GraceNotes
   

   Gaano Ka Ba Kabuti Upang Makapasok sa Langit?

Simply By Grace Podcast

Maraming tao ang may ideyang kapag sila ay may sapat na kabutihan, o hindi sila masyadong masama, sila ay hahayaan ng Diyos na makapasok sa langit. Sa madaling salita, pagdating sa pagtamo ng buhay na walang hanggan, iniisip nila na ang Diyos ay nagmamarka ng ayon sa kurba. Ang palagay na ito ay nakatayo sa ilang maling kaisipan.

Una, ang paraan na ito ng pag-iisip ay hindi nakakaunawa na ganap ang pamantayan ng Diyos ng kabutihan. Kung ang sinuman ay makatatamo ng buhay na walang hanggan sa pagiging mabuti, sa pagtupad sa mga utos ng Diyos, o sa paggawa ng anumang uri ng katapatan, ang kaniyang paggawa ay dapat maging kasing perpektong kabutihan ng perpektong kabutihan ng Diyos. Tinuro ni Jesucristo na walang may ganap na kabutihan maliban sa Diyos (Mat 19:17; Rom 3:9-12). Maraming tao ang may relatibong konsepto ng kabutihan, samakatuwid, tinitingnan nila ang iba at kinukumpara ang kanilang sariling kabutihan. Siyempre, nasusumpungan nila ang kanilang mga sarili na mas mabuti sa ilan at mas masama sa iba. Ngunit ang ibang tao ay hindi ang pamantayan ng langit; ang Diyos mismo ang pamantayan.

Ikalawa, isang pagkakamali ang isiping ang pinakamabuting magagawa ng tao ay sapat na. Ang Biblia ay nagtuturo na ang pinakamabuting gawa ng tao upang magtamo ng buhay na walang hanggan ay hindi karapat-dapat ng pagtanggap ng Diyos (Is 64:6; Rom 3:20; Ef 2:8-9). Ang isang tao ay nangangailangang perpektong tuparin ang pamantayan ng Diyos (na nasasalamin sa Kaniyang mga utos) at hindi maaaring mahulog kahit sa isang aspeto o utos (Gal 3:10; San 2:10). Laging may puwang na maging mas mabuti, o mas maging tapat, kaya kahit ang pinakamahusay na gawa ng isang tao ay hindi pa rin sapat.

Ikatlo, isang pagkakamali na isiping ang problema ng tao ay tanging kaniyang kilos. Walang taong makatatamo ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng panlabas na gawi, kundi sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus bilang Tagapagligtas mula sa kasalanan. Ang Biblia ay nagtuturo na ang kasalanan, hindi ang mga kasalanan mismo, ay pumipigil sa mga hindi ligtas na makaranas ng buhay ng Diyos. Ang mga kasalanan ay resulta ng makasalanang kundisyon, kung paanong ang ubo at basang ilong ay resulta ng sipon. Bagama’t maaari nating gamutin ang sintomas ng problema (ubo), ang gamot ay kailanganag tugunan ang dahilan o ang kundisyon (ang sipon). Ang unang problema ng hindi ligtas ay ang kaniyang espirituwal na kundisyon kung saan siya ay patay sa harap ng Diyos (Roma 3:18; Ef 2:1). Samakatuwid ang pagbabago o pagpapaimbrub ng gawi ng isang tao ay hindi tumutugon sa problemang naglalayo sa isang hindi ligtas palayo sa pagkakaroon ng buhay na walang hanggan at makapasok sa langit.

Ikaapat, isang pagkakamaling isawalang bahala ang ginawa ng Diyos para sa atin. Isinugo ng Diyos ang Kaniyang Anak, si Jesucristo, na gawin ang hindi magagawa ng kahit na sinuman. Dahil sa ang pagpapagal ng sinumang hindi ligtas na gumawa ng mabuti o maging mabuti ay namantiyahan ng kasalanan, may ibang tao na kailangang magpalubag-loob ng hustisyang hinihingi ng Diyos para sa bawat isa. Tanging si Jesus ang makagagawa nito, sapagkat ang Diyos Anak ay walang kasalanan at Siya’y perpektong katanggap-tanggap sa Diyos. Kinuha ni Jesus ang kasalanan ng bawat tao sa Kaniyang sarili at binayaran ang kabayaran ng kasalanan para sa lahat (2 Cor 5:21). Pagkatapos, inalok Niya ang bawat isa ng regalo ng buhay na walang hanggan, na maaaring matamo sa pamamagitan ng pananampalataya (Juan 1:12; 3:16; Ef 2:8-9). Ang isiping kailangan nating gumawa ay isang insulto sa Diyos at nagsasabing ang Kaniyang perpektong regalo ay hindi sapat.

Pagbubuod

Walang sinuman ang maaaring umasang magkaroon ng buhay na walang sa pamamagitan ng pagiging mabuti kaysa iba o kahit maging mabuti. Walang gawa ng sinuman, pagtupad ng kautusan, katapatan, repormasyon, pagsisisi sa kasalanan, paglayo sa kasalanan, bautismo, pagdalo sa iglesia, sinseridad, o mabuting intensiyon ay sapat na kabutihan upang makapasok sa langit. Ang tanging pag-asa ay ang tanggapin ang ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan. Kung ang buhay na walang hanggan ay nanggaling sa Kaniyang ginawa at hindi sa ginawa ng iba, kung ganuon walang sinumang makakagawa upang maging katanggap-tanggap sa Diyos.

Ang kaligtasan sa biyaya ay nangangahulugang ang buhay na walang hanggan ay hindi dumarating sa pamamgitan ng pagpapagal ng tao o kaniyang magagawa; ito ay regalo mula sa Diyos. Sa pamamagitan ni Jesucristo, ginawa ng Diyos ang lahat ng kailangan upang ang sinuman ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Tanging ang mga nanampalataya sa Kaniyang pangako, at samakatuwid ay tumanggap ng Kaniyang buhay, ang makapapasok sa langit.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes