GraceNotes
   

   Mga Motibasyon sa Paglilingkod sa Diyos

Simply By Grace Podcast

Bakit tayong mga Kristiyano naglilingkod sa Diyos? Bakit tayo kailangang maglingkod sa Diyos? Marami marahil ang hindi tumitigil upang siyasatin ang kanilang mga motibo. Bagama't hindi natin kailangang maunawaan ang ating mga motibo upang makapaglingkod sa Diyos o lumago sa pagka-Diyos, mas malawak ang ating kamalayan sa mga ito, mas mahusay nating mapaglilingkuran ang Diyos gaya nang nararapat sa Kaniya. Ang mga motibasyon ay madalas mahirap mawatas at minsan sila ay nagpapatong patong, ngunit malinaw sa Biblia na ang mga Kristiyano ay maaaring maglingkod mula sa mga karapat-dapat o hindi karapat-dapat na mga motibo.

Ilehitimo at hindi biblikong mga motibasyon

Ang ilang mga motibasyon ay hindi marapat sa Diyos o sa mga Kristiyano. Bagama't ang paglilingkod ay maaaring magmula sa mga hindi tamang motibasyon, hindi talaga ang Diyos ang pinaglilingkuran ng mga taong ito kundi ang kanilang mga sarili.

  1. Legalismo: Ang kabiguang magtiwala sa Diyos na patawarin ang kanilang mga kasalanan ay maaaring magtulak sa ilang tao na subukang paglingkuran ang Diyos upang pagtrabahuhan ang kanilang guilt, bilang mga gawa ng penitensiya. Ngunit binabalewala nito ang pangako ng Diyos na kumpletong kapatawaran sa lahat ng mga nagpahayag ng kanilang mga kasalanan (Col 2:13; 1 Juan 1:9).
  2. Paghahanap ng sarili: Ang pinansiyal na kapakinabangan, kadakilaan, kapangyarihan o pansariling kabunyihan ay maaaring magmotiba sa ilan na subukang paglingkuran ang Diyos. Malinaw na kanila lamang pinaglilingkuran ang kanilang makasariling mga pita. Ang Biblia ay puno ng mga halimbawa na ang motibasyon ay gaya nito (Mat 6:1-6; Marcos 12:28-40; Fil 1:15-18; 3 Juan 9; 2 Ped 2:14-15). Nagturo ang apostol Pablo laban sa mga ganitong motibo (2 Cor 4:2-5; Gal 1:10; 1 Thess 2:3-6; 1 Tim 6:1).

Lehitimo at biblikong mga motibasyon

Ang Biblia ay nagpakita ng ilang makapangyarihan at malinaw na motibasyon para sa paglilingkod at maka-Diyos na pamumuhay. Ang mabubuting motibo ay maaaring magpatong-patong at ang iba ay tila mas mataas sa prinsipyo kaysa sa iba. Narito ang limang madaling makilalang mga motibo mula sa Bagong Tipan na bahagyang nakaayos ayon sa prayoridad.

  1. Pag-ibig: Kabilang dito una ang pag-ibig sa Diyos, at ang kasama nitong pag-ibig sa iba (Mat 22:37-39). Ang isang Kristiyanong ang motibo ay pag-ibig ay gumagawa para sa kapakinabangan ng Minamahal. Ang pag-ibig sa Diyos ay madalas napapakita sa pagsunod (Juan 14:21; 1 Juan 5:2). Ang pag-ibig ay maaari ring ipahayag ang kaniyang sarili sa pagnanasang luwalhatiin (Juan 12:27-28), pasiyahin (Col 1:10; 3:20; 1 Tes 4:1), at kilalanin ang Diyos (Fil 3:10-14; 1 Juan 4:16). Ang pag-ibig sa Diyos ay nangangahulugang pag-ibig sa iniibig ng Diyos, kaya iniibig din natin ang ibang tao (2 Cor 5:14; 12:15; 1 Juan 4:11; 5:2).
  2. Utang na Loob: Dahil sa tayo ay nakinabang sa mga ginawa ng Diyos, maaari nating naisin na tumugon nang may pagpapasalamat. Ang ating paglilingkod at buhay ay naging "Pasalamat" sa Kaniya. Sa liwanag ng mga pagpapala ng Diyos, tayo ay namomotiba na ihandog ang ating mga katawan sa Kaniya (Rom 12:1-2) at mabuhay para sa Kaniya (Gal 2:20). Si Pablo ay namomotiba na paglingkuran ang Diyos nang may pagpapasalamat (1 Tim 1:12).
  3. Walang hanggang kabuluhan: Maari tayong mamotibo na punan ang ating paghahanap ng kabuluhan nang lagpas sa pansamantalang buhay na ito ayon sa orihinal na mga layunin ng Diyos. Nilikha tayo ng Diyos upang makilahok sa Kaniyang paghahari sa mundo (Genesis 1:26-28). Ito ay matutupad sa Kaniyang darating na kaharian ayon sa digri ng ating katapatan sa ating mga pananagutan sa buhay na ito (Mat 19:27-30); Lukas 19:11-27) o sa ating tapat na pagtitiis sa pagdurusa (Rom 8:17; 2 Tim 2:12). Ang kagalakan ng pinaghirapang mana na ito ay dapat na maghikayat nang maka-Diyos na gawi (1 Cor 6:9-11; Gal 5:21; Ef 5:5). Ang aklat ng Hebreo ay nangangako sa kanilang mga tapat ng bahagi sa darating na paghahari ni Kristo (Heb 1:14; 3:14; 4:1, 9; 6:11-12). Ang walang hanggang kabuluhan ay maaaring magsimula kapag tayo ay naglingkod kay Kristo sa buhay na ito (Mat 10:38-39; 16:24-27; Lukas 9:23-26).
  4. Mga gantimpala: Maaari rin tayong mamotiba ng mga gantimpalang binigay ng Diyos sa buhay na ito (Marcos 10:28-31) at sa eternidad (Mat 16:27; Pah 22:12). Ang hukuman ni Kristo ay eksena ng ating mga gantimpala sa hinaharap. Lahat ng mga Kristiyano ay haharap at magbibigay-sulit (Rom 14:10-12; 2 Cor 5:10; 1 Cor 3:9-13). Kabilang sa mga walang hanggang gantimpala ang mga kayamanan (Mat 6:20) at mga korona (1 Cor 9:25; 1 Ped 5:4; 2 Tim 4:8). Ang motibasyon ay maaari ring mangyari sa posibilidad na mawalan ng mga gantimpala (Mat 22:1-14; 25:14-25; Luk 19:11-27; 1 Cor 3:12-15). Ang mga gantimpala ay hindi makasariling motibasyon kung ang ating layunin ay gamitin ang mga ito upang luwalhatiin ang Diyos sa huli.
  5. Tungkulin: Ang ilang mga Kristiyano ay maglilingkod sa Diyos dahil sila ay gumawa ng komitment na gawin ito, o dahil sila ay namumuhay sa pagkatawag sa kanila ng Diyos. Ang tungkulin ay hindi umaasa ng gantimpala ngunit isinagawa dahil sa obligasyon (Luk 17:7-10). Makikita ito sa sariling komitment ni Jesus na gawin ang gawaing tinawag Siya ng Diyos na gawin (Marcos 1:38; Juan 12:27; 17:4; Heb 2:17; 5:5-10). Si Pablo ay namotiba na mabuhay sa kaniyang katawagan bilang apostol sa mga Hentil (Gawa 20:24; 2 Tim 1:1, 11; 2:7). Maaari ring maramdaman ng mga Kristiyano na tungkulin nilang maging matapat na katiwala ng kanilang mga kaloob (Rom 12:6-8; 1 Tim 4:14; 1 Pedro 4:10-11) o ng ebanghelyo (1 Cor 9:17-18; Col 1:25; 1 Tim 1:11, 18; 6:20; 2 Tim 2:14; 2:2; Tito 1:3).
  6. Pagkatakot: Ang motibasyong ito ay mababa kaysa pag-ibig (1 Juan 4:18) ngunit maaaring magmotiba sa mga Kristiyano palayo sa kasalanan o kawalan ng katapatan at patungo sa maka-Diyos na gawi. Maaaring matakot ang isa sa negatibong kahatulan sa hukuman ni Kristo (San 2:13; 3:1), kabilang na ang kahihiyan (2 Tim 2:15; 1 Juan 2:28) o pagkawala ng gantimpala (1 Cor 3:13-15; 9:27). Ang Kristiyano ay maaari ring matakot sa temporal na disiplina ng Diyos (1 Cor 5:5; 11:29-32; Col 3:23-25; 1 Tim 4:14; San 5:15-16, 19). Ang Aklat ng Hebreo ay mabisang ginamit ang limang nakahihilakbot na babala upang mamotiba ang mga mambabasa palayo sa pagtalikod patungo sa maturidad (Heb 2:1-4; 3:7-4:13; 6:1-12; 10:26-31; 12:25-29). Mayroon ding positibong aspeto ng pagkatakot sa diwa ng paggalang, na isa ring motibasyon sa Kristiyano (Gawa 10:2; 2 Cor 7:1; Ef 5:21; Fil 2:12; Heb 12:28).

Pagbubuod

Kung paanong may mga ilehitimo't hindi biblikong motibasyon sa paglilingkod sa Diyos, mayroon ding mga lehitimo't biblikal. Dapat nating matutunang hanapin ang pinakamataas na motibasyon sa ating sariling paglilingkod. Dapat din tayong matuto na imotiba ang iba patungo sa paglilingkod o sa kabanalan nang may pinakamagandang motibasyon. Malusog na suriin ang ating mga motibo sa paglilingkod sa Diyos o sa paglago sa pagka-Diyos upang lalo natin siyang mapaglingkuran nang maiigi.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes