GraceNotes
   

   Ang Pagkapanginoon ni Jesucristo

Si Jesus ay Panginoon. Walang sinumang naniniwala sa Biblia ang itinatanggi ito. Ngunit ano ba ang kahulugan nito at ano ang aplikasyon ng pagkapanginoon ni Cristo sa ating kaligtasan at sa ating Cristianong pamumuhay?

Ang Kahulugan ng Panginoon

Ang salitang karaniwang isinasalin bilang Panginoon sa Bagong Tipan ay ang Griyegong salitang Kyrios. Minsan ito ay ginagamit bilang titulo ng paggalang, kung paanong tinatawag natin ang isang tao na ginoo. Nakita natin ito sa Gawa 16:30 nang tawagin ng bantay-bilangguan sila Pablo at Silas na mga ginoo (pangmaramihang gamit kyrioi).

Ang Panginoon ay madalas gamitin na titulo ni Jesucristo. Bilang isang titulo, ipinapakita nito hindi lamang paggalang, kundi sinasalamin din nito kung sino si Jesus. Siya ang Panginoon. Nang ang Bibliang Hebreo ay isinalin sa Griyegong Septuagint, ang Hebreong pangalan para sa Diyos, YHWH, ay karaniwang sinaling Kyrios o Panginoon. Ipinaabot ng YHWH una sa lahat ang kabuuan ng pagka-Diyos, ngunit ipinapahiwatig din nito ang iba pang aspetong masusumpungan lamang sa Diyos gaya ng Tagapaglalang, May-ari, Namumuno, Hukom, Manunubos, at Tagapagligtas.

Ang Pagkapanginoon ni Cristo sa Kaligtasan

Ang pagkapanginoon, o ang pagka-Diyos ni Cristo, ay mahalaga sa ating kaligtasan. Pansinin ang ilang mga bagay na ginawa Niya para sa ating kaligtasan dahil Siya ang Panginoong Diyos:

  • - Siya ang naging perpektong handog para sa ating mga kasalanan, walang bahid na mantsa o batik.
  • -Ibinigay Niya ang Kaniyang buhay bilang handog para sa lahat ng tao- sa nakalipas, sa kasalukuyan at sa hinaharap.
  • -Bumangon Siya mula sa mga patay upang mabuhay muli at alukin tayo ng buhay na walang hanggan.
  • -Nangako Siya, nagbigay at nagbigay-kasiguraduhan ng buhay na walang hanggan sa lahat ng nanampalataya sa Kaniya.

Nagawa ni Jesus na iligtas tayo at bigyan tayo ng buhay na walang hanggan dahil lamang sa Kaniyang posisyon ng pagiging Panginoong Diyos. Samantalang ang Panginoon ay bumabanggit ng Kaniyang posisyon bilang Diyos, ang pangalang Jesus ay bumabanggit ng Kaniyang paggiging tao at gampanin na Tagapagligtas, sapagkat ang Jesus ay nangangahulugang Tagapagligtas. Sa pangalang Jesucristo, ang Cristo ay nangangahulugang Mesiyas, ang Taong pinahiran o pinili ng Diyos na maging Tagapagligtas at Hari.

Kung ganuon ang Panginoon ay ang titulong naghahayag ng pagka-Diyos ni Jesus. Ang ibig sabihin nito sa kaligtasan ay si Jesus ang may kapangyarihan at awtoridad na iligtas ang mga makasalanan dahil Siya ay Diyos. Ang hindi nito ibig sabihin ay ang mga makasalanan ay maliligtas lamang kung sila ay papailalim sa Kaniya bilang Pinuno ng kanilang mga buhay. Ang pagiging pinuno ay isa lamang bahagi ng pagiging Diyos, at kapritso lamang na gawin ang isang maka-Diyos na gawain bilang isang hinihinging subhetibo. Gaya ng ipinapahiwatig ng salita, ang kaligtasan ay nangangailangan ng Tagapagligtas. Dumating si Jesus upang iligtas ang mga makasalanan (1 Tim 1:15; 4:10) at kaya Niya ito dahil Siya ay Diyos. Ang mga makasalanan ay nangangailangan ng dibinong Tagapagligtas.

Isang bagay ang sabihing upang maligtas kailangang kilalanin ng makasalanan ang dibinong awtoridad ni Jesus bilang Diyos o bilang Anak ng Diyos. Ibang bagay naman ang sabihing upang maligtas kailangan ng isang makasalanang magpailalim kay Jesus bilang Pinuno ng kaniyang buhay. Ang una ay kumikilala sa obhetibong posisyon ni Jesus at Kaniyang kapangyarihan bilang Diyos, ang ikalawa ay humihingi ng subhetibong tugon ng tao sa Kaniya bilang Pinuno. Ang Biblia ay may mga halimbawa ng mga hindi ligtas na makasalanan na tinawag si Jesus na Panginoon nang hindi nagpapailalim sa Kaniya (hal Juan 4:11, 15, 19; 9:36). Bilang karagdagang halimbawa, maaari nating sabihing nuong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, niligtas ni General MacArthur ang Pilipinas. Nagawa niyang iligtas sila dahil siya ay may posisyon at kapangyarihan ng isang heneral na may apat na bituin sa Hukbong Katihan ng Estados Unidos. Subalit sa mga tao sa Pilipinas, si MacArthur ay hindi nila heneral, at hindi rin kailangang sila ay magpailalim sa kaniya bilang kanilang heneral. Kailangan lamang nilang tanggapin ang “kaligtasang” kaniyang inaalok sa kanila.

Ang Pananaw na Tinatawag na Lordship Salvation

May pananaw na nagtuturong kailangan ng isang makasalanang magpailalim kay Jesus bilang Pinuno ng kaniyang buhay upang maligtas. Ang mga tagataguyod ng pananaw na ito ay tinatawag itong Lordship Salvation, bagama’t mas dapat itong tawaging Kaligtasan sa Pagtatalaga o Kailigtasan sa Pagpapailalim dahil binibigyang diin nito ang subhetibong tugon ng hindi mananampalataya kay Jesucristo bilang Pinuno.

Nililito ng Lordship salvation ang obhetibong posisyon ni Jesus bilang Panginoon sa subhetibong tugon ng Kaniyang pagkapanginoon- pamumuno. Hindi lamang ang pananaw na ito ay sumasalamin sa mahinang metodo- ang soteriolohiya ay hindi dapat nakatatag sa isang titulo lamang- sinasalungat din nito ang turo ng Biblia na kaligtasan sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang biyayang nagligtas sa atin ay ang libre, hindi mamemerito at walang kundisyong regalo ng Diyos. Ang gawin kundisyon para sa kaligtasan ang pagpapailalim ng isang makasalanan kay Jesus bilang Pinuno ng kaniyang buhay ay sumisira sa biyaya ng Diyos na ginagawa ang kaligtasan na isang libreng regalo na matatamo lamang sa pamamagitan ng pananampalataya (Roma 4:4-5; 11:6; Ef 2:8-9).

Kapritso lamang ang Lordship salvation dahil binibigyang diin lamang nito ang pagkapinuno sa dibinong titulong Panginoong Jesucristo. Upang maging konsistent, kailangan nilang hinggin sa mga makasalanan na tanggapin si Jesus bilang Tagapaglalang, Tagasustini, Hukom, Propeta, Pari at Hari, dahil ang mga ito ay iba pang aspeto ng Kaniyang pagka-Diyos. Hindi lamang iyan, kailangan din nilang hingiing tanggapin ang lahat ng pinapakahulugan ng pangalang Jesus at at lahat ng pinapakahulugan ng titulong Cristo.

Ang mga guro ng Lordship salvation ay madalas na maliitin ang mga naniniwala sa kalibrehan ng biyaya sa kaligtasan bilang walang panginoon o walang pinapanginoon (no-lordship or non-lordship). Siyempre ito ay mali at sinasadyang panlilinlang. Ang kanilang kamalian ay nanggaling sa pagkalito sa obhetibong posisyon ni Jesus bilang Panginoon at sa subhetibong tugon kay Jesus bilang kanilang Panginoon at ginagawa itong hinihingi sa kaligtasan. Ang mga naniniwala sa kalibrehan ng biyaya ay naniniwalang si Jesus ay dapat na maging Panginoon (Diyos) upang maging Tagapagligtas. Ang tugong kailangan sa isang hindi mananambalataya ay ang manampalataya lamang sa ebanghelyo- kung sino si Jesus, ano ang ginawa Niya sa kaligtasan, at ano ang ipinangako Niya. Walang basehang leksikal o biblikal upang ipakahulugan ang manampalataya na magpailalim. Ang manampalataya ay nangangahulugan lamang na makumbinse na ang isang bagay ay totoo. Mayroon pa nga tayong mga halimbawa sa Biblia ng mga nagpailalim kay Jesus bilang kanilang Pinuno ngunit hindi mga ligtas (Mat 7:21-23), at may mga ligtas na hindi nagpailalim kay Jesus bilang kanilang Pinuno (Gawa 5:1-10; 19:18-19).

Hindi natin sinasabing ang taong lumapit kay Jesus bilang Tagapagligtas ay sadyaing itakwil ang pagkapanginoon ni Jesucristo. Ang sinasabi natin ay ang paghingi sa isang makasalanan na magpailalim sa Kaniya bilang Panginoon ay hindi isyu sa kaligtasan, at lalong hindi makatuwirang hingiin ang bagay na ito sa isang patay espirituwal.

Ang Pagkapanginoon ni Cristo at ang Sanktipikasyon

Samantalang tinatakwil natin ang Lordship salvation at ang hinihingi nitong magpasakop ang mga makasalanan kay Jesus bilang Pinuno ng kanilang buhay, buong kasiglahan nating niyayakap ang terminong Lordship Sanctification o Lordship Discipleship dahil ang pagpapailalim kay Jesus bilang ating Pinuno ay ang kahulugan ng Cristianong pamumuhay. Matapos nating makilala si Jesus bilang Tagapagligtas, kailangan nating matutong makiugnayan sa Kaniya bilang Panginoon.

Maraming pasahe ang nagpapaalala sa ating nanampalataya kay Jesus bilang Tagapagligtas na makipag-ugnayan at magpailalim sa Kaniya bilang Panginoon. Ang punto ng Roma 6 ay ngayong mayroon na tayong bagong Panginoon kay Jesucristo, dapat nating ipailalim ang ating mga sarili sa Kaniya. Ang Roma 12:1 ay nagsasabi sa ating ihandog natin ang ating mga sarili bilang mga “buhay na alay.” Namumuhay at mamamatay tayo sa Panginoon (Roma 14:8-9). Bilang mga mananampalataya, sinabihan tayong “pabanalin ang Panginoong Diyos” sa ating mga puso (1 Pedro 3:15) at “lumago sa biyaya at sa kaalaman ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo” (2 Pedro 3:18). Ang mga paalalang ito ay hindi kailangan kung nagawa na natin ang lahat ng mga ito upang maligtas.

Pagbubuod

Hindi nating magagawang Panginoon si Jesus; Siya ay ang Panginoon! Maaari lamang tayong magpailalim sa Kaniya bilang Kaniyang mga alipin. Bilang ating dibinong Tagapagligtas niligtas Niya tayo; bilang ating dibinong Panginoon pinababanal Niya tayo. Upang mapanatiling libre ang ebanghelyo hindi natin dapat ipagkamali ang pananampalatayang hinihingi sa isang hindi mananampalataya para sa pag-aaring matuwid at ang maraming aspeto ng pagpapailalim na hinihingi sa mga mananampalataya para sa sanktipikasyon.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes