GraceNotes
   

   Paano Ang Mga 'Kristiyanong' Hindi Namumuhay Nang Tama?



Bawat isa ay may kakilalang tinatawag ang kaniyang sariling Cristiano ngunit hindi namumuhay Cristiano. Nagtatalo ang mga Cristiano kung ano ang iisipin sa mga taong ito. Ano ang konklusyon mo sa mga sumusunod na halimbawa at paano mo tutulungan ang mga taong ito?

Mga halimbawa ng problema

  • Unang halimbawa - Ang asawa ni Lisa ay walang ebidensiyang siya ay Cristiano. Sinabi ni Mark na nang siya’y bata pa lumakad siya sa unahan ng iglesia at nabautismuhan. Inisip niya pa nga niyang siya ay tinawag para mangaral. Nang mas matanda na si Mark, nagturo pa siya ng isang klase sa Sunday School, ngunit ngayon wala na siyang interes sa mga bagay espirituwal o may kinalaman sa iglesia. Naiirita si Lisa na tinuturing pa rin ni Mark ang kaniyang sariling Cristiano gayong wala na siyang interes sa mga bagay espirituwal. Hindi alam ni Lisa kung ligtas ang asawa o hindi.
  • Ikalawang halimbawa. - Si Jessica, labing-anim na taong anak ni Rob at Donna, ay may problema sa disiplina sa bahay at sa paaralan. Alam nilang bahagi ng problema ni Jessica ang grupo ng masasamang kaibigang umiinom at gumagamit ng droga. Kinumbinsi nila Rob at Donna ang anak na sumama sa isang retreat sa simbahan kung saan tinaas ni Jessica ang kaniyang kamay bilang tugon sa isang imbitasyong ebanghelyo at nakiusap sa pastor nang gabing iyon. Masaya si Rob at Donna dahil tila nasagot ang kanilang panalangin. Sumali pa nga si Jessica sa grupo ng mga kabataan at sumama sa isang misyon nang tag-init sa Mehiko. Lahat ng mga ito ay tumagal nang hindi aabot ng isang taon. Nagsimula si Jessicang makipagkita sa mga dating kaibigan at kinalauna’y kailangang ipasok sa isang rehab para sa mga adik sa heroin. Tiyak nila Rob at Donna na ligtas si Jessica ngunit ngayon sila’y nagugulumihanan.
  • Ikatlong halimbawa. - Sinabi ni Jim sa kaniyang mga Cristianong kapitbahay, sila Craig at Karla, na hindi siya Cristiano. Dinala nila siya minsan sa iglesia at sinabihan pagkatapos na kailangan niyang maging Cristiano sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo. Ngunit pagkatapos silipin ang kanilang mga buhay napagkonklusyon ni Jim na walang siyang matatamo- sa mundong ito. Namasdan niyang dinadala nila Craig at Karla ang mga bata sa iglesia ilang beses sa isang buwan, ngunit bihira silang manatili kasama ng mga ito. Alam niyang niloko ni Craig si Karla nang nakaraang taon at alam niyang niloko ni Karla ang kaniyang boss sa pamamagitan ng pagpapalobo ng kaniyang gastos. Tila mas mahal pa ni Craig ang putbul at alak kaysa kaniyang asawa’t mga anak, at ang sigawan sa bahay ay patunay nito. Ang pagkakaiba lang na nakikita ni Jim sa pagitan ng kaniyang buhay at buhay ng mga ito ay mas marami siyang oras mangisda kapag Linggo.

Mga mapagpipiliang kasagutan

  • Hindi dapat piliin. Nawala ang kanilang kaligtasan. Bagama’t may ilang Cristianong naniniwalang ang mga halimbawang ito’y nagpapakita ng mga tunay na Cristianong naiwala ang kanilang kaligtasan, tinatakwil natin iyan dahil sa malinaw na turo na ang walang hanggang kaligtasan ay walang hanggan at sigurado (Juan 10:28-30; Roma 8:29-39). Para sa mga nagpapakilalang pinangank na muling Cristiano ngunit hulog sa inaasahang Cristianong pamumuhay, may ilan pang pagpipiliang may mas biblikal paliwanag ng kanilang gawi mula sa pananaw ng biyaya.
  • Unang pagpipilian. Hindi sila tunay na ligtas. Marahil ay hindi nila talaga naunawaan ang katotohanan ng mensahe ng kaligtasan tungkol sa gawa ni Cristo sa krus para sa kanila. O marahil ay hindi nila naunawaan ang tugon ng pananampalatayang hinihingi sa kanila. Marahil may ginawa silang kung anong uri ng “desisyon” o nanalangin ng isang panalangin, ngunit ito ay maaaring nakabase sa maling impormasyon, pamimilit ng mga kasama o bugso ng emosyon sa halip na nakatatag sa Biblia. Makatutulong na tanungin ang mga taong ito ng tanong “dayagnostiko” gaya ng “Kung ikaw ay mamatay, at tinanong ka ng Diyos, ‘Bakit kita papapasukin sa Aking langit?’ ano ang sasabihin mo sa Kaniya?” Ang kanilang kasagutan ay magpapahayag kung ano ang dinedependehan nila para makapasok sa langit, o magtamo ng buhay na walang hanggan.
  • Ikalawang pagpipilian. Sila ay mga tunay na Cristianong hindi pa sakdal sa kanilang lakad-Cristiano. Inaasahan ng isa na ang mga bagong Cristiano’y makararanas ng panahon ng paglago mula sa mga lumang gawi at tendensiya sa sanlibutan patungo sa isang bagong pamumuhay. Ang haba ng paglagong ito ay maaaring magkakaiba, ngunit inaasahang isang makikitang antas ng paglagong Cristiano ang dapat mabuo. Sa mga taong ito kailangan nating magbigay ng aral biblikal at motibasyong biblikal ng biyaya, gantimpala, at kahalagahan sa mga layunin ng Diyos.
  • Ikatlong pagpipilian. Sila ay mga tunay na Cristianong nakikibaka sa kasalanan. May ilang Cristianong dahil sa kanilang nakalipas na gawi, adiksiyon, o personalidad ang nakikibaka sa pang-aakit ng espisipikong mga kasalanan at minsa’y nabibigo. Sila ay maaaring mga Cristiano na nang mahabang panahon at marahil ay nakakita ng ilang paglago at pagbabago sa ilang bahagi ng kanilang buhay. Subalit, may isang nakatitisod na kasalanang umaalipin sa kanila bago maligtas, marahil mula pa nang kanilang kabataan. Maaari totoo ito sa mga adik sa alak, droga o seks halimbawa. Ang mga mananampalatayang ito ay kailangan ng tulong na maunawaan ang kapangyarihan ng Salita ng Diyos at ng Espiritu na tulungan silang tanggihan ang mga lumang pagnanasa ng laman at mamuhay sa mga bagong pagnanasa ng Espiritu. Kailangan nila ang tulong ng Espiritu na lumikha ng mga bagong gawi na papalit sa luma.
  • Ikaapat na pagpipilian. Sila ay mga “nahulog” na Cristiano. Ang mga ito’y tunay na mananampalatayang piniling mamuhay sa makamundong pamamaraan. Itinatanggi ng ilan ang posibilidad na ito kung ang isang tao’y piniling manatili sa kasalanan nang napakahabang panahon.subalit, marami ang aamin na ang mga Cristiano’y maaaring gumawa ng mga makasalanang pagpipilli at mamuhay ng mga buhay na nakatuon sa sarili. Ang mga ganitong mananampalataya ay dapat sabihang magsisi ng kanilang mga kasalanan, pahalagahan ang mga biyayang binigay sa kanila sa kaligtasan, at mamuhay na pinararangalan ang biyayang ito. Kailangan silang paalalahanang mayroong mga pansamantala (disiplina ng Diyos) at pangwalang hanggang konsekwensiya (pagkawala ng gantimpala) para sa mga naliligaw.

Pagbubuod

Sa katapus-tapusan, tanging ang Diyos lamang, at marahil ang pinag-uusapang tao, ang makaaalam nang may katiyakan kung ang mga tinatawag ang kanilang mga sariling Cristiano ngunit hindi namumuhay na tila oo, ay talagang ligtas. Ang talagang magagawa lang natin ay ang siguruhing nauunawaan nila ang ebanghelyo at ang biyaya ng Diyos na kinakatawan nito, at aralan at turuan sila sa katuwiran. Kung sila ay tunay na mananampalataya, kailangan nilang magbigay-sulit sa Hukuman ni Cristo kung paano nila isinabuhay ang kanilang mga buhay (Roma 14:10-12; 2 Cor 5:10).


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes