GraceNotes
Ang GraceNotes ay isang maigsi na quarterly na pag-aaral sa Bibliya sa mahahalagang isyu na may kaugnayan sa
kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Ang mga ito ay dinisenyo para sa pag-download (*pdf available)
at pagkopya para magamit sila sa ministeryo. Walang pahintulot ang kailangan kung sila
ipinamahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Maaari kang makatanggap ng bagong GraceNotes sa pamamagitan ng pag-subscribe sa
ang aming libreng quarterly na GraceLife newsletter.
Simula nang unang ipangaral ang ebanghelyo, ang mga tao ay tumututol sa turong Free Grace na ang mga tao ay naligtas sa walang kundisyong biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Jesucristo. Madalas, ang mga pagtutol na ito ay nagmula sa maling pagkaunawa ng biyaya ng Diyos at kung ano ang tinuturo ng Free Grace. Minsan ang mga pagtutol ay inulit lamang mula sa iba nang hindi lubos na pinag-isipan. Narito ang sagot sa ilang madalas na mga pagtutol sa turong Free Grace tungkol sa kaligtasan.
Ang biyaya ay hindi lamang isang terminong teologo na tumutulong sa atin na maunawaan kung paano binahagi ng Diyos ang Kaniyang walang kundisyong pag-ibig sa atin, ito ay isa ring terminong moral na dapat makaimplwensiya sa ating mga gawi, lalong lalo na sa paglilingkod. Lahat ng mananampalataya ay tinawag upang maglingkod sa katawan ni Kristo, ngunit ang paglilingkod na iyan ay pinakaepektibo kung sinasalamin nito ang pag-ibig at biyaya ng Diyos. Bilang panimula, kailangan nating maunawaan na ang biyaya ay hindi lamang nagliligtas sa atin ngunit nagbibigay sa atin ng pribelihiyo at ng kakayahan na maglingkod sa iba (Rom 1:5; 1 Cor 15:10; Ef 3:7; 1 Ped 4:10). Ito ang ilan sa mga paraan upang magkaroon ng biyaya sa iba't ibang paglilingkod...
Halos 2000 taon na ang nakaraan, si Apostol Pablo (at ang kaniyang kamanggagawang si Silas) ay sinagot ang tanong ng isang natatakot na bantay-bilangguan, "Mga ginoon ano ang dapat kung gawin upang maligtas?" Ang kaniyang payak na kasagutan ay, "Manampalataya ka sa Panginoong Jesucristo at ikaw ay maliligtas, ikaw at ang iyong sambahayan." Magmula noon, ang payak na kasagutang ito ay lumikha ng debate sa kaniyang kahulugan. Narito ang karaniwang hindi pagkakaunawa ng Gawa 16:31.
Ang teolohiyang Arminian (hindi Armenian, na tawag sa taong nagmula sa bansang Armenia) ay ipinangalan sa kaniyang tagataguyod, ang Dutch na teologong si Jacob Arminius (1560-1609), na tumutol sa mahigpit na determinismo ni John Calvin. Namatay si Arminius bago niya pormal na naipresenta ang kaniyang mga argumento, ngunit ang kaniyang mga tagasunod ay binuo ang mga ito sa limang artikulo sa Remonstrance ng 1610.
Ang pasaheng ito, lalo na ang berso 22, ay nagtataas ng mga katanungan, sino ang kinakausap ni Pablo?, ano ang ibig sabihin ng ",maputol"?, at ano ang kahalagahan ng kundisyong "kung kayo ay mananatili sa kaniyang kabutihan"? Maaari itong maipagkamali na kinakausap ni Pablo ang mga indibidwal na Kristiyano na maaaring maputol mula sa kanilang kaligtasan kung sila ay hindi magpapatuloy na mabuhay ng tapat.
Ang pamilyar na kwentong ito ay nagpapakita ng pag-ibig ng Diyos sa mga makasalanan, at tunay na ito ang pangunahing punto, ngunit marami pang matututuhan dito sa kahangahangan biyaya ng Diyos. Sa konteksto, sinasagot ni Jesus ang mga Pariseo na pinupuna ang Kaniyang pag-ibig sa mga makasalanan (Lukas 15:2-3) gamit ang tatlong mga kwento. Ang kwento ng nawawalang anak ay isang espesyal na paglalarawan ng ng pag-ibig ng Diyos sa mga makasalanan bilang nananaig, kahanga-hanga at hindi nauunawaang pag-ibig.
Bagama't ang kautusan ay ginamit sa iba't ibang paraan sa Biblia, ang Bagong Tipan ay madalas gamitin ang termino para sa kautusan na ibinigay sa pamamagitan ni Moises. Mahalagang maunawaan ng mga Kristiyano kung ano ang kaniyang relasyon sa mga hinihingi ng Kautusan ni Moises. Titingnan natin ang kalikasan at layon ng Kautusang ito at paano nito naaapektuhan ang mga Kristiyano.
May mga nahihirapang tanggapin na ang walang hanggang kaligtasan ay sa pamamagitan ng pananampalataya lamang ang nagpipilit na ang pagsisisi (pagtalikod sa mga kasalanan) ay kailangan din. Ito ang dahilan kung bakit may nag-aangkin na may pagsisisi sa Ebangehelyo ni Juan kahit pa na ang salita ay hindi matatagpuan sa pangngalan o pandiwa man na anyo (metaneo, metanoia). iginigiit nila na ang konsepto ng pagsisisi ay masusumpungan sa maraming sitas, ngunit ang kanilang depinisyon at pagpapalagay ng pagsisisi sa Juan ay hindi masusuportahan.
Ang isang tanong na madalas marinig ay "Paano ang mga tao naligtas magpakailan man sa mga araw ng Lumang Tipan?" Para sa mas komprehensibong pananaw, marahil mas maiging itanong, "Paano ang mga tao naligtas magpakailan man bago namatay at nabuhay na mag-uli ni Jesucristo?"
Maraming komentarista sa Biblia ang pinapaliwanag ang pasahe na ito upang sabihin na ang mga taong ito sa Paskuwa ay hindi tunay na nanampalataya kay Jesus para sa kaligtasan, kaya si Jesus ay hindi itiniwala ang Kaniyang sarili sa Kaniya dahil batid Niya ang hindi nananampalatayang kundisyon ng kanilang mga puso. Ang kanilang pananampalataya ay depektibo o hindi sapat para sa kaligtasan sapagkat ang mga ito ay nakasalig lamang sa mga tanda na ginawa ni Jesus at sila ay nanampalataya lamang sa Kaniyang pangalan, at hindi sa Kaniyang Persona.
*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo.
Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad.
Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito
para mag-download ng libreng bersyon.