GraceNotes
   

   Pagpapaliwanag ng Hebreo: Simulan sa Mambabasa



Marami ang nasusumpungan ang Hebreo bilang isang aklat na mahirap ipaliwanag. Marahil ang pinakamahirap na bahagi ay ang pagpapaliwanag ng limang nagbababalang pasahe (2:1-4; 3:7-4:13; 6:1-8; 10:26-39; 12:25-29). Maraming komentaryo ang tinatrato ang mga ito bilang babala sa mga hindi mananampalataya sa gitna ng mga mambabasa. Ngunit ito ba ay sumasang-ayon sa ebidensiya sa teksto? Marami ang sasang-ayon na ang natitirang bahagi ng aklat ay malinaw na tumutukoy sa mga mananampalataya. Mayroon bang malinaw na hindi pagkatutugma sa paraang ang mambabasa ay tinatrato sa mga pasaheng babala at sa natitirang bahagi ng epistula?

Ebidensiya sa labas ng mga babala

Ang sentido kumon ay nagpapakita na ang epistula ay sinulat sa mga mananampalataya, at lahat ay sumasang-ayon. Kaunting bagay lamang ang kailangan banggitin dito. Labas sa mga babala, ang mga mambabasa ay binabanggit bilang “mga kapatid” (10:19; 13:22) at mga “banal na kapatid” (3:1). Ang mga bagay na sinasabi sa kanila ay mailalapat lamang sa mga Cristiano (cf. 3:1; 6:9; 5:12; 10:24-25). Pansinin na ang mga ito ay sumipot bago at pagkatapos ng mga nagbababalang bahagi.

Gayundin, ang kalikasan ng mga pangaral sa kabanata 13 ay malinaw na para sa mga mananampalataya. Walang anumang pagsubok na ilapat sila sa dalawang magkaibang grupo. Sa katotohanan, sa buong epistula, ang mga nagbababalang pasahe ay hindi kailan man ipinakilala na may anumang transisyong nagbibigay tanda na ang manunulat ay nilipat ang kaniyang atensiyon sa ibang grupo sa gitna ng mga mambabasa. Ang magpahiwatig ng iba dito ay artipisyal, at samakatuwid ay sumisira sa daloy ng teksto.

Ebidensiya sa loob ng mga babala

Ngayon ay ating susuriin kung paano kinakausap ng manunulat ang mga binabalaan. Malinaw sa kaniyang lengguwahe na ang mga ito ay mga Cristiano.

  1. Sila ay binabanggit gamit ang unang panaong pangmaramihang panghalip, na nagpapakitang ibinibilang ng manunulat ang kaniyang sarili na kasama sa kanila (“natin” at “tayo” sa 2:1,3; 3:14, 19; 4:3; 10:26, 30, 39; 12:28; at “tayo” sa 4:1, 2, 11; 6:1, 3; 10:26, 30, 39; 12:28).
  2. Sila ay tinatawag ring “mga kapatid” (3:12). Gaya ng mga pasaheng hindi nagbababala, ang mga ito ay malinaw na nagpapakita ng kanilang kaparehong posisyon sa pamilya ng Diyos.
  3. Sila ay nanampalataya (4:3; 10:39). Ito ay nagsasalita ng kanilang walang kwalipikasyong pananampalataya kay Cristo bilang Tagapagligtas. Hindi sinabing sila ay muntik nang manampalataya o nanampalataya sa kulang na paraan.
  4. Sila ay may Cristianong pagtitiwala (3:14; 10:39). Tumutukoy ito sa katiyakan ng kanilang mga benepisyo ng probisyon ni Cristo. Sila kung ganuon ay sinabihang manghawak (3:14; 4:14; 10:23) at magtiis (10:36) sa pagtitiwalang iyan.
  5. Sila ay delikadong itakwil ang kanilang pananampalataya. Hindi pa, ngunit maaari silang “matangay palayo” (2:1), malayo sa “buhay na Diyos” (3:12), “tumalikod” (6:6), “umurong” (10:39), o “tumakwil” (12:25). Ang lahat ng mga lengguwaheng ito ay nangangailan ng isang puntong panggagalingan ng kanilang pagkahulog. Ang tanging puntong gaya nito sa epistula ay si Jesucristo at ang kanilang paghahayag sa Kaniya.
  6. Sila ay hinikayat na pumasok sa kapahingahan ng Diyos (4:11) at magpatuloy sa kasakdalan (6:1). Gaya ng sa Lumang Tipan, ang “kapahingahan” ay tumutukoy hindi lamang sa pagtanggap ng pangako ng Diyos, kundi ng pagtamasa nito. Ito ay pribilehiyo ng mga mananampalataya lamang, gayundin ang posibilidad ng paglago sa kasakdalan.
  7. Sila ay nagdusa para sa kanilang pananampalataya pagkatapos nilang “maliwanagan” (10:32-34). Nagawa nilang tiising ang mga pagdurusang ito dahil alam nilang sila ay may makalangit na pag-aari (10:34).
  8. Hindi sila kailan man sinabihang manampalataya kay Cristo, na siya nating inaasahan kung sila ay hindi mga mananampalataya. Kalapastanganan para sa manunulat ang omisyong ito. Sa halip, sinabi niya na ang epistula ay upang pangaralan o hikayatin ang mga mambabasa (13:22).
  9. Sila ay inilalarawan na nakaranas ng mga pagpapalang dumating kasama ng pananampalataya kay Cristo. Ang pinakanakakakumbinseng ebidensiya ay mula sa 6:4-5. Sila ay “naliwanagan,” “nakalasap ng kaloob ng kalangitan,” “naging kabahagi ng Espiritu Santo,” at “nakalsap ng kabutihan ng salita ng Diyos at ng mga kapangyarihan ng panahong darating.” Anumang pagsubok na ilapat ang mga paglalarawang ito sa mga hindi mananampalataya ay pinupwersa ang teksto kapalit ng mahusay na eksegesis at payak na pakahulugan ng lenggwahe. Sila rin ay nakatanggap ng “lubos na pagkilala sa katotohanan” (10:26), “pinabanal” (10:29), “kilala” ang Diyos (10:30), “naliwanagan” (10:32), at tinawag na “matuwid” (10:38).
  10. Binigyan sila ng mga analohiya sa Lupang Tipan na sa nakalipas at sa kasalukuyan ay lumalapat sa pagdidisiplina ng Diyos sa Kaniyang bayan. Sa 3:16 ang Awit 95 ay ginamit sa mga tinubos mula sa Egipto at malinaw na para sa mga tinubos na mambabasa. Sa 10:30 ang Deuteronomio 32:26 ay bumabanggit ng Diyos na humahatol sa “Kaniyang bayan.” Na ito ay lumalapat sa mga mananampalataya ay malinaw sa 10:31 kung saan may posibilidad na sila ay mahulog “sa” mga kamay ng Diyos. Hindi sila maaaring mahulog mula sa Kaniyang mga kamay.
  11. Sila ay inaralang “maglingkod sa Diyos na may paggalang at takot” (12:28), isang bagay na imposible para sa mga hindi mananampalataya.
  12. Sila ay nahaharap sa posibilidad ng mga gantimpala na nakakundisyon sa kanilang tapat na pagtitiis at pagsunod. Sila ay maaaring maging “kabahagi ni Cristo” (3:14), maaaring pumasok sa kapahingahan ng Diyos (4:9, 11), maaaring magkaroon ng “pag-aaring higit na mabuti at tumatagal”... sa langit (10:34), maaaring tumaggap ng “dakilang gantimpala” (10:35), at sila ay may “tinanggap na kaharian” (12:28).

Pagbubuod

Ang ebidensiya ay nananaig, pareho sa pangkalahatang kalikasan ng epistula at sa mga babala mismo, na ang manunulat ay kinakausap ang mga Cristiano. Walang dahilan upang tingnan ang mga sinulatan ng mga babala bilang mga hindi mananampalataya. Hindi sila nangangailangan ng kaligtasan kundi ng tapat na pagtiis. Malinaw sa ebidensiya na ang mga ito ay mananampalatayang Judeo na natuksong takpan ang kanilang Cristianismo ng Judaismo, o tuluyang bumalik, dahil sa banta ng paniniil.

Marahil ang dahilan kung bakit marami ang pinapaliwanag ang mga babala bilang para sa mga hindi mamanampalataya ay dahil sa tindi ng binantang paghatol, lalo na yung bumabanggit ng apoy. Ngunit ang banggit ba ng apoy ay awtomatikong nagpapahiwatig ng banta ng walang hanggang kapahamakan? Hindi! Ngunit iyan ay hiwalay na pag-aaral.

Isapuso nating mga mananampalataya ang mga panghikayat na lumago sa ating kapahayagan kay Cristo at ang mga babala laban sa pagpapabaya sa paglagong iyan. Ang buong Hebreo ay maaaring ilapat sa atin.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes