GraceNotes
   

   Ang Free Grace ba ay Nagtuturo ng Madaling Pananampalataya?



Ang Free Grace ay nagtuturong ang kaligtasan ay ganap na libre. Ang sinumang nanampalataya lamang sa Panginoong Jesus Cristo bilang Tagapagligtas, kumbinsidong Siya ay namatay sa krus para sa kanilang mga kasalanan at bumangon muli, ay may buhay na walang hanggan. Ito ay problema para sa mga minamaliit ito bilang “madaling pananampalataya.”

Paano nilalarawan ang madaling pananampalataya

Ayon sa mga tumutuligsa, ang posisyung Free Grace ay nagpapahintulot sa mga taong magpakilalang Cristiano . . .

. . . sa pag-uulit lamang ng panalangin o sa pagsasabi ng “panalangin ng makasalanan.”
. . . na hindi sumuko kay Jesucristo bilang Panginoon.
. . . nang hindi tumalikod sa kanilang mga kasalanan (na siyang depinisyon nila ng pagsisisi).
. . . nang walang pinapakitang anumang bunga o mabubuting gawa.
. . . sa pagtugon sa isang imbitasyong evangelio sa publikong displey gaya ng pagtaas ng kamay o pagpunta sa harapan ng simbahan.
. . . kung sila ay nagpahayag, “Nananampalataya ako kay Jesus” o “Nananampalataya akong si Jesus ay namatay sa krus at bumangong muli.”
. . . kung sila ay nagpahayag ng pananampalataya kay Cristo bilang Tagapagligtas at nagpabautismo o/at umanib sa isang simbahan.
. . . kung sila ay nagpahayag ng pananampalataya kay Cristo bilang Tagapagligtas ngunit hindi tapat na sumusunod kay Cristo.
Inaakusahan ng mga kritikong ito ang mga tagasunod ng Free Grace ng pagtuturo ng mababaw at pinalabnaw na evangelio na nagbibigay sa mga tao ng huwad na katiyakan ng kaligtasan. Tinuturo nila ang Mateo 7:21-23 at binigyang pansing maraming nag-iisip na sila ay ligtas ang tinakwil ni Jesus (Tingnan ang Ang Tala ng Biyaya Bilang 52 “Ang Panginoon at Huwad na Tagasunod”). Gaya nang malinaw sa Panimula, hindi tinuturo ng Free Grace na alin man sa mga ito ay nagliligtas sa isang tao. Ang kaligtasan ay walang kinalaman sa anumang sinasabi o ginagawa ng isang tao, kundi kung ano ang kaniyang sinampalatayahan. Tunay na maraming tao ang nag-aakalang sila ay mga Cristiano, ngunit sa katotohanan, hindi sila nanampalataya sa biblikal na mensahe ng kaligtasan.

Madali Laban Sa Payak

Upang maging malinaw, hindi tinuturo ng Free Grace na ang kaligtasan ay madali, kundi ito ay payak. Ang dalawang mga salita ay tila magkapareho ngunit sila ay magkaiba. Ayon sa Miriam-Webster Dictionary::

  • Ang kahulugan ng madali ay pagkakaroon ng kaunting hirap o diskomporte, nangangailangan o nagpapakita ng kaunting pagal, pag-iisip, o pagmumuni..
  • Ang kahulugan ng payak ay puro, walang halo, malaya sa sekondaryong komplikasyon.
Base lamang sa mga depinisyong ito, ang evangelio ng Free Grace ay hindi nag-aalis ng hirap, diskomporte, pagal, pag-iisip, o pagmumuni sapagkat ang mga bagay na ito ay maaaring maranasan ng mga kinompronta ng evangelio. Subalit, pinaninindigan ng Free Grace na ang kundisyon ng kaligtasan ay pananampalataya lamang, na walang halo ng iba pang kundiyon o sekondaryong kumplikasyon. Mahalagang makita ang pagkakaiba ng kahulugan ng madali at payak. Ang kundisyon upang maging Cristiano ay maaaring hindi madali, ngunit ito ay payak: manampalataya lamang.

Bakit Sinasalungat ng Iba ang Inaakala Nilang Madaling Pananampalataya

  • Nakikita nila ang mga mababaw na nagpapakilalang Cristianong hindi namumuhay para sa Panginoon.
  • Iniisip nilang maraming nagpapakilalang Cristiano ang may huwad na katiyakan ng kaligtasan base sa huwad na pananampalataya.
  • Iniisip nilang kailangan ng kaligtasan ng pagsisisi na ang ibig nilang sabihin ay talikuran ang mga kasalanan. (Tingnan ang Tala ng Biyaya Blg. 22, “Pagsisisi: Ano ang Ibig Sabihin?”)
  • Nanghahawak sila sa isang deterministikong teolohiya (tulad ng Calvinismo) kung saan hinirang ng Diyos ang mga maliligtas at binigyan sila ng matiising pananampalatayang gumagawa at hindi maaaring mabigo. (Tingnan ang Tala ng Biyaya Blg. 49, “Perseverance Versus Preservation”)
  • Nalilito sila sa magastos na kundisyon ng pagiging alagad, na napakarami, si payak na kundisyon ng kaligtasan, na sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. (Tingnan Ang Tala ng Biyaya Blg. 23, “Ang Mga Alagad Ba ay Pinanganak o Ginawa?”)
  • Hindi nila naunawaan ang kaugnayan ng Pagka-Panginoon ni Cristo sa kaligtasan.

Bakit Pinaninindigan ng Ilan na ang Kundisyon Para sa Kaligtasan ay Payak

  • Ang payak na kahulugan ng Biblia. Maraming sitas ang nagpapakitang ang kundisyon para sa kaligtasan ay pananampalataya lamang. (hal., Juan 3:16; 5:24; 6:47; Gawa 16:31; Ef. 2:8-9)
  • Ang mapagmahal at mabiyayang kalikasan ng Diyos. Sasalungat sa pagnanais ng Diyos na maligtas ang lahat ng mga tao kung gagawin Niyang mahirap ang kaligtasan. Ginawa ng Diyos ang mahirap na trabaho ng paghahandog ng Kaniyang Anak upang ang daan sa kaligtasan ay maging payak para sa lahat. (1 Tim. 2:4; 1 Pedro 5:10; 2 Pedro 3:9; 1 Juan 2:2)
  • Walang makagagawa kay Jesus na Panginoon. Si Jesus ay laging Panginoon sa obhetibong diwa, kaya maaari Siyang maging Tagpagligtas ng lahat sa sanlibutan. Ang mga nanampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtas ay maaaring kilalanin at magtalaga ng Kaniyang sarili kay Jesus bilang Panginoon, ngunit hindi ito kundisyon para sa kaligtasan. Maaaring hindi nauunawaan ng mga hindi mananampalataya o ng mga bagong mananampalataya ang ibig sabihin nito. Magdaragdag din ito ng personal na merito at pagtatalaga sa pananampalataya lamang. (Tingnan ang Tala ng Biyaya Blg. 41, “Ang Pagkapanginoon ni Jesucristo”).
  • Ang mga kundisyon sa pagiging alagad ay iba sa kundisyon sa pagiging Cristiano. Kapag pinaghiwalay natin ang halaga ng pagiging alagad (e.g., Matt. 16:24; Luke 14:26; John 8:31) mula sa payak at libreng alok ng kaligtasan, ang kapayakan ng pananampalataya ay malinaw. (hal., Juan 3:16; Juan 4:10; 6:47; Gawa 16:31)
  • Ang manampalataya ay payak, ngunit hindi laging madali. Halimbawa, hindi madaling manampalatayang
    . . . ang ating pagiging makasalanan ay nararapat ng walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos.
    ...that God loves us despite our many and sometimes serious sins.
    . . . inibig tayo ng Diyos sa kabila ng ating marami at madalas na malalang kasalanan.
    . . . sinugo ng Diyos ang Kaniyang Anak upang mamatay para sa atin at patawarin ang ating mga kasalanan.
    . . . na ang kabayaran ni Jesus para sa ating mga kasalanan ay mahalaga pa sa ngayon.
    . . . na si Jesucristo ay bumangon mula sa mga patay at ngayon ay buhay.
    . . . na inaalok tayo ni Jesus, mga hindi tampat na makasalanan, ng buhay na walang hanggan bilang libreng regalo.
  • Binigay ng Diyos ang Kaniyang napakahalagang Anak para sa atin. Sa liwanag ng magastos na handog na ito, walang saysay kung gagawin ng Diyos na kumplikado o mahirap ang karanasan ng pagkilala kay Jesus at Kaniyang kaligasan (Tingnan ang Rom. 8:32).
  • • Ang mga Cristiano ay lumalago at nagmamaturo sa iba’t ibang bilis. Imposibleng mahatulan ang realidad ng kanilang pananampalataya base sa mga gawa o mga bunga, na mga relatibo at subhetibo.
  • Pagbubuod

    Mula sa tulisan sa krus (Lucas 23:42-43) hanggang sa patotoo ng mga apostol (Gawa 10:43; 13:39; 15:7-9), ang Biblia ay nagpapatotoong ang tanging kailangan para sa kaligtasan ay payak na pananampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtas. Gaya ng paalala sa atin ng Efeso 2:8-9, “Sa biyaya (ang libreng kaloob ng Diyos) kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya (payak na pananampalatayang walang sekondaryong kumplikasyon), at ito ay hindi sa inyong mga sarili (walang personal na halaga, pagtatalaga o pagtalikod mula sa mga kasalanan); ito (kaligtasan sa biyaya) ay kaloob ng Diyos (ganap na libre, walang pising nakakabit), hindi sa mga gawa (walang sariling pagal, gawa o merito), upang ang sinuman ay huwag magmapuri (sa kanilang sariling gawa sa halip na sa gawa ni Cristo para sa kanila). Tinuturo ng Free Grace na ang kaligtasan ay hindi isang kalakal, ito ay kaloob na kailangan lamang tanggapin.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes