GraceNotes Justified

 GraceNotes


Ang GraceNotes ay isang maigsi na quarterly na pag-aaral sa Bibliya sa mahahalagang isyu na may kaugnayan sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Ang mga ito ay dinisenyo para sa pag-download (*pdf available) at pagkopya para magamit sila sa ministeryo. Walang pahintulot ang kailangan kung sila ipinamahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Maaari kang makatanggap ng bagong GraceNotes sa pamamagitan ng pag-subscribe sa ang aming libreng quarterly na GraceLife newsletter.

  • 70 - Ligtas Ba si Simon na Manggagaway? Gawa 8:17-24
    Ang isa bang tao na hindi pa malaon naligtas mula sa okultong nakalipas makagagawa ng seryosong kasalanan? O ang pagkakamali bang ito ay patunay na hindi talaga siya tunay na naligtas?

  • 69 - Ang Kapalaran ng Mga Mananampalatayang Inakit ng mga Huwad na Guro sa 2 Pedro 2:20-22
    Kung babasahin natin ang 2 Pedro kapitulo 2, malinaw na ang mga huwag na propeta at mangangaral ay mapapahamak sa walang hanggang kapahamakan. Ngunit paano ang mga nadaya nila?

  • 68 - Pagahahambing ng Dalawang Darating na Paghuhukom
    Maraming tagapaliwanag ng Biblia ang nag-aakala na mayroon lamang iisang paghuhukom sa katapusan ng panahon, isang paghuhukom na naghihiwalay sa mga mananampalataya at hindi mananampalataya. Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa pagtatagpi ng mga Kasulatan.

  • 67 - Ano Ang "Free Grace theology"?
    Ang mga label na teolohikal ay isang nakatutulong na paraan sa pagbubuod ng mga sistemang pananampalataya. Maraming labels ay natatag na bilang bahagi ng pag-uusap teolohikal, gaya ng Arminianismo, Calvinismo, amillennialismo, or premillennialismo. Marami na nakarinig ng label na 'Free Grace Theology' ay nagtataka kung ano ang ibig sabihin nito. Narito ang isang maikling pagbubuod.

  • 66 - Bakit Sikat ang Lordship Salvation?
    Isang madalas itanong ng mga nanghahawak sa Free Grace ay bakit ang Lordship Salvation sikat (laganap)?

  • 65 - Ang Pahayag 3:20 At Paghiling Kay Jesus na Pumasok sa Iyong Puso
    Kapag tiningnan natin ang mga pagtutol praktikal, teolohikal at biblikal sa pariralang ito, maaaring magdesisyon tayo na gumamit ng ibang pananalita.

  • 64 - Ang Kapanganakang Muli at Binagong Buhay
    Ang ilan sa mga madalas na tanong sa kapanganakang muli ay: Ang kapanganakan bang muli ay walang pagsalang magreresulta sa binagong buhay? Ang nabagong buhay ba kung ganuon ay patunay ng kapanganakang muli? Ang nabagong buhay ba ay nagbibigay katiyakan ng kapanganakang muli?

  • 63 - Ang Mga Unang Alagad Ba Ng Panginoon Ay Tinawag sa Kaligtasan o Pagiging Alagad?
    May mga mambabasa na nag-aakala na inimbitahan ni Jesus si Andres, Psdro, Santiago at Juan sa kaligtasn. Kailangan sa kanilang pananaw na ang kaligtasan ay matamo sa pamamagitan ng pagsunod kay Jesus, na may pahiwatig na ang lahat ng Kristiyano ay dapat maging tapat na tagasunod. Sa madaling salita walang pagkakaiba ang pagiging Kristiyano at ang pagiging alagad. Ang katawagan ba upang sumunod ay katawagan upang maligtas?

  • 62 - Ligtas Kayo Kung Matiya Kayong Nanghahawak - 1 Corinto 15:1-2
    Ang iba ay ginagamit ang sitas na ito upang patunayan na nawawala ang kaligtasan ng mga mananampalataya. Ang iba naman ay nagsasabi na pinapakita nito na may mga tinuturing na mananampalataya ay napatunayang huwad na mananampalataya sapagkat hindi sila nagpatuloy sa ebanghelyo. Wala sa alin mang pananaw na ito ang nagpapaliwanag ng detalye ng sitas sa sarili nitong konteksto.

  • 61 - Ang Kaligtasan Ng Mga Nakatiis Hanggang sa Katapusan sa Mateo 24:13
    Ang sitas na ito (Tingnan din ang Mat. 10:22; Marcos 13:13; cf. Lukas 21:19) ay madalas gamitin upang tindigan na tanging ang nagpapatuloy lamang sa pananampalataya at mabubuting gawa hanggang sa dulo ng kanilang buhay ang magkakamit ng kaligtasan o nagpapatunay na sila ay ligtas.

  • 60 - Ang Kristiyano Ba Ay Maaaring Sa Diablo? - 1 Juan 3:8, 10
    May paraan ba upang ang Kristiyano ay masabing 'sa diablo,' o ito ba ay tumutukoy sa mga hindi ligtas?

  • 59 - Ang Mga Tunay na Kristiyano Hindi Nagkakasala? - 1 Juan 3:6, 9
    Kung tinatag ni Juan ang katotohanan na ang mga Kristiyano ay nagkakasala sa unang kapitulo, paano niya nasabi kalaunan na ang mga Kristiyano ay hindi nagkakasala? Ang maling paliwanag ng mga sitas na ito ay dahilan upang maraming Kristiyano ang nagdududa sa kanilang kaligtasan.

  • 58 - Kailangan Bang Ipahayag ng Mga Mananampalataya Ang Kanilang Mga Kasalanan Para Patawarin?
    May nagsasabi na ang pagkukumpisal ay hindi na kailangan sapagkat ang lahat na kasalanan ng mga mananampalataya ay napatawad na. Ano ang pananaw ng kasalanan?

  • 57 - Mabuting Lupa Para Maging Alagad - Lukas 8:4-13
    Ang parabula ng lupa ay masusumpungan sa tatlong Synoptic Gospels (Mateo. 13:18-23; Marcos 4:2-20; Lukas 8:4-15). Tututok tayo sa pahayag ni Lukas. Sa Lukas lalo na, ginamit ni Jesus ang parabulang ito upang ipaliwanag ang layunin ng lahat ng mga parabula at ilarawan kung paano tumutugon ang mga tao sa katotohanan ng Diyos.

  • 56 - Pinahihintulutan Ba Ng Biyaya Ang Mga Kristiyanong Hukuman Ang Iba?
    Ang biyaya ay ginagamit na dahilan upang hindi harapin ang isang tao. Mabiyaya bang hukuman ang ibang tao?

  • 55 - Ang Kristiyano at Apostasiya
    Sa pagkakagamit dito, ang apostasiya ay tumutukoy sa pagtalikod sa o pagtakwil sa Kristiyanong pananampalataya ng isang taong minsan nanghawak dito. May ilang mga pananaw kung ano ang mangyayari sa mga iniwan ang pananampalataya.

  • 54 - Ang Hantungan ng HIndi Nagbubungang Tagasunod sa Juan 15:6
    Ano ang kinakatawan ng mga sanga sa Juan 15:6 at ano ang kanilang kapalaran?

  • 53 - Mapagdudang Pagsusuri ng Sarili sa 2 Corinto 13:5
    Hindi bibihira makita ang pasaheng ito na ginanagamit upang himukin ang mga nagpapakilala na sila ay Kristiyano na siyasatin nila ang kanilang mga sarili upang malaman kung sila ay tunay na ligtas.

  • 52 - Ang Panginoon at Huwad na Tagasunod - Mateo 7:21-23
    Tinuturo ba ng sitas na ito, gaya ng sinasabi ng iba, na ang isang tao ay kailangan lubusang nakasuko sa Pagkapanginoon ni Jesucristo upang maligtas?

  • 51 - Bunga At Mga Huwad na Propeta - Mateo 7:15-20     Podcast
    Ayon sa karaniwang pagpapaliwanag, ang masamang gawi ay nagpapatunay na ang tao ay hindi ligtas; ang mabuting gawi ay nagpapatunay na ang tao ay ligtas. Ito ba ang itinuturo ng sitas na ito?

  •  


    *Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.