GraceNotes
   

   Hindi Nagtitiwala si Jesus sa Ilang Mananampalataya; Juan 2:23-25

Nang Siya nga’y nasa Jerusalem nang Paskua, sa loob ng panahon ng kapistahan, ay marami ang mga nagsisampalataya sa Kaniyang pangalan, pagkakita ng Kaniyang mga tandang ginawa. Datapuwat si Jesus sa Kaniyang sarili ay hindi rin nagkatiwala sa kanila sapagkat nakikilala Niya ang lahat ng mga tao, sapagkat hindi Niya kinakailangan na ang sinuman ay magpatotoo tungkol sa Kaniya sapagkat nalalaman nga Niya ang isinasaloob ng tao.

Karamihan sa mga komentarista ng Biblia ay iniinterpreta ang pasaheng ito upang sabihing ang mga taong ito ay hindi talaga nanampalataya kay Jesus para sa kaligtasan, at kung kaya hindi pinagkatiwala ni Jesus ang Kaniyang sarili sa kanila sapagkat alam Niya ang hindi nananampalatayang kundisyon ng kanilang mga puso. Umano ang kanilang pananampalataya ay depektibo o hindi sapat para sa kaligtasan dahil ito ay nakabase lamang sa mga tandang ginawa ni Jesus at/o nanampalataya lamang sila sa Kaniyang pangalan at hindi sa Kaniyang persona.

Ang inapirma ni Juan

Sinabi ni Juan na ang mga taong ito ay “nagsisampalataya sa Kaniyang pangalan.” Ang sinumang iniisip na ito ay hindi tumutukoy sa kaligtasan ay sumasalungat kay Juan at sa kaniyang konsistent na rekord na ang nanampalataya ay may buhay na walang hanggan (hal Juan 3:15-16, 36; 5:24; 6:40, 47; 11:25-26; 20:31). Ang salungatin ang patotoo ng sinumang awtor ng Kasulatan ay naglalagay ng mabigat na dalahin ng pagpapatunay sa tagainterpreta. Ngunit ang teksto ay walang eksplisit na patunay o pahayag na ang mga ito ay nanampalataya sa kaligtasan. Ang konklusyong iyan ay madalas na produkto ng teolohiyang nagtuturo na ang tunay na pananampalataya ay dapat may kabilang na buong pagtatalaga kay Jesus bilang Panginoon ng kaniyang buhay.

Ang ilan ay nag-aangking ang mga “huwad na mananampalatayang” ito ay nanampalataya lamang sa “Kaniyang pangalan” at hindi sa Pesona ni Jesus, at ito ay hindi sapat upang magligtas. Dalawang obserbasyon ang nagsasantabi ng argumentong ito. Una, sa Biblia ang pangalan ng isang tao ay kumakatawan sa katangian ng taong iyan at sa kabuuan ng kung ano siya. Ang manampalataya sa pangalan ni Jesus ay ang manampalataya sa Kaniya bilang Tagapagligtas. Ikalawa, ang Ebanghelyo ni Juan ay naghihikayat ng pananampalataya sa pangalan ni Jesus at nagpapakitang ito ay nagreresulta sa kaligtasan (Juan 1:13; 3:18).

Isa pang pagsisikap na ilabel ang mga taong ito bilang “huwad na mananampalataya” ay nagtataltal na sila ay nanampalataya lamang kay Jesus dahil sa mga tandang Kaniyang ginawa at hindi sa Kaniyang personal na pag-aangkin. Ngunit walang masama sa mga tanda na nagdadala ng tao sa pananampalataya kay Jesus. Una, pansining ang teksto ay hindi nagsabing nanampalataya sila sa mga tanda, kundi sa Kaniyang “pangalan,” samakatuwid sa Kaniyang persona. Ikalawa, ang Ebanghelyo ni Juan ay umaasang ang mga tanda ay magpapasimula ng pananampalataya (Juan 4:48; 12:37), na siyang dahilan kung bakit gumamit si Juan ng mga ito sa kaniyang ebanghelyo ayon sa kaniyang layong pahayag ng libro sa 20:31,. “ngunit ang mga ito ay nasulat upang kayo ay manampalataya na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos at sa pananampalataya ay magkaroon ng buhay sa Kaniyang pangalan.” Ipinakita rin ito ni Juan sa mga halimbawa ng pananampalatayang pinasimulan ng mga tanda (Juan 1:47-49; 2:11; 4:52-54; 10:41-42; 11:42-45; 20:26-29). Ikatlo, si Jesus mismo ay naghihikayat ng pananampalatayang nakabase sa mga tanda (Juan 1:50-51; 10:37-38; 14:11). Ginagamit ng Diyos ang mga tanda kung paanong ginagamit Niya ang mga propesiya at pamamahayag upang dalhin ang mga tao sa pananampalataya kay Jesucisto.

Ano ang alam ni Jesus

Ang pag-aangkin ni Jesus na alam kung ano ang nasa tao sa v25 ay pinakita ng mga kwentong sumusunod sa pasaheng ito. Sa kabanata 3, alam ni Jesus ang tanong at pagnanais ni Nicodemo ng Kaniyang sagutin ang tanong na hindi pinapayagan si Nicodemong itanong. Alam ni Jesus na kailangan ni Nicodemo ng bagong kapanganakan. Ipinakita ni Jesus ang Kaniyang omnisensiya sa kabanata 4 sa babaeng Samaritano nang Kaniyang sabihin sa kaniya ang kaniyang mga kaugnayan sa iba’t ibang mga lalaki. Siya ay nasorpresa na marinig ang Kaniyang kaalaman at iniisip na Siya ay propeta, ngunit Siya ay kumbinsido na Siya ang Mesiyas (Juan 4:29, 39-42). Gayun din, sa kabanata 6, alam ni Jesus ang motibo ng madla na sumusunod sa Kaniya sa Dagat ng Galilea. Sinabi Niya sa kanilang sumusunod lamang sila dahil sa pagkaing Kaniyang ibinigay. Alam Niyang kailangan nila ng buhay na walang hanggan at ito’y Kaniyang sinabi (Juan 6:26-27). Muli, Kaniyang pinakita ang Kaniyang omnisensiya sa paghahayag na alam Niyang karamihan sa madla ay hindi nanampalataya sa Kaniya (Juan 6:64) at sa mga alagad na nanatili sa Kaniya, alam Niyang ang isa ay hindi mananampalataya (Juan 6:66). Ang omnisyenteng Panginoong Jesus ay alam kung sino ang mga mananampalataya at sino ang hindi mananampalataya. Alam Niya rin ang hindi nababanggit na motibo ng mga puso ng mga tao. Hindi nakapagtatakang alam ni Jesus ang mga puso ng nanampalataya sa Kaniya sa 2:24. Na sila ay mga mananampalataya kay Cristo bilang kanilang Tagapagligtas ay inaapirma ni Juan ngunit ang kanilang mga puso ay hindi pa nakatalagang buo kay Cristo bilang Panginoon.

WAng pinapakita ng Biblia

Sa Juan, at sa natitirang bahagi ng Bagong Tipan, ang manampalataya ay nangangahulugang makumbinse na ang isang bagay ay totoo o katiwa-tiwala. Kailan man ang manampalataya o pananampalataya ay hindi nilarawan ng mga salita tungkol sa realidad ng pananampalatayang iyan, gaya ng talagang nanampalataya, sinserong nanampalataya, totoong nanampalataya, huwad na pananampalataya o pansamantalang pananampalataya. Ang manampalataya o may pananampalataya ay laging nangangahulugang kumbiksiyon o katiyakan na ang isang bagay ay totoo. Bagama’t ang layon ng pananampalataya ay maaaring magbago o mabigo, hindi ito nangangahulugang ang pananampalataya ng tao sa bagay na iyan ay bigo.

Kapag ang isang tao ay nanampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtas, ang taong iyan ay nakatanggap ng buhay na walang hanggan, gaya ng pinakikita ng rekord ni Juan. Ang mga nag-aangking may mga halimbawa ng huwad na pananampalataya o ng pananampalatayang hindi sapat para sa kaligtasan ay impluwensiyado ng kanilang sistemang teolohikal kay sa ng malinaw na mga pahayag ng Kasulatan.

Ipinakikita mismo ni Juan na ang mga bagong mananampalataya ay hindi lubos na nakatalaga kay Jesus. Sa mga bagong mananampalataya sa Juan 8:31, hinamon sila ni Jesus na maging mga tunay na alagad (tagasunod, mag-aaral) sa pamamagitan ng pananahan (manatili sa, kumapit sa) Kaniyang Salita. Ganuon din, parehong kina Nicodemo at Jose ng Arimatea, inilarawan ni Juan ang paglago ng kanilang pananampalataya mula sa pribadong pag-uusap hanggan sa publikong pagpapakilala kasama ni Cristo. Sa Juan 12:42, ang mga nanampalataya ay hindi pa sapat ang pagtatalaga upang ipahayag ang kanilang pananampalataya dahil takot sila sa mga Pariseo.

Ang ipinangako ni Jesus

Ang simpleng katotohanan sa likod ng Juan 2:23-25 ay ang katotohanang mas lalo nating itinatalaga ang ating mga sarili kay Jesus, mas lalo Siyang handang italaga ang Kaniyang sarili sa atin. Ang mensahe ng Diskurso ng Silid sa Itaas na nasa Juan 13-17 ay ang maintimasyang, nananahan at masurunuring relasyon kasama si Jesus ay nagbubunga ng espirituwal na bunga at nagpapakitang sila ay mga tunay na alagad. Pinakamainam ang pagkasabi nito ng Juan 14:21, “Ang mayoon ng Aking mga utos at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa Akin, at ang umiibig sa Akin ay iibigin ng Aking Ama, at siya’y iibigin Ko, at Ako’y magpapakahayag sa Kaniya.”Siyempe ang Diyos at ang Kaniyang Anak ay mahal at inihayag ang Kanilang mga sarili sa lahat ng tao. Ngunit sa pribadong diskusrong ito sa Kaniyang labin-isang alagad, nangangako si Jesus na ang maibigin at masunuring mananampalataya ay makatatamasa ng mas maintimasyang pampamilyang pag-ibig at manipestasyon ng Kaniyang katangian. Ang mga ito ay gantimpala sa nakatalagang mananampalataya, ang tunay na alagad, ngunit marahil ay hindi para sa mga bagong mananampalataya. Ang bagong mananampalataya ay kailangang matutunan kung ano ang tinuturo ng Panginoon upang malaman niyang sumunod mula sa puso bilang tugon sa biyaya. Ang mga tumutugon nang may kaigihan sa katotohanan ay makatatanggap ng higit na katotohanan bilang “mga kaibigan” ni Jesus (tingnan din ang Juan 15:14-15).

Pagbubuod

Kung ang mga sinasabi ni Juan na nanampalataya ay hindi tumanggap ng buhay na walang hanggan, mabubuod natin kung ganuon na hindi natin matitiwalaan ang patotoo ni Juan at ang mga pangako ni Jesus. Kailangang din nating mabuod na kailangan nilang tunay na manampalataya upang tunay na maligtas. Ngunit ano ang ibig nitong sabihin at paano natin malalaman? Si Juan at si Jesus ay matitiwalaan: ang mga nananampalataya kay Jesucristo ay may buhay na walang hanggan. Sa pagkaalam nito, nakadiskubre tayo ng mas malalim na katotohanan, na ang ilang nanampalataya at naligtas ay hindi pa handa para ipagkatiwala ni Jesus ang Kaniyang sarili sa kanila sa isang mas malalim at maintimasyang relasyon. Sa isang banda, ang mga umiibig at sumusunod sa Kaniya ay makatatamasa nang mas malalim na manipestasyon ng Kaniyang pag-ibig at presensiya. Nanampalataya tayo para matamo ang buhay na walang hanggan; sumusunod tayo upang maranasan nang buo ang buhay na iyan.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes