GraceNotes
   

   Ang Pahayag 3:20 At Paghiling Kay Jesus na Pumasok sa Iyong Puso

Narito, Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok. Kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya at hahapong kasalo niya at siya’y kasalo Ko.” Pahayag 3:20.

“Hiniling ko kay Jesus na pumasok sa aking puso” ay isang karaniwang paraan kung paano inihahayag ng mga Cristiano ang kanilang patotoo. Ang mga mangangaral, mga guro, mga Cristianong nagpapatotoo, at maging ang mga literaturang ebanghelyo ay madalas tapusin ang kanilang presentasyon ng ebanghelyo sa imbitasyong “Hilingin ninyo kay Jesus na pumasok sa inyong mga puso.” Kapag ating tiningnan ang mga praktikal, teolohikal at biblikal na pagtutol sa pariralang ito, maaaring magdesisyon tayong gumamit ng ibang lenggwahe.

Mga problemang praktikal

Isang babae ang ibinihagi kung paano nang siya ay bata pa at nakadapa sa kaniyang higaan sinabi ng kaniyang ina na kailangan niyang hilinging pumasok si Jesus sa kaniyang puso. Tumihaya siya upang makapasok si Jesus sa kaniyang puso. Ang kwentong ito ay naglalarawan kung paano ang mga bata mag-isip sa konkretong mga termino. Madaling makita kung paano ang apilang kagaya niyan ay maiwawaglit ang mensahe ng ebanghelyo. Sa paglalarawang gaya nito, mauunawaan natin kung bakit ang katiyakan ng kaligtasan ay malaking problema para sa maraming bata. Hindi nila ramdam na si Jesus sa kanilang mga “puso.” Ang mga matatanda rin ay naiiwan ng subhetibong ebalwasyon kung ramdam ba nila si Jesus na naninirahan sa kanilang puso. “Ang paghiling kay Jesus na pumasok sa inyong mga puso” ay madaling magbunga ng kalituhan at nagmamaliit ng tunay na basehan ng katiyakan, ang pananampalataya sa pangako ng Diyos ng buhay na walang hanggan kay Jesucristo bilang Tagapagligtas.

Mga problemang teolohikal

Maraming Romano Katoliko ang magsasabing tinanggap nila si Jesucristo sa kanilang mga puso at mga buhay kapag sila ay kumakain ng mga elemento ng komunyon sa simbahan. Ngunit ang pisikal na transaksiyong may kinalaman sa pagkain, tiyan o pisikal na puso ay walang kinalaman sa pagtanggap ng buhay na walang hanggan. Muli, ang paghiling kay Jesus sa puso o pagtanggap sa Kaniya sa buhay ng isang tao ay hindi makatutugon sa isyu ng makasalanang kundisyon ng isang tao at sa probisyon ni Cristo sa penalidad ng kasalanan sa pamamagitan ng Kaniyang kamatayan at pagkabuhay na maguli. Ang isang persona ay maaaring malayo sa mensahe ng ebanghelyo kung “ang paghiling kay Jesus sa inyong mga puso” ay kundisyon sa kaligtasan.

Mga problemang biblikal

Ang mga nagtatanggol sa imbitasyong “Hilingin si Jesus sa inyong mga puso” ay madalas sinisipi ang Pahayag 3:20. Ngunit sa pag-interpreta ng pasahe sa kaniyang konteksto, masusumpungan nating walang basehan sa imbitasyong ito.

Sa mas malawak na konteksto, ang aklat ng Pahayag ay sinulat ni Juan upang ipagbigay alam at ihanda ang mga mambabasa para sa mga huling araw (Pah 1:19). Sa loob ng pangkalahatang layuning ito, ang kabanata 2 at 3 ay tumatalakay sa mga kontemporaryong iglesia at kanilang kaniya-kaniyang sitwasyon. Anim sa mga iglesia ay hindi nakalulugod sa Panginong Jesucristo at sinabihang magsisi. Samantala ang Ebanghelyo ni Juan, na sinulat upang sabihin sa mga mababasa kung paano magkaroon ng buhay na walang hanggan (Juan 20:31), ay hindi kailan man gumamit ng salitang “magsisi” ngunit gumamit ng “manampalataya” nang halos isandaang beses bilang kundisyon sa kaligtasan. Ito sa kaniyang sarili ay sapat na rason upang huwag igaya ang ating mga imbitasyong ebanghelistiko mula sa mga salita ng Pahayag. Nang ang aklat ng Pahayag ay nag-alok ng malinaw na imbitasyon sa kaligtasan sa 22:17, inaalingawngaw nito ang mga imbitasyon ng Ebanghelyo ni Juan na “Halika” at “Kunin ang tubig ng buhay” (Juan 4:10; 6:37, 44, 65).

Maoobserbahan din natin na ang Pahayag 3:20 ay bahagi ng mensahe ni Cristo sa iglesia sa Laodicea. Ang mga iglesia ay binubuo ng mga mananampalataya, ngunit ang mga mananampalataya ay maaaring hindi nakalulugod sa Panginoon sa pamamagitan ng kanilang masuway na gawi at makasalanang pamumuhay (halimbawa ang iglesis sa Corinto). Ang mensahe sa mga ito at ibang masuway na mananampalataya sa Pahayag 2 at 3 ay hindi upang maligtas, kundi upang magsisi ng mga bagay na hindi nakalulugod sa Panginoon.

Ang mga mananampalataya sa Laodicea ay hindi mabuti o kapakipakinabang kay Cristo dahil sila ay malahiningang (maligamgam) tubig. Nais Niya sanang sila ay mainit o malamig, dahil alin man dito ay may pakinabang na gamit. Ang malahiningang tubig ay walang pakinabang, hindi masarap at kung ganuon ay iluluwa (v 15-16). Iniisip nilang wala silang kailangan sa kanilang relasyon sa Diyos ngunit ang pagsusuri ng Panginoon ay kabaligtaran (v17). Sa v18 pinayuhan sila ni Jesus na bumili ng ginto, damit at pampahid sa mata. Hindi ito nagbabanggit ng kaligtasan dahil ang kaligtasan ay sa biyaya at walang halaga. Binabanggit ni Jesus ang pagbayad ng halaga ng mga bagay na may espirituwal na halaga sa isang Cristiano. Ang karagdagang ebidensiyang sila ay mga mananampalataya ay ang muling pagbibigay ng Panginoon ng katiyakan sa v19 na ang Kaniyang pinagagalitan at tinatama ay ang Kaniyang minamahal. Ang utos na “magsikap at magsisi” ay inilarawan sa v20.

Ang v20 ay nagpapakita kung paano ang mga mananampalatayang ito ay makapagsisisi sa pagtugon sa imbitasyon ni Jesus na muling buhayin ang pakikisama sa Kaniya. Si Jesus ay pinalabas sa pakikisama ng iglesia, kaya Siya ay tumutuktok at humihiling na makapasok. Dahil sa ang iglesia ay binubuo ng mga indibidwal, ang imbitasyon ay sa kung sinuman sa iglesia na “makinig” at “magbukas ng pinto,” larawan ng pagtanggap. Ang pangakong resulta ay darating si Jesus upang pumasok sa kaniya. Mahalagang malaman ang orihinal na lenggwaheng ginamit ni Jesus. Hindi Niya sinabing “sa” kaniya na pagtukoy sa kontak (ito ay gagamit ng Griyegong eis), ngunit sinabi Niyang “sa” na may pakahulugang galaw palapit (na gumagamit ng Griyegong pros). Ang magkaibang empases ng dalawang preposisyon ay makikita sa Juan 6:35: “Ang lumalapit sa (pros) Akin ay hindi magugutom at ang sumasampalataya sa (eis) Akin kailan ma’y hindi mauuhaw.” Si Jesus ay lalapit sa kung nasaan ang mga taong tumatanggap (hindi pumasok sa loob) upang humapong kasama Niya.

eis

Ang larawan ng humapong magkasama ay karaniwang biblikal at kultural na larawan ng pakikisama. Ang gantimpala ng pag-upong kasama ni Jesus sa Kaniyang luklukan ay hindi resulta ng kaligtasan, kundi gantimpala para sa isang mapanakop o mapagtagumpay na Cristiano (v21).

Mga pagtutol

Ang iba ay magsasabi, “Pero hindi ba dapat tayong humiling kay Jesus para sa buhay na walang hanggan gaya ng sinasabi ng Juan 4:10?” Oo, para sa buhay na walang hanggan; ngunit walang biblikal na pagsusundan para hilingin kay Jesus na “pumasok sa inyong puso.” Ang paghiling ay isang analohiya para sa pananampalataya. Ang iba ay maaaring magturo sa Juan 1:12 para sabihing kailangan nating tanggapin si Cristo. Ngunit ang sitas na ito ay gumagamit ng pagtanggap para sa resulta ng kaligtasan, hindi pamamaraan ng kaligtasan, na “manampalataya sa Kaniyang pangalan.” Ang iba ay maaaring italtal na maraming tao ang naligtas sa pamamagitan ng paghiling kay Jesus sa kanilang mga puso. Tutugon tayo na kung sila ay ligtas, ito ay dahil naunawaan din nila at sinampalatayahan ang ebanghelyo. Walang naligtas sa pamamagitan lamang ng paghiling kay Jesus sa kaniyang puso. Idaragdag din nating maraming tao ang walang katiyakan ng kaligtasan dahil sila ay tumugon sa nakalilitong imbitasyong ito.

Pagbubuod

Sa pagbabahagi ng ebanghelyo, kailangan nating maging malinaw at biblikal hangga’t maaari. Mayroon tayong napakaraming basehang biblikal para sabihin sa mga taong manampalataya sa Panginoong Jesucristo bilang Siyang namatay sa krus para sa ating mga kasalanan, nabuhay muli at naggagarantiya ng ating walang hanggang kaligtasan. Walang magandang dahilan upang gumamit ng nakalilito, nalalayo sa ebanghelyo, at hindi biblikal na imbitasyon na “Hilingin si Jesus sa inyong mga puso.”


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes