GraceNotes
   

   Sino ang Mananagumpay sa Pahayag 2-3?



“Ang magtagumpay...” (Pah 2:7, 11, 17, 26; 3:5, 12, 21)

Sa pitong sulat sa mga iglesia sa Pahayag 2-3, ang mga mananagumpay ay maaaring makita bilang 1) lahat ng mananampalatayang pinangakuang makapapasok sa kaharian, o 2) mga indibidwal na mananampalatayang napagtagumpayan ang mga pagsubok at pinangakuan ng gantimpala sa kaharian at sa eternidad. Ang mga iglesia at ang kanilang mga problema ay pamilyar at kung ganuon ay kontemporaryo ng apostol Juan, ang may-akda, ngunit ang kanilang ekshortasiyon ay angkop sa lahat ng panahon.

Dahil ang lahat ng sumampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtas ay napagtagumpayan ang sanlibutan at si Satanas, lahat ng mananampalataya ay ginarantiyahan ng ilang porma ng paghahari base sa kanilang posisyun kay Cristo (Roma 8:37; 1 Cor 6:3; Pah 1:6; 5:9-10; 20:4-6). Subalit ang Kasulatan ay tila nagpapahiwatig na may ilang mananampalatayang magkakaroon ng espesiyal na pribilehiyo ng paghahari dahil sa kanilang nagawa o pagtitiis sa katapatan (Mat 19:28; Marcos 10:35-40; 2 Tim 2:12). Ang dalawang pananaw ay parehong may nakakakumbinseng mga argumento.

Ang pananaw na ang mananagumpay ay lahat ng mananampalataya

  • Ang pangunahing argumento para sa pananaw na ito ay nanggaling sa 1 Juan 5:4-5: “Sapagkat ang sinumang ipinanganak ng Diyos ay dumadaig sa sanlibutan at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanlibutan, samakatuwid ay ang ating pananampalataya. At sino ang dumadaig sa sanlibutan kundi yaong nananampalatayang si Jesus ay Anak ng Diyos?” Dito, ang mananagumpay ay ang sinumang nanampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtas, at sa pamamagitan ng pananampalataya ay nadaig ang sanlibutan. Ang tagumpay na ito ay posisyunal dahil sa diwang praktikal, ang mga nanampalataya ay maaaring umurong sa kahihiyan (1 Juan 2:28).
  • Ang isa pang argumento ay dahil si Jesus ay nanagumpay (Juan 16:33; Roma 8:37), ang mga na kay Cristo ay mananagumpay.
  • Ang lahat ng nanampalataya kay Cristo ay may bahagi sa unang pagkabuhay na maguli, kahit pa ang mga karnal na mananampalataya, at ang mga ito ay maghaharing kasama ni Cristo (1 Cor 15:20-23; Pah 20:4-6).
  • Ang ilan sa mga bagay na pinangako sa mananagumpay sa Pah 2-3 ay pinangako sa lahat ng mananampalataya: Hindi sila sasaktan ng ikalawang kamatayan (2:11; 21:6-8), at bibigyan ng tala ng umaga (2:28; 2 Ped 1:19), hindi mabubura mula sa aklat ng buhay (3:5; 20:15), uupong kasama ni Cristo sa luklukan (3:21) at maghaharing kasama ni Cristo, (20:4-6).
  • Ang pangako sa mananagumpay sa Pahayag 21:6-8 ay para sa mga nanampalataya (uminom ng tubig ng buhay) at kasalungat ng mga hindi mananampalatayang pupunta sa lawa ng apoy. Ito ay nagpapalagay na ang “magmamana ng lahat ng ma bagay,” ay patungkol sa pagpasok sa kaharian.

Sa pangkalahatan, ang lahat ng mga Cristiano sa birtud ng kanilang posisyun kay Cristo, ay nadaig ang sanlibutan at ang diablo at makikilahok sa ilang paraan sa paghahari sa hinaharap.

Ang pananaw na ang mananagumpay ay mga tapat na mananampalataya:

  • Ang argumento na ang mananagumpay sa Pahayag 2-3 ay mga mananampalatayang nadaig ang kanilang mga pagsubok ay nagsisimula sa obserbasyong si Jesus ay kinakausap ang pitong iglesia. Samantalang maaaring may hindi mananampalataya sa mga iglesiang ito, ang designasiyong iglesia ay nagpapalagay ng Cristianong pagkakakilanlan at reputasyon. Walang mga imbitasiyong manampalataya kay Cristo para sa kaligtasan. Walang ebidensiyang mas nagdodomina ang mga hindi mananampalataya sa anumang iglesiang nabanggit sa mga kapitulong ito o sa buong Bagong Tipan. Tanging ang mga tapat na Cristiano sa mga iglesiang ito ang ginarantiyahan ng mga pribilehiyo sa hinaharap.
  • Sa Pahayag 2-3 ang mga kundisyon sa pananagumpay ay hindi kailan man hinayag bilang pananampalataya kay Cristo kundi may kaakibat na katapatan, pagsisisi, pagtitiis at mga gawa (2:2, 9, 13, 19: 3:1, 8, 15). Ang mga gawa ay nabanggit nang labindalawang beses (labing apat sa Majority Text). Sinabi ni Jesus, “Alam Ko ang iyong mga gawa” nang limang beses. Ang empasis ay nasa mga gawa, hindi sa pananampalataya para sa buhay na walang hanggan. Ang paggawa ng mga gawa at pagtitiis hanggang sa katapusan ay salungat sa kaligtasan sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya (2:26).
  • Kung paanong ang Ebanghelyo ni Juan ay may ibang layon sa 1 Juan, ganuon din ang 1 Juan ay may ibang layon sa Pahayag. Ang mga salita ay dapat unawain nang kinokonsidera ang layon ng bawat aklat. Ang mananagumpay sa 1 Juan 4:1 ay nadaig ang espiritu ng mga anticristo sa sanlibutan, at sa 5:4-5 ay nilalarawan bilang ang taong may inisyal na pananampalataya kay Cristo bilang Tagapagligtas at nadaig ang sanlibutan at si Satanas. Ang mga mananagumpay sa Pahayag 2-3 ay natamo ang kanilang estado sa pamamagitan ng nagpapatuloy na pananampalataya at pagtitiis sa mga pagsubok. Ang pangkasulukuyang, aktibong partisipol (“ang mananagumpay”) ay ginamit upang ipakita ang kanilang pangkasalukuyang aktibidad, hindi ang nakaraang pananampalataya kay Cristo.
  • Ang mga pangako sa Pahayag 2-3 ay sa mga indibidwal na nanagumpay, hindi sa iglesia sa kabuuan.
  • Kung ang lahat ng mananampalataya ay mananagumpay, ang mga utos sa mga iglesiang ito (at ang lahat ng mga utos sa mga mananampalataya) ay walang laman at hindi kailangan dahil sila ay ginarantiyahan ng tagumpay.
  • Kung ang lahat ng mananampalataya ay mananagumpay walang puwang para sa mga mananampalataya na mabigo o mamatay sa kanilang mga kasalanan (1 Cor 11:30; 1 Juan 5:16). Ang tagumpay sa Cristianong pamumuhay ay hindi ginarantiyahan para sa lahat ng mananampalataya.
  • Ang magbigay ng gantimpala sa lahat sa birtud na hindi naman nila ginawa ay walang saysay.
  • Kailangan ni Jesus managumpay upang maghari, na walang kinalaman sa kaligtasan (Pah 3:21).
  • Ang mga putong (bilang gantimpala sa hinaharap), hindi buhay na walang hanggan, ang ibinigay sa mga mananagumpay (2:10) at posibleng maiwala (3:11).

Sa Pahayag 2-3, ang mga mananagumpay ay nakikita bilang mga indibidwal na mananampalataya sa iglesia na nagsisisi, tapat at nagtitiis sa mga pagsubok na hinaharap ng bawat iglesia.

Pagbubuod

Ang pagkakakilanlan ng mga mananagumpay sa Pahayag 2-3 ay isang mahirap na problema sa interpretasiyon. Parehong may maiinam na argumento ang dalawang pangunahing pananaw. Subalit, kailangan nating maging maingat sa pag-interpreta ng mahihirap na pasahe sa liwanag ng konteksto ng aklat at ng kanilang gamit doon. Ano ang dinadaig? Ang mga mananagumpay sa Unang Juan ay ang mga nanampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtas, at kung ganuon ay dinaig ang sanlibutan at si Satanas. Ang mga mananagumpay sa Pahayag ay mga mananampalatayang may tagumpay laban sa mga pagsubok sa birtud ng kanilang katapatan, pagsisisi at pagtitiis sa mabubuting gawa. Ang panghuling interpretasiyon ng mananagumpay sa Pahayag 2-3 ay ang mas konsistent sa ebanghelyo ng libreng biyaya. Samantalang ang lahat ng mananampalataya ay maghahari bilang mga mananagumpay kay Cristo, ang ilang ay may espesiyal na mga pribilehiyo dahil sila ay nagtagumpay sa espisipikong mga pagsubok sa katapatan kay Cristo. Lahat ng mananampalataya ay lalahok sa paghahari ni Cristo sa hinaharap, ngunit ang ilan ay may mas prominenteng mga posisyun at mga pribilehiyo. Nangangailangan ng isang hiwalay na pag-aaral upang maipakita kung paano ang kada isa sa mga espesiyal na pribilehiyong ito para sa mga mananagumpay na Cristiano sa Pahayag 2-3 ay maitutugma sa ibang pahayag ng Kasulatan.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes