GraceNotes
   

   Ang Hantungan ng HIndi Nagbubungang Tagasunod sa Juan 15:6

Kung ang sinoman ay hindi manatili sa Akin, ay siya’y matatapong katulad ng sanga, at matutuyo; at mga titipunin at mga ihahagis sa apoy at mangasusunog.

Ano ang kinakatawan ng mga sanga sa Juan 15:9 at ano ang kanilang kapalaran? Isang popyular na interpretasyon ay nagsasabing ang mga sanga ay mga mababaw na tagasunod ni Jesucristo na hindi nagpatuloy sa paggawa ng mabuti. Ang mga hindi ligtas na indibidwal na ito ay susunugin sa impiyerno. Ginagawa ng interpretasyon na ito ang bunga bilang pagsubok ng tunay na pananampalataya at isang indikasyon kung sino ang tunay na Cristiano. Isa pang interpretasyon ang nakikita ang pasaheng ito bilang may kaugnayan sa mga tunay na mananampalataya at hindi impiyerno ang pinag-uusapan.

Ang argumento para sa mabababaw na tagasunod

Ang mga nagsasabing ang pasaheng ito ay tumutukoy sa mga hindi manananampalataya at kanilang kapalaran ay iniinterpreta ang “manatili” bilang kasinkahulugan ng “manampalataya.” Iniinterpreta nila ang “inaalis” (airo)sa v2 bilang pag-alis ng kahatulan sa apoy ng impiyernong nilarawan sa v6. Inaakala ng intepretasyong ito na ang “bunga” ay tumutukoy sa isang nakikita at nasusukat na mga gawa. Sa isang pagbubuod, sinasabi ng pananaw na ito na ang mga may mababaw na relasyon kay Jesucristo at hindi nagpapakita ng bunga ay nagpapatunay na hindi sila mga Cristiano at mapapahamak sa impiyerno.

Ang gawin ang bunga (mga gawa sa kanilang pagkaunawa) na isang pagsubok ng tunay na pananampalataya ay problematiko dahil ang pananampalataya ay isa lamang kumpiyansa o pagkakumbinse na ang isang bagay ay totoo. Ayon sa Biblia hindi mapanghihimasukan ng mga gawa ang pananampalataya mismo (Roma 4:4-5; Ef 2:8-9), bagama’t ang pananampalataya sana ay dapat lumikha ng mga gawa (Ef 2:10). Ngunit iba ito sa pagsasabing ang pananampalataya ay dapat lumikha ng mga gawa, at ang mga gawang ito ay nakikita at nasusukat. Ang pagsisiyasat ng pasahe at ng konteksto ay magbibgay ng mas maiging interpretasyon.

Kontekstuwal na obserbasyon

Madaling kilalanin na ang mga kabanatang 13-17 ay bumubuo ng isang hiwalay na yunit sa Juan. Matapos ang kaniyang pesentasyong ebanghelistiko sa sanlibutan sa kabanata 1-12, si Jesus ay nagkaroon ng intimasyang usapan kasama ang kaniyang mga ligtas na alagad (ang hindi ligtas na si Judas ay umalis; 13:10). Ang utos na ibigin ang bawat isa ay nagbibigay ng istruktura sa diskurso ng 13:31-15:17. Sa konteksto ang pamumunga ay tila may kaugnayan sa utos na umibig. Malinaw na ang paksa ng 15:1-10 ay pamumunga, hindi kaligtasan o walang hanggang kapahamakan. Sa liwanag ng Kaniyang nalalapit na pag-alis, layunin ni Jesus na hikayatin ang Kaniyang mga alagad na ingatan ang Kaniyang utos na mag-ibigan at sa ganuon ay mamunga ng bunga na nagmumula sa pag-ibig.

Hindi sasabihin ni Jesus na ang Kaniyang mga alagad ay delikadong maiwala ang kanilang kaligtasan o sila ay hindi talaga tunay na ligtas. Sa kabaligtaran, ipinahihiwatig Niya na sila ay nasa Kaniya bilang mga sanga ng tunay na ubas (v2). Ito ay nagsasalita ng kanilang pakiiisa at malapit na ugnayan sa Kaniya. Sila rin ay “malinis na,” na tumutukoy kung hindi sa pag-aari sa kanilang matuwid (cf Pedro sa 13:8-11), ay marahil sa kanilang santipikasyon na nararanasan (ang “paglilinis” ng v2) habang sila ay nagpapatuloy na nakaupo sa ilalim ng Salita ni Jesus (cf 17:17). Alin man sa dalawa, kinukumpirma nito na sila ay ligtas.

Konsiderasyong lexikal

Ang pananatili ay nagreresulta sa pamumunga (15:4-5). Ang iba ay pinanghahawakan ang manatili bilang kasinkahulugan ng manampalataya. Ngunit bakit sasabihin ni Jesus sa Kaniyang mga ligtas na alagad na kailangan nilang manampalataya sa Kaniya? At kung ang ibig sabihin ni Jesus ay manampalataya, bakit hindi Niya ginamit ang salitang manampalataya na Kaniyang iniugnay sa kaligtasan gaya ng maaming beses Niyang ginawa sa Ebanghelyong ito? Na ang manatili ay hindi nangangahulugang manampalataya ay malinaw sa mga pahayag na si Jesus ay nananatili sa mga alagad (v4, 5) at ang Kaniyang mga salita ay nananatili sa kanila (v7). Na ito ay tumutukoy sa mas malalim na relasyon sa mga dati nang ligtas ay pinapahiwatig ng katotohanang ito ay kundisyon upang sagutin ang panalangin sa v7 at resulta ng pagsunod sa mga utos ni Cristo sa v10.

Ang manatili ay nangangahulugang magpatuloy at tumutukoy sa malapit na relasyon kay Jesucristo. Ito ay termino ng malapit na pakikisama at kundisyon ng pagiging alagad at hindi kaligtasan. Sa Juan 8:31 sinabi ni Jesus sa mga alagad na manatili sa Kaniyang salita upang maging tunay na mga alagad. Ang pananatili ay isang tungkuling Cristiano. Ang katotohanang ito ay pinag-uutos ay nagpapakita ng posibilidad na ang isang mananampalatayang hindi makasusunod dito (v 4,5,6).

Ang mga nagsasabing ang v6 ay nagsasalita tungkol sa hatol ng apoy ng impiyerno ay iniinterpreta ang “inaalis” (mulsa sa Giyegong pandiwa na airo) sa v2 bilang pag-alis sa kahatulan. Ngunit ang airo ay mas maiging isalin bilang binubuhat (gaya ng parehong gamit sa Juan 5:8-12; 8:59; 10:18; 11:41) na naglalarawan ng maingat na pag-aalaga ng Magsasaka ng Ubas na inaangat ang mga sangang walang bunga mula sa lupa upang sila ay mas maarawan, hindi masyadong masira, at maging mabunga. Ito ay konsistent sa gawaing viticulture (pag-aalaga ng ubas), sa responsabilidad ng pag-iingat ng Magsasaka ng Ubas na binanggit sa v1-3, at sa pagnanasang maging mabunga sa v 2 at 6. Ang v2 ay nagpapatuloy sa pagsasabing kapag ang bunga ay dumating na, ang mga sanga ay nililinis upang lalong mamunga. Ang responsabilidad ng Diyos ay ang ingatan ang Kaniyang bayan sa paraang naghihikayat ng pamumunga (v 1-3), ngunit ang responsabilidad ng Cristiano ay makipagtulungan sa pamamagitan ng pananatili (v 4-8).

Pagpapalagay interpretasyunal

Madalas kapag ang apoy ay nabanggit sa Biblia, ang mambabasa ay nagpapalagay na ito ay bumabanggit ng apoy ng impiyerno. Ngunit ang apoy ay madalas gamitin sa literal na tempoal na hatol ng Diyos o sa isang piguratibong disiplina ng Diyos, galit, kasigasigan o pagseselos (tingnan Ang Tala ng Biyaya 34 “Ang Hebreo Tungkol sa Apoy”). Ang apoy ay ginamit din tungkol sa paghuhukom sa buhay ng isang Cristiano sa hinaharap sa Hukuman ni Cristo kung saan ang mabubuting gawa ay gagantimpalaan at ang walang halagang mga gawa ay masusunog (1 Cor 3:12-15; 2 Cor 5:10).

Ang apoy na susunog sa mga sangang hindi nananatili sa v6 ay isang alegoriya o kwentong piguratibo na naglalarawan ng isang punto. Kinukumpara ni Jesus ang mga sanga ng ubasan na hindi nananatili (na nagpapahiwatig na sila ay hindi mabunga) sa posibleng kapalaran ng mga mananampalatayang hindi nananatili. Hindi sinasabi ni Jesus na ang lahat ng sangang walang bunga ay susunugin, dahil ang lahat ng sanga (mga Cristiano) ay minsang hindi mabunga (dahil ang iba ay kailangang buhatin upang mamunga, v2). Ang mga sanga ng ubas na patuloy pa ring hindi namumunga ay walang praktikal na halaga, kaya sila ay tinitipon at sinusunog. Hindi nating kailangang hanapan ng antesedent ang “kayo”. Ito ay pagbibigay ng higit na atensiyon sa isang detalye na marapat ibigay sa pangunahing punto. Ang pangunahing punto ay ang hindi nananatiling walang bungang sanga ay walang halaga. Sa v6 hindi ang mga tao ang sinusunog, kundi ang mga sanga (gaya ng pinakikita ng panghalip neuter na auta). Hindi rin kailangang iinterpreta ang apoy na literal, dahil ang ubas, ang sanga, at ang bunga ay lahat piguratibo. Ang punto ni Cristo ay ang mga Cristianong hindi nananatili at namumunga ay walang halaga. Ito ay kapareho ng ilustrasyon sa Ezekiel 15:1-8 tungkol sa Israel na isang walang hanggang ubas na sinunog. Kung bibigyang signipikansiya ang apoy sa v6, ito ay makukumpara sa pagsunog ng mga walang halagang gawa sa Hukuman ni Cristo (1 Cor 3:15).

Praktikal na implikasyon

Kung itataltal ng isang tao na ang Cristiano ay kailangang mamunga upang patunayan ang kaniyang kaligtasan, ibig sabihin may paraan upang masukat ang bunga. Ngunit ito ay imposible dahil sa inabilidad nating mga tao na malaman nang may katiyakan kung ano ang bumubuo sa tunay na bunga (tingnan ang Tala ng Biyaya 28 “Mapatutunayan ba ng Mabubuting Gawa ang Kaligtasan?”). Ipinapalagay din nito na ang bunga ay makikita ngunit ito ay hindi laging totoo.

Sa konteksto, tila ang bunga ay tumutukoy sa pag-ibig sa bawat isa. Ang utos na magsiibigan ay bumubuo ng mga hangganan sa bahaging ito at ang 1 Juan 3:24 ay inuugnay din ang pag-ibig sa pananatili. Gayun pa man ang pag-ibig ay hindi patunay ng kaligtasan, kundi indikasyon ng malapit na pakikisama kay Jesucristo at ng pagiging alagad.

Pagbubuod

Sa Juan 15:6, hindi tinuturo ni Jesus na ang walang bungang mababaw na tagasunod ay itatapon sa impiyerno. Ang intepretasyong ito ay ginagawa ang pamumunga bilang pagsubok ng kaligtasan sa Juan 15:1-8 at winawalang halaga ang malakihan at madaliang konteksto at kung paano ginagamit ang mga salita sa konteksto. Ang resulta ay isang malabong interpretasyon na hindi naman mailalapat nang walang obhetibong depinsiyon ng bunga at kung gaano karaming bunga upang mapasahan ang pagsubok. Ang mas maiging interpretasyon ay nagreresulta ng isang pasaheng humahamon sa mga Cristianong mas maging malapit sa Panginoong Jesucristo bilang kundisyon sa higit na pamumunga para sa Kaniyang kaluwalhatian.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes