GraceNotes
   

   Pagbibigay ng Maliwanag na Alok ng Ebanghelyo

Dahil ang ebanghelyo ni Jesucristo ang tanging mensaheng makaliligtas ng tao, nais nating maging malinaw sa pagpapaliwanag kung paano ang isang tao ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Kapag atin nang naibahagi ang magandang balita kung sino si Jesus at kung ang ano ang Kaniyang ginawa para sa atin sa Kaniyang kamatayan at pagkabuhay na mag-uli, dapat nating imbitahan ang mga tao sa Kaniyang pangako ng buhay na walang hanggan. Ngunit ang malinaw na pagpaliwanag ng ebanghelyo ay maaaring mawalang-saysay ng malabong imbitasiyon. Kapag pinapaliwanag nating ginawa ni Jesucristo ang lahat ng kailangan upang bigyan tayo ng kaligtasan, ayaw nating magbigay ng impresiyong mayroong pang natitirang dapat gawin. Sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Jesucristo para sa buhay na walang hanggan tayo naligtas. Narito ang ilang imbitasiyon at mga gawing makalilito sa mga taong kailangan lamang manampalataya.

Ibigay ang puso (o buhay) sa Diyos

Ang isyu sa kaligtasan ay hindi kung ano ang ibinigay natin sa Diyos kundi kung ano ang binigay Niya sa atin- buhay na walang hanggan (Juan 4:10). Ang imbitasiyong ito ay mas maiiging sumasalamin sa isyu sa sanktipikasyon. Ito ay isang mahusay na payo sa Cristiano kung paano mabuhay para sa at maglingkod sa Diyos. Ngunit ito ay makalilito sa hindi mananampalataya.

Gawing Panginoon si Jesus ng iyong buhay.

...or Ilagay si Jesus sa trono ng iyong buhay. Isuko (o italaga) ang iyong buhay kay Jesus bilang Panginoon.

Ang mga imbitasiyong ito ay hulog sa kinakailangan para sa kaligtasang walang hanggan. Hindi rin ang mga ito nagbibigay ng katiyakan ng kaligtasan dahil imposibleng malaman kung si Jesucristo ay talagang Panginoon ng lahat sa buhay ng isang tao. Ang Biblia ay nagtuturo na ang ating masunuring pagsuko sa Diyos ay tugon sa nagliligtas na biyaya ng Diyos, hindi hinihinging kailangan para tamuhin ito (Roma 12:1; Titus 2:11-12).

Kausapin si Jesus na pumasok sa iyong puso.

...or Buksan ang pintuan ng iyong puso. Imbitahan si Cristo sa iyong puso (o buhay).

Ang imbitasiyong ito ay sumasalamin sa maling pagkaunawa ng Pahayag 3:20, “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko.” Dalawang obserbasiyon sa sitas na ito: 1) hindi sinabi ni Jesus na Siya ay kumakatok sa pintuan ng puso ng isang tao. Mas tamang si Jesus ay kumakatok sa pintuan ng iglesia sa Laodicea na tumanggap ng sulat na ito. 2)Dahil sila ay iglesia, ang isyu ay hindi walang hanggang kaligtasan kundi ang pagbabalik ng pagsasama sa pagitan ni Jesucrito at ng iglesia, o ng mga indibidwal sa iglesia. Ang pagkaing magkasalo ay isang karaniwang larawan sa Biblia ng pakikisama (Gawa 2:42, 46).

Bagama’t ang mga imbitasiyong ito ay kumikilala sa puso bilang pinakadiwa ng ating pagkatao, ang isyu ng pangangailangang sumampalataya kay Jesucristo para sa buhay na walang hanggan ay hindi naipahayag. Ang isyu sa kaligtasan ay hindi ang ating pag-imbita kay Jesucristo na gumawa ng anumang bagay. Sa halip, Siya ang nag-iimbita sa ating manampalataya sa Kaniya. Panghuli, ang larawan ng pinto sa puso o ang konseptong si Jesus ay naninirahan sa espasyo ng puso ay madaling makalito sa mga batang madalas ay nag-iisip sa konkretong pamamaraan.

Magsisi ng iyong mga kasalanan.

Bagama’t maitataltal na kapag ang isang tao ay nanampalataya kay Cristo siya ay nagsisi (nagbago ng isipan) tungkol sa nagkailang bagay (hal kaniyang makasalang kalagayan, sino si Jesus, ano ang iniaalok ni Jesus, na ang alok na ito ay totoo sa kaniya) ang pagsisisi sa diwa ng pagtalikod sa lahat ng mga kasalanan ay hindi kundisyon sa buhay na walang hanggan. Hindi lamang na ipinagkakamali nito ang ugat (pagbabago ng isip) sa bunga (pagbabago ng gawi), ngunit ginagawa nito ang gawi bilang kundisyon para sa kaligtasan. Hindi tayo naligtas dahil sa ating ginawa o hindi na ginagawa, kundi sa pananampalataya. Ang isang tao ay maaaring tumalikod sa lahat niyang kasalanan ngunit manatiling hindi ligtas dahil hindi sila nanampalataya kay Cristo.

Ikumpisal/ipahayag mo ang iyong mga kasalanan.

Ito ay nakalilito sa hindi mananampalataya. Ilang kasalanan ang kailangang ikumpisal? Paano ang mga kasalanang hindi naalala? Ang ilan ay maaaring mag-isip na kailangan nilang lumapit sa isang pari. Ang salitang kumpisal/ipahayag ay nangangahulugang sumang-ayon sa. Ang isang tao ay maaaring sumang-ayon sa Diyos na siya ay nagkasala ngunit ito ay hindi sapat upang iligtas siya. Ang makasalanan ay kailangang sumang-ayon sa Diyos na Siya ang nagbigay-tugon sa penalidad ng kaniyang kasalanan sa pamamagitan ng pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli ng Kaniyang Anak, si Jesucristo, at na siya ay bibigyan Niya ng buhay. At ito ang eksaktong kahulugan ng manampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtas.

Tanggapin si Jesucristo bilang iyong Tagapagligtas.

May ilang suportang biblikal sa lenggwaheng ito (Juan 1:12; Col 2:6), ngunit ang pagtanggap kay Cristo sa mga pasaheng ito ay resulta ng pananampalataya sa Kaniya, gaya ng ipinapakita ng konteksto. “Tanggapin si Cristo” ay hindi ginamit sa Biblia para manampalataya kay Cristo.

Ipanalangin ang panalanging ito.

Ito ay maaaring magbigay ng impresiyong kailangan ang isang partikular na dasal para sa kaligtasan. Ngunit ang panalangin ay hindi kundisyon sa pagtanggap ng buhay na walang hanggan. Kung ang isang tao ay handang manalangin upang ipahayag ang kaniyang pananampalataya kay Cristo bilang Tagapagligtas, nangangahulugan itong siya ay nanampalataya na sa Kaniyang pangako ng buhay na walang hanggan. Ang panalanging nagpapahayag ng pananampalatayang ito o nagpapasalamat sa Diyos para sa Kaniyang regalo ay nararapat lamang ngunit ang pagkakaiba ng panalanging ito at ang kahulugan ng manampalataya ay dapat manatiling malinaw. Walang panalangin, o iba pa mang gawi o ritwal ang makaliligtas.

Lumakad pasulong.

Dalawang huwad na impresiyon ang maaaring maiwan ng imbitasyong “lumakad pasulong” sa simbahan o pagtitipong Cristiano. Una, maaaring isipin ng isang taong ang pisikal na paglakad ang nagliligtas. Pangalawa, maaaring isipin ng isang tao na ang pagpahayag sa publiko kay Cristo ang nagliligtas. Alin man sa dalawang ito ay hindi kundisyong biblikal sa kaligtasan. Kung ang isang tao ay handang lumakad pasulong sa simbahan o handang ipahayag sa publiko si Cristo bilang kanilang Tagapagligtas, ibig sabihin nanampalataya na siya sa Kaniya.

Pagbubuod

Saan tayo iniiwan nito? Naiiwan tayo sa sariling lenggwahe ng Biblia. Ang imbitasyon sa Biblia ay manampalataya sa natapos na gawain ni Cristo para sa buhay na walang hanggan. Matapos ipaliwanag kung sino si Cristo, at ano ang ginawa Niya para sa atin, maaaring tanungin natin ang hindi mananampalataya, “Sinasampalatayahan mo ba ito?” Maaaring kailangan nating ipaliwanag na ang manampalataya ay nangangahulugang makumbinse na ang pangako ng Diyos ay totoo, at “Ang pangakong ito ay totoo sa iyo.” Ngunit ito ay pananampalataya lamang. Walang mas sisimple o mas lilinaw pa kapag tayo ay nagbigay ng imbitasiyon sa ebanghelyo.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes