GraceNotes
   

   Pagsagot sa Ilang Madalas na Pagtutol sa Free Grace, Ikalawang Bahagi

Simply By Grace Podcast


Ang kapunuan ng biyaya ng Diyos ay mahirap unawain para sa ilan’ lalo na pag ito ay tinuturo kaugnay ng kaligtasan ang ilan ay nagtataas ng pagtutol. Sa “Pagsagot sa Ilang Madalas na Pagtutol sa Free Grace, Unang Bahagi” tinalakay natin ang anim na karaniwang pagtutol sa pananaw ng Free Grace. Sa ibaba anim pa ang ating tatalakayin.

Pagtutol Bilang 7: Pinamumura ng teolohiyang Free Grace ang biyaya sa hindi paghingi ng komitment at mabubuting gawa.

  • Ang biyaya ay hindi maaaring maging mura- o mahal- dahil ito ay ganap at walang kundisyon na libre (Roma 3:24; 11:6).
  • Ang komitment at mabubuting mga gawa sa harapan o sa likuran ng ebanghelyo ay salungat sa biyaya, na walang hinihinging anuman.
  • Bagama’t ang biyaya ay hindi nanghihingi na komitment at mabubuting gawa, ang biyaya ay nagmomotiba at nagtuturo sa atin na mamuhay nang maka-Diyos na pamumuhay (Roma 12:1-2; Ef 2:8-10; Tito 2:11-13).
  • Ang ebanghelyo ng biyaya ay tungkol sa walang hanggang kaligtasang ibinigay dahil sa gawa ni Jesucristo; ang Cristianong pamumuhay ay tungkol sa ating komitment at mabubuting mga gawa.
  • Ang Free Grace ay naghihiwalay sa pagpapaging banal sa pag-aaring matuwid (o ng kaligtasan sa pagiging alagad).

Pagtutol Bilang 8: Ang Free Grace ay nagtuturo na ang pananampalataya ay isa lamang mental na pagsang-ayon

  • Bagama’t ilang tagataguyod ng Free Grace ang nagtuturo nito, hindi lahat.
  • Siyempre, kapag ang isang tao ay nanampalataya sa isang katotohanang proposisyunal, mayroon kung ganuon na mental na pagsang-ayon dito.
  • Minsan ang alok ng kaligtasan ay nagbibigay diin sa pagsang-ayong mental samantalang sa ilang pagkakataon ito ay umaapila rin sa kalooban (Juan 4:10; 8:24; 1 Juan 3:23; 5:1).
  • Kwestiyunable kung ating masisikolohiya ba kung paano at bakit ang isang tao ay tumanggap ng alok ng kaligtasan.

Pagtutol Bilang 9: Ang Free Grace ay antinomiano.

  • Dahil sa ang antinomiano ay nangangahulugang walang batas, kailangan nating idepina kung anong batas ang tinutukoy. Kung Kautusan ni Moises, oo, ang Free Grace ay nagtuturong ang mga Cristiano ay wala sa ilalim ng Kautusang ito (Roma 6:14; 7:4; 10:4). Hindi ito nangangahulugang ang Free Grace ay nagtuturo ng lisensiya dahil ang Bagong Tipan ay nagsasabing ang mga mananampalataya ay nasa ilalim ng kautusan ng hari (Santiago 2:8), Kautusan ni Cristo (Gal 6:2), at ng isang bagong utos (Juan 13:34; 1 Juan 3:18), na mga utos na magsiibigan sa bawat isa. Ito ay tumutupad sa esensiya ng Kausutan ni Moises (Gal 5:14).
  • Salungat sa pagtuturo ng pagsalangsang, ang Free Grace ay nagtuturo ng responsabilidad at pananagutan na may mga konsekwensiya na dibinong disiplina (Heb 12:5-11).

Pagtutol Bilang 10: Ang Free Grace ay naniniwalang ang isang tao ay maaaring mag-apostasiya (mahulog mula sa Cristianong pananampalataya at manating ligtas.

  • Kailangan muna nating idetermina kung naunawaan at sinampalatayahan ng isang tao ang biblikal na ebanghelyo. Posibleng ang nagpapalagay o nagpapahayag na Cristiano ay hindi talaga ligtas.
  • Ang Biblia ay may sapat na halimbawa ng mga mananampalatayang nahulog mula sa pananampalataya na walang ebidensiyang sila ay hindi pala tunay na ligtas o naiwala nila ang kaligtasan (Tingnan ang Tala ng Biblia Blg 55 “Ang Cristiano at ang Apostasiya (Pagtalikod)”).
  • Ang aklat ng Hebreo ay nagbababala ng matinding konsekwensiya para sa mga mananampalatayang nahulog mula sa pananampalataya (tingnan ang Tala ng Biyaya Blg 15 “Pagpapaliwanag ng Hebreo: Simula sa mga Mambabasa”).
  • Ang biyaya ng Diyos ay tumatakip sa lahat ng kasalanan. Ang kaligtasang hindi matatamo ng kung ano ang iyong magagawa ay hindi rin maiwawala ng iyong magagawa. Kahit pa ang isang tao ay hindi na nananampalataya, ang Diyos ay tapat sa Kaniyang pangakong magligtas (2 Tim 2:11-13).

Pagtutol Bilang 11: Ang Free Grace ay isang kamakailan lang na aberasyong historikal at teolohikal

  • Ang kaligtasan sa libreng biyaya ng Diyos ay palagiang turo ng hindi kumukupas na Kasulatan. Walang sinumang naligtas hiwalay sa libreng biyaya ng Diyos (Gen 15:6; Roma 4:3-4; Gal 3:5-9).
  • Ang biyaya bilang libre at walang kundisyong regalo ng Diyos ay lagi nang kontrobersiyal sa simula pa lang ng iglesia gaya nang makikita sa oposisyun ng mga legalista kay Apostol Pablo.
  • Ang mga Repormer ng ikalabing-anim na siglo ay hindi tinapos ang talakayan tungkol sa ebanghelyo kundi nagpasimula ng talakayan tungkol sa pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya at ang saligan ng katiyakan na nagpapatuloy hanggang ngayon.
  • Ang gampanin ng mga gawa sa kaligtasan at katiyakan ay isang perpetuwal na kontrobersiya, bagama’t hindi lagi sa ilalim ng pangngalang Free Grace Theology. Noong 1630s ay may isang kaso sa Massachusetts na tinawag na The Free Grace Controversy (Ang Kontrobersiya Tungkol sa Libreng Biyaya) kung saan ang isyu ng mga gawa sa kaligtasan at katiyakan ay pinagdebatehan at hinabla sa korte (tingnan Making Heretics: Militant Protestantism and Free Grace in Massachusetts, 1636-1641, ni Michael P. Winship, Princeton: Princeton University Press, 2002)..
  • Bagamat ang daloy teolohikal at historikal ay impormatibo, ang pinal na berdik ng katotohanan ay ang Kasulatan.

Pagtutol Bilang 12: Ang Free Grace Movement ay isang hindi mahalagang kilusang minorya.

  • Marahil ito nga ay kilusang minorya, ngunit hindi ba’t ito ay bahagi ng karamihang kilusan?
  • Kung ito ay hindi mahalaga, bakit ang ilang prominenteng mga teologo ay nagsisimulang atakehin ito at bakit kailangan pa itong tawaging hindi mahalaga? Hindi ba’t ito ay patotoo sa lumalaking impluwensiya ng mensaheng Free Grace?
  • Maraming ebidensiyang ang kilusang Free Grace ay mayroong malaking impluwensiya sa buong mundo.

Pagbubuod

Ang pinal na berdik sa anumang sistemang teolohikal ay ang tamang interpretasyon ng Kasulatan. Maraming pagtutol sa ebanghelyo ng libreng biyaya ng Diyos ay nanggaling sa maling interpretasyon ng Biblia, maling pagkaunawa ng turo ng Free Grace o mga retorikal na parinig. Ang Free Grace ay nagtataas ng Diyos ng lahat ng biyaya, ang pagka-Panginoon ni Jesucristo at ang ganap na kasapatan ng gawa ni Cristo para sa lahat ng mga tao. Tanging ang tamang pagkaunawa ng biyaya ng Diyos at ng kaligtasan ang magbibigay sa tao ng buong katiyakan ng kaligtasan at nagbibigay sa kanilang kalayaang umibig, lumago sa biyaya at ibahagi ito sa iba.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes