GraceNotes
   

   Ang Kundisyon sa Kaligtasan sa Ebanghelyo ni Juan



Ang Juan ang nag-iisang aklat sa Biblia na nag-aangking isinulat sa hayag na layuning dalhin ang mga tao sa walang hanggang kaligtasan. Ang layuning pahayag ay nasa Juan 20:30-31:

Gumawa nga si Jesus ng iba’t ibang maraming tanda sa harap ng kaniyang mga alagad, na hindi nangasusulat sa aklat na ito: Ngunit ang mga ito ay nangasulat upang kayo’y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kaniyang pangalan.

Samakatuwid, dapat tayong magsimula sa Juan upang maunawaan kung paano maligtas at suriin ito nang maiigi upang tuklasin ang kundisyon para sa kaligtasan.

Paano ang kundisyon inilahad

  1. Ang layuning pahayag mismo ay nagsasabi na kung tayo ay manampalataya mayroon tayong buhay na walang hanggan.
  2. Ang pandiwang manampalataya ay ginamit nang 98 na beses sa Juan bilang kundisyon sa kaligtasan. Ikumpara ito sa 34 na beses sa ibang Ebanghelyo at 116 na beses sa natitirang bahagi ng Bagong Tipan.
  3. Ang palaging resulta ng pananampalataya ay kaligtasan. Kapag ang isa ay nanampalataya, maaari niyang malaman na siya ay may buhay na walang hanggan bilang pangkasalukuyang pag-aari (Juan 5:24; 9:38).
  4. Ang mga tayutay na ginamit upang ilarawan ang pananampalataya sa Juan (pagtanggap, tumingin, makinig, pumasok, kumain, lumapit) ay nagpapakita ng pagtanggap, pagsang-ayon, o pagtitiwala. Lahat ng mga ito ay sa pinakadiwa mga payak o simpleng mga gawain. Wala sa mga ito ang nagpapahayag ng ideya ng merito, pagpapagod o nakamtan.

Paano hindi inilahad ang kundisyon

  1. Walang mga pang-uring ginamit sa pananampalataya, gaya ng tunay na nanampalataya, talagang nanampalataya o totoong nanampalataya. Mayroon lamang isang uri ng pananampalataya.
  2. Walang ibang kundisyong binanggit sa Juan gaya ng pagsisisi, pagsuko, pagtalaga o pagsunod.

Pagbubuod

Tayo ay naligtas nang tayo ay payak na nanampalataya (nagtiwala kay, tinangap bilang totoo para sa aking sarili) na si Jesus ay Anak ng Diyos, ang Tagapagligtas mula sa ating mga kasalanan. Ang kaligtasan ay ganap na libre at hiwalay sa anumang kundisyong may merito upang makamit ito.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes