GraceNotes
   

   Ano ang Dapat Kong Gawin Upang 'Maalis Ang Aking Kaligtasan'?



Ang tanong na “Ano ang dapat kong gawin upang maligtas?” ay madaling nasagot sa Gawa 16:31: “Manampalataya ka sa Panginoong Jesucristo, at ikaw ay maliligtas.” Bagama’t sagana ang mga argumento para sa kasiguruhan ng kaligtasan magpakailan man (tingnan ang Tala ng Biyaya Blg 24, “Eternal na Kasiguruhan”), ang ilan ay hindi sang-ayon; naniniwala silang ang kaligtasan ay maiwawala. Kung pagtutuunan ng pansin ang lahat ng naganap sa kaligtasan ng isang tao, kung posibleng maiwala ang kaligtasan ng isang tao, narito ang mga dapat gawin ng isang tao.

  1. Itakwil ang lawak ng pagtubos. Nang mamatay si Jesus sa krus, sinabi Niyang “Naganap na!” PInakahuhulugan Niya ang ang buong kabayaran upang matugunan ang matuwid na hinihingi ng Diyos para sa penalidad ng lahat na mga kasalanan ng lahat ng mga tao. Ang DIyos ay nasiyahan na o napalubag ang loob. Kailangan mong isiping ang gawa ni Cristo ay hindi sapat upang bigyang pampalubag-loob ang katarungan ng Diyos at ito ay hindi sapat para sa iyo. (Juan 19:30; Roma 3:25; 1 Juan 2:2).
  2. Baligtarin ang pag-aaring matuwid ng DIyos. Ito ay katulad ng pagtapon sa hatol ng Hukom ng buong sansinukob na humahatol base sa matuwid na handog ng Kaniyang Anak, at hindi base sa pag-uugali ng isang tao. Sa halip na Kaniyang hatol na nagpapahayag sa iyong matuwid, kailangan mong tumamo ng isang paghatol na naghahayag sa iyo bilang guilty sa kabila ng kabayaran ni Cristo. (Roma 3:24; 8:31-34; Gal 2:16)
  3. Isauli ang katubusan. Dahil sa ang mga mananampalataya ay binili mula sa merkado ng mga alipin ng kasalanan sa pamamagitan ng kabayarang binayad ng Diyos sa Kaniyang pagbibigay ng Anak, kailangan mong isauli ang kabayarang iyan o kaya ay alisan ng saysay ang kabayarang ito. (Roma 3:24; Gal 3:13; 1 Pedro 1:18-19)
  4. Bawiin ang pakikipagsundo. Ipinagkasundo at binalik ni Cristo ang pagkakaisa sa ugnayan ng tao at DIyos sa pamamagitan ng paggiba ng hadlang ng kasalanan na siyang dahilan ng pagkakagalit. Kailangan mong sirain ang trabaho ng pag-aayos ni Cristo at muling maging kaaway ng Diyos. (2 Cor 5:18-19; Col 1:19-22)
  5. ipawalang bisa ang pagkukupkop. Nang kupkupin ng Diyos ang mga mananampalataya sa Kaniyang pamilyang royal, sila ay tinaratong taglay ang lahat ng mga karapatan ng mga likas na anak na lalaki at babae. Sa sinaunang panahon at kahit ngayon, ang pagkukupkop ay isang legal na proseso, kaya kailangan mong maghanap ng legal na pagpapawalang-bisa at bumaliks sa pagiging alipin.. (Roma 8:15-17; Gal 4:4-6)
  6. Tanggihan ang kapatawaran para sa mga kasalanan. Pinatawad ng Diyos kay Cristo ang lahat ng mga kasalanan ng mga nanampalataya sa Kaniyang Anak para sa walang hanggang kaligtasan. Kailangan mong tanggihang patawarin at maging handang bayaran ang walang hanggang halagang binayad para sa iyong mga kasalanan. (Ef 1:7; 4:32; Col 1:14; 2:13-14)
  7. Hindi maisilang. Ang lahat ng mananampalataya kay Cristo ay dinala ng Diyos sa Kaniyang pamilya sa pamamagitan ng muling kapanganakan. Kailangan mong huwag maisilang o kaya ay ilaglag ang iyong sarili mula sa kapanganakan muli ng DIyos; ganuon din kailangan mong malaman kung paano maipanganak na muli (at muli) kung maisipan mong maligtas muli (at muli). (Juan 1:12-13; 3:3-6; Tito 3:5)
  8. Sirain ang tanda ng Espiritu Santo. Ang mga nanampalataya kay Cristo ay tinandaan ng Espiritu Santo hanggang sa araw ng kanilang ganap at pinal na katubusan. Sa sinaunang kabihasnan, ang tanda ay garantiya ng tagumpay na pagdating sa pinal na layon. Kailangan mong sirain ang tandang iyan at ikansela ang garantiya. (Ef 1:13-14; 4:30; 2 Cor 12:21-22)
  9. Palayasin ang nananahang Espirity Santo. Dahil sa ang lahat ng mga mananampalataya ay tinatahanan ng Espiritu Santo, kailangan mong palayasin Siya palabas. (Juan 7:39; 14:16-17; rom 8:9-11)
  10. Kumalas sa pakikiisa kay Cristo. Sa kaligtasan, ang lahat ng mga mananampalataya ay nakiisa kay Cristo sa Kaniyang kamatayan at pagkabuhay na maguli. Kailangan mong kumalas sa iyong espirituwal na posisyun kay Cristo. (Roma 6:3-5; Col 2:11-12)
  11. Umalis sa katawan ni Cristo. Bawat mananampalataya ay binautismuhan (nilublob) sa pamamagitan ng Espiritu Santo sa katawan ni Cristo kung saan kaniyang tinutupad ang layunin ng Diyos. Kailangan mong isantabi ang gawaing nagbabautismo ng Espiritu Santo at ang layunin ng Diyos para sa iyong espirituwal na kaloob sa katawan ni Cristo. (Roma 12:4-8; 1 Cor 12:12-14, 27-30)
  12. Alisan ng kabanalan. Tinitingnan ng DIyos ang lahat ng mananampalataya kay Cristo bilang pinabanal (itinabi sa isang layunin) sa kaniyang posisyun, at Siya ay kumikilos sa kanilang eksperiyensiya. Kailangan mong maiwala ang espesyal na posisyung iyan at ang karanasan ng pagiging katulad ni Cristo. (1 Cor 6:11; Heb 10:10; 1 Tes 5:23)
  13. Baguhin ang biyaya ng Diyos. Ipinakikita ng Salita ng Diyos ang Kaniyang biyaya bilang walang limitasyon, walang kundisyon at nakahihigit sa lahat ng mga kasalanan. Kailangan mong baguhin ang kahulugan ng kahanga-hangang biyayang ito upang gawin itong limitado at kundisyunal, gaano man ito kasalungat sa katotohanan. (Roma 3:24; 5:20; 11:6; Ef 1:6; 2:4-9)
  14. Limitahan ang pag-ibig ng Diyos. Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi matarok at walang kundisyon. Ang Kaniyang pag-ibig ang kumilos sa Kaniyang magbigay ng kaligtasan sa pamamagitan ng pagbibigay ng Kaniyang Anak, na si Jesus, at ang ingatan ang lahat ng mga ligtas sa isang siguradong relasyon sa Kaniya. Kailangan mong limitahan, humiwalay sa, o alisin ang hindi masukat na pag-ibig ng Diyos. (Juan 3:16; Roma 8:35-39; Ef 2:4-5)
  15. Balewalain ang pinakalayunin ng Diyos. Ang nagtatalagang layunin ng Diyos ay para sa mga mananampalataya na matulad sa larawan ni Cristo at sa huli ay maluwalhati. Kailangan mong balewalain ang kalooban ng Diyos at abandonahin ang pagbabagong ito. (Roma 8:29-30; 2 Cor 3:18)
  16. Makawala sa maghigpit na dobleng dibinong pagkakahawak. Ang mga nanampalataya kay Cristo ay mahigpit na nahahawakan ng kamay ni Cristo at ng kamay ng Diyos. Nangangahulugan itong sila ay may buhay na walang hanggan, hindi mapapahamak at hindi maaagaw sa mga kamay na ito. Kailangan mong makawala sa mahigpit na pagkakahawak na ito. (Juan 6:37; 10:28-30)
  17. Gawing sinungaling ang Diyos. Sa lahat ng nanampalataya kay Cristo, ang Diyos ay nangako ng buhay na walang hanggang sigurado at hindi mapuputol. Kailangan mong ipagpalagay na mga sinungaling ang Diyos at ang Kaniyang Anak. (Juan 3:15-16; 5:24; 6:37; Tito 1:2)
  18. Isuko ang pagkamamamayan sa langit. Ang mga nanampalataya kay Cristo ay mga mamamayan ng langit at nakaupo sa espirituwal na kalagayan kasama ni Cristo sa langit. Upang maalis ang kaligtasan, kailangan mong isuko ang pagkamamamayang ito. (Ef 1:3; Fil 3:20; Col 3:1-3)
  19. Maiwala ang mana. Ang mga mananampalataya ay mga tagapagmana ng Diyos na may mga pribilehiyo ng mas mayamang mana ayon sa kanilang katapatan. Kailangan mong alisan ang iyong sarili ng karapatan sa anumang manang nilaan ng Diyos para sa Kaniyang mga anak sa Kaniyang darating na kaharian. (Gawa 26:18; Rom 8:17; Ef 1:11)
  20. Bumalik sa kamatayan at kadiliman. Ang mga nanampalataya kay Cristo ay nilipat palabas ng kaharian ng kamatayan at kadiliman. Kailangan mong lumipat mula sa buhay patungo sa kamatayan, at mula sa kaliwanagan pabalik sa kadiliman. (Juan 5:24; 11:25-26; Col 1:12-13)
  21. Alisan ng katuturan ang mga tipan ng Lupang Tipan. Ang pinangakong kaligtasan sa pamamagitan ng Mesiyas ay dumating sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng mga tipang ginawa ng Diyos kina Abraham, David at Israel. Bagama’t hindi Niya binabawi ang Kaniyang mga tipan, kailangan mong humanap ng paraan upang makansela ang pangako. (Gen 15:6; Rom 4:13-16; Gal 3:29)
  22. Baguhin ang Aklat ng Buhay. Ang mga pangalan ng lahat ng nanampalataya kay Cristo at tumanggap ng buhay na walang hanggan ay nasusulat sa Aklat ng Buhay. Kailangan mong burahin ang iyoang pangalan mula sa Aklat na iyan sa kabila ng pagtitiyak ng Diyos na hindi kailan man aalisin ng Diyos ang pangalan ng isang mananampalataya mula sa Aklat. (Fil 4:3; Pah 3:5; 20:12-15)

Pagbubuod

Kapag ating naunawaan ang lahat ng ginawa para sa at sa lahat ng mga ligtas, tila napakahirap na maalis ang kaligtasang ito, kung posible man. Mas madaling tanggapin ang biyaya ng DIyos sa pamamagitan ng pananampalataya at tamasahin ang Kaniyang mga pagpapala. Mahirap maunawaan kung paanong ang mga nagtataglay ng mga pagpapala ng kaligtasan ay nanaiising maiwala ang mga ito maliban na lang kung hindi nila nauunawaan o pinahahalagahan ang kanilang taglay. Sa kabilang banda, ang mga pagpapalang ito ay dapat magmotiba sa mga mananampalatayang mamuhay ng isang buhay na kaaya-aya sa Diyos.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes