GraceNotes
   

   Mapagdudang Pagsusuri ng Sarili sa 2 Corinto 13:5



Siyasatin ninyo ang inyong sarili kun kayo’y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili,na si Jesucristo ay nasa inyo maliban na nga kung kayo’y itinakwil na.

Hindi madalang gamitin ang sitas na ito upang hikayatin ang nagpapakilalang Cristianong siyasatin ang kanilang mga sarili upang makita kung sila ay tunay na ligtas. Bagama’t lehitimong hikayatin ang mga taong siyasatin ang katotohanan ng ebanghelyong kanilang sinasampalatayahan, matapos nilang manampalataya sa ebanghelyo, ang pagsisiyasat ng sarili ay maaaring maging nakapanghihinang-loob na gawain sa kawalan. Kapag ang ebanghelyo ni Jesucristo ay tumigil bilang layon ng pananampalataya,ang mga mananampalataya ay maaaring mawala at maligaw sa subhetibidad, at mawala ang katiyakan ng kanilang kaligtasan, na nagpapahina ng paglagong espirituwal at maturidad.

Ang layon ng pagsisiyasat

Ang mga taga-Corinto ay sinabihang siyasatin ang kanilang mga sarili kung sila ay “nangasa pananampalataya,” at alamin kung si Jesucristo ay nasa kanila. Walang nabanggit tungkol sa pagsiyasat ng kanilang mga gawa o ng kanilang pananampalataya; iyan ay wala sa konteksto. Kung ang mga gawa ang sisiyasatin, ang mga taga-Corinto ay miserableng hindi papasa (1 Cor 3:1-3; 5:9-6:20; 11:21-30). Hindi rin sila sinabihang siyasatin ang kanilang pananampalataya kundi tingnan kung sila ay “nangasa pananampalataya.”

Ang isang interpretasyong sinikap na sagutin ang mga problemang bunga ng pagsisiyasat sa sarili para sa kaligtasan ay ang pagtingin sa mga ito bilang pagsubok ng lakad ng mga taga-Corinto kasama ang Panginoon at hindi pagsubok ng kanilang pagkapanganak na muli. Sa pananaw na ito, “ang nangasa pananampalataya” at si “Jesucristo... sa inyo” ay tumutukoy sa kalidad ng relasyon ng mga taga-Corinto kay Cristo. Subalit, mas maiging tingnan ang “nangasa pananampalataya” bilang obhetibong pantukoy sa pagiging bahagi ng katawan ng Cristianong pananampalataya (tingnan halimbawa ang Tito 1:13). Gayun din, si Jesucristo na nasa kanila ay isa pang obhetibong indikasyon ng kanilang tunay na kaligtasan (1 Juan 5:11-13). Bagama’t tila ito sumasang-ayon sa unang pananaw kung saan kinukwestiyon niya ang kanilang kaligtasan, ang pagkakaiba ay signipikante. Hindi sila sinasabihan ni Pablo na siyasatin ang kanilang sarili dahil may alinlangan siya sa kanilang kaligtasan, kundi dahil nakasisiguro siya rito. Ito ang naging basehan ng kanilang argumento para sa kaniyang sariling awtentesidad, isang bagay na kinukwestiyon ng mga taga-Corinto.

Ang layon ng pananampalataya

Hindi kinukwestiyon ni Pablo ang walang hanggang kaligtasan ng mga taga-Corinto. Sa kabalintunaan, ulit-ulit niya itong inapirma sa epistula (1:21-22; 3:2-3; 6:14; 8:9; at sa konteksto, 13:11-14). Para siya mag-alinlangan sa kanilang kaligtasan o hikayatin silang kwestiyunin ang kanilang kaligtasan ay laban sa tono ng kaniyang una at ikalawang epistula sa kanila.

Ang pagsisiyasat ng sarili, sa depinisyon, ay naglalayo ng atensiyon ng isang tao sa lehitimong layon ng pananampalataya, ang ebanghelyo ni Jesucristo (Ang Kaniyang Persona, Ang Kaniyang Probisyon, Ang Kaniyang Pangako), patungo sa isang subhetibong pagsisiyasat ng sarili. Ang katiyakang nanggagaling sa pananampalataya lamang kay Cristo lamang ay imposible dahil sa subhetibong kalikasan ng pagsusuri ng ating lakad, ng ating mga gawa, o ng ating pananampalataya. Mabuti na lang, may mas maiging paraan sa pag-unawa ng pasaheng ito.

Ang konteksto ay hari

Gaya ng madalas mangyari, ang konteksto ay nagpapahayag ng mga pahiwatig para sa pinakamalinaw na interpretasyon. Si Pablo ay sumusulat sa mga mananampalataya sa Iglesia sa Corinto. Marami silang mga problema, ang ilan ay tila baga resulta ng mga huwad na apostol na lumalaban sa ministeryo ni Pablo. Upang itaas ang kanilang mga sarili, ang mga huwad na apostol ay nag-aangking si Pablo ay huwad na apostol (10:2). Isa sa mga layunin ni Pablo sa pagsulat ay ang ipagtanggol at buong kapakumbabaang ihayag ang kaniyang pagka-apostol (5:12-13; 10:1-11; 12:11-33). Ang mga Cristiano sa Corinto ay nalilito at naghahanap ng “patunay” (mula sa dokimen, ipasa ang pagsusulit, sinang-ayunan) na si Cristo ay nagsasalita sa pamamagitan ni Pablo (13:3). Sinabi ni Pablong ang kaniyang kapangyarihan ay mula kay Cristo, na kanilang makikita sa kaniyang pagbisita (13:1-4, 6).

Ang mga huwad na propeta ay nagsisikap na “idiskwalipika” (mula sa adokimos, hindi napasahan ang pagsusulit, hindi sinang-ayunan) si Pablo bilang isang hindi nakapasa sa pagsusulit ng tunay na apostol. Ngunit kapag si Pablo ay dumating, makikita ng mga taga-Corinto na hindi siya dinisaprubahan ng Diyos. Ang mga taga-Corinto mismo ang katunayan ng kaniyang awtentisidad (3:1-3). Si Cristo ay nasa kaniya dahil si Cristo ay nasa kanila! Dahil sila ay tunay na ligts, dapat alam ng mga taga-Corinto na si Pablo ay hindi diskwalipikado (13:6).

Samakatuwid pinatunayan ni Pablo ang kaniyang awtentesidad sa pamamagitan ng pagturo sa mga taga-Corinto sa kanilang sariling karanasan ng kaligtasan. Sa orihinal na lenggwahe, “ang inyong mga sarili” ay empatiko sa pangungusap at bumabalik sa v3 kung saan sinabi ni Pablo na “yamang nagsisihanap kayo ng isang katunayan na si Cristo ay nagsasalita sa akin...” Hindi nila dapat siyasatin ang presensiya ni Cristo kay Pablo kundi sa kanilang mga sarili! Siyempre nagsasalita si Cristo kay Pablo dahil pinangaral ni Pablo si Cristo sa kanila at sila ay naligtas (1 Cor 15:1-2; 2 Cor 1:19), samakatuwid tunay si Pablo. Ang kaniyang argumento ay kapareho ng 10:7- “Kung kayo ay na kay Cristo, kami ay na kay Cristo.” Ang tanging paraan upang sila ay bumagsak sa pagsusulit ay kung sila ay babagsak din.

Ang isang susi sa pag-interpreta ng pasaheng ito ay ang bigyang pansin ang paggamit ni Pablo ng retorika at ironiya. Sa 2 Corinto, gumagamit si Pablo ng masidhing emosiyonal na lenggwaheng retorikal para sa empasis (tingnan lalo pa ang ironiya sa kabanata 10-12). Ang pagkakatanong sa v5, “Hindi baga ninyo nalalaman sa inyong sarili na si Jesucristo ay nasa inyo?” ay naghahanap ng positibong sagot- “Siyempe alam ninyong si Cristo ay nasa inyo!” Ang pagkasalita sa orihinal na lenggwahe, sa pariralang “maliban na nga kung kayo’y itinakwil na,” ay gumagamit ng ironiya upang ipakahulugan ang kabaligtaran- malinaw na alam nilang hindi sila diskwalipikado sa eternal na kaligtasan. Ang v6 ay sumusunod na may karagdagang ironiya- Ang mga mambabasa ay kinukwestiyon si Pablo ngunit pagkatapos nilang tingnan ang kanilang sariling kaligtasan malalaman nilang pasado rin siya sa pagsusulit ng awtentisidad.

Pagbubuod

Para pagdudahan ni Pablo ang kaligtasan ng mga taga-Corinto ay kabaligtaran ng kaniyang mga apirmasyon at deklarasyon ng kanilang ligtas na kalagayan na malinaw sa kaniyang mga epistula sa kanila. Hinihikayat ni Pablo ang kaniyang mga mambabasa na lumago sa kanilang karanasang Cristiano hindi sapamamagitan ng pagkwestiyon at muling paghanap ng kanilang kaligtasan, kundi sa pagkilala at pagpapasakop sa kaniyang awtoridad bilang apostol, awtoridad at katotohanang kaniyang tinuturo (13:7-10). Pagkatapos ng labindalawang kabanatang nagbabakasakali at nag-aapirma ng kanilang kaligtasan, bakit niya ito biglang kukuwestiyonin at sa ganuong paraan ay pahihinain ang kaniyang apila?

Ang pasaheng ito ay hindi dapat gamitin upang ang mga nanampalataya sa ebanghelyo ay mag-alinlangan sa kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng pagsisiyasat ng sarili. Sa kabalintunaan, ang pasaheng ito ay dapat magturo sa atin na ang pinakamainam na paraan upang mamotiba ang mga Cristiano sa katotohanan at maturidad ay hindi ang pagdudahan ang kanilang kaligtasan kundi ang iapirma ito. Ang katotohanang tayo ay ligtas sa biyaya ng Diyos, na tayo ay kay Cristo, at Siya ay nasa atin, ang pinakamainam na basehan sa maka-Diyos na saloobin at gawi.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes