GraceNotes
   

   Ang Kapanganakang Muli at Binagong Buhay

Ang Biblia ay nagbabanggit ng kapanganakang muli, o ng espirituwal na bagong kapanganakan, sa nagkailang pasahe. May binanggit si Jesus tungkol sa “kapanganakang muli” o mas literal na, kapanganakan mula sa itaas (Juan 3:3, 7). Sa Tito 3:5, ang Apostol Pablo ay gumamit ng ibang salita na nangangahulugang “pinanganak muli”, at madalas isalin bilang kapanganakang muli. Ang bagong kapanganakn ay nabanggit din o ipinahiwatig sa ibang pasahe (Juan 1:13; 1 Ped 1:3, 23; San 1:18; 1 Juan 4:7; 5:1, 4, 18). Ang bagong kapanganakang dumating sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo ay ang pagtanim ng dibinong buhay sa isang kaluluwang patay sa kasalanan. Ilang tanong na madalas itanong tungkol sa bagong kapanganakan ay: Ang bagong kapanganakan ba ay tiyak na magbubunga ng binagong buhay? Ang binagong buhay ba ay patunay kun ganuon ng kapanganakang muli? Ang binagong buhay ba ay nagbibigay ng katiyakan ng bagong kapanganakan?

Ang bagong kapanganakan ba ay tiyak na magbubunga ng binagong buhay?

Ang ating napagbuod ay Oo. Maraming dahilan para paniwalaang ganuon nga. Bigyang pansin ang mga ito:

  • Ang isang mananampalataya kay Cristo bilang Tagapagligtas ay tiyak na mas magtitiwala sa Kaniya sa ibang bagay ng buhay.
  • Ang isang mananampalataya ay may mga aral ng Salita ng Diyos na nangangaral ng binagong buhay.
  • Ang isang mananampalataya ay may buhay ni Cristo sa kaniya na maninipesta sa pamamagitan niya sa ilang paraan.
  • Ang isang mananampalataya ay may Espiritu Santong naninirahan sa kaniya na mag-iimpluwensiya at magbabago sa kaniya.
  • Ang isang mananampalatayang nakauunawa ng biyaya ng Diyos ay motibadong mabuhay nang may pasasalamat at makadiyos.
  • Ang isang mananampalataya ay maaaring makaranas ng disiplina ng Diyos dahil sa pagsuway.
Bagama’t ang ating tugon ay oo, ito ay maingat na oo dahil kailangan nating amining ang mga ito ay imperensiya base sa mga katotohanang nalista sa taas. Walang pahayag sa teksto tungkol sa kapanganakang muli ang naggagarantiya ng binagong buhay. Ang ilan ay maaaring italtal na ang 2 Corinto 5:17 ay naggagarantiya ng binagong buhay: “Kaya’t kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya’y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y pawang naging mga bago.” Ngunit ano ang tinuturo ng sitas na ito sa konteksto? Tunay na ang “mga dating bagay” ay hindi tumutukoy sa kasalanan dahil ang lahat ng Cristiano ay nagkakasala, gayundin ang “lahat ng bagay” na “naging bago” ay hindi tumutukoy sa gawi ng isang tao dahil muli, taglay pa rin ng mga Cristiano ang kanilang personalidad, hilig, gawi at maging mga kasalanan. Ang konteksto ay hindi tungkol sa binagong gawi. Ang sinasabi ni Pablo sa Iglesia Corinto ay hindi na niya minamasdan ang mga tao nang “ayon sa laman” o ayon sa kanilang pantaong sirkumstansiya (gaya kung sila ba ay Judio o Gentil) dahil ang kaniyang bagong relasyon kay Jesucristo ay radikal na binago ang kaniyang pananaw (5:16). Nagmumuni si Pablo kung paano dati kaniyang binalewala si Jesus bilang Mesiyas dahil sa Kaniyang pantaong sirkumstansiya (halimbawa ang Kaniyang mababang kapanganakan, bulnerabilidad, nakahihiyang kamatayan), ngunit ngayon mayoon siyang bagong pananaw tungkol sa Kaniya. Gayun din, nais niyang ang mga taga-Corinto ay matanto ang bagong pananaw na ito na dumarating mula sa kanilang bagong realidad ng pakikipagkasundo sa Diyos at dineklarang matuwid kay Cristo (5:18-21). Kung ganuon ang pagbabagong binabanggit dito ay ang pagbabago sa katayuan ng isang mananampalataya sa harap ng Diyos at ang resultang pagbabago ng pananaw sa sanlibutan at sa iba.

Ang iba ay sisipi ng mga pasaheng gaya ng Santiago 2:14-26, Mateo 7:15-23; Juan 15:6 o ang iba ay mula sa 1 Juan ngunit ang mga pasaheng ito ay hindi tungkol sa pagpapatunay ng kaligtasan o kapanganakang muli ng isang tao. (Para sa mga pag-aaral sa mga ito at iba pang mga pasahe, tingnan Ang Tala ng Biyaya Bilang 2, 13, 53, 54, 57, 59, 60, 61, 62.).

Ang binagong buhay ba ay patunay ng kapanganakang muli?

Ito ay ibang tanong, isang tanong na kailangang sagutin ng hindi. Ito ang dahilan kung bakit:

  • Ang binagong buhay ay maaaring magresulta mula sa ibang dahilan bukod sa kapanganakang muli.
  • Ang panlabas ng pagbabago ng isang tao ay hindi garantiya na kahalintulad sa kaniyang panloob.
  • Walang obhetibong pamantayan para sa isang mananampalataya o maging sa tagamasid na nageespisipika kung ilang pagbabago ang kailangan upang patunayan ang bagong kapanganakan.
  • Ang binagong buhay ay nag-iiba-ba sa antas at bilis para sa bawat tao.
  • Ang binagong buhay ay maaaring bumalik sa dating buhay.
  • Ang isang mananampalataya ay maaaring walang pinapakitang bunga o maaaring magpatuloy sa kasalanan.
  • Ang paghatol kung ang isang buhay ba ay talagang binago ay nangangailangan ng omnisensiya at patuloy na pagmamasid sa taong iyan.
Dahil sa lahat ng kundisyong ito, imposibleng patunayan na ang sinuman ay ipinanganak na muli base sa kaniyang panlabas na gawi o pagbabago.

Ang binagong buhay ba ay nagbabigay katiyakan ng kaligtasan?

Ito ay madali nating masasagot na Hindi. Dahil sa mga rason na nalista sa taas, imposibleng magkaroon ng katiyakan mula sa binagong panlabas na buhay o mula sa gawi ng isang tao. Ang katiyakang nakabase sa biyaya ay hindi nagmumula sa mga gawa; ito ay nanggagaling sa pananampalataya sa ebanghelyo ni Jesucristo (Roma 4:4; 11:6; Ef 2:8-9). Ang pinakamasasabi natin ay ang binagong buhay ay maaaring (o maaaring hindi) ebidensiya ng kapanganakang muli,ngunit hindi tayo makakahugot ng tiyak na pagbubuod. Ang tanging “patunay” ng kaligtasan ay ang pananampalataya ng isang tao kay Jesucristo (Ang Kaniyang Persona, ang Kaniyang probisyon, at ang Kaniyang pangako). Siyempre, ang pananampalataya ng isang tao ay nalalaman lamang ng may katiyakan ng taong iyan at ng Diyos. Hindi tayo makatitiyak ng kaligtasan sa pamamagitan ng paghatol sa ating mga gawa o gawi, kundi sa pagtitiwala kay Jesucristo bilang ating kasapatan sa pagtanggap sa harap ng Diyos.

Pagbubuod

Ang Diyos ay nagbibigay ng dibinong buhay sa sinumang nanampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtas, na nagbabgo ng espirituwal niyang buhay at katayuan sa Diyos. Mabubuod nating binabago nito ang gawi ng isang tao bagama’t walang teksto sa biblia na hayag na sinasabi ito. Ang buod na ito ay imperensiya mula sa kabuuan ng turo ng Kasulatan. Ang malinaw ay ang panlabas na gawi, o ang “binagong buhay” ay hindi awtomatiko, at ito ang dahilan kung bakit marami tayong paalala sa Bagong Tipan. Ngunit ang binagong buhay ay ang intensiyon ng Diyos para sa atin (Ef 2:10) at ang pagkaunawa ng Kaniyang biyaya ay nagtuturo sa ating mamuhay nang maka-Diyos na pamumuhay (Tito 2:11-12). Ang kapanganakang muli ay humihingi, may intensiyon, nagsimula, at nagbibigay ng pangangailangan sa binagong buhay, ngunit hindi nito magaganarantiyahan ang nakikitang pagbabago sa mananmpalataya o sa iba at kung ganuon ay hindi sapat bilang pinal na katunayan ng kaligtasan. Ang biyaya ng Diyos ang sapat na garantiya.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes