GraceNotes
   

   Ang Kristiyano at ang Kautusan

Bagama’t ang kautusan ay ginagamit sa iba’t ibang paraan sa Biblia, ang Bagong Tipan ay madalas gamitin ang termino para sa Kautusang ibinigay sa pamamagitan ni Moises. Mahalagang maunawaan kung paano ang Cristiano makiuugnay sa hinihingi ng Kautusan ni Moises. Titingnan natin ang kalikasan at layunin ng Kautusan at kung paano ito nakaapekto sa mga Cristiano.

Ang kalikasan ng Kautusan ni Moises

Ang Kautusan ay ibinigay espisipiko sa Israel. Ibinigay ng Diyos ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises bilang isang tipan sa isang partikular na bayan (Israel), para sa isang partikular na panahon (hanggang sa pagdating ni Jesucristo) para sa isang partikular na layunin. Ang layunin ay ang bubuo at gagabay sa bansa sa kaniyang sibil, relihiyoso at moral na responsibilidad hanggang sa ang Mesiyas, si Jesus, ay dumating upang tubusin ang sangkatauhan at itatag ang Kaniyang kaharian (Gal 3:19-25). Ito rin ay may intensiyong ihayag ang pagkamakasalanan ng tao at ang kawalang saysasy ng pagtatayo nila ng kanilang katuwiran sa harap ng Diyos (Roma 3:20).

Ang Kautusan ay isang hindi mahahating yunit. Bagama’t ang Kautusan ay nagtataglay ng moral, sibil at seremonyal na alituntunin, ito ay laging kinukunsidera bilang isang hindi nahahating yunit (Gal 5:3; San 2:10). Ito ay binigay bilang isang yunit, sinelyuhan bilang isang tipan, at ang Israel ay mananagot dito bilang isang yunit.

Ang Kautusan ay pansamantala. Ang mga moral na prinsipyo ng Diyos ay umiiral bago ang Kautusan at nagpapatuloy matapos ang panahon ng Kautusan. Ang Kautusan ay tinala ang mga prinsipyong ito para sa Israel para sa isang espisipikong oras hanggang sa ang Mesiyas, si Jesus ay tuparin ito (Mat 5:17-18).

Ang kaugnayan ni Jesus sa Kautusan ni Moises

Iningatan ni Jesus ang Kautusan. Kabaligtaran ng makasalanang tao at masuwaying Israel, si Jesus ay tumupad ng lahat ng hinihingi ng Kautusan. Namuhay Siya sa ilalim ng Tipan ni Moises na sumusunod sa mga alituntunin at ritwal nito (Mat 5:17; Gal 4:4-5).

Tinupad ni Jesus ang Kautusan. Dahil ganap na iningatan ni Jesus ang Kautusan, nagawa Niyang sabihing tinupad Niya ang lahat nitong hinihingi bilang kinatawan ng mga tao. Hindi Siya dumating upang wasakin ito, kundi upang tapusin ito at isantabi ito dahil Siya ang katuparan ng layunin nito (Mat 5:17-18). Ang mga moral na prinsipyo ng Diyos ay nakasasakop sa Israel buong buhay Niya, na ang mga prinsipyong ito ay nananatili bagama’t hindi nasusulat sa pormang Mosaiko. Ngunit si Jesus ang katapusan ng Kautusan, dahil tinupad Niya ang layong ninanasa, lalo na para sa mga nanampalataya sa Kaniya (Roma 10:4; Ef 2:14-15; Col 2:13-14).

Ginawang obsolete ni Jesus ang Kautusan. Pinasinayan ni Jesus ang Bagong Tipan na gumagawang obsolete sa Kautusan (Mat 26:28; Heb 8:13). Hindi na kailangan kailan man ang mga saserdote at mga handog dahil si Jesus ay nagi nating Punong Saserdote at ang ating pinal na handog (Heb 7:20-28; 10:11-14).

Ang kaugnayan ng Cristiano sa Kautusan

Ang Cristiano ay wala sa ilalim ng Kautusan, kundi nasa ilalim ng biyaya. Ito ay malinaw na inapirma sa maraming sitas (Roma 6:14; 7:4-6; Gal 2:19). Hindi sapat sabihing ang Cristiano ay wala sa ilalim ng sibil at sermonyal na aspeto ng Kautusan, dahil ang Kautusan ay isang yunit. Subalit, ang mga moral na prinsipyo ng Kautusan ay walang katapusan at sa huli ay inulit sa Bagong Tipan. Halimbawa, mali ang pumatay bago ang Kautusan, sa ilalim ng Kautusan, at ngayon sa ilalim ng biyaya. Bagama’t wala na sa ilalim ng Kautusan, ang Apostol Pablo ay boluntaryong nagpapasakop dito paminsan-minsan upang mahikayat ang mga nasa ilalim ng Kautusan, ang mga Judio (Gawa 16:1-3; 1 Cor 9:19-23).

Dapat igalang ng Cristiano ang Kautusan bilang banal at mabuti. Dahil sa ang Kautusan ay ibinigay ng Diyos at sumasalamin sa Kaniyang matuwid at banal na katangian, ang Kautusan mismo ay banal. Ito rin ay mabuti sapagkat nagbigay ito sa Israel ng matuwid na moral na gabay at pumipigil sa gumagawa ng masasama (Roma 7:12; 1 Tim 1:8). Samantalang wala sa ilalim ng Kautusan bilang isang kodigo, ang mga Cristiano ngayon ay maaaring matuto sa walang mga katapusang prinsipyong tinuturo ng Kautusan.

Maaaring i-aplay ng Cristiano ang mga prinsipyo ng Kautusan. Halimbawa, ang Kautusan ay nanghihingi na ang mga Israelita ay magbigay ng ilang persentahe ng kanilang mga ani at hayop sa Panginoon (Lev 27:30-32;Deut 14:22-24; 26:12-13). Ngunit ang pagbibigay ng isang persentahe sa Panginoon ay ginagawa na bago ang Kautusan (Gen 4:3-4; 14:18-20). Ang prinsipyo ng pagbibigay ay inulit sa Bagong Tipan na may pagkakaibang ang pagbibigay ay hindi na sa ilalim ng pamimilit ng Kautusan kundi boluntaryo sa ilalim ng biyaya at motibado ng pasasalamat sa mga pagpapala ng Panginoon (2 Cor 9:7-15). Nanatili ang prinsipyo ngunit ang mga aplikasyon ay nagiiba.

Ang Cristiano ay nasa ilalim ng Kautusan ni Cristo. Iniwan ni Jesus sa mga Cristiano ang Kaniyang “bagong utos” na ibigin ang bawat isa (Juan 13:14). Kapag inibig ng mga Cristiano ang bawat isa, tinutupad nila ang hinihingi ng Kautusan ni Moises (Roma 13:10; Gal 5:13-14). Sa Gal 6:2, nilinaw ng Apostol Pablo na ang “kautusan ni Cristo” ay ang prinsipyo ng nagmamalasakit na pag-ibig sa bawat isa (cf 1 Cor 9:21; gayundin ang royal na kautusan ng San 2:8). Ang Kautusan ni Cristo ay nagsisimula sa pag-ibig, ngunit kabilang din dito ang lahat ng nasasakop ng pag-ibig. Sa Panahon ng Iglesia, ang biyaya ay hindi umiiwas sa kautusan kundi pinapalitan at hinihigitan ito.

Ang Cristiano ay may mas mataas na motibasyon sa ilalim ng biyaya. Sa madaling sabi, sa ilalim ng Kautusan, ang mga tao ay pinagpapala dahil sila ay sumusunod; sa ilalim ng biyaya sila ay sumusunod dahil sila ay pinagpala. Ito ay mas mataas na intrinsikong motibasyon na humihigit sa moralidad na himihingi ng Kautusan dahil napagtatanto nito ang pag-ibig ng Diyos na ibinigay ang Kaniyang Anak upang iligtas tayo nang hindi tayo karapatdapat dito. Samakatuwid, “Iniibig natin Siya dahil una Niya tayong inibig” (1 Juan 4:19). Ang pag-ibig ang nagmomotiba ng ating pagsunod sa Kaniyang mga utos sa Bagong Tipan (Juan 14:21). Ang tsart ay nagpapakita ng pagkakaiba ng Kautusan ni Moises at biyaya ni Jesucristo:

KAUTUSANBIYAYAKASULATAN
Ang paghahari ng Diyos sa bayang Israel Paghahari ng Diyos sa iglesiaRoma 2:14; 6:14; 7:6; 9:4
Dumating sa pamamagitan ni Moises Dumating sa pamamagitan ni JesucristoJuan 1:17; 2 Cor 3:7-14
Nasulat sa bato Nasulat sa pusoRoma 2:28; 2 Cor 3:3
Nagpapahayag ng kasalanan Nagpapatawad ng kasalananRoma 3:20-26; 5:13; 6:23; 7:7; Ef 1:7
Nagsusumpa NagpapalaGal 3:10, 14, 22; 4:1-7
Nagdadala ng kamatayan at kahatulan Nagdadala ng buhay at katuwiranRoma 3:19; 5:18; 7:10; 2 Cor 3:6
Hindi makaaaring matuwid sa harap ng Diyos Nag-aaring matuwid sa harap ng Diyos Roma 3:20-24; 10:3-4; Gal 2:16-21
Naghihingi ng kabanalan Nagbibigay ng kabanalan Roma 7:12; 8:3-4; Tito 2:11-12
Ang dapat gawin ng tao para sa Diyos Ang ginawa ni Cristo para sa tao Roma 5:17-21; 10:5; Heb 10:1-14
Hindi nagdadala ng espirituwal na maturidad Nagdadala ng espirituwal na maturidad Roma 7:22-8:4; Gal 3:2-3; Heb 10:14
Nag-aakay sa pananampalataya Namumuhay sa pananampalataya Gal 2:19-20; 3:12, 24; Fil 3:9
Ibinibigay ang nararapat Nagbibigay nang hindi karapatdapat Roma 2:5-16; 11:6; Ef 2;8-9
Nang-aalipin sa kasalanan Nagpapalaya mula sa kasalanan Roma 8:2-3, 15; 2 Cor 3:17; Gal 4:1-7
Humahatol ayon sa gawa ng isang tao Humahatol ayon sa gawa ni Cristo Roma 2:5-16; Col 2:13-14; Heb 10”10
Gumawa nang mabuti upang pagpalain Gumawa ng mabuti dahil pinagpala Roma 10:5; 12:1-3; Gal 3:12-14

Pagbubuod

Ang mga utos ng Diyos sa anumang porma ay nagpapahayag ng Kaniyang moral na mga prinsipyo. Subalit, sa iba’t ibang periodo ng panahon, ang Diyos ay sinulat ang Kaniyang moralidad sa iba’t ibang anyo. Para sa Israel, ang mga prinsipyo ng Diyos ng moralidad ay nasulat sa pamamagitan ng Tipan ni Moises. Para sa mga Cristiano, sila ay nahahayag sa kautusan ni Cristo. Tayo ay laging inaasahang sumunod sa mga moral na prinsipyo at kautusan ng Diyos, ngunit sa ilalim lamang ng kodigo na inespisipiko para sa Kaniyang bayan sa isang partikular na panahon. Sa Panahon ng Simbahan, ang Cristiano ay nasa ilalim ng bagong utos ni Jesus ng pag-ibig na nagmomotiba sa pagsunod sa pag-ibig at biyaya ng Diyos, na humihigit sa panlabas na empasis ng hinihingi ng Kautusan ni Moises para sa Israel. Sa halip na mamotiba ng mga alituntunin at konsekwensiya ng Kautusan, ang Cristiano ay namotiba ng biyaya at ng resultang kaugnayan sa Diyos na dinadala nito.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes