GraceNotes
   

   Tamang Pagpili sa Mga Kwestiyonableng Isyu



Minsan ang mga Cristiyano ay kailangang mamili kung lalahok o hindi sa ilang “kwestiyonableng” mga gawain. Ang isang kwestiyonableng isyu ay “maabong bagay” ng gawain o pagpili na hindi direktang nabanggit ng Biblia kung tama o mali. Ang mga mabubuting Cristiyano ay maaaring hindi magkasundo sa maraming maabong bagay: Gagamit ba o hindi ng alak, tabako o kapeyn; o kung ano ang nararapat na pelikula, musika o magasin; o kung lalahok o hindi sa ilang mga tradisyung nakapalibot sa Pasko, Mahal na Araw o Araw ng mga Patay; atbp.

Ang ilan ay tumutungo sa mga sukdulan upang harapin ang mga isyu. Ang isang kasukdulan ay lisensiya. Kung hindi ipinagbabawal ng Biblia ang isang gawain, mayroong kalayaan sa ilalim ng biyaya na makilahok. Ang kabilang kasukdulan ay legalismo. Ito ay mapanghusgang kasiguruhan sa mga bagay na ito’t humihingi ng ganap na pagtanggi. Ang parehong kasukdulan ay pinababayaan ang kritikal na pagsisiyasat sa isyu at sa mga biblikong prinsipyo, at ang dalawa ay kapwa pinaiiksi ang proseso ng maturidad (Tingnan Hebreo 5:13-14). Ang Biblia ay nagbigay sa atin ng mga panuntunan sa paggawa ng responsableng desiyon sa mga kwestiyonableng isyu.

Sa ilalim ng biyaya tayo ay malaya, ngunit dapat nating gamitin ang ating kalayaan sa paggawa ng mabubuting desisyon. Ang mabuting desisyon ay nakapasisiya sa Diyos, at kapakipakinabang sa lahat. Sa maikling salita, ang mabuting desisyon ay sumasalamin sa pag-ibig sa Diyos at sa kapwa (1 Cor 10:24).

Alam nating ang Diyos ay malinaw na nagsasalita sa ilang mga bagay. Sa mga kasong ito tayo ay natataliang moral na sumunod. Ang ilang mga kautusan ay walang kalabuan gaya ng “Huwag magpakalasing ng alak” (Efeso 5:18a), o “Umiwas kayo sa pakikiapid” (1 Cor 6:18a). Ngunit kapag ang Biblia ay tahimik, tayo ay malayang responsableng pumili ayon sa mga prinsipyo ng Salita ng Diyos. Ang mga prinsipyong ito ay binuod sa ibaba sa apat na mahalagang katanungan na dapat nating tanungin bago tayo magdesisyun patungkol sa mga kwestiyonableng mga bagay. Ang mga prinsipyong ito ay mula sa 1 Corinto 8-10 kung saan ang kwestiyonableng bagay ay pagkain ng karneng inihandog sa mga idolo. Ang ilang sinaunang Cristiyano ay hindi kailan man maiisip kumain ng karneng inihandog sa paganong pag-aalay. Ngunit ang dahilan naman ng iba ay ito ay karne lamang at walang implisit na halagang espiritwal. Bagama’t itinaltal ni Pablo na walang karne ang maituturing na masama sa kaniyang sarili (8:8), ipinaliwanag niya na kawalan ng ingat at kawalan ng pagsasaalang-alang para sa mga Cristiyanong kumakain ng karne na kumain nang hindi isinasaalang-alang ang epekto nito sa kanilang mga sarili at sa iba (8:19-23). Ang kaniyang argumento ay umabot hanggang kapitulo 10, kung saan masusumpungan natin ang kaniyang pagbubuod. Ito ang apat na tanong na gabay base sa kaniyang pagbubuod sa 10:23-33.

  1. Ito ba ay nagpapatibay o nang-aalipin sa akin? Sa 1 Corinto 10:23 sinabi ni Pablo, “ Lahat ng bagay ay matuwid ngunit hindi lahat ng bagay ay makabubuti. Lahat ng mga bagay ay matuwid ngunit hindi ang laaht ng mga bagay ay makakapagpatibay.” Ang “lahat ng bagay” ay tumutukoy sa mga gawaing tahimik ang Diyos. Dapat lamang nating piliin ang mga bagay na tutulong upang tayo ay lumago sa biyaya at sa kabanalan tungo sa pagiging katulad ni Cristo. Napagtanto ni Pablo na palibhasa hindi nabanggit ng Diyos ang isang bagay na masama, hindi ito awtomatikong mabuti para sa maaaring gumawa nito. Ang paglahok ay maaaring magdala sa mahinang Cristiyano sa pagkaalipin: “Ang lahat ng bagay ay matuwid para sa akin... ngunit hindi ako magpapaalipin sa anuman” (1 Cor 6:12). Kung ang isang dating mananambahan sa idolo ay lumakas ang loob na kumain ng karneng inihandog sa mga idolo, maaari siyang mahila pabalik sa mga pista ng mga idolo sa mga templo ng mga idolo, at maaaring lumahok muli sa pagsamba sa mga idolo. Gayundin naman, ang isang mahinang Cristiyano na sumilip ng kwestiyonableng magasin o pelikula ay maaaring masumpungan ang kaniyang sarili na hinihila patungo sa mas hayag at mapanganib na mga bagay na magdudulot ng pagkakasala o adiksyon sa pornograpiya.
  2. Ito ba ay nakatutulong o nakapipigil sa ibang mga Cristiyano?? Ang prinsipyong ito ay binuod sa v 24: “Huwag hanapin ng sinuman ang kaniyang sariling kapakanan kundi ang kapakanan ng iba.” At ang vv 25-29 ay ipinaliwanag kung paano hindi tayo dapat gumawa ng anumang bagay na makasasakit sa konsensiya ng ibang Cristiyano. Sa halip, ang dapat nating piliing gawin ay ang tulungang ang ibang Cristiyano na lumago sa pagiging katulad ni Cristo. Hindi tayo dapat gumawa ng anumang bagay na magiging dahilan upang ang isang kapatid na lalaki o kapatid na babae kay Cristo ay masugat ang konsensiya na magdadala ng mapanghusgang guilt. Halimbawa, hindi marunong o mapagmahal sa isang Cristiyano na alukin ng nakalalasing na inumin ang isang bagong Cristiyano na dating manginginom. Ito ay magdadala ng kahatulan ng konsensiya, o higit pa, pagkahulog pabalik sa alkoholismo (cf 8:9-13; Roma 14:19-21).
  3. Ito ba ay nakaluluwalhati sa Diyos? “Kaya kung kayo man ay kumakain, umiinom o anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos” (10:31). Sa madaling salita, kung ang pagkakaroon ng singsing sa ilong ay makaluluwalhati sa Diyos, gawin mo. Bagama’t maaaring may gagawa ng bagay na ito upang makilala siya bilang bahagi ng kultura ng mga taong nais niyang maabot ng ebanghelyo, madali para sa kaniyang kunin ang atensyon patungo sa kaniyang sarili at palayo sa Diyos. Kaya kailangang siyasating maingat ng isa ang kaniyang mga motibo upang makita kung ang kaniyang pagpili ay tulak ng vanidad o anupamang makasariling interes, o kung ito ba ay isang tapat na pagnanais na luwalhatiin ang Diyos. Sa paglahok sa anumang mga bagay, kailangang magawa nating pansamantalang huminto at purihin at luwalhatiin ang Diyos para rito (cf v 30).
  4. Pinapahina ba nito ang aking saksi sa hindi mananampalataya? Hindi gagawa si Pablo ng anumang bagay na gagambala ng kaniyang mensahe o ministri: “Huwag kayong maging katitisuran... kung paanong sinisikap kong makapagbigay-lugod sa lahat ng mga tao sa lahat ng mga bagay...upang sila ay maligtas” (vv 32-33). Isinuko niya maging ang kaniyang karapatang tumanggap ng suportang pinansiyal sa Corinto, at baka may magmasama ng kaniyang motibo sa pangangaral ng ebanghelyo (ch 9). Ang ilang hindi mananampalataya ay may matinding kumbiksyon sa ilang mga isyu. Huwag tayong gagawa ng mga bagay na lalong magpapahirap sa kanila na pakinggan ang ebanghelyo mula sa atin. Para sa mga hindi mananampalataya ang isyu ay ang mensahe ng ebanghelyo, hindi ang mensahero.

Pagbubuod

Mayroong nagbuod kung paano pumili sa mga kwestiyonableng isyu: “Ibigin ang Diyos, at gawin ang anumang gusto mo.” Tunay, na kung tayo’y umiibig sa Diyos, tayo rin ay kikilos nang may pag-ibig sa iba, at gagawa tayo ng marunong na mga pagpili sa mga hindi malinaw na isyu. Ngunit isang babala: hindi mo mapasisiya ang lahat! Ang ilang mga Cristiyano ay sadyang reklamador at mamumuna. Ang mga ito ay kailangang maingat na maturuan palayo sa kanilang legalismo o mapanghusgang espiritu. Sa maikling salita, kailangan nilang lumago at matutong kung paano gumawa ng ganap at responsableng pagpipili.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes