GraceNotes
   

   Ang Gantimpala sa mga Mananagumpay sa Pahayag 2-3



Mayroong dalawang pananaw sa mga gantimpala sa mga mananagumpay sa Pahayag 2-3. Sa nakaraang Tala ng Biyaya Bilang 97 (“Sino ang Mananagumpay sa Pahayag 2-3?”), pinakita kung paano ang mga mananagumpay ay maaaring tumutukoy sa lahat ng mga mananampalatayang dinaig ang sanlibutan sa pamamagitan ng inisyal na pananampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtas. Subalit, mayroong mas matitibay na argumentong ang mga ito ay mga Cristianong tapat na nagtiis ng mga pagsubok matapos manampalataya. Ang mga salitang sinaling “Sa magtagumpay” ay nangangahulugang “sa kanilang mananakop/mananaig” (isang partisipol mula sa nikao). Si Jesus ay nagbigay ng mga espesiyal na mga pangako ng mga gantimpala sa mga mananampalatayang nagtagumpay sa mga paghihirap. Ang paulit-ulit na gamit ng “sa magtatagumpay” ay nagmumungkahing si Jesus ay hindi nangangako sa bawat tao sa iglesia kundi sa iilang indibidwal. Bagamat ang ilan sa mga gantimpala ay enigmatiko, mayroong ilang ebidensiya sa Biblia na makatutulong sa ating interpretahin sila.

  1. Sa mananagumpay sa iglesia sa Efeso (2:1-7) Ang pangakong binigay sa v7 ay para sa mga nasa iglesia na laban sa mga huwad na guro at nagpapatuloy sa mabubuting gawa. Ang magtagumpay ay kakain mula sa puno ng buhay sa Paraiso. Ang Paraiso ay malinaw na tumutukoy sa kinabukasan ng mga mananampalataya sa harap ng Panginoon. Bagamat lahat ng mananampalataya ay tatayo sa Kaniyang harapan, tanging ang mananagumpay ang kakain mula sa puno ng buhay. Sa Pahayag 22:2, ang puno ng buhay at ang bunga nito ay nabanggit, ngunit hindi nito sinabing lahat ng mananampalataya ay kakain ng bungang iyan. Ipinakikita ng Pahayag 22:14 na ang pagkain mula sa puno ng buhay ay isang espesiyal na pribilehiyo ng mga sumusunod sa Diyos. Ang larawan ng pagkain na may banggit na buhay ay maaaring nagpapahiwatig na ang gantimpala ay mas malaking intimasya sa pakikisama sa Panginoon ng Buhay.
  2. Sa mananagumpay sa iglesia sa Smyrna (2:8-11) Sa v 10-11, dalawang pangako ang ibinigay sa mga tapat sa iglesia sa gitna ng pag-uusig: ang putong ng buhay at ang pangakong ang mananagumpay ay hindi masasaktan ng ikalawang kamatayan. Ang ibang tanging banggit ng putong ng buhay ay nagpapakitang ito ay para sa mga nagbata nang may katapatan sa gitna ng mga pagsubok (San 1:12). Nagpapakita ito ng mas matinding karanasan ng buhay ng Diyos sa buhay na ito at sa susunod, sapagkat ang Diyos ay buhay (Juan 1:4; 10:10b; 14:60. Ang pangakong hindi masasaktan ng ikalawang kamatayan ay lapat sa lahat ng mananampalataya. Subalit ito ay ginagamit dito bilang isang malakas na pagtitiyak (gamit ang dalawang negatibo sa Griyego) ng eternal na seguridad na hinayag sa isang tayutay na tinatawag na litotes, na isang pangngusap na nag-aapirma ng kabalintunaan upang magbigay empasis (hal “Tumawag siya ng ambulansiya dahil mayroon siyang hindi maliit na problema” na nangangahulugang mayroon siyang matinding problema; o “Ang sinumang maglakbay sa Israel ay hindi magsisisi” na nangangahulugang ikaw ay lubos na masisiyahan). Ang matinding pagtitiyak na ito ng walang ikalawang kamatayan ay nagbibigay diin sa kabaligtaran: masidhing karanasan ng walang hanggang buhay ng Diyos, o ang putong ng buhay.
  3. Sa mananagumpay sa iglesia sa Pergamo (2:12-27) Sa v17, ang mananagumpay sa iglesiang hindi nagkompromiso sa doktrina o sa moralidad ay pinangakuan ng natatagong mana at ng puting batong may bagong pangalan dito. Ang mana ay maaaring nagpapahiwatig ng maintimasyang presensiya ng Diyos, dahil sa tabernakulo, ang mana ay nilagay sa kaban kung saan nananahan ang Diyos (Ex 16:33-34; Heb 9:4). Dahil sa ang mana ay nagsuporta sa bayan ng Diyos sa ilang, maaaring ito rin ay nagpapahiwatig ng walang hanggang suporta mula sa espesiyal na probisyon ng Diyos. Ang puting bato ay nagpapahiwatig na ito ay dalisay at mahalagang bato. Ang kulay na puti ay nagmumungkahi ng kadalisayan (Pah 1:14) at ang puting bato ay tila nagpapahiwatig ng espesiyal na karangalan. Ang bagong pangalang nakasulat sa bato ay alam lamang ng tumanggap na nagmumungkahi ng espesiyal na intimasya kasama ni Cristo, ang nagbigay.
  4. Sa mananagumpay sa iglesia sa Thyatira (2:18-29) Ang mga pangako sa mananagumpay sa iglesiang ito ay mga gantimpala sa hindi pagyakap sa huwad na doktrina at imoralidad sa iglesia kundi nagtitiis sa pananampalataya at sa mabubuting gawa. Nangangako si Jesus ng kapangyarihan sa mga bansa at ng tala sa umaga (v 26-29). Alam nating ang lahat ng mananampalataya ay maghaharing kasama ni Cristo, ngunit ang ilan ay magkakaroon ng mas malaking awtoridad at proksimidad sa Kaniya (Mat 19:28; 25:21, 23; Macos 10:35-40; Lukas 19:16-10). Ang “Tala” at “Tala sa Umaga” ay minsang ginagamit sa konteksto ng paghahari ni Cristo (Bilang 24:17; Pah 22:16). Subalit higit sa isang pangako ng posisyon, ito ay maaaring nagpapahiwatig na ang mananagumpay ay magkakaroon ng mas malaking karanasan ng kaluwalhatian ni Cristo bilang Tala sa Umaga (Dan 12:3; 1 Ped 1:19).
  5. Sa mananagumpay sa iglesia sa Sardis (3:1-6) May ilang mananampalataya sa patay na iglesia sa Sardis na hindi lumahok sa imoralidad na magdudumi sa kanila. Sa v 5-6, si Jesus ay nagbigay ng tatlong pangako sa mga nagtagumpay sa kadumihang ito. Sasaplutan sila sa puting damit, ang kanilang pangalan ay hindi buburahin sa Libro ng Buhay (isang rehistro ng mga ligtas), at ipahahayag ni Cristo ang kanilang pangalan sa harap ng Diyos at mga anghel). Ang puting damit ay sinasalungat sa maruruming damit sa v4 at iniuugnay sa matutuwid na gawa ng mga banal (Pah 19:7-8). Na sila ay lumalakad na kasama ni Cristo (v4) ay nagbabanggit ng mga gantimpala dahil walang sinuman ang karapatdapat sa kaligtasan. Ang pariralang “Hindi Ko sila buburahin...” ay muling gumagamit ng litotes at ng dobleng negatibo (cf 2:11 at Mateo 10:42 “At tiyak na hindi nila maiwawala ang kanilang gantimpala”) upang bigayang diin ang tiyak na karanasan ng mananagumpay ng buhay na walang hanggan at ng gantimpala. Ito ay nagbibigay diin sa katiyakan ng ikatlong pangakong ang mananagumpay ay mayroong malaking karangalan kapag siya ay pinarangalan ni Jesus sa harap ng Ama at ng mga anghel. Ang “ipahayag” ay nagpapahiwatig ng komendasyon (Mat 10:32-33/Lukas 12:8-9).
  6. Sa mananagumpay sa iglesia sa Filadelpia (3:7-13) Ang mananagumpay sa iglesiang ito ay nagtiis sa pagsunod sa mga utos ng Diyos. Sa v 12-13, ang mananagumpay ay pinangakuang maging haligi sa templo ng Diyos at ang pangalan ng Diyos ay isusulat sa kaniya. Bilang isang lugar na pinaninirahan ng Diyos, ang templo ay nagpapakita ng malapit na intimasyang kasama ang Diyos. Ang pangakong maging haligi ng templo ay simbolo ng lakas, katatagan at permanensiya (Gal 2:9; 1 Tim 3:15; Pah 10:1). Ang permanensiya ay pinakikita rin ng pariralang “...hindi na siya muling lalabas.” Ang bagong pangalan ng Diyos ay na nakasulat sa mananagumpay ay nagpapakita ng bago at espesiyal na pagkakakilanlan sa templo ng Bagong Jerusalem.
  7. Sa mananagumpay sa iglesia sa Laodicea (3:14-22) Ang mananagumpay sa iglesia ay siyang iwinaksi ang kaniyang espirituwal na apatiya at binigyang sigla ang kaniyang pakikisama kay Cristo. Ang pangakao sa v21 ay ang mananagumpay ay uupo katabi ni Cristo sa Kaniyang luklukan. Ito ay hindi lamang pag-upo sa harap ni Cristo kundi paglahok sa Kaniyang paghahari sa kaharian (Mat 19:28). Ang gantimpala ay para sa mga nagtagumpay sa kanilang mga pagsubok kung paanong pinagtagumpayan ni Cristo ang sa Kaniya upang makaupong katabi ng Ama sa Kaniyang luklukan. Ito ay nagbabanggit lamang ng pinagtrabahuhang gantimpala, hindi regalo ng kaligtasan.

Pagbubuod

Ang mga mananagumpay sa pitong iglesiang ito ay mga mananampalatayang nahaharap sa maraming pagsubok na kakaiba sa mga iglesiang ito nang unang siglo. Ang pananagumpay sa mga pagsubok para sa mga gantimpala ay hindi kapareho ng pananampalataya kay Cristo para sa kaligtasan. Ang pagbibigay-diin sa gawa at pagtitiis ay nagtuturo sa atin sa mga gantimpala, hindi kaligtasan, na makukuha lamang sa walang tampat na biyaya. Mayroon ding halaga sa mga mananampalataya ngayon. Tayo ay pinaalalahanan na ang mga pagpipili natin sa buhay na ito ay may mga konsekwensiya para sa ating susunod na buhay sa eternidad. Gagantimpalaan ni Jesucristo sa buong eternidad ang mga mananampalatayang nagtiis sa katapatan at mabubuting gawa.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes