GraceNotes
   

   Ang Mga Alagad Ba Ay Pinanganak o Ginawa?

Simply By Grace Podcast

Ang alagad ba ay isa lamang na pangalan para sa isang Cristianong ipinganak sa pamilya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, o ang alagad ba ay isang Cristianong nakatugon sa mga espisipikong kundisyon ng pagsunod kay Jesus? Ang kaalaman ng sagot sa tanong na ito ay mahalaga sa pagkaunawa ng ebanghelyo ng biyaya at Cristianong pamumuhay.

Ang kahulugan ng alagad

Ang salitang alagad ay mula sa Griyegong pandiwa matheteuo na nangangahulugang maging isang mag-aaral o estudyante. Kung ganuon ang esensiyal na kahulugan ng alagad ay mag-aaral, na maari ring tawaging tagasunod o aprentis. Sa sinaunang kultura, ang isang tao ay sumusunod sa kaniyang “maestro” upang maging kagaya niya (Mat 10:25; Lukas 6:40). Nanawagan ito ng katapatan sa tagasunod.

Ang gamit ng alagad

Bagama’t ang nakararaming gamit sa Bagong Tipan ay pantukoy sa mga tagasunod ni Jesucristo, ang alagad ay hindi pang-Cristianong termino lamang. Ang Biblia ay bumabanggit ng mga alagad ni Moises, mga Pariseo, at ni Juan Bautista. Sa katotohanan, ang Juan 6:66 ay tila ginagamit ang salitang alagad na pantukoy mga hindi Cristianong sumusunod kay Jesus nang dahil sa pansariling interes o dahil sa kuryosidad. Sa pangkalahatang gamit na ito, si Judas Iscariote ay tinawag na alagad dahil sumunod siya kay Jesus.

Ang aklat ng Gawa ay ginagamit ang terminong (mga) alagad na pantukoy sa mga Cristiano bilang isang grupo na walang pag-iiba tungkol sa kanilang katapatan (6:1-2, 7; 11:26; 14:20, 22, 28; 15:10; 19:10). Ito ay dahil si Lukas, ang may-akda, ay naunawaan ang pagiging alagad ayon sa pagkapaliwanag ni Jesus, at ang mga Cristiano sa Gawa ay aktibong sumunusunod kay Jesucristo, maliban sa iilang hindi. Sa liwanag ng dakilang komisyon na “gawing alagad” at ito ay nagtatapos ng panahon ng Ebanghelyo (Mat 28:19-20), natural lamang na tawagin ang mga mananampalataya sa Gawa na alagad upang ipakita na ang komisyon ay natutupad. Ang iilang kakaibang suwail na mananampalataya ay binigyan ng kakaibang pansin (cf. Gawa 5:1-11; 8:13ss; 19:10-19).

Hindi kailan man ginamit ng mga Epistula ang salitang (mga) alagad. Subalit, ang ideya ay nahayag sa mga utos na gayahin ang mga sakdal na mananampalataya, na ang mga ito mismo ay gumaya kay Jesucristo (1 C0r 4:16; 11:1; Fil 3:17; 1 Tes 1:6; 2 Tes 3:7, 9).

Ang kundisyon sa pagiging alagad

Kapag mamasdan ang mga sitas tungkol sa pagiging alagad sa Ebanghelyo, nakikita nating ang mga kundisyon sa pagiging Cristianong alagad ay laging ibinibigay sa mga mananampalataya. Upang maging tunay na tagasunod ni Jesucristo, ang mga Cristiano ay kailangang matugunan ang ilang tiyak na kundisyong ibinigay ng Panginoon. Kabilang na dito ang pagsunod sa Kaniyang Salita (Juan 8:31) at pagtakwil sa sariling pagnanasa, kahandaang maghirap sa pagpapakilala sa sarili bilang Kaniya, at aktibong paghanap ng Kaniyang kalooban (Lukas 9:23). Mayroon pang ibang mga kundisyon. Ang lahat ng mga kundisyong ito ay nangangailangan ng katapatan, pagsunod o ilang uri ng sakripisyo mula sa Cristiano. Kung totoo ito, makikita nating ang pagiging alagad ay may karampatang halagang hinihingi sa mananampalataya.

Ang pagkakaiba ng pagiging alagad

Malinaw na ang pagiging alagad ay iba sa inisyal na kaligtasan ng isang tao, na ang mga alagad ay hindi ipinapanganak kundi ginagawa. Kung ang kaligtasan ay libre (sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya), ngunit ang pagiging alagad ay may halaga, kung ganuon ang kaligtasan ay iba sa pagiging alagad. Ang tsart ay makatutulong upang makita ang pagkakaiba sa pagitan ng kaligtasan at pagiging alagad:

KALIGTASANPAGIGING ALAGAD
Libreng regaloMay halaga
Tinanggap sa pamamagitan ng pananampalatayaNatamo sa katapatan at pagsunod
Hindi sa mga gawaSa mga gawa
Isang saglit ng pag-aaring matuwidHabambuhay na sanktipikasyon
Binayaran ni Jesus ang halagaAng Cristiano ang nagbabayad ng halaga
Paglapit kay Jesus bilang TagapagligtasPagsunod kay Jesus bilang Panginoon
Manampalataya sa ebanghelyoSumunod sa nga utos

Pagbubuod

Ang itanong kung ang mga alagad ba ay ipinanganak o ginawa ay ang itanong kung ang pag-aaring matuwid ba ay iba sa sanktipikasyon o kung ang Cristianong kapanganakan ay iba sa Cristianong paglago. Upang manatiling malinaw ang ebanghelyo, hindi natin dapat palabuin ang nag-iisang kundisyon ng walang hanggang kaligtasan (pananampalataya) sa napakaraming kundisyon ng pagiging alagad.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes