GraceNotes
   

   Ang Free Grace At Ang Mga Pananaw sa Kahalalan

Ang doktrina ng eleksiyon o kahalalan ay laging nag-uudyok ng buhay na talakayan sa mga Cristianong may iba’t ibang paraan ng pagpapaliwanag nito. Walang iisang pagkakasundo tungkol sa kahalalan sa posisyung Free Grace. Sa esensiyal na diwa, ang pinagdedebatehan ay kung paano ang mapangyayaring kalooban ng Diyos ay makikiugnay sa malayang desisyon ng tao (o kaniyang tugon). Ang salitang halal ay nangangahulugang pinili, o hinirang at madalas iugnay s ibang mga salitang teolohikal gaya ng predestinasyon, at paunang kaalaman. Sa maikling pagbubuod, narito ang ilan sa mga basikong pananaw ng kahalalan na madalas masumpungan, bagama’t bawat pananaw ay may kaniya-kaniyang pagkakaiba.

1. Monergistic, unconditional, pre-tempral election. Ang pananaw na ito ay nanghahawak na ang kaligtasan ng isang tao ay sa pamamagitan ng masoberanyang utos ng Diyos sa nakaraang eternidad o bago pa ang sinuman manampalataya. Hindi ito nakadepended sa sariling desisyon ng tao, kalooban o pananampalataya. Ang biyaya ng kaligtasan ay hindi mapaglalabanan at ang regalo ng dibinong pananampalataya sa nesesidad ay nagreresulta sa buhay ng katapatan at mabubuting gawa na magpapatuloy hanggang sa katapusan ng buhay. Ang Diyos lamang ang tanging kumilos kaya ang paggamit ng terminong monergistiko. Ang pananaw na ito ay minsang tinatawag na Calvinismong Dortiano, Mataas na Calvinismo, o Reformed na Calvinismo, nakikilala sa akronim na TULIP. Ang mga kalaban ng pananaw na ito ay nagsasabing ginagawa nitong inkonsistent ang Diyos sa iba Niyang katangian gaya ng pag-ibig at sa katotohanan ay nag-aalis ng pagkatao ng isang tao sa pag-aalis ng kaniyang kakayahang magdesisyon, na nagbabawas sa kaluwalhatian ng Diyos dahil ang ebanghelyo ay hindi inalok sa lahat at ang mga halal ay hindi makatanggi nito. Ang pananaw na ito ay hindi popyular sa mga tagataguyod ng Free Grace.

2. Synergistic, pre-temporal election. Ang ilang nagpapakilala bilang katamtamang Calvinista ay kinikilala ang paghalal ng Diyos sa eternidad sa nakaraan o bago ang isang tao manampalataya nguit kinikilala pa rin ang nesesidad ng pananampalataya ng isang tao upang isakatuparan ang kaligtasang iyan. Ang kalooban ng Diyos at ang tugon ng tao ay kumikilos na magkasama, magkatugma o sinergistiko. Dahil sa ang Biblia ay nag-aapirma pareho ng kalooban ng Diyos at kalayaan ng tao sa kaligtasan, sila ay magkatugma o kumikilos na may harmoniya. Ang ilang naniniwala rito ay nais tingnan ang kalooban ng tao na kumikilos sa mas malawak na masoberansyang kalooban ng Diyos. Kung paano ang kalooban ng Diyos at ang kalooban ng tao ay kumikilos na magkasama ay hindi madaling unawain o ipaliwanag. Ang mga TULIP na Calvinista ay tumututol na ang tao ay walang kalayaang tumugon sa ebanghelyo at ibinibilang ang ganiyang pananaw ng pananampalataya bilang isang uri ng gawa. Ang katamtamang Calvinismong ito ay pinanghahawakan ng ilang tagasunod ng Free Grace.

3. Pre-temporal, conditional election. Alam ng Diyos kung sino ang mananampalataya kay Jesucristo at hinalal sila sa kaligtasan. Ang unang kaalaman ng Diyos ay nauunawaan bilang kakayahang malaman ang hinaharap ngunit walang kakayahang magdetermina nito. Dahil sa hinalal ng Diyos ang mga alam Niyang tutugon sa ebanghelyo, ang kahalalan ay nakakundisyon sa tugon ng tao. Ang kahalalan base sa unang pakakitang ito ay ang tradisyunal na posisyung Arminianismo. Ang ilan ay tumututol na ang pananaw na ito ay walang saysay dahil ito ay nakakundisyon sa tugon ng tao. Ang ilan sa posisyung Free Grace ay tinanggap ang basiko ng pananaw na ito habang tinatanggihan ang ilang aral Arminiano.

4. Pre-temporal, corporate election. Samantalang ang ibang pananaw na nalista rito ay tinatrato ang kahalalan bilang nakatuon sa mga indibidwal, ang pananaw na ito ay nakikita ang kahalalan na may kaugnayan kay Cristo at sa iglesia. Sa nakaraang eternidad, hinalal ng Diyos ang Kaniyang Anak, si Jesucristo. Lahat nang nanampalataya ay nilagay sa grupo ng mga halal “kay Cristo,” ang iglesia. Ang kahalalan ng isang indibidwal ay hindi kailangang makita muna. Ang pananaw na ito ay pinalaganap ng teologong si Karl Barth, ngunit sa kaniyang pananaw, ang lahat ng tao ay hinalal kay Cristo- ang ilan ay hindi lang ito alam. Ang ilan ay tumututol na ang pananaw na ito ay binabalewala ang ilang Kasulatang naglalarawan ng kahalalan na nilalapat sa mga indibidwal at tinatanggihan din ang unibersalismong hinahayaan nito. Ang ilang tagataguyod ng Free Grace ay komportable sa ideya ng korporal na eleksiyon habang tinatakwil ang ilang aspeto ng pananaw na ito, gaya ng unibersalismo.

5. Pre-temporal, middle-knowledge election. Kilala rin bilang Molinismo, ang pananaw na ito ay nanghahawak na ang Diyos sa nakaraang eternidad ay piniling lumalang, mula sa lahat ng posibleng mangyari, ng isang magdadala ng Kaniyang nais na resulta (soberaniya) gamit ang mga tunay na malayang moral na desisyon (malayang kalooban). Nalalaman nang husto kung ano ang magagawa, gagawin at kung ganuon ay ang talagang gagawin sa anumang pangyayari, lumalang ang Diyos ng pinakamahusay na pangyayari at alam kung sino ang mananampalataya kay Cristo. Ang ilan ay magtataltal na hindi nito sinasagot ang katanungan kung bakit pinili ng Diyos ang pangyayari na nagbibigay-laya sa mga taong itakwil Siya, ngunit ang ilang nanghahawak sa posisyung Free Grace ay iniisip na ito ang pananaw na pinakamahusay na pinagkakasundo ang soberanyang kalooban ng Diyos at malayang pagpili ng tao.

6. Atemporal, qualitative election. Ang pananaw na ito ay hindi nakikita ang salitang kahalalan na tumutukoy sa indibidwal na kaligtasan kundi sa paglalarawan ng Diyos sa mga mananampalataya bilang “pili.” Ang mga nanampalataya kay Cristo ay ang mga nagpahalaga sa Kaniyang Anak at ang magluluwalhati sa Diyos sa kanilang mga buhay at sa kanilang paglilingkod, at kung ganuon ay dinisigna sa kalidad bilang piniling tao. Ang Biblia ay hindi kailan man nagbanggit ng kahalalan sa kaligtasan kundi kahalalan sa paglilingkod. Ang ilan ay tumututol na ang pananaw na ito ay nanghahawak nang walang sapat na dahilan na maging malaya sa depinisyon ng kahalalan at ng ilang mga pasahe kung saan ito ay masusumpungan. Nitong huli, ang pananaw na ito ay tinataguyod ng ilang Free Grace.

7. Trans-temporal, congruent election. Samantalang ang kahalalan ay madalas na tinitingnan sa isang panahong linyear, ito dapat ay silipin sa kalikasan ng Diyos na bumabalot at humihigit sa oras. Bagama’t ang Biblia ay naglalarawan ng kaligtasan bilang isang bagay na dineklara ng Diyos sa “nakalipas” at ipinipresenta rin ito bilang isang posibilidad sa “kasalukuyan,” walang salungatan dahil ang Diyos ay “trans-temporal,” samakatuwid nababalot niya ang nakalipas, ang kasalukuyan at hinaharap. Ang Diyos ay umiiral sa isang “eternal na kasalukuyan” kaya ang Kaniyang karanasan ng tao at ng kaniyang kaligtasan (o kundenasyon) ay kumpleto at kongruwent kung pag-uusapan ang dibinong kalooban at kalooban ng tao. Ang nalalaman ng Diyos ay Kaniyang dinedetermina at ang Kaniyang dinedetermina, Kaniyang nalalaman. Ang kalooban ng Diyos para sa kaligtasan ng isang tao ay nasa nakalipas, nasa kasalukuyan at nasa hinaharap, bagama’t ang tugon ng tao ay nakakulong lamang sa kaniyang kasalukuyang oras sa lupa. Ang mga kalaban ay mag-aaring magsabing ang pananaw na ito ay binabalewala ang kahulugan ng lenggwahe ng oras ng Kasulatan, ngunit ang ilan sa posisyung Free Grace ay nakikita ito bilang isang magandang pagpipilian.

Pagsusuri sa mga Pananaw na Ito

Ang pananaw na may pinakamalaking kredibilidad ay ang nagbibigay katugmaan sa pinakamaraming Kasulatan. Ang ilang sa mga krusyal na tanong na dapat masagot ay:

  • Bagama’t ang bawat pananaw ay may kinikilingang teolohikal, alin ang pinakamainam na nasusuportahan ng Kasulatan mismo? (Ang maikling pag-aaral na ito ay ni hindi magawang simulang sagutin ito!)
  • Aling pananaw ang pinakakonsistent sa biblikal na pananaw ng Diyos at Kaniyang katangian?
  • Aling pananaw ang pinakakonsistent sa biblikal na pananaw ng tao na nilikha sa larawan ng Diyos at naapektuhan ng pagkahulog?
  • Ang mga nasa pananaw na Free Grace ay mas higit na dapat makaalam: aling pananaw ang pinakakonsistent sa biblikal na pananaw ng biyaya bilang hindi kundisyonal, pananampalataya bilang lehitimong tugon ng tao, at kaligtasan sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya hiwalay sa gawa o meritong pantao sa unahan ng kaligtasan o maging sa likuran?

Pagbubuod

Dapat maunawaan ng mga Cristiano na ang debate tungkol sa nagpepredestinang kalooban ng Diyos at ang malayang pagpili ng tao ay umiiral na bago pa ang Cristianismo sa Judaismo, sa pilosopiyang Griyego, at sa iba pang relihiyon. Ito ay makatutulong sa ating makita na ang isyung ito ay hindi agad masosolusyunan, lalo yung sasang-ayunan ng lahat. Lehitimong itanong kung posible bang ipaliwanag ang lahat ng bagay tungkol sa Diyos, o kung may ilang bagay na lagpas sa ating kakayahang maunawaan at maipaliwanag. At kung maipaliliwanag ang lahat ng bagay tungkol sa Diyos, anong uri ng Diyos Siya? Dapat nating pag-aralan ang doktrina ng kahalalan at bumuo ng mga pagkukuro, ngunit nang mayroon malaking kapakumbabaan at mula sa tapat na pagtrato sa Kasulatan. Kung ganuon, walang salungatan sa ebanghelyo ng libreng biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Jesucristo lamang.

"Oh kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Diyos! Oh di matingkalang mga hatol Niya at hindi malirip na Kaniyang daan!" Roma 11:33


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes