GraceNotes
   

   Katiyakan at Pag-asa sa Colosas 1:21



21 At kayo, na nang dati ay hiwalay at mga kaaway sa pag-iisip, sa pamamagitan ng masasamang gawa, 22 ay pinakipagkasundo niya ngayon sa kanyang katawang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo’y iharap ng mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya, 23 kung kayo’y nagpapatuloy na matatag at matibay sa pananampalataya, at hindi nakikilos sa pag-asa sa ebanghelyo na inyong narinig... - Col. 1:21-23

Ang maling gamit ng pasaheng ito ay madalas na nagpapanghina sa katiyakan ng mananampalataya. Ang maling mga paliwanag ay madalas nagsisimula sa palagay na ang “iharap ng mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan Niya” ay nangangahulugang pagpasok sa langit. Ang tipikal na paliwanag ng mga Arminian ay nakikita rito ang kaligtasan-paghaharap bilang nakadepende sa katapatan ng mananampalataya sa kaniyang gawi at sa ebanghelyo. Sa madaling salita, ang kaligtasan ay maaaring mawala. Ang karaniwang paliwanag ng mga Reformed ay tinitingnan ang pasaheng ito sa pamamagitan ng lente ng pagtitiis. Nakikita nila ang kundisyunal na “kung kayo’y nagpapatuloy” na tumutukoy pabalik sa pagkakasundo ng sitas 21 at paghaharap sa sitas 22, na kanilang pinanghahawakan bilang pagpasok sa langit. Kung ang isang inaakalang Cristiano ay hindi makatiis (magpatuloy) sa katapatan sa gawi at sa pananampalataya sa ebanghelyo, pinakikita lamang nito na ang tao ay hindi talaga tunay na Cristiano (o naipagkasundo) sa simula pa lamang.

Dalawang interpretasyon ang umiiwas sa mga butas teolohikal na ito at gumagamit ng mas maiiging paggamit ng teksto at ng konteksto. Ang unang interpretasyon ay nagpapalagay na ang “kung” ay tumitingin sa pagkakasundo at/o paghaharap, ngunit nagpapalagay rin na ang paghaharap ay tumutukoy sa pinal na kaligtasan. Ang mga nanghahawak sa pananaw na ito ay pinapaliwanag na ang konstruksiyong Griyego ng kundisyunan na “kung” ay nagpapahayag ng kumpiyansa, at hindi kawalan ng katiyakan. Sa madaling salita, ang apostol ay nagsasabing “kung... at tiyak kung kayo ay...” Samakatuwid ang “kung” na sa isang pakinig ay tila kundisyunal ay nangangahulugan talagang “sapagkat.” Subalit, ang katiyakang ito ay hindi laging maipalagay sa uring ito ng pahayag na kundisyunal sa Griyego.

Ang mas maiiging interpretasyon ay kinukuha ang paghaharap ng sitas 22 bilang paksa ng “kung.” Hindi lamang iyan, ang paghaharap ay hindi tumutukoy sa kaligtasan o sa pagpasok sa langit, kundi sa prospekto ng pagsusuri ng isa sa hukuman ni Cristo, ang bema. Sa pananaw na ito, nagpapahayag ang apostol na ang katapatan sa gawi at ang tiyak na pag-asa sa pangako ng ebanghelyo ay magbibigay ng banal, walang dungis at walang kapintasang buhay sa bema. Ang pananaw na ito ay kapuripuri sa maraming dahilan:

  1. Ito ay tama at konsistent na pinapalagay ang ligtas na kalagayan ng mga mambabasang taga-Colosas. Hindi si Pablo sumusulat sa mga nagkukunwaring Cristiano, kundi sa mga “banal at tapat na kapatid kay Cristo” (1:2) na may reputasyon sa pananampalataya at pag-ibig (1:3) at naligtas mula sa kapangyarihan ni Satanas patungo sa kaharian ni Cristo (1:13), at mga tinubos (1:14) at naipagkasundo (1:21). Nakalilito at walang konsistent para kay Pablo na sabihan silang pinagkasundo sa Diyos sa sitas 21 at pagkatapos ay gawing walang katiyakan o kundisyunal sa sitas 23! Bukod diyan, ang mga hindi mananampalataya ay walang pananampalatayang nagpapatuloy!
  2. Hindi nito ginagawa ang kaligtasan na nakadepende sa magagawa ng mananampalataya kundi konsistent sa ebanghelyo ng libreng biyaya na binigyang diin ni Pablo sa 1:5-6 at pinaalala muli sa sitas 23.
  3. Pinapagtibay nito ang naihayag nang konsepto sa 1:3-5 na ang bunga ng pag-asa ay sanktipikasyon. Dito ang mga taga-Colosas ay pinuri sa kanilang “pananampalataya kay Jesucristo” at sa kanilang “pag-ibig sa lahat ng mga banal.” Ang pananampalataya at pag-ibig na ito ay “dahil sa pag-asa na nalagak sa langit para sa inyo.” Ang pag-asa (bilang kapahayagan ng pagnanasa at ekspektasyon at napakalapit ang kahulugan sa pananampalataya) ay nagpapasigla ng buhay ng pananampalataya kay Cristo ay pag-ibig sa iba.
  4. Ito ay konsistent sa hindi absolute na diwa ng espiritwal na maturidad, na pinahayag bilang layunin ng ministri ng apostol sa 1:28: “na maiharap ang bawat tao na ganap kay Cristo Jesus.” Ang paghaharap na ito ay hindi upang ikwalipika ang isa na maligtas, kundi upang ikwalipika ang isa na ganap o matyur.
  5. Ang konsepto ng pagharap nang may pagtanggap sa harap ng Panginoon ay masusumpungan sa ibang bahagi ng Bagong Tipan (2 Cor 4:14; 11:2; Efeso 5:27; 1 Tesalonica 5:23; Judas 24). Ginamit ng Roma 14:10 ang parehong pandiwa (paristemi) upang tukuyin ang pagharap ng mananampalataya sa harap ng Panginoon sa hukuman ni Cristo.
  6. “Sa Kaniyang paningin” (na maaaring maisalin bilang “sa harap Niya”) ay nagpapaalala ng pagsusulit ng mananampalataya sa harap ng Panginoon sa hukuman ni Cristo, kung saan ang bawat mananampalataya ay susuriin at gagantimpalaan ayon sa kaniyang mga gawa (Roma 14:10-12; 1 Cor 3:13; 2 Cor 5:10).
  7. Ang kwalitatib na terminong “banal, walang dungis at walang kapintasan” ay hindi ginagamit na absolut o porensik, kundi nagpapakita ng relatib na sanktipikasyon na siyang layunin ng mananampalataya (1:28). Ginamit sila sa kaparehong paraan bilang mga termino sa kwalipikasyon ng imperpektong matatanda at diakono (1 Tim 3:1-10; Titus 1:5-9).
Ang pag-abot ng layuning ito, na maiharap na “banal, walang dungis at walang kapintasan sa harap Niya” ay nakapende sa kanilang hindi pagkagalaw palayo sa kanilang pag-asa, na kanilang narinig at pinanampalatayahan sa ebanghelyo. Napansin natin na sa katotohanan sila ay nakarinig at tumanggap ng pag-asang ito sa ebanghelyo. Samakatuwid ang babala ay huwag silang lumayo sa posisyun ng kumpiyansa sa kanilang hinaharap at kasalukuyan tinatamasa. Ang pag-asa ay ang sinepete ng kanilang espiritwalidad. Ang pasahe ay nagpapaalala ng Hebreo 6:18-19 kung saan ang pag-asa ay tinawag na “sinepete ng kaluluwa,” na nagdadala sa atin sa harapan ng Diyos, ang pinakaligtas na lugar na posible. Ang mga taga-Colosas ay maaabot lamang ang kanilang espiritwal na layunin kung sila ay mananatili sa ligtas na pier na ito habang nakasipete kay Cristo mismo.

Pagbubuod

Ang pasaheng ito ay hindi nagbabanggit ng eternal na kaligtasan na nakadepende sa pagtitiis sa pananampalataya. Ginagawa ng interpretasyong ito na imposible ang katiyakan ng eternal na kaligtasan. Sa halip, pinapahayag nito ang katiyakan ng mananampalataya sa mga termino ng tiyak na pag-asa na ang Diyos ay tutupad sa Kaniyang pangako sa ebanghelyo. Ang mawalan ng pag-asa ay mawalan ng katiyakan. Ang mawalan ng pag-asa at ng katiyakan ay ang mawalan ng kasiglahan sa dalawang mahalagang bagay sa sanktipikasyon- isang buhay na pananampalataya kay Cristo at ang pag-ibig sa iba na nagkakamit ng mabuting paghaharap sa hukuman ni Cristo. Ang mensahe ng pasaheng ito ay malinaw: Manatiling nakatanim sa biyaya at pag-asa ng ebanghelyo.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes