GraceNotes
   

   Ano ang Kahulugan ng "Ipahayag" sa Roma 10:9-10?

Sapagkat kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Diyos sa mga patay ay maliligtas ka. Sapagkat ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.

Sa kabanata 3 at 4 ng Roma, ang apostol Pablo ay pinagtibay nang walang pagtatalo na ang isang tao ay eternal na nahayag na matuwid sa harap ng Diyos na ang basehan ay pananampalataya lamang kay Jesucristo lamang. Bakit niya kung ganuon sinabi sa kabanata 10 na ang isang tao ay kailangang “ipahayag si Jesus na Panginoon” para sa kaligtasan?

Ilang hindi katanggap-tanggap na pananaw

Maraming paliwanag sa kahulugan ng ipahayag ang sumasalungat sa pananaw ni Pablo ng pag-aaring matuwid- ang kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Halimbawa, kung ang ipahayag ay nangangahulugang ang isang tao ay kailangang gumawa nang isang maririnig at berbal na deklarasyon ng pananampalataya kay Jesus sa ibang tao o sa isang pagtitipong Cristiano, ito ay karagadagan sa pananampalataya lamang. Ang pareho ay totoo kung ang pahayag ay ininterpreta bilang pampublikong Cristianong bautismo o Cristianong gawi. Ang isyu ay lalong pinakomplikado kapag ininterpreta ang “ipahayag ang Panginoong Jesus” bilang isang uri ng pangakong gumagawa kay Jesus bilang Panginoong ng buong buhayng isang tao. Ito ay tunay na sumasalungat sa libreng regalo ng katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.

Ang salita mismo

Makasusumpong tayo ng ilang tulong sa pagkaunawa ng salitang ipahayag mula sa pinagmulan nitong Griyego, homologeo. Ang ugat na homo ay nangangahulugang pareho, at logeo, magsalita, samakatuwid magsalita ng kaparehong bagay o sumang-ayon. Ang magpahayag ay nangangahulugang magbahagi ng kaparehong pananaw, o isuko o amining ang isang bagay ay totoo. Wala sa salita mismo ang humihingi ng publiko o oral na deklarasyon sa iba. Makalawa sa Roma, ang pagpapahayag ay ginawa sa Diyos (14:11; 15:9; ikumpara sa gamit nito sa 1 Juan 1:9).

Ang konteksto

Si Pablo ay pangunahing sumusulat sa mga Judio sa Roma (10:1-3), bagamat ang katotohanang ito ay lumalapat sa lahat ng mga tao (Roma 10:4, 11-13). Ang kaniyang kapwa mga Judio ay hindi ligtas magpakailan man, dahil tinanggihan nila ang katuwiran ni Cristo habang sila ay nagtatatag ng kanilang sariling katuwiran (10:3). Ang mga Judio ay kailangang manampalataya kay Jesucristo bilang Mesiyas; sa madaling salita kailangan nilang ipahayag Siya, na amining si Jesus lamang ang makapagbibigay sa kanila ng katuwiran. Ang pagpahayag, kung ganuon ay may kaparehoing signipikansiya ng manampalataya (ikumpara kung paano ang pahayag ay ginamit sa 1 Juan 2:23; 4:2-3; 2 Juan 7). Ang papapahayag, gaya ng pananampalataya ay nakadirekta sa Diyos, hindi sa mga tao. Ang pananampalataya ang prominenteng isyu sa konteksto (10:4, 6, 11, 14,17). Ang palitan ni Pablo ng ipahayag at manampalataya sa v9-11 ay tumuturo sa kaparehong kahulugan, ganuon din ang pagsampalataya at pagtawag sa Panginoon sa v11-13.

Ang sipi mula sa Deuteronomio

Sa v6-8 sumipi si Pabl mula sa Deuteronomio 30:12-14 upang ipaalala sa mga Judio ang kanilang narinig at marahil ay nasaulo. Hindi nila kailangang magsiyasat nang husto para sa katuwiran ng Diyos. Ito ay laging nariyan- kasinlapit ng kanilang mga bibig at mga puso. Ang lahat na kailangang gawin ng mga Judio ay sumang-ayon o aminin ang katotohanang ng patotoo ng LT ng katuwiran ng Diyos sa Mesiyas, ang manampalataya kay Jesucristo. Ang bibig at puso ay magkaugnay (Mat 12:34; Lukas 6:45) at nasasalamin pareho sa sipi mula sa Deuteronomio at sa gamit ni Pablo.

Ang “ipahayag ang Panginoong Jesus” ay nangangahulugan lamang ng pag-amin na si Jesus ay Siya ngang sinasabi ng Diyos, ang Mesiyas at Tagapagligtas. Ang designasyong “Panginoon” sa v9 at sa sipi mula sa Joel 2:32 sa v13 ay nagsasalin ng dibinong pangalang YHWH na ang pangunahing signipikansiya ay ang pagka-Diyos. Ang gawin itong kahulugan ng pagka-Panginoon ay tila arbitraryo dahil sa pagka-Diyos ni Cristo ay kabilang nag maraming dibinong gampanin (Tagapaglalang, Hukom, Mataas na Pari, atbp).

Isang alternatibong pananaw

May isa pang pananaw ng ipahayag sa pasaheng ito na hindi sumasalungat sa turo ni Pablo ng pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Ang pananaw na ito ay nagsisimula sa premiso na ang poot na nararanasan ng sangkatauhan ay temporal at hindi kabilang ang eternal na poot o kundenasyon. Ang Roma 10:9-13 ay nagpapaliwanag kung paano ang mga Judio ay makatatakas sa temporal na poot ng Diyos mula sa kanilang mga mang-uusig na kaaway. Ang ipahayag ang Panginong Jesus at tumawag sa pangalan ng Panginoon ay nangangahulugang hayagang lumahok sa nananampalatayang komunidad. Subalit ang pangako ng katuwiran ng Diyos at kaligtasan sa konteksto ng Roma 10 ay hindi ekslusibo sa mga Judio (10:4, 11-13). Ang pananaw na ito ay iniinterpreta rin ang kaligtasan bilang temporal lamang at tinuturo ang gamit ni Pablo ng Joel 2:32 sa v13 bilang pangako sa Israel ng pagliligtas mula sa kanilang mga kaaway sa mga huling araw. Samantalang ito ay totoo, ang pagliligtas ng mga Judio sa hinaharap ay kasabay ng kaniyang espirituwal na kaligtasan mula sa kundenasyon (Obad 17; Zac 12:1-10). Marahil ginagamit ni Pablo ito bilang isang pangkalahatang prinsipyo na ang lahat ng tumawag (manampalataya) sa Diyos para sa kaligtasan (kabilang na ang eternal na kaligtasan) ay magkakaroon ng katugunan ang kanilang pananampalataya. Samantalang ang pananaw na ito ay umaayon sa eternal na kaligtasan bilang isang libreng regalo, hindi nito sapat na napag-uusapan ang dominanteng konteksto ng kawalan ng Israel ng katuwiran at kung paano nila ito matatamo (10:1-8).

Pagbubuod

Dahil sa empasis sa konteksto sa kawalan ng pananampalataya ng Israel para masiguro ang katuwiran ng Diyos, ang ipahayag ay tila ginamit sa liwanag ng Deuteronomio 30:12-14 na pantukoy sa pangangailangan ng Israel (at ninuman) na sumang-ayon sa Diyos na ang katuwiran ay sa pamamagitan lamang ng pinangakong Mesiyas, si Jesucristo. Ito ay para sa lahat na umaaming ang Diyos ay tama. Gaya ng tinuro ni Pablo sa unahan (kabanata 3-4), ang katuwiran ng Diyos ay hindi dumarating sa ating magagawa o sa ating pagpapagal o anumang gawin natin. Ito ay dumarating lamang sa pananampalataya sa patotoo ng Diyos tungkol sa dibinong Tagapagligtas, si Jesus.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes