GraceNotes Justified

 GraceNotes


Ang GraceNotes ay isang maigsi na quarterly na pag-aaral sa Bibliya sa mahahalagang isyu na may kaugnayan sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Ang mga ito ay dinisenyo para sa pag-download (*pdf available) at pagkopya para magamit sila sa ministeryo. Walang pahintulot ang kailangan kung sila ipinamahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Maaari kang makatanggap ng bagong GraceNotes sa pamamagitan ng pag-subscribe sa ang aming libreng quarterly na GraceLife newsletter.

  • 100 - Buhay na Walang Hanggan Sa Pamamagitan ng Paggawa ng Mabuti - Roma 2:6-7, 10, 13
    Maaari ba ang isang taong magtamo ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti o maging matuwid sa pagsunod sa Kautusan?

  • 99 - Ano ang Dapat Kong Gawin Upang 'Maalis Ang Aking Kaligtasan'?
    Ang tanong na "Ano ang dapat kong gawin upang maligtas?" ay madaling nasagot sa Gawa 16:31: "Manampalataya ka sa Panginoong Jesucristo, at ikaw ay maliligtas." Bagama’t sagana ang mga argumento para sa kasiguruhan ng kaligtasan magpakailan man (tingnan ang Tala ng Biyaya Blg 24, "Eternal na Kasiguruhan\), ang ilan ay hindi sang-ayon; naniniwala silang ang kaligtasan ay maiwawala.

  • 98 - Ang Gantimpala sa mga Mananagumpay sa Pahayag 2-3
    Mayroong dalawang pananaw sa mga gantimpala sa mga mananagumpay sa Pahayag 2-3. Sa nakaraang Tala ng Biyaya Bilang 97 ("Sino ang Mananagumpay sa Pahayag 2-3?"), pinakita kung paano ang mga mananagumpay ay maaaring tumutukoy sa lahat ng mga mananampalatayang dinaig ang sanlibutan sa pamamagitan ng inisyal na pananampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtas.

  • 97 - Sino ang Mananagumpay sa Pahayag 2-3?
    Sa pitong sulat sa mga iglesia sa Pahayag 2-3, ang mga mananagumpay ay maaaring makita bilang 1) lahat ng mananampalatayang pinangakuang makapapasok sa kaharian, o 2) mga indibidwal na mananampalatayang napagtagumpayan ang mga pagsubok at pinangakuan ng gantimpala sa kaharian at sa eternidad. Ang mga iglesia at ang kanilang mga problema ay pamilyar at kung ganuon ay kontemporaryo ng apostol Juan, ang may-akda, ngunit ang kanilang ekshortasiyon ay angkop sa lahat ng panahon.

  • 96 - Pag-unawa ng mga Listahan ng mga Kasalanan sa 1 Corinto 6:9-11, Galacia 5:19-21 at Efeso 5:3-5
    Ang tatlong pasaheng ito ay pare-pareho dahil sa paglilista nila ng mga kasalanan at ng mga konsekwensiya para sa mga gumawa ng mga ito. Ang mga pasahe ay madalas makalito ng mga tao. Anong uri ng mga tao ang inilalarawan nila, mga mananampalataya o hindi mananampalataya? Ano ang punto ng paglilista ng mga kasalanang ito para sa orihinal na mambabasa at para sa atin ngayon?

  • 95 - Ang Kaligtasan ng Magnanakaw sa Krus
    Sa pagpako kay Cristo sa krus, isa sa dalawang tampalasang pinakong kasama Niya ay naligtas kailan pa man. Ano ang tinuturo ng kaniyang kwento tungkol sa kaligtasan?

  • 94 - Mateo 5:48 - Posible Ba Na Maging Kasing Sakdal Gaya ng Diyos?
    Ang kasabihang ito ni Jesucristo sa Sermon sa Kabundukan ay maaaring mag-intimida sa mga nag-iisip na imposibleng maging kasin-sakdal ng Diyos. Marami ang nagpapalagay na ang “sakdal” (teleios) ay tumutukoy sa ganap na kawalang kasalanan, at ang masahol ay ang pagkamit ng ganap na kawalang kasalanan ay kailangan para sa kaligtasang walang hanggan. Maraming Cristianong naniniwalang imposible sa buhay na ito ang makamit ang kasakdalang walang kasalanan. Ano kung ganuon ang ibig sabihin ni Jesus?

  • 93 - Mga Sipi sa Pagsisisi Bilang Pagbabago ng Isipan, Ikalawang Bahagi
    Sa Unang Bahagi (Tala ng Biyaya Blg 92) sinipi natin ang ilang mga historikal na sources sa kahulugan ng pagsisisi simula nang unang siglo. Makikita natin dito na sa loob ng dalawang libong taong, ang mga eksperto ay nagkakaisang lubos na ang pagsisisi ay panloob na pagbabago, isang pagbabago ng puso o isipan. Gaya ng Unang Bahagi, ang impormasyon sa ibaba ay pinili sa isang artikulo ni Jonathan Perrault. Masusumpungan ninyo ang kaniyang artikulo na may mas higit na kumpletong mga sipi at bibliolohiya sa Grace Research Room sa GraceLife.org o sa website ng may-akda sa FreeGraceSpeech.blogspot.com. Ang mga pinili at sources sa ibaba ay pinaikli upang makatipid ng espasiyo.

  • 92 - Mga Sipi sa Pagsisisi Bilang Pagbabago ng Isipan, Unang Bahagi
    Ang kahulugan ng pagsisisi ay isang kontemporaryong kontrobersiya. Kapag ating siniyasat ang mga halimbawang sipi mula sa ilang historikal na souces, mayroong pangkalahatang pagsang-ayon na ang pagsisisi ay nasa diwang pagbabago ng isipan o ng puso. Ang impormasyon sa ibaba ay pinili mula sa isang artikulo ni Jonathan Perrault. Matatagpuan ninyo ang kaniyang artikulo na may mas kumpletong sipi at bibliolohiya sa Grace Research Room sa GraceLife.org o sa website ng awtor sa FreeGraceSpeech.blogspot.com. Ang mga sipi at sources sa ibaba ay pinaikli upang makalibre ng puwang.

  • 91 - Pagsagot sa Ilang Madalas na Pagtutol sa Free Grace, Ikalawang Bahagi     Podcast
    Ang kapunuan ng biyaya ng Diyos ay mahirap unawain para sa ilan' lalo na pag ito ay tinuturo kaugnay ng kaligtasan ang ilan ay nagtataas ng pagtutol. Sa "Pagsagot sa Ilang Madalas na Pagtutol sa Free Grace, Unang Bahagi" tinalakay natin ang anim na karaniwang pagtutol sa pananaw ng Free Grace. Sa ibaba anim pa ang ating tatalakayin.

  •  


    *Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.