GraceNotes
   

   Naganap Na! – Juan 19:30



Sa pitong huling salita ni Jesus, ang “Naganap na!” ang pinakamalalim. Ang pagkaunawa kung ano ang ibig sabihin ni Jesus nito ay makapalalakas ng loob ng mga mananampalataya, makasaksi sa mga hindi mananampalataya, at mapalilinaw ang maling teolohihya tungkol sa evangelio ng kaligtasan.

Ang Salitang Ginamit ni Jesus

Sa Juan 19:30, nirekord ng Apostol na si Jesus ay gumamit lamang ng isang salita, tetelestai, mula sa pandiwang teleō, na nangangahulugang tapusin ang gawain, dalhin sa kasukdulan, natapos. Sa ibang sinaunang literatura, ang salitang ito ay madalas isulat sa mga resibo para sa upa o buwis na nabayaran na. Ang pandiwa ay nasa perfect tense na nagpapahiwatig ng isang aksiyon sa nakalipas na ang resulta ay nagpapatuloy sa kasalukuyan. Sa madaling salita, ang mga resulta ng tinapos ni Jesus sa krus ay nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon. Ang salitang ito na nasa perfect tense ay ginamit lamang ng makalawang beses sa Bagong Tipan, dito at sa sinusundang bersikulo sa 28: “Pagkatapos nito, pagkaalam ni Jesus na ang lahat ng mga bagay ay naganap na nga (tetelestai), upang matupad ang kasulatan, ay sinabi, ‘Nauuhaw ako ’” Ang paksa ng pandiwa sa bersikulo 30 ay pinalagay. Ang verse 28 ay nagbabanggit ng lahat ng mga bagay na “ginanap na” o “tinapos” na ni Jesus. Ang kawikaan ay tila ba pahayag ng isang mananagumpay (Mat. 27:48-50; Mar 15:36-38) na tila sinasabing, “Matagumpay ang misyon!” Ang pahayag na ito ay hindi lamang para sa mga nanonood sa Kaniya sa krus kundi para sa lahat ng naapektuhan ng Kaniyang gawa: ang Ama, si Satanas, ang mga mananampalataya, at ang mga hindi.

Ano ang Ginanap ni Jesus

Sa pahayag na ito, dineklara ni Jesus hindi lamang ang katapusan ng Kaniyang buhay sa lupa, kundi pati ng Kaniyang mga espirituwal na gawain. Ang kabuuan ng Biblia ay nagpapakita ng tinutukoy ni Jesus. Bigyang pansin ang anim na mahahalagang espirituwal na transaksiyong ito.

1. Sinelyuhan Niya ang kapalaran ni Satanas. Sa Genesis 3:15, sinabi ng Diyos kay Satanas na may darating upang wasakin siya: “ ‘At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong..’ ” Ito ay ang pangako ng darating na Mesiyas na magsisiguro ng espirituwal na tagumpay kay Satanas at sisiguro sa kaniyang wakas. Tinutukoy ang espirituwal na tagumpay ni Jesus na nagawa, sinabi ng Hebreo 2:14, “Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo, siya nama'y gayon ding nakabahagi sa mga ito; upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid ay ang diablo,” and 1 Juan 3:8b ay dinagdag, “Sa bagay na ito'y nahayag ang Anak ng Dios, upang iwasak ang mga gawa ng diablo.”

2. Tinupad Niya ang mga propesiya ng Lumang Tipan tungkol sa pinal na handog para sa kasalanan. Ang Isaias 53:5-6 ay nagbabanggit ng nagbabatang Lingkod na magdadala ng penalidad ng lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan. Hinula ni Daniel ang isang Tagapagpalaya na “tatapos ng pagsalangsang,” “wakasan ang pagkakasala,” at “linisin ang kasamaan” (Dan. 9:24). Si Jesucristo ang Handog na Korderong tinuturo ng lahat ng mga handog: “Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!” (Juan 1:29). Inapirma ng may-akda ng Hebreo ang gawaing ito: “datapuwa't ngayon ay minsan siya'y nahayag sa katapusan ng mga panahon upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kaniyang sarili.” (Heb. 9:26b), at “Sa kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man.” (Heb. 10:10).

3. Tinupad Niya ang hinihingi ng Kautusan ni Moises. Sinabi ni Jesus na dumating Siya upang tuparin ang Kautusan (Mat. 5:17) gaya ng hinula ng Kautusan ni Moises, ng mga Propeta, at ng Mga Awit (Lukas 24:44). Sinabi ng Apostol Pablo na sa Kaniyang kamatayan sa krus, “Sa sumpa ng kautusan ay tinubos tayo ni Cristo, na naging sumpa sa ganang atin” (Gal. 3:13a). Walang sinuman maliban kay Jesucristo ang makatutupad ng Kautusan; ang lahat ay bigo, na nagdadala ng sumpa ng Kautusan ng pagkondena.

4. Binigyang-kasiyahan Niya ang poot ng Diyos sa mga makasalanan. Sinabi ni Jesus na Siya ay dumating upang “ibigay ang Kaniyang buhay bilang kabayaran para sa marami” (Mat. 20:28b; ganuon din ang 1 Pedro 1:18-19). Pinadala ng Diyos si Jesus upang maging pampalubag-loob (pagpapasiya sa Diyos) para sa ating mga kasalanan (Rom. 3:25; 1 Juan 2:2). Siya ang nagtutubos na handog na nagbayad sa penalidad ng lahat ng kasalanan ng mga tao, at sa ganitong paraan ay napasiya ang hustisya ng Diyos.

5. Tinupad Niya ang layon kung bakit Siya pinadala ng Diyos. Ang Kaniyang gawain sa lupa ay gawin ang kalooban ng Diyos para sa Kaniya. Sabi ng Juan 4:34 says, “Sinabi sa kanila ni Jesus, Ang pagkain ko ay ang aking gawin ang kalooban ng sa akin ay nagsugo, at tapusin ang kaniyang gawa.” Gayon din sa Juan 17:4 sinabi ni Jesus, “ Niluwalhati kita sa lupa, pagkaganap ko ng gawa na ipinagawa mo sa akin. ” Ang parehong pasahe ay gumamit ng pandiwang teleō. Ang gawaing Kaniyang tinapos ay ang katubusan at ang pag-iisang-loob ng buong sanlibutan. Sabi ng Colosas 1:21-22, “21 At kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama. 22 Gayon ma'y pinakipagkasundo niya ngayon sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo'y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya.”

6. Pinasimulan Niya ang Bagong Tipan. Bilang antisipasyon ng Kaniyang kamatayan, sinabi ni Jesus patungkol sa kopa ng Huling Hapunan “ Sapagka't ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan “ (Mat. 2:28). Ipinaliwang ng may-akda ng Hebreo ang nesesidad ng kamatayan ni Jesus: “At dahil dito'y siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan, ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan.” (Heb. 9:15). Ang Bagong Tipan, na lubos na matutupad sa hinaharap sa bansang Israel, ay nangako ng mga espirituwal na pagpapala sa lahat ng kumilala kay Jesucristo bilang Tagapagligtas (Jer. 31, 33; Eze. 36-37; Heb. 9).

Ano ang kahulugan nito patungkol sa kaligtasan

Dahil tinapos ni Jesus ang gawain ng katubusan para sa lahat ng mga tao, walang natitirang anupaman para kanino man na dapat gawin. Naligtas tayo ng gawa at pagsunod ni Jesus, hindi ng atin. Kung ating tatanggapin, sa pamamagitan ng pananampalataya, ang kapatawaran sa mga kasalanan na Kaniyang inaalok, wala tayong utang na dapat bayaran. Sa halip, maibibigay na ng Diyos sa atin ang kaloob ng buhay na walang hanggan. Hindi natin kailangang pagtrabahuhan ang kaloob na iyan ng ating mga gawa, ni hindi natin kailangang patunayan ang ating mga sariling karapat-dapat nito na tila nasa probasyon. Ang penalidad sa ating mga kasalanan ay buong nabayaran, gaya ng sinasabi ng Colosas 2:13-14 says: “13 At nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan, at sa di pagtutuli ng inyong laman ay kaniyang binuhay kayo na kalakip niya, na ipinatawad sa atin ang ating lahat na mga kasalanan14 Na pinawi ang usapang nasusulat sa mga palatuntunan laban sa atin, na hindi naayon sa atin: at ito'y kaniyang inalis, na ipinako sa krus.” Tayong tinubos ng natapos na gawain ni Cristo ay mayroon ding pinal na tagumpay kay Satanas at sa kasalanan. May kumpiyansa nating matatanggap at maiaalok sa ibang tao ang alok ng Diyos ng libreng buhay na walang hanggan at kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng evangelio.

Pagbubuod

Hindi kailan man at hindi na muling mababanggit ang mga salitang mas makabuluhan kaysa mga ito. Ginawa ng Diyos, sa pamamagitan ni Cristo ang isang trabahong kailan man ay hindi nating magagawa. Si Satanas at ang sumpa ng kasalanan ay nagapi, at ang hustisya ng Diyos ay nabigyang-kasiyahan. Sa pahayag na “Naganap na!” hinayag ni Jesus ang katotohanang naghihiwalay sa biblikal na Cristianismo sa ibang mga relihiyon: wala tayong kailangang gawin upang tanggapin ng Diyos; ito ay ginawa na para sa atin! Ito ay biyaya.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes