GraceNotes
   

   Ilang Katanungan Para Sa Mga Lordship Salvationist



Ang mga tagasunod ng Lordship Salvation ay ipinipilit na ang tao ay ligtas magpakilan pa man hindi lamang sa pamamagitan ng pagsampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtas kundi sa pamamagitan ng pagtatalaga nang ganap ng kaniyang sarili sa Kaniya bilang Panginoon o Maestro ng kaniyang buhay. Kung gayon, ang kaligtasan ay nakasalalay din sa pagsisisi mula sa lahat ng mga kasalanan at pagbibigay-ebidensiya ng nabagong pag-uugali at mabubuting gawa. Ang mga hindi nagpapatuloy sa mabubuting gawa o tapat hanggang sa katapusan ng kaniyang buhay ay katunayan lamang na sila ay hindi talaga tunay na ligtas sa pasimula pa lamang. Ang mga tagataguyod ng Lordship Salvation ay nagtuturo na tayo ay naligtas ng "mamahaling biyaya" na nangangahulugang pinapaliwanag nila ang mga kautusan sa pagigigng alagad (hal. itakwil ang sarili, pasanin ang krus, sumunod kay Jesus, atbp) bilang halaga na dapat bayaran para sa walang hanggan buhay. Narito ang ilang katanungan para sa mga nanghahawak sa Lordship Salvation, na itinanong nang may pag-ibig!

Paano ninyo nalalaman na kayo ay tunay na nanampalataya? Sapagkat ang inyong ideya ng "tunay na pananampalataya" ay dapat mapatunayan ng gawa at pagsunod, paano ninyo nalalaman na ang inyong pananampalataya ay tunay, lalo’t kailangan ninyo laging gumawa at sumunod pa lalo? Ano nga ba talaga ang nagliligtas sa inyo, ang inyong pananampalataya o si Jesus na siyang layon ng inyong pananampalataya? Paano ang inyong pananampalataya mapapatunayan ng subhetibong introspeksiyon samantalang ang inyong mga damdamin at karanasan ay pabago-bago? At kung ang layon ng inyong pananampalataya, ang Panginoong Jesucristo, ang nagliligtas sa inyo, hindi ba dapat patunayan ninyo ang inyong kaligtasan sa pamamagitan lamang ng kaalamang ito ay nakapahinga sa Kaniya o hindi?

Paano ninyo nalalaman na kayo ay ganap na nagsisi? Dahil sa wala kayong kamalayan ng lahat ninyong mga kasalanan (cf. Lev 4:2; 5:15), paano kung may ilang mga kasalanan na hindi napansin at hindi napagsisihan? Saang punto kayo sa tingin mo nakapagsisi nang sapat: Nang ang inyong pananaw nagbago tungkol sa kasalanan? Nang nagpasya kang baguhin ang inyong gawi? Nang aktuwal nang nagbago ang inyong mga gawi? Nang gumawa kayo nang pagbabayad o humingi ng kapatawaran? O nang natiyak ninyon g hindi na kayo muling uulit ng kasalanan? At kung ang pagsisisi ay hindi lamang pagbabago ng isip kundi pagtalikod sa mga kasalanan at pagbabago ng gawi, bakit sinabihan ni Jesus ang mga tao na "magbunga ng mga gawa na karapat-dapat sa pagsisisi" (Luc 3:8)?

Paano ninyo nalalaman na kayo ay ganap na nakatalaga sa Pagkapanginoon ni Cristo? Gaano katinding pagtatalaga ang kailangan upang masiguro ang inyong kaligtasan? Ang pagnanais ba na magtalaga sapat na, o kailangan ninyo bang aktuwal na italaga ang lahat ng mga bagay? At paano ninyo nalalaman kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng mga bagay, lalo na sa hindi mananampalataya? Dahil nananampalataya kayo na ang mga pagtatalagang kailangan sa pagiging alagad ay mga pagtatalagang kailangan din para maligtas, at ang mga ito ay nagpapatuloy (hal, itakwil ang iyong sarili, pasanin ang iyong krus araw-araw, sumunod kay Jesus, manatili sa Salita ng Diyos, mahalin si Cristo nang higit sa lahat, atbp), paano ninyo nalalaman na natupad na ninyo ang mga ito?

Paano ninyo inaasahan ang isang hindi mananampalataya na gumawa ng mga desisyong espirtiwal na sumasalamin sa espirtiwal na maturidad at pagkaunawa ng kalooban ng Diyos? Hindi ba’t ito ay paglalagay ng kariton sa unahan ng kabayo? Kung ang hindi mananampalataya ay patay sa kasalanan, paano malalaman at nanasain ng hindi mananampalataya ang nais ng Diyos na kaniyang gawin at sundin? Hindi ba’t ang pag-alam at pagsunod sa kalooban ng Diyos ay diwa ng Cristianong pamumuhay pagkatapos niyang manampalataya?

Nananatili ba kayong nakatalaga sa pagkapanginoon ni Cristo? Kung hindi, hindi ba’t iyan ay isang indikasyon na hindi kayo talaga tunay na nakatalagang ganap? At iyan kung ganuon ay nangangahulugang hindi kayo talaga tunay na ligtas? O ito ba ay pag-amin sa katotohanan at kapangyarihan ng kasalanan, isang katotohanang dahilan kung bakit imposible para sa kaninumang gumawa ng ganap na pagtatalaga na gaya nang hinihingi na inyong pananaw ng kaligtasan?

Aling mga kasalanan ang nagdidiskwalipika sa isang tao bilang tunay na mananampalataya? Muli, mayroon bang listahan ng tiyak na mga kasalanan na nagpapatunay na ang isang tao ay hindi ligtas? Paano ang mga kasalanang pangangalunya at pagpatay ni Haring David? Dahil siya ay tiyak na ligtas, ang mga kasalanan ba ay dapat mas malala pa sa kaniyang mga kasalanan upang patunayan na ang isang tao ay hindi ligtas? Gaano kalalang kasalanan ang kayang gawin ng isang Cristiano? Dahil walang duda na kayo ay sumasang-ayon na ang isang Cristiano ay nagkakasala, gaano karami ang marami bago ninyo itanggi na ang isang tao ay tunay na Cristiano? Saan kayo gumuguhit ng linya? Bakit ang Biblia nagtuturo ng disiplina ng iglesia para sa mga Cristianong nagkasala?

Kung ang inyong kaligtasan ay nakasalanan sa pagpapatuloy sa katapatan at mabubuting gawa paano ninyon natitiyak na kayo ay ligtas? Marahil tapat kayong nabubuhay ngayon, pero paano ninyo malalaman ang mga pagsubok at tukso na inyong haharapin bukas? Kung hindi ninyo mahuhulaan ang hinaharap, mayroon bang tsansa na kayo ay magkasala at mamatay bago kayo nakapagsisi? Kung ito ay posible, paano ninyo masasabi nang may katiyakan na kayo ay tunay na mga Cristiano at kayo ay may katiyakan ng buhay na walang hanggan? Paano ninyo matapat na maibibigyan ng katiyakan ng kaligtasan ang sinumang nagsabi na siya ay nanampalataya sa Ebanghelyo?

Mayroon bang lugar para lumago? Kung kabilang sa nagliligtas na pananampalataya ang pagsunod, pagtalikod sa lahat ng mga kasalanan, isang nakatalagang buhay, at garantisadong katapatan, ano na lang ang natitirang gawin? Bakit maraming mga hinihinging etika sa Biblia para sa mga Cristiano? Hindi ba’t hindi naman sila kailangan kung ang maka-Diyos na pamumuhay ay tiyak?

Nagturo ba ang Apostol Juan ng Huwad na Evangelio? Dahil ang Evangelio ni Juan ay hindi nakabanggit ng pagsisisi, o pagpapasakop o pagtatalaga ng sarili kay Jesus bilang Panginoon bilang mga kundisyon para sa kaligtasan, ngunit nakabanggit ng pananampalataya bilang kundisyon sa kaligtasan nang 98 na beses, tatawagin ba ninyo itong "madaling pananampalataya?" Iniisip ba ninyo na si Juan ay ignorante o iresponsable (Ngunit alam ko na imposible ito dahil ito ay kinasihang Salita ng Diyos)? Dahil ang kaniyang aklat ang tanging aklat ng Biblia na nag-aangking isinulat upang sabihin sa mga tao kung paano maligtas (Juan 20:31), hindi ba dapat ito ang magdetermina kung ano ang inyong sasampalatayahan bilang kundisyon ng kaligtasan?

Oo nga pala hindi ba’t ang inyong terminong "mamahaling biyaya" isang terminong salungatan? If grace is a free gift to you paid for by Jesus Christ, how can it cost you anything? Kung ang biyaya ay libreng regalo sa iyo na binayaran ni Jesucristo, paano ito nagkaroon ng halagang bayaran mula sa iyo? Kung ikaw ay may iba pang gagawin o magtatalaga para makamit ang biyaya ng Diyos, hindi ba’t ito ay isang kompromiso at nagkakansela ng biyaya (Roma 4:4; 11:6; Ef 2:8-9)? Paano ninyo kung ganuon makakamit ang biyaya ng kaligtasan sa iba pang paraan maliban sa simpleng pananampalataya?


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes