GraceNotes
   

   Ang Kapalaran ng Mga Mananampalatayang Inakit ng mga Huwad na Guro sa 2 Pedro 2:20-22

“Sapagkat pagkatapos na sila’y makatakas sa mga pagkahawa sa sanlibutan sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, ay muling mahalubiluhan at madaig niyaon, ay lalong sumasama ang huling kalagayan nila kay sa nang una. Sapagkat magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran kaysa pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila. Nangyari sa kanila ang ayon sa kawikaan tunay, Nagbabalik na muli ang aso sa kaniyang sariling suka, at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan.”

Kung ating babasahin ang 2 Pedro kabanata 2, malinaw na ang mga huwad na propeta at guro ay mapapahamak sa walang hanggang kapahamakan. Ngunit paano ang mga nalinlang nila? Ang iba ay binabasa ang v20-22 at nabubuod na ang mga mananampalataya na sumunod sa huwad na aral ay naiwala ang kanilang kaligtasan o pinatunayan lamang na hindi sila tunay na mananampalataya sa umpisa pa lang. Ang mga intepretasyong ito ay parehong lumalaban sa malinaw na turo ng Biblia na pananampalataya kay Jesucristo bilang nag-iisang kundisyon sa kaligtasan, at ang kaligtasang iyan ay hindi maiwawala. Ang pag-oobserba ng konteksto ay makatutulong sa atin upang maunawaan ang kanilang kapalaran.

Paghihiwalay sa mga grupo

Malinaw na ang mga huwad na propeta at gurong nabanggit sa simula ng kabanata 2 ay hindi mga ligtas at mapapahamak sa walang hanggang kapahamakan. Nagsimula ang pasahe sa pagsasalungat sa kanila at sa mga “banal na lalaki ng Diyos” na nabanggit sa nakaraang pasahe (“Ngunit” sa 2:1; cf 1:21). Ang lenggwaheng naglalarawan ng kanilang walang hanggang kapahamakan ay eksplisit at malinaw (2:3-7; ganuon din sa paralel na paglalarawan sa Judas 4-16).

Lumalabas na may ikalawang grupo ng tao sa pasaheng ito- ang mga naimpluwensiyahan ng mga huwad na gurong ito sa puntong sila ay “nagsisunod sa kanilang gawang mahahalay” 92:2). Ang mga ito ay lumalabas na hindi rin ligtas, dahil sila ay kabaligtaran sa mga ligtas na mambabasa, ang ikatlong grupong kinakausap na diretso sa v3 (“kayo”). Ang ikalawang grupo ay nagpapahayag ng kaligtasan na siyang dahilan upang ang Cristianong daan ay napagsasalitaan ng masama nang sila ay naakit.

Gaya ng nabanggit, ang ikatlong grupo ay ang mga mambabasang binabalaan ni Pedro. Isinulat niya ang epistulang ito para sa mga mananampalataya lamang. Sila ay nakikibahagi sa kaparehong “mahahalagang pananampalataya” at “katuwiran ng ating Diyos at Tagapagligtas na si Jesucristo” (1:1); ipinagkaloob ng Diyos sa mga mambabasa ang lahat ng kanilang kailangan upang makapamuhay ng maka-Diyos na pamumuhay (1:3); sila ay “nakibahagi sa kabanalang mula sa Diyos” (Maaaring ang tinutukoy ni Pedro ay ang kanilang pangkasalukuyang kalagayan o marahil ang pribilehiyo sa hinaharap na matatamo ng kanilang matuwid na gawi- alin man sa ito ay nagpapalagay ng kanilang kaligtasan, 1:4); Sila ay “nakatanan sa kabulukang nasa sanlibutan” (1:4). Matapos ang panimulang apirmasyong ito, pinayuhan ni Pedro ang mga mambabasa na idagdag sa kanilang inisyal na pananampalataya ang mga maka-Diyos na katangian (1:5-7) upang sila ay hindi maging baog (walang halaga, mula sa argos), walang bunga, nakakikita lamang ng malapit o bulag dahil baka malimot nila (hindi nila mapahalagahan) na sila’y nilinis na mula sa kanilang mga kasalanan (1:8-9).

Ang mga Cristianong mambabasang ito ay nangangailangang balaan tungkol sa mga huwad na guro at kanilang pang-aakit ng mga hindi ligtas (2:2). Matapos ilarawan ang kapahamakan ng mga huwad na guro at kanilang mga hindi ligtas na tagasunod, itinuon ni Pedro ang kaniyang atensiyon sa ikatlong grupong ito sa v18. Ang pagbabago sa pangungusap ay malinaw. Matapos hatulan ang mga huwad na guro sa lahat ng sitas mula sa v10 hanggang 17, natapos ang paghatol. Sa v18 at 19, nilarawan ni Pedro kung paanong ang mga huwad na guro ay nang-aakit ng mga uto-utong mananampalataya. Ang mga biktima ay nilarawan bilang “nagsisitakas sa nangamumuhay sa kamalian.” Ang presenteng partisipol na ginamit dito ay maaaring isaling “nagsisitaks” o “bahagyang nakatatakas” ngunit malinaw sa dalawa pang gamit ng pandiwang ito sa 2 Pedro (1:4; 2:20) na ang pagtakas ay aktuwal. Ang mga potensiyal na biktima ay sinasalungat sa mga hindi mananampalataya sa v2 na hindi nakatakas sa mga huwad na guro.

Ang posibilidad ng pang-aakit

Nang bumabanggit si Pedro ng kapalaran ng mga mananampalatayang mambabasang maaaring maimpluwensiyahan ng mga huwad na guro, nagsasalita siya ng posibilidad, hindi kasiguruhan. Ang “sila” ng v20 ay tumutukoy sa mga potensiyal ng biktima ng v18-19. Gayun pa man ito ay tunay na babala tungkol sa tunay na mga konsekwensiya. Bilang mananampalataya, sila ay “nakatakas sa pagkahawa ng sanlibutan sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo” (v20). Ang katotohanang sila ay “maaaring mahalubiluhang” muli sa polusyon ng sanlibutan ay nangangahulugang dati ganiyan ang kanilang kalagayan, ngunit ngayon nakatakas na (v20). Ang pahayag ni Pedro sa v21 ay malinaw na sila ay “nakakilala ng daan ng katuwiran,” isang pantukoy sa maintimasyang pagkakilala (epiginosko) sa Cristianong daan. Ang kanilang kapalaran, na nilalarawan ng kontemporaryong kawikaang sinipi sa v22, ay nangangailangang ang aso ay minsang iniwan ang kaniyang suka, at ang baboy ay minsang nahugasan.

Ang konsekwensiya ng pang-aakit

Makikita natin ang pagbabago sa pangungusap ni Pedro. Sinusulatan niya ang grupong ito ng mananampalataya upang balaan sila ng mga hindi ligtas na huwad na gurong kasama nila na mawawasak at nagdadala sa iba sa kaparehong kapalaran (v 1-17). Sa v18 kinakausap niya ang mga mananampalatayang napapailalim na rin sa impluwensiya ng mga huwad na guro. Ang mga mananampalatayang ito ay nahaharap sa kakilakilabot na kapalaran, ngunit hindi ito inespisipika bilang impiyerno, tanging “lalong sumasama ang huling kalagayan nila kay sa nang una” (v20). Anumang pakikibaka o pagsubok na kanilang tinitiis bilang mga bagong Cristiano, ang mga ito ay balewala ikumpara sa kapahamakang naghihintay sa kanila (marahil pansamantala, o sa Hukuman ni Cristo, o pareho). Sinasabi ni Pedro na mas magaling pa sa kanilang hindi makakilala ng “daan ng katuwiran” kay sa tumalikod sa “banal na utos na ibinigay sa kanila” (v21). Hindi sinasabi ni Pedro na mas mabuting hindi sila naligtas. Sinasabi niyang mas magaling pa na hindi nila nalaman ang aral tungkol sa buhay ng katuwiran, na nagpapahiwatig na dahil alam na nila, sila ay may mas malaking responsabilidad na sumunod dito. Ang teksto ay angpapahiwatig na ang buhay ng katuwirang ito ay dinedepina ayon sa “banal na utos na ibinigay sa kanila.” Ano ang banal na utos na ito? Lumalabas na wala itong kinalaman sa utos na manampalataya o maligtas, dahil ito ay hindi karaniwan at walang pinagsusundang paraan ng pagtukoy sa kaligtasan. Malamang ito ay ang kautusang maging banal (1 Pedro 1:15), isang utos sa mga Cristiano.

Pagbubuod

Isang kamangmangang sabihing ang mga Cristiano’y hindi susunod sa huwad na doktrina. Gaya ni Pedro, ang ibang manunulat ng Bagong Tipan ay hindi kumbinsido ng nosyong ito- tingnan ang kanilang mga epistulang naglalaman ng maraming babala sa mga Cristiano tungkol sa pananatili sa katotohan. O tanungin ninyo ang sinumang matagalan ng pastor na nakita kung paano dumating at umalis ang mga Cristiano taglay ang pinakakakaiba sa mga doktrina. Lalong nakalulungkot makita at nakakapanghina ng loob na malamng malibang sila ay magsisi ng kanilang kamalian, may naghihintay na kapahamakan sa kanila. Mas maiging iwasan ang mga huwad na guro at balaan ang mga Cristiano laban sa kanila. Hindi lamang ang mali ang kanilang doktrina, ang kanilang mga motibo ay laban sa mga layunin ng Diyos.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes