GraceNotes
   

   Ligtas Ba si Simon na Manggagaway? Gawa 8:17-24

“Nang magkagayo’y ipinatong sa kanila ang kanilang mga kamay at kanilang tinanggap ang Espiritu Santo. Nang makita nga ni Simon na sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng mga apostol ay ibinigay ang Espiritu Santo ay inalok niya sila ng salapi, na sinasabi, Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito upang sinumang patungan ko ng aking mga kamay ay tumatanggap ng Espiritu Santo. Datapuwat sinabi sa kaniya ni Pedro, Ang iyong salapi’y mapapahamak na kasama mo, sapagkat inisip mong tamuhin ang kaloob ng Diyos sa pamamagitan ng salapi. Wala kang bahagi ni kapalaran man sa bagay na ito sapagkat ang puso mo’y hindi matuwid sa harap ng Diyos. Magsisi ka nga sa kasamaan mong ito at manalangin ka sa Panginoon, baka sakaling ipatawad sa iyo ang pag-iisip ng iyong puso. Sapagkat nakikita kong ikaw ay nasa apdo ng kapaitan at sa tali ng katampalasanan. At sumago si Simon at sinabi, Ipanalangin ninyo ako sa Panginoon upang huwag mangyari sa akin ang alin mang bagay sa mga sinasabi ninyo.”

Maaari ba sa isang indibidwal na kamakailan lamang naligtas mula sa nakaraan sa okulto makagawa ng seryosong kasalan? O ang nakahihilakbot na pagkakamaling ito ay patunay na siya ay hindi talaga tunay ng ligtas? Ang kasong pinupunto ay si Simon Mago (ang magus ay Latin para sa manggagaway) na sa teksto ay sinasabing, “At si Simon man ay naniwala rin” (v13), kasama ng ilang Samaritanong nakarinig kay Felipeng mangaral ng ebanghelyo. Ngunit kalaunan, nang ang mga apostol Pedro at Juan ay dumating at namigay ng Espiritu Santo sa mga bagong mananampalataya, sinubukan ni Simong bilihin ang kapangyarihang apostolikong ito (dito nagsimula ang salitang simoniya, na nangangahulugang pagbili ng impluwensiya o kapangyarihan sa simbahan). Ang reaksiyon ni Pedro ay mabilis at ang kaniyang pananalita mariin, na sinusumpa si Simon at sinasabihan siyang magsisi. Marami ang nagtataka, ano ang nangyayari dito?

Liwanag mula sa kwento

Ang mga manunulat ng Biblia, gaya ni Lukas na sumulat ng Gawa, ay hindi sumusulat nang basta basta kundi bilang bahagi ng mas malaking kwento o naratib. Laging mahalagang bigyang pansin ang kalikasan at daloy ng mga pangyayari.

Ang Gawa 8 ay nagkukwento ng transisyon ng mensahe ng ebanghelyo mula sa Jerusalem patungong Samaria. Nagkokomento ito sa isang mabuting mananampalatayang naging martiro, si Esteban (v2), at isang masamang hindi mananampalatayang umuusig sa simbahan, si Saulo (v30), na kalauna’y nanampalataya (Gawa 9). Matapos ang kwento kay Simon, ang katapusan ng kabanata 8 ay nagkukwento tungkol sa isang eunukong Etiope na nanampalataya sa pangangaral ni Felipe kay Cristo (v26-40). Ang kwento ay nagpapakita na ang abot ng ebanghelyo ay komprehensibo; nililigtas nito ang mga pinatigas (Saul) at gayun din ang mga bukas (ang Etiope). Ang mga kwentong ito ay nagbibigay diin din sa iba’t ibang epekto ng ebanghelyo sa iba’t ibang tao. Ang isa ay tumanggap ng pagkamartireo (si Esteban), ang isa ay naging apostol (si Saulo/Pablo), ang isa ay nagsikap sa personal na kapakinabangan (Simon), at ang isa ay humayong nagagalak sa kaniyang kaligtasan (ang Etiope). Kung hindi ligtas si Simon, siya lang ang magiging eksepsiyon sa naratib.

Ang ebidensiyang si Simon ay hindi ligtas.

Ang iba ay naniniwalang si Simon ay hindi nagpakita ng sapat na pagbabago ng buhay kung siya man ay ligtas. Marami ang nahihirapang tanggaping ang tunay na mananampalataya ay susubukang bilhin ang kakaibang kapangyarihan ng isang apostol na mamigay ng Espiritu Santo. Marami ring nag-iisip na ang mga salita ni Pedro ay lapat lamang sa isang hindi mananampalataya:

  • Sinumpa niya si Simon na nagsasabing siya ay mapapahamak (v20).
  • Sinabi niyang walang bahagi si Simon sa “bagay na ito” (v21).
  • Sinabi niyang ang puso ni Simon ay hindi matuwid sa Diyos (vs 21).
  • Sinabihan niya si Simon na magsisi ng kaniyang kasamaan upang mapatawad (v22).
  • Sinabi niyang si Simon ay nasa apdo ng kapaitan at natatali ng katampalasanan (v23).

Ang ebidensiyang si Simon ay ligtas

Sa kabilang dako maraming nag-iisip na maraming ebidensiyang si Simon ay tunay na mananampalataya.

Pananalita ni Lukas. Sumusulat sa ilalim ng pagkasi ng Espiritu Santo, sinabi ni Lukas na ang mga Samaritano ay nanampalataya at binautismuhan (v12). Na si Simon ay “naniwala rin” at binautismuhan (v13), at ang Etiopeng eunuko ay naniwala at binautismuhan (v17-18). Arbitraryo na tanggihan ang apirmasyon ni Lukas ng kaligtasan ni Simon samantalang tinatanggap ang kaniyang apirmasyon ng kaligtasan ng iba. Mapapalagay din natin na si Felipe ay kumbinsidong silang lahat ay nanampalataya bago niya binautismuhan sila (tingnan ang v37).

Pananalita ni Pedro. Mahalagang obserbahan na hindi kailan man sinabi ni Pedro na si Simon ay hindi nanampalataya o na si Simon ay tumakwil kay Cristo. Ipinahihiwatig niyang si Simon ay mapapahamak kasama ng kaniyang salapi (hindi ito dapat iturong na isang propesiya kundi isang probisyunal na pagsaway). Kakatwa para kay Pedro na itapon ang salapi sa walang hanggang impiyerno kung ito ang kaniyang tinutukoy. Ang salitang “mapahamak” (mula sa apoloeia) ay minsang ginagamit sa eternal na pagkawasak sa impiyerno, ngunit may pangkalahatang kahulugang masira o masayang (tingnan ang Marcos 14:4/Mat 26:8; Gawa 25:16; 2 Ped 3:16) at minsang ginamit na pantukoy sa isang ligtas na tao (1 Cor 8:11). Tunay, na ang naliligaw na kahilingan ni Simon ay nagpapakita ng baluktot na pananaw ng posisyon ng mga apostol at ng regalo ng Espiritu Santo at ito ay magdadala sa kaniyang pagkasira o pagkasayang sa buhay na ito. Tila nagrereak si Pedro sa kasalanan ni Simon ng pagkainggit na pinanganak ng pagseselos sa kakaibang kapangyarihan ng mga apostol na mamigay ng Espiritu Santo (v20). Kaya nang sinabi ni Pedro, “Wala kang bahagi sa bagay na ito” ang bagay na pinag-uusapan ay ang ilehitimong pagnanasa ni Simon na makuha ang apostolikong pribilehiyong ito, hindi ang kaligtasan. Matapos sinabi ni Pedro na ang puso ni Simon ay hindi matuwid sa Diyos (V21), isang kakatwang paglalarawan ng isang hindi mananampalataya. Sinabihan niya si Simon na magsisi ng isang espisipikong kasalanan, “ng kasamaang ito” at makasumpong ng kapatawaran ng Diyos (Gawa 8:22)- muli kakatwang paraan para ilarawan ang isang hindi mananampalatayang kinondena sa pagiging makasalanan at hindi sa isang kasalanan lamang. Ang pagkaunawa ni Pedro sa problema ni Simon ay hindi na siya ay patay sa kasalanan o hiwalay sa Diyos, kundi na siya ay nasa “apdo ng kapaitan at natatali ng katampalasanan,” parehong malinaw na reperensiya sa kaniyang pagkainggit (Gawa 8:23). Ang mga mananampalataya ay maaring mahulog sa kapaitan at kasalanan (Ef 4:32; Heb 12:15). Si Pedro mismo ay tinakwil si Cristo bilang isang bagong mananampalataya at kalaunan ay tinakwil ang ebanghelyo ng biyaya sa kaniyang kilos (Lukas 22:54-62; Gal 2:11-14).

Pananalita ni Simon. Matapos marinig ang saway ni Pedro, tumugon si Simon sa pamamagitan ng paghiling sa mga apostol na ipanalangin siya upang wala sa mga sinabi ni Pedro ang mangyari. Dito natatapos ang pagtatagpong ito. Hindi humingi si Simon ng kaligtasan, ngunit nagsisi ng isang espisipikong kasalanang sinabi ni Pedro (“ang kasamaan mong ito” v 22). Nilalarawan nito ang tugon ng isang mananampalataya sa halip ng isang taong inisyal na nanampalataya kay Cristo para sa kaligtasan.

Pagbubuod

Matapos suriin ang mga patotoo nila Lukas, Pedro at Simon, ang ebidensiya ay tila sumusuporta sa katotohanang si Simon ay naniwala kay Jesucristo gaya ng ibang Samaritano, naligtas, at nabautismuhang kagaya nila, ngunit nagkasala nang malaki. Siya ay nanganganib na maranasan ang temporal na sumpa ng Diyos sa espisipikong kasalanan ng pagsubok na bilhin ang kapangyarihan ng isang apostol. Ang kaniyang pangangailangan ay hindi ang maligtas, kundi ang magsisi ng kasalanang ito. Kailangan niyang makita kung gaano kalaki ang kaniyang pagkakamali at itakwil ang kamalian ng kaniyang daan, na tila ginawa niya. Ang mga Cristinao ay maaaring magkasala nang malaki, lalo na kung bagong ligtas. Ngunit ang biyaya na libreng nagligtas sa mga hindi mananampalataya ay sagana ring magpapatawad sa mga mananampalataya.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes