GraceNotes
   

   Ang Repormasyon at Ang Ebanghelyo ng Biyaya

Noong Oktubre 31, 1517, isang mongheng Romano Katoliko na nagngangalang Martin Luther ang publikong nagpako ng kaniyang mga pagtutol sa mga doktrina ng kaniyang iglesia. Sa esensiyal na aspeto, muling nadiskubre ni Luther ang libreng biyaya ng Diyos na natakpan nang ilang siglo ng likas na pagtakwil ng tao sa biyaya. Muli niyang binigyan ng panibagong diin ang biyaya ng ebanghelyo na kumakatawan kay Jwsus at na siyang ipinagtanggol ni Apostol Pablo. Ang bagong pagdidiin na ito ang nagpanganak sa Protestantismo at ang mundo ay hindi na muli nabalik sa dati. Ngayon, 500 taon na ang nakalilipas, paano tinatrato ng iglesia Protestante ang ebanghelyo ng biyaya?

Ang mga Solas ng Repormasyon

Ang pagkadiskubre ni Luther ng biyaya ay hindi naganap hiwalay sa ibang mga diin ng Repormasyon. Siya at ang ibang mga Repormer ay nanghawak sa tatlong magkakasangang mga katotohanang karaniwang tinatawag na Sola Scriptura, Sola Gratia, at Sola Fide (dalawa pa, Solas Christus- Cristo lamang- at Soli Deo Gloria- para sa kaluwalhatian ng Diyos lamang- ay dinagdag matapos). Ang Sola Scriptura (Kasulatan lamang) ay naglalarawan sa katapatan ng mga Repormer sa Kasulatan bilang pinal na awtoridad sa doktrina at gawi. Ito ay laban sa katapatan ng mga Katoliko sa awtoridad ng mga tradisyon ng simbahan at sa mga pahayag ng mga papa. Malaya sa pagkakatali ng tradisyun at hinahayaan ang Kasulatang iinterpreta ang kaniyang sarili, ang muling pagkadiskubre ng mga Repormer ng libreng biyaya ng Diyos ay hindi maiiwasan. Gayun din, ang Sola Fide (sa pananampalataya lamang) ay konsekwensiya ng pagkaunawa ng Biblia na nagturong ang biyaya ay hindi mamemerito ng mga gawa at pantaong kilos. Ang kaligtasan sa biyaya ay regalo ng Diyos; ang tanging tugon ng tao ay ang tanggapin ito, samakatuwid ay manampalataya sa Diyos para rito. Samakatuwid, tayo ay inaring matuwid sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Sa doktrina Katolika, ang biyayang hinalo sa bautismo ay magreresulta sa mabubuting gawa at ang mga gawang sakramento ay magmemerito ng mas maraming biyaya hanggang sa maabot ang pinal na kaligtasan. Ang Sola Gratia (sa biyaya lamang) ay nagbalik sa iglesia sa katotohanang ang biyaya ay ganap na libre at walang kundisyon. Samakatuwid ang mga gawa ay walang bahaging gagampanin sa pagmerito ng kaligtasan: “Sa biyaya kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito ay hindi mula sa inyong mga sarili; ito ay kaloob ng Diyos, hindi sa mga gawa, upang ang sinuman ay walang maipagmalaki” (Efeso 2:8-9). Ang isang tao kung ganuon ay inihayag na matuwid sa sandali ng pananampalataya kay Cristo, sa halip na pagpapasimula lamang ng hambambuhay na proseso ng unti-unting pagiging banal. Ang katuwiran ng Diyos ay ibinilang agad, hindi hinahalo habambuhay.

Paghihiwalayan ng mga Protestante

Sa kabila ng pagsisikap ng mga orihinal na Repormer na ipaliwanag at pinuhin ang kanilang teolohiya, hindi sila nagkaroon ng ganap na pagsang-ayon sa lahat ng mga isyu. Ang ilang pangunahing pagkakaiba ay ang malayang kalooban ng tao, ang gampanin ng mga gawa matapos maligtas, at ang katiyakan ng kaligtasan. Ang mga Protestante matapos ang Repormasyon ay nagsimulang bumuo ng mga pananaw teolohikal na lumayo sa mga Repormer at kanilang pagkaunawa ng biyaya at pananampalataya. Ang ilan ay nagturo na ang biyaya ay humihingi ng unilateral na kilos ng Diyos at hindi nakadepende sa tao (monerhismo) sa puntong ang biyaya ng Diyos ay nagbigay kay Jesucristo bilang pampalubag-loob ng mga kasalanan ng mga halal lamang, at ang biyayang ito ay ipipilit ang kaniyang sarili’t hindi matatanggihan sa isang halal upang ipanganak silang muli upang sila ay makasampalataya. Ang pananampalataya ay hindi maaaring magmula sa tao lamang, sapagkat ito ay magiging gawa at makababawas sa kaluwalhatian ng Diyos. Ang pananaw na ito ay naging Mataas na Calvinismo, 5-Puntong Calvinismo, o TULIP na Calvinismo. Ang katiyakan ng kaligtasan ay nakadepende sa ebidensiya ng mga gawang nilikha ng biyaya sa isang mananampalataya, na dapat magpatuloy hanggang sa mga huling sandali ng buhay upang patunayan na ang kaligtasan ay tunay. Ang buong katiyakan kung ganuon ay imposible sa buhay na ito.

Laban sa monerhistikong pananaw ng kaligtasan, ang ilan ay nanghahawak na ang Diyos ay nagliligtas sa isang sinerhistikong pamamaraan; ang pagtutulungan ng kalooban ng Diyos at ng kalooban ng taog kumikilos na magkasama. Sa kaniyang pagkahulog, ang tao ay hindi naiwala ang imahen ng Diyos bagama’t ito ay nasira. Napanatili ng tao ang kaniyang malayang kaloobang binigay ng Diyos, subalit ito ay niligaw ng kasalanan, kaya ng Diyos ay kailangang hilahin ang tao sa iba’t ibang paraan sa puntong siya ay makasasampalataya o makatatakwil sa ebanghelyo (tingnan ang Tala ng Biyaya Blg 75). Ang pananampalataya ay hindi nakikita bilang isang meritoryong gawain, kundi mapagkumbabang pagtanggap ng alok ng Diyos ng kaligtasan na ibinigay ng Kaniyang biyaya. Ang pananaw na ito ay nagresulta sa posisyung minsan ay tinatawag na semi-Pelagianismo o ang mas ekstrem na Arminianismong posisyun. Ang mga Arminiano ay kalaunan nakilala sa paniniwalang ang malayang kalooban ng tao ay naghahaya sa kaniyang magkasala nang husto o tanggihan ang kaligtasang natanggap anupa’t nawala ang kaniyang kaligtasan. Ang mga Arminiano ay nanghahawak na sila ay may ganap na katiyakan ng kaligtasan kung sila ay mamumuhay nang tapat, ngunit hindi sila makaaangkin ng katiyakan ng kanilang kaligtasan sa hinaharap dahil may umiiral na posibilidad na sila ay mahulog palayo o magkasalan nang husto na magwawala ng kanilang kaligtasan.

Nasaan na kung ganuon ang ebanghelyo ng biyaya ngayon?

Gaya ng nadiskube ng Repormasyon, ang biblikal na turo ng ganap na libre’t walang kundisyong biyaya ng Diyos ay isang esensiyal na haliging bato ng anumang tunay na teolohiya ng kaligtasan. Ang Biblia ay nagsasabing ang biyaya ay hindi maihahalo sa mga gawa dahil kung oo ay titigil na maging biyaya (Roma 11:6). Ang Biblia ay naghihiwalay din sa pananampalataya at mga gawa (Roma 4:4-5).

Ang mga TULIP na Calvinista ay nililigaw ang marami sa daang nagkokompromiso ng libreng biyaya ng Diyos sa paghihingi ng masunuring pananampalataya at nakikita ang mga gawa bilang patunay ng nagliligtas na pananampalataya. Ang mga gawang ito ay maipakikita habambuhay hanggang sa katapusang ng buhay. Bagama’t dinedeklara nilang ang kaligtasan ay sa biyaya lamang sa pamamagitan ng pananampalataya lamang, ipinipilit din nilang ang pananampalataya ay hindi nag-iisa- ito ay laging may kasamang mga gawa at sa ganiyang paraan ay ginagawa ang mga gawa bilang nesesidad sa kaligtasan. Ang mga nakauunawa ng nagpapanganak na muling gawa ng Diyos at ng kapangyarihan ng nananahang Espiritu Santo ay sumasang-ayong ang tunay na pananampalataya ay nagreresulta sa mga gawa. Ngunit ang mga gawang ito ay hindi maaaring maging patunay o katiyakan ng kaligtasan dahil ang mga ito ay hindi masusukat, relatibo at hindi laging nakikita. Ang obhetibong katunayan o katiyakan ng kaligtasan ay dumarating sa pangako ng Diyos ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo at sa katotohanang ang tao ay nanampalataya kay Cristo ayon sa pangakong iyan.

Gayun din, ang mga Arminiano ay maraming niligaw palayo sa libreng biyaya ng Diyos sa pagpipilit na ang mabubuting gawa ay nesesidad sa pag-iingat ng kaligtasan at ang kasalanan at kawalan ng pananampalataya ay nagwawala ng kaligtasan. Kung ganuon ang biyaya ay nakakundisyon sa katapatan ng isang tao. Ang katiyakan ng kaligtasan ay para lamang sa mga namumuhay nang tapat sa kasalukuyan, ngunit walang katiyakan ng pinal na kaligtasan. Tayo ay naligtas sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya, ngunit nananatiling ligtas sa ating tapat na magagawa. Gayun din, ang mga gawa ay winawalang halaga ang libreng biyaya ng Diyos, at ang kaligtasan ay tiyak lamang kung namatay ang isang tao sa pananampalataya at sa katapatan.

Pagbubuod

Bagama’t ang Repormasyong Protestante ay muling nadiskubre ang biblikal na katotohanan ng libreng biyaya ng Diyos at ang kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Cristo lamang, ang siklo ng kasaysayan at ang likas na pagtakwil ng tao sa biyaya ay muling pinalalabo ang katotohanan ng ebanghelyo ng biyaya anupa’t sa ngayon ito ay madalas baluktutin o baguhin. Sa maraming grupong Protestante, ang mga sistemang teolohikal na gawa ng tao ay pumapaibabaw sa awtoridad ng Kasulatan lamang. Ang mga kredo at mga teologo ay madalas na sinisipi bago ang Kasulatan. Ang kanilang mga teolohiya ay nagtuturong ang pananampalataya ay hindi pananampalataya malibang ito ay may lakip na gawa, na nagreresulta sa paglabas ng maraming libro’t artikulong nagpipilit na ang kaligtasan ay nangangailangan ng mga gawa. Samakatuwid, sa halip na walang kundisyon, ang biyaya ay nakakundisyon na sa magagawa ng isang tao. sa kabila ng muling pagbuhay ng Repormasyon ng ebanghelyo ng biyaya, karamihan sa Protestantismo ngayon ay bumabalik sa Roma sa isang ebanghelyong ginagawa ang mga gawa na isang nesesidad, at ang pag-aaring matuwid na isang proseso. Ang arko ng kasaysayan at teolohiya ay nagpapakitang panahon na upang muling bigyang diin ang kredo ng Repormasyon na Sola Scriptura, Sola Gratia at Sola Fide.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes