasaheng kaligtasan gaya ng Juan 3:26 at Juan 20:31 ay nagpapahiwatig na ang buhay na walang hanggan ay nakakundisyon sa nagpapatuloy na pananampalataya. Ngunit ito ay hindi malinaw na pagkaunawa ng pangkasalukuyang panahon. Ang pangkasalukuyang panahon ay maaaring gamitin sa isang minsanang gawain (hal. Juan 6:33. 50; Gawa 9:34). Bukod diya, ang pananampalataya bilang kundisyon ng buhay na walang hanggan ay minsang inihahayag sa panahunang aorist, na nagpapahiwatig ng isang natapos na aksiyon (Gawa 2:44; 4:32; 8:13; 16:31). Ang pangkasalukuiyang panahon ng Juan 20:31 ay maaaring nagbibigay diin sa nagpapatuloy na karanasan ng buhay na walang hanggan ng Diyos na tinukoy ni Jesus bilang saganang pamumuhay (Juan 10:10) o pagkakilala sa Diyos (Juan 17:3). Ang inisyal na pananampalataya sa ebanghelyo ay nagdadala ng walang hanggang kaligtasan. Ang nagpapatuloy na pananampalataya ay hindi kundisyon sa kaligtasan, ngunit pagtatamasa ng buhay ng Diyos na nasa atin (Roma1:17; Gal 2:20).

Ang mga tunay na Cristiano ay maaaring tumalikod sa pananampalataya at magbata ng matinding konsekwensiya

Ang pananaw na ito ay may matinding suporta mula sa Biblia. Maraming pasahe ang nagbabanggit ng disiplina ng Diyos sa mga mananampalatayang tumalikod sa pananampalataya (gaya ng mga babala sa Hebreo). Isa sa mga nakatutulong na pasahe ay ang 2 Timoteo 2:11-13:

Tapat ang pasabi: Sapagkat kung tayo’y nangamatay na kalakip Niya, ay mangabubuhay naman tayong kasama Niya. Kung tayo’y mangagtiis ay mangaghahari naman tayong kasama Niya; kung ikaila Siya ay ikakaila naman Niya tayo. Kung tayo’y hindi mga tapat, Siya’y mananatiling tapat sapagkat hindi makapagkakaila sa Kaniyang sarili.

Ang v11 ay malinaw na nagbabanggit ng ating pakikiisa kay Cristo na konsekwensiya ng ating kaligtasan (Roma 6:3-5; Gal 2:20), ang mga ligtas ay mamumuhay magpakailan pa man kalakip ni Cristo. Ito ay sapat na nagbabanggit ng kaimposiblehan na maiwala ang kaligtasan. Ang v12 samantala ay nagbabanggit ng ibang kundisyon at ibang konsekwensiya. Ang kundisyon ay pagtitiis o pagtatagal na madalas ipayo sa mga Cristiano (hal 2 Tim 2:3; Heb 10:23, 36; 12:1; San 1:2-4, 12) at tumutukoy sa pagtitiis sa gitna ng mga pagsubok at paghihirap. Ang konsekwensiya ng paghahari ay hindi tumutukoy sa kaligtasan kundi sa gantimpala sa katapatan- paghaharing kalakip ni Cristo sa Kaniyang kaharian. Ang gantimpalang ito ay malinaw na tinuro sa ibang pasahe (Lukas 19:11-19; Pah 2:26-27; 3:21; Pah 22:3-5). Kung ating ikakaila si si Cristo sa pamamagitan ng hindi pagtitiis nang may katapatan sa mga pagsubok, ikakaila Niya rin sa atin ang Kaniyang pagsang-ayon at gantimpala (cf Mat 10:33; Lukas 19: 20-27). Ang v13 ay nagbabanggit ng iba na namang sirkumstansiya. Kung tayo ay “hindi tapat” (apisteuo, walang pananampalataya, hindi nananampalataya; cf Roma 3:3), ang Diyos ay nananatiling “tapat” (pistos). Saan tapat ang Diyos? Tapat Siya sa Kaniyang pangako na mabubuhay tayong kasama Niya magpakailan pa man gaya ng isinasaad sa v11 (cf Juan 3:16; 5:24’ 11:24-26). Hindi ito tumutukoy sa v12 dahil ito ay may intensiyong mang-aliw. Hindi lapat na umapela sa positibong katangian ng katapatan ng Diyos upang iapirma ang negatibong paghatol ng Diyos.

Ang 2 Timoteo 2:11-13 ay isang seryosong apirmasyon ng ating walang hanggang kaligtasan na hindi maiwawala (salungat sa gantimpala ng paghaharing kasama ni Cristo). Kahit pa tumigil tayong manampalataya o tayo ay hindi maging tapat, ang Diyos ay mananatiling tapat sa Kaniyang pangako na iligtas tayo magpakailan pa man. Ang isang mahusay na halimbawa ay ang Israel, na ngayon ay nagtatakwil kay Cristo at nasa ilalim ng disiplina ng Diyos, ngunit sa isang araw ay maibabalik sapagkat ang Diyos ay tapat sa Kaniyang mga ginawang pangako sa mga patriarka ng Israel (Roma 3:3-4; 11:25-32) at ang Kaniyang mga kaloob ay hindi binabawi (Roma 11:39).

Pagbubuod

Bilang mga Cristiano maaari tayong malayo sa pananampalataya, itakwil ang pananampalataya, o tumigil na manampalataya kay Cristo bilang ating Tagapagligtas. Ang isang Cristiano ay maaaring iwan ang pananampalataya ngunit ang Diyos ay hindi iiwan ang Cristiano kailan man. Ang apostasiya sa pananampalataya ay hindi pagkawala ng kaligtasan bagama’t ito ay maaaring magwala ng mga gantimpala sa hinaharap.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes