GraceNotes
   

   Ang Israel at Ang Hindi Natitinag na Biyaya ng Diyos

Ang kwento ng Israel ay ang kwento ng kahanga-hangang biyaya ng Diyos. Dahil sa ang pabor ng Diyos ay ibinigay nang walang kundisyon sa mga makasalanang hind karapat-dapat dito, hindi dapat isantabi ng isang tao ang gampanin ng biyaya ng Diyos sa anumang pagtalakay sa Israel. Ang biblikal na rekord ng Israel ay nagpapakita ng hindi sumusukong biyaya ng Diyos na humahabol sa alibughang bansa sa nakaraan at nagpapatuloy hanggang sa hinaharap.

Biyaya ng Diyos sa Israel sa nakalipas

Ang kwento ng Israel ay nagsisimula sa walang kundisyon at mabiyayang tipang ginawa ng Diyos kay Abraham (Genesis 12 at 15). Pinangako Niyang gagawing dakilang bansa si Abraham at magpapala sa buong mundo. Ang nagsisimulang bansa ay nakuha ang kaniyang pangalan, Israel, mula sa apo ni Abraham, si Jacob (Gen 32:28), isang mandaraya na sa kabila nito ay nagmana ng lupang pinangako ng Diyos. Ginamit ng Diyos ang kaniyang anak, si Jose, upang iligtas si Jacob (Israel) mula sa tagguton patungong Egipto (Genesis 46). Sa kabila ng sumunod na apat na raang taong pagkaalipin sa Egipto, ang Diyos ay tapat sa Kaniyang pangako at niligtas ang Kaniyang bayan sa pamamagitan ni Moises (Exodo 1-12). Ang biyaya ng Diyos ang nag-anak sa Israel at nag-ingat sa kaniya sa kaniyang pagkasanggol.

Habang inihahanda ng Diyos ang Kaniyang bayan na pumasok sa lupang pangako, ginawa Niya silang isang bansa sa pamamagitan ng Tipan ng Kautusan ni Moises (Exodo 19ss). Bago sila pumasok sa lupain, ang hari ng Moab ay nais sumpain ang Israel sa pamamagitan ng propeta Balaam, ngunit hindi ito pinayagan ng Diyos dahil sa Kaniyang tipang ginawa kay Abraham (Bilang 22-24). Samantalang ang pagkasakop ng lupain ng Canaan ay dumating sa pamamagitan ng pagkamasunurin sa ilalim ni Josue, ang bansa ay hindi ganap na sumunod (Hukom 1-2), at sa panahon ng mga Hukom, ang Israel ay nahulog sa isang masuwayin, nahahating bayan “na ang bawat isa ay gumagawa kung ano ang tama sa kaniyang mga mata” (Hukom 21:25). Ganuon pa man ang biyaya ng Diyos ay nag-ingat sa kanila sa pagtataas ng mga hukom na magliligtas sa Kaniyang bayan mula sa kanilang mga kaaway (Hukom 2:16-19). Sa panahong ito, ang kwento ni Ruth ay nagpapakita ng hindi sumusukong biyaya ng Diyos sa pag-iingat ng tapat na iilan at sa paghahanda ng linyang magreresulta sa kapanganakan ng Mesiyas.

Kahit sa panahon ng dibinong pagdidisiplina sa pagkatapon ng Israel sa Asiria at Babilonia, ang Diyos ay naghanda ng tapat na iilan ayon sa biyaya (Roma 11:1-5). Ang biblikal na kwento ng Ester ay nagpapakita kung paano iningatan ng Diyos ang Kaniyang bayan sa kanilang pagkatapon mula sa kanilang mga kaaway. Ngunit hindi hinayaan ng Diyos ang Israel na manatili sa pagkatapon. Sa ilalim ng mga Medo-Perseo, inuwi Niya ang Israel sa kanilang lupain upang muling itatag ang templo at lunsod ng Jerusalem (Esdras, Nehemias). Sa panahon sa pagitan ng Luma at Bagong Tipan, ang Diyos ay mabiyayang iningatan ang Kaniyang bayan mula sa kahilahilkabot na pag-uusig ng mga Seleusid sa pamamagitan ng mga pinunong Macabeo (1, 2, 3 Macabeo). Nalagpasan ng Israel ang pinakamadilim nilang mga araw dahil sa biyaya ng Diyos.

Iisipin ng isa na ang pagpatay ng kanilang dibinong Mesiyas ay magseselyo sa kapalaran ng Israel at itutulak ang Diyos sa limitasyon ng Kaniyang biyaya, ngunit pinatawad ni Jesucristo ang Kaniyang mamamatay sa krus (Lukas 23:34) at pinangakong babalik muli at ibabalik ang Israel (Juan 14:1; Gawa 3:19-21). Sa pagpako sa krus ng Mesiyas, pinarusahan ng Diyos ang Kaniyang bayan noong AD 70 sa pamamagitan ng pagwasak ng Jerusalem at pagkalat sa kanila sa mga bansa ng sanlibutan. Matapos nang kanilang matigas na leeg na pagtakwil sa ebanghelyo ni Jesucristo, hudisyal na binulag ng Diyos ang Israel sa katotohanan at Siya ay lumingon sa mga Gentil (Gawa 28:25-28) at hinayaan silang magtamasa ng mga pagpapala ng Tipan ni Abraham sa paggawa sa kanilang mga anak na lalaki ni Abraham sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo (Gal 3:26-4:7). Sa bagong panahon ng iglesia, ang mga Gentil at Judio ay naging isang katawan kay Cristo (Ef 2:11-3:7). Bagama’t tinatag ng Diyos ang iglesia, hindi Niya tinalikuran ang bansang Israel o pinalitan ang Israel ng iglesia (Roma 3:1-4; 11:1-5). Anumang konklusyong gaya niya ay mula sa subhetibo at arbitraryong pag-interpreta ng mga pangakong ginawa ng Diyos sa Israel sa Lumang Tipan at nagmamaliit ng walang limitasyong biyaya ng Diyos.

Ang biyaya ng Diyos sa kasalakuyan ng Israel

Samantalang ang ilan ay matutuksong isiping pinalitan ng iglesia ang Israel dahil sa walang bansa mula sa panahon ng pagkawasak ng Jerusalem noong AD 70 hanggan sa ikadalawampung siglo, ang muling paglitaw ng modernong Israel ay dapat magpahinga ng anumang kaisipang gaya niyan. Noong 1948, ang Israel ay binigyan ng kasalukuyan nilang teritoryo, at noong 1952 pormal silang kinilala bilang isang bansa. Sa maikling panahon, ang maliit na istrip ng halos disyertong lupa na walang langis, at napalilibutan ng malalaking bansang mayaman sa langis, ay pinagpala ng biyaya ng Diyos at naging isa sa pangunahing kapangyarihang ekonomiko at militar. Ang Israel ay nalagpasan ang hindi matapos-tapos na atake ng mga terorista, pambobomba, at gyera, ngunit siya ay nakatayo pa rin ngayon bilang patotoo sa hindi sumusukong biyaya ng Diyos.

Ang biyaya ng Diyos sa kinabukasan ng Israel

Ang susi sa kinabukasan ng Israel ay nakasalalay sa nakalipas na mga pangako ng Diyos kay Abraham sa kaniyang mga anak. Ang Israel ay may kinabukasang puno ng pagpapala ayon sa parehong biyayang nagtatag at nag-ingat sa kaniya. Ito ay pinalakas sa Bagon Tipang pinagtibay sa Jeremias 31-33 at Ezekiel 36-37. Bilang isang “bagong” tipan, pinalitan nito ang “lumang” Tipan ng Kautusan ni Moises. Hindi nito pinalitan ang Tipan ni Abraham kundi pinalawak ang pangako nitong mga pagpapala. Ayon sa mga propeta, ang mga pagpapalang ito ay kabilang ang pagbabalik sa Israel bilang isang bansa (Jer 31:35-40; 32:37-41; Ezek 36:22-37:14), kapatawaran ng mga kasalanan, ang paninirahan ng Espiritu Santo, at ang maintimasyang pagkakilala sa Diyos. Ang Bagong Tipan ay may ultimeyt na katuparan kapag nagbalik si Jesucristo upang itatag ang Kaniyang kaharian sa lupa.

Ang Apostol Pablo ay nagpatotoo sa biyaya ng Diyos sa Israel nang kaniyang ipaliwanag ang masoberaniyang pagkahirang at preserbasyon ng bansa. Tinuro ni Pablo na ang biyaya ng Diyos sa Israel ay hindi dahil napagtrabahuhan ito ng Israel; hindi ito ang kalikasan ng biyaya: Ngunit kung ito’y sa pamamagitan ng biyaya, hindi na sa mga gawa, sa ibang paraan ang biyaya ay hindi na biyaya. Ngunit kung sa pamamagitan ng mga gawa, hindi na sa biyaya, sa ibang paraan ang gawa ay hindi na gawa.(Roma 11:6).

Ang buong Israel ay minsan at kailan pa maibabalik at maliligts mula sa kaniyang mga kaaway (Roma 11:26) dahil sa ang “mga kaloob at pagkatawag ng Diyos ay hindi binabawi” (Roma 11:29). Gagawin ng Diyos ang Kaniyang ipinangako. Ang Israel ay may kinabukasan- sa walang kundisyon at hindi nababagong na biyaya ng Diyos.

Pagbubuod at implikasyon para sa mga Cristiano

May nagsabi, “Kakatwa para sa Diyos na piliin ang mga Judio.” Tunay! Ang masoberenyang pagkahirang ng Diyos sa Israel ay hindi dahil karapat-dapat sila rito. Pinili Niya ang Israel dahil pinili Niya ang Israel, at sa paggawa Niya nito, pinakita Niya sa buong sanlibutan ang Kaniyang kahangahangang biyaya laban sa madilim na pagkamakasalanan ng Israel.

Ang hindi sumusukong biyay ng Diyos sa Kaniyang bayan ay ganuon ding hindi sumusuko sa Kaniyang bayan sa iglesia, parehong Judio at Gentil. Ang karanasan ng Israel ay larawan ng karanasan ng mga indibidwal na Cristiano (1 Cor 10:1-11; Heb 3:7-4:10). Ang mga Cristiano ngayon ay may kaparehong katiyakan ng mga pagpapala ng Diyos dahil sila ay naging mga anak na lalaki ni Abraham sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoong Jesucristo. Sila ay natatakpan ng kaparehong biyaya.

Bagama’t posible sa mga Cristiano, gaya ng Israel, na hindi maging tapat sa Diyos, ang Diyos ay tapat sa Kaniyang sarili at sa Kaniyang Salita. Hindi Niya maitatanggi ang Kaniyang sarili (Roma 3:4; 2 Tim 2:13; Tito 1:2). Ang mga Cristiano ay may kasiguruhan sa parehong dibinong biyaya na higit pa sa kanilang mga kasalanan (Roma 5:20). Ang kahanga-hanga at hindi sumusukong biyaya ay dapat manguna sa mga Cristiano na ialay ang kanilang mga sarili sa Diyos bilang buhay na mga alay (Roma 12:1-2) at mag-alay ng mga papuri sa Kaniya (Heb 13:15-16). Ang Diyos ay hindi susuko sa Kaniyang bayan. Kailan man.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes