GraceNotes Justified

 GraceNotes


Ang GraceNotes ay isang maigsi na quarterly na pag-aaral sa Bibliya sa mahahalagang isyu na may kaugnayan sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Ang mga ito ay dinisenyo para sa pag-download (*pdf available) at pagkopya para magamit sila sa ministeryo. Walang pahintulot ang kailangan kung sila ipinamahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Maaari kang makatanggap ng bagong GraceNotes sa pamamagitan ng pag-subscribe sa ang aming libreng quarterly na GraceLife newsletter.

  • 80 - Ano ang Kahulugan ng "Ipahayag" sa Roma 10:9-10?
    Sa kapitulo 3 at 4 ng Roma, tinatag ni Apostol Pablo nang walang pagtatalo na ang isang tao ay inaring matuwid magpakailan man sa harap ng Diyos tanging base sa pananamapalataya lamang kay Kristo lamang. Bakit, kung ganuon, sinabi niya sa kapitulo 10 na "ihayag ang Panginoong Jesucristo" para sa kaligtasan?

  • 79 - Ang Ebanghelyo Ba ni Juan Ay Humihingi ng Pananampalataya sa Walang Hanggang Katiyakan Para sa Kaligtasan?
    May mga naghahayag na ang nagliligtas na mensahe ng ebanghelyo ay 'Manampalataya kay Jesus bilang Tagagarantiya ng buhay na walang hanggan, na hindi maiwawala.' Sa madaling salita, ang isang tao ay kailangang malaman, maunawaan at sumang-ayon sa doktrina ng walang hanggang kasiguruhan ... ngunit dapat ba ang isang taong sumang-ayon dito para maligtas, o ito ay isang hindi kinakailangang karagdagan sa pananampalataya lamang kay Kristo lamang?

  • 78 - Magpakatatag sa Pagkatawag at Pagkahirang - 2 Pedro 1:10-11
    Hinihimok ba ng sitas na ito ang mga nagpapahayag na sila ay mananampalataya na patunayan ang kanilang pananampalataya, o hinihimok ba nito ang mga tunay na mananampalataya na ipakita ang pananampalatayang taglay nila? Nakasalalay sa unang halimbawa ang walang hanggang kaligtasan; nakasalalay sa pangalawa ang walang hanggang gantimpala. Ang maingat na pagmamasid ang sasagot sa tanong na ito.

  • 77 - Ang Repormasyon at Ang Ebanghelyo ng Biyaya
    Nuong Oktubre 31, 1517, isang mongheng Romano Katoliko na nagngangalang Martin Luther ang hayagang nilathala ang kaniyang pagtutol sa doktrina ng kaniyang iglesia. Sa pinakadiwa, nadiskubre muli ni Luther ang libreng biyaya ng Diyos na pinalabo ng siglo dahil sa natural na pagkamuhi ng tao sa biyaya. Ngayon, 500 taon na ang nakalipas, paano na ba tinatrato ng iglesia Protestante ang biyaya ng Diyos?

  • 76 - Ang Katotohanan ng Karnal na Kristiyano
    Mayroon nga bang karnal na Kristiyano, mga mananampalatayang nagpapatuloy sa pagsuway sa Diyos? Sabi ng iba wala. Bagama't inanamin nila na ang mga Kristiyano ay maaari at talagang nagkakasala, tinatanggi nila na ang mga tunay na mananampalataya ay mananatili sa kasalanan hanggang sa katapusan ng kanilang pisikal na buhay.

  • 75 - Paano Dinadala ng Diyos Ang Tao sa Kaligtasan
    Tinuturo ng Juan 6:44 ang makapangyayaring trabaho ng Diyos na nagdadala sa mga tao kay Jesucristo, at mula sa konteksto ng Juan 6, malinaw na sila ay nanampalataya sa Kaniya para sa walang hanggang kaligtasan. May mga nagtuturo na hinihila ng Diyos ang mga tao sa paraang hindi sila makatatanggi. Ngunit ipipilit ba ng Diyos sa tao ang Kaniyang kaligtasan nang labag sa kanilang kalooban? Hindi nga ba matatanggihan ang biyaya ng Diyos?

  • 74 - Ang Doktrina ng Katuwiran
    Ang maling pagkaunawa ng pag-aaring ganap ay maaaring sirain ang ebanghelyo, wasakin ang pundasyon ng Kristiyanong pamumuhay, at gawing imposible ang makatiyak ng kaligtasan.

  • 73 - Ang Free Grace Theology Bay Ay Nagreresulta sa Huwad na Katiyakan?
    May mga nagsasabi na ang pananw na Free Grace ay nagbibigay sa tao ng huwad at nakapapahamak na katiyakn dahil lamang sa kanilang pagpapahayag ng pananampalataya. Lalo pa't maaring hindi sila nanampalataya nang buong puso, tumalikod mula sa lahat ng kanilang mga kasalanan (sa kanilang pagsisisi), o hindi sapat ang kanilang mabubuting gawa.

  • 72 - Ang Free Grace At Ang Mga Pananaw sa Kahalalan
    Ang doktrina ng kahalalan ay nagdudulot ng buhay na pagtataltalan sa mga Kristiyano na may iba't ibang paraan sa pagpapaliwanag nito.

  • 71 - Ang Israel at Ang Hindi Natitinag na Biyaya ng Diyos
    Ang rekord ng Israel sa Biblia ay nagpapakita ng hindi natitiwang na biyaya ng Diyos sa paghahabol na alibughang bansa sa nakalipas at magpapatuloy sa hinaharap.

  •  


    *Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.