GraceNotes
   

   Tradisyon or Tradisyunalismo?

Ang isang iglesia ay mabubuhay- o mamamatay- nang dahil sa tradisyon. Ang ilang tradisyon ng iglesia ay mabuti at kapakipakinabang: pagtitipon sa isang tiyak na oras, pamilyar na musika, o mga pagsusunding araw ng pangilin. Makabubuo ang mga ito ng diwang pampamilya at makalilikha ng komportableng kultura. Subalit, minsan ang mga tradisyon ay nakasasama.

Ang tradisyon ay isang kaugalian o nakasanayang gawaing naging bahagi na ng inaasahang kultura ng iglesia, mabuti man o masama. Ang tradisyunalismo, samantala, ay ang pagpapahalaga sa mga tradisyon bilang isang hindi nasusulat na mga batas, sa ibabaw ng, nakatataas sa at samakatuwid ay laban sa Salita ng Diyos. Sinaway ni Jesus ang mga Pariseo na nanghahawak sa mga tradisyon na lumalaban sa direktang kautusang ng Diyos. Halimbawa, kinondena Niya ang nakagawiang tinatawag na “Corban” kung saan maaaring ialay ng isang tao ang kaniyang pag-aari sa templo (i. e., para sa gamit ng Diyos), subalit tumatangging tumulong sa kanilang sariling magulang sa kadahilanang ang kanilang pag-aari at pananalapi ay Corban, at kung ganuon ay hindi magagamit. Ito, ay salungat sa ikaapat na utos na igalang ang iyong mga magulang. “Itinatakwil ninyo ang kautusan ng Diyos upang matupad ang inyong mga tradisyon,” sabi ni Jesus sa mga Pariseo (tingnan ang Marcos 7:1-23; cf. Mat 15:1-20).

Gamit ang kwento sa Marcos 7 titingnan natin kung bakit tinuturing ni Jesus na nakasasama ang tradisyunalismo. Ililista rin natin ang ilang tamang pananaw tungkol sa tradiyson.

Kasamaang Dala ng Tradisyunalismo

Nagpahiwatig si Jesus nang ilang kasamaang dulot ng tradisyunalismo:

  1. Ang tradisyunalismo ay nanganganak ng pagpapaimbabaw (7:6-7). Kapag ang ilang tradisyon ay naging pamilyar na anupa’t nalimutan na ang dahilang sa likod ng mga ito, ang mga aksiyong ito ay maaaring nakasanayan na lamang at nagbibigay ng impresyon ng pagiging espirituwal. Ang mga himno ay inaawit nang walang puso, ang mga panalangin mahuhulaan, at ang mga rituwal ay paulit-ulit. Maaaring maimpres ng isang tao ang iba bilang espirituwal dahil sa mga gawaing ito ngunit ang panlabas na gawa ay hindi sumasalamin sa panloob na motibo o pagnanasa. Ang tao ay maaaring malayo sa Diyos habang nagkukunwang maka-Diyos sa pamamagitan ng pagkumporma sa tradisyon. Ito ay pagpapaimbabaw.
  2. Winawalang halaga ng tradisyunalismo ang Salita ng Diyos (7:8-13). Ito ay nangyayari kapag nag isang tradisyon ay pinapalitan ang pagsunod sa malinaw na pagsunod sa isang utos o prinsipyo sa Biblia. Ang pagsagawa ng Corban ay naglalarawan ng kasamaang ito. Ang isang modernong halimbawa ay ang pagsamba kay Maria, na naging opisyal na gawi ng Iglesia Katolika noon AD 432 ngunit sumasalungat sa utos laban sa pagsamba ng sinuman maliban sa Diyos. Ang ilang iglesia Protestante ay inilalagay ang ilang tradisyon bilang kapantay ng mga utos ng Diyos sa pagsusulong ng ilang bagay gaya ng partikular na salin ng Biblia, himno lamang (o makabagong kanta lamang!), ang “pagtawag sa altar” (o wala), mga isyu ng dalas o gawi ng Hapunan ng Panginoon o ang paggamit o hindi paggamit ng instrumentong musikal (paggamit halimbawa ng organ laban sa drum).
  3. Ang tradisyunalismo ay lumilikha at nagsusulong ng huwad na espirituwalidad (7:14-23). Ang mga tao ay maaaring makaranas na sila ay tunay na espirituwal o mas malapit sa Diyos dahil sa isang rituwal o tradisyon. Ngunit tinuturo ni Jesus na hindi ang mga panlabas na bagay ang makadudumi o makalalapit sa atin sa Diyos, kundi ang panloob. Ang musikang galing sa isang organa sa isang iglesia sa Amerika ay hindi makalalapit ng isang tao sa Diyos kumpara sa mga payak na drum sa ilalim ng isang puno sa Aprika. Ganoon din sa uri ng tinapay na ginagamit sa Hapunan ng Panginoon (o alak man, o juice, o kopa o kopleto). Ang pananalangin nang nakataas ang mga kamay ay hindi magagawa ang taong maging super-Cristiyano. Ang isyu sa mga bagay na ito ay ang motibo at pagnanasa ng puso. Ngunit madali sa tradisyunalismong limutin ang puso at dumepende sa panlabas na gawi upang bigyan ang isang tao ng pakiramdam na espirituwal.

Tamang saloobin sa mga tradisyon

Gaya nang nabanggit na, ang mga tradisyon ay maaaring maging mabuti. Nakapedepende ito sa ating saloobin sa mga ito at sa mga taong maaaring sumalungat sa atin o may ibang tradisyon. Narito ang ilang suhestiyon sa isang malusog na saloobin sa mga tradisyon.

  1. Magbigay kalayaan kung saan ang Biblia ay tahimik. Ang Biblia ay nagsasalita sa maraming mga bagay na dapat na maingat na sundin, ngunit marami rin itong isyung hindi binigyang-pansin. Halimbawa, wala itong banggit kung ilang beses sa isang linggo dapat magtipon ang isang iglesia at kung anong oras. At bagama’t ang Lumang Tipan ay maraming banggit ng mga instrumentong musikal sa pagsamba, ang Bagong Tipan ay walang banggit. Kung walang malinaw na utos sa mga bagay na ito sa Biblia, mayroon tayong kalayaang magtipon kung kailan natin ibig at gumamit ng anumang instrumentong makatutulong sa ating pagsamba. Ang Biblia ay tahimik din sa neckties, pulpito, mga aklat ng himno, powerpoint, pagpasa ng collection plate, at paglakad sa aisle. Kung ang Biblia ay walang banggit sa mga ito, malaya ang mga iglesia na gawin ang anumang makagaganda ng kanilang pagsamba at relasyon sa Diyos.
  2. Huwag maging palalo sa mga tradisyon. Dahil ang mga ito ay hindi nagpapaigi sa atin sa Diyos at maaari pa ngang maglayo sa atin sa Diyos, bakit ka palalo? Maaari tayong matutong magpahalaga sa mga tradisyon ng ibang tao, iglesia at denominasyon kung malaman natin ang kanilang dahilan at kung sila ay sinsero sa pagsunod sa Salita ng Diyos, at hindi pagbabago nito. Maaari rin tayong maging maluwag sa pagkapit sa ating mga tradisyon kung ito ay makabubuti sa ibang baguhin ang mga ito.
  3. Tantuin na ang Diyos ay Diyos ng Pagbabago. Bagama’t ang Diyos ay hindi nagbabago, ang Kaniyang mga paraan ay oo. Marami sa mga pangako ng Diyos ay para sa mga bagong bagay: bagong kapanganakan, bagong puso, bagong awit, bagong Espiritu, Bagong Tipan, bagong langit at lupa, atbp. Ang isang taong nais ang mga bagay na manatili gaya ng dati ay hindi magiging komportable sa langit! Bawat tradisyon ay bago sa sa isang punto, kaya huwag matakot na mgasimula ng bagong tradisyon. Maging bukas sa mga bagong paraan ng paggawa ng mga bagay. Ang mga idlesia ay dating gumagamit ng pisara, tapos dumating ang mga overhead projectors, at ngayon marami na ang gumagamit ng powerpoint (anong susunod, 3D holograms?). Ang lipunan, kultura at tao ay nagbabago; ganuon din ang mga paraan para abutin sila.
  4. Sigurahing angkop ang iyong tradisyon. Ang mga tradisyon ay mabuti kung tinutulungan nito ang mga taong maunawaan ang katotohanan ng Diyos at lumago rito. Ngunit hindi ito mangyayari sa pamamagitan ng luma at hindi angkop na pamamaraan. Halimbawa, ilang tao ang nakakarelate sa “bringing in the sheaves” (pagdala ng uhay) bilang metapora ng ebanghelismo? Kailangan nating hanapin ang angkop na metapora sa ating kultura. Kapag binago natin ang ating mga sarili o nilimot natin ang mga dahilan para sa isang tradisyon, ito ay madaling mawalan ng kaangkupan.

Pagbubuod

Ang ibnag tradisyon ay mabuti at ang iba ay nakasasama, ngunit dapat nating iwasan ang espiritu ng tradisyunalismong nagtataas ng kaugalian ng tao sa ibabaw ng Salita ng Diyos. Kung tayo ay magiging tapat sa ating pagsusuri, maaaring masumpungan nating marami sa mga banal na baka ng iglesia ay mas akmang maging banal na hamburger. Ang lugar na pag-iingat ng mga tradisyon at paggalang sa tradisyon ng iba ay isang magandang pagkakataon upang magpakita ng biyaya at pagtanggap sa iba na may ibang kaugalian at nakaraan. Kung tutuusin, biyaya ang nagliligtas, at hindi ang mga tradisyon.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes