GraceNotes
   

   Paano Dinadala ng Diyos Ang Tao sa Kaligtasan

John 6:44 Juan 6:44 “Walang taong makalalapit sa Akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa Akin ang sa kaniya’y magdala sa Akin; at siya’y Aking ibabangon sa huling araw.”

Ang sitas na ito ay nagtuturo sa soberanyang gawa ng Diyos na pagdadala ng tao kay Jesucristo, at mula sa konteksto ng Juan 6, malinaw na sila ay nanampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hangan. Ang ilan ay iniisip na ang sitas na ito ay nagtuturong ang Diyos ay dinadala ang tao sa paraang hindi sila makatatanggi. Nauunawaan nila ang magdala bilang kaladkarin. Ngunit paano ipipilit ng Diyos ang kaligtasan sa tao laban sa kanilang kalooban? Ang biyaya ba ng Diyos ay matatanggihan o malalabanan? Ang pasahe, sa kaniyang konteksto, at ang ibang Kasulatan ay tutulong sa ating maunawaan na ang Diyos ay dinadala ang tao sa pananampalataya kay Cristo sa nagkailang paraan.

Ginagamit ng Diyos ang kakayahan ng taong makatugon. Hindi nito binabawasan ang soberanya ng Diyos kundi kinikilala na Kaniyang dinesenyo, sa Kaniyang soberanya, ang tao upang magkaroon ng malayang kalooban na nagbibigay sa kaniyang kalayaang tumugon sa Diyos (para sa kaugnay na pagtalakay ng kahalalan, tingnan ang Tala ng Biyaya 72). Dahil sa ang Biblia ay nagtuturong ang tao ay hindi hahanap sa Diyos sa kaniyang sarili (Roma 3:11), kailangang ang Diyos ang mag inisyatibo. Pinakilala ng Diyos ang Kaniyang sarili sa kalalangan, at bagama’t alam ito ng tao, siya ay tumatangging luwalhatiin ang Diyos (Roma 1:19-21). Kaya, ang Diyos, sa Kaniyang pag-ibig, ang naghanap sa atin (Lukas 19:10; Juan 3:16; 1 Juan 4:9-10). Ngunit paano natin uunawain ang salitang magdala gaya ng gamit sa Juan 6:44? Kabilang sa lawak ng kahulugan para sa salitang elkuo ang magdala, maghila, o mag-akit. Ito ay masusumpungan ng limang beses sa Bagong Tipan, apat diyan ay sa Juan. Bagama’t ang literal na gamit sa Juan at Gawa ay malinaw na nangangahulugang hilahin o kaldkarin (Juan 18:10; 21:6; Gawa 16:19), ang dalawang piguratibong gamit sa Juan 6:44 at 12:32 ay mas maiging intindihin bilang akitin. Ang konteksto ang nagsasabi kung bakit. Sa Juan 6, ang eternal na buhay ay binanggit bilang isang regalo na tinatanggap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo (6:27-29, 32-35, 40, 47, 51). Ang ideya ng regalo ay nagpapalagay ng kalayaang tumanggap o tumanggi nito. Ang motibo sa likod ng regalong ito ay nagpapalagay ng pag-ibig ng Diyos (Juan 3:16). Ito ay ayon sa kung paano ang Griyegong salin ng Lumang Tipan (Septuagint) ay minsang ginagamit ang elkuo sa konteksto ng kaakitan ng pag-ibig: “Sa “Kaya’t Ako’y lumapit sa iyo na may kagandahang loob” (Jer 31:3; tingnan din ang Awit ni Solomon 1:3-4). Sa ibang sinaunang literaturang Griyego, ang pandiwang ito ay ginamit upang ilarawan ang isang inang hinihila ng pag-ibig sa kaniyang mga anak (4 Macabeo 14:13; 15:11). Ang ideya ng Diyos na pinupwersa ang isang tao nang sapilitan ay salungat sa Kaniyang maibiging kalikasan at ugali walang lalaking ikakasal ang nais na pilitin ang kaniyang kapareha sa altar, ngunit nililigawan at ibig na siya ay lumapit nang bukal sa kalooban. Ganuon din ang Diyos ay hindi pinupwersa ang tao sa direksiyong hindi nila nais kunin. Ang pagdala sa v44 ay nasa konteksto ng mga nais manampalataya (v 40, 47, 65). Ang kalooban ng Diyos ay hindi nagsasantabi ng kalooban ng tao at kaniyang kalayaang tumugon, sa halip ay kasama ito. Kung ang isang tao ay wala ng kalayaang ito, bakit binulag hudisyal ng Diyos ang mga Judio o bakit gumamit ng parabolikong lenggwahe sa pagtago ng Kaniyang katotohanan? Ito ay kahalintulad ng paglalagay ng piring sa isang bangkay.

Ginagamit ng Diyos ang gawa ni Cristo sa krus. Ipinaliwanag ni Jesus ang Kaniyang gampanin sa pagdadala ng tao sa Kaniyang sarili para sa kaligtasan: “At Ako, kung Ako’y mataas na mula sa lupa, ang lahat ng mga tao ay palalapitin Ko sa Akin din. Datapuwa’t ito’y sinabi Niya, na ipinaaalam kung sa anong kamatayan ang ikamamatay Niya” (Juan 12:33-34). Ang salitang “tao” ay wala sa orihinal na Griyego ngunit nilagay sa saling Ingles. Ang “lahat” ay maaaring tumukoy sa lawak ng gawa ni Cristo sa pagbibigay sa lahat ng tao, mapa Judio man o Gentil. O ito ay bumabanggit ng lahat ng tao napagtatanto na samantalang ang lahat ng tao ay nilalapit sa isang diwa, ngunit ang ilan ay lalaban at tatangging manampalataya. Alin man dito, malinaw na hindi ito nagbabanggit ng sapilitan, kundi ng paghatak moral sa panloob na tao. Ang krus ay patunay ng pag-ibig ng Diyos, ng ating kasalanan, ng Kaniyang katuwiran, at ng nalalapit na paghuhukom (Juan 16:8-11). Ang kaparehong reperensiya kay Cristo na tinataas sa Juan 3:14-15 ay tumutukoy sa kwento sa Bilang 21:4-9 nang ang mga tumingin sa tansong ahas sa poste ay gumaling. Sa parehong pasahe, ang probisyon ng kaligtasan ay para sa lahat ng nanampalataya.

Ginagamit ng Diyos ang Salita upang magturo. Ang pagtuturo ng Salita ng Diyos ay dinesenyo upang ilapit ang tao kay Cristo. Kasunod ng Juan 6:44, ang 45-46 ay nagsasabing “Nasusulat sa mga propeta, At tuturuan silang lahat ng Diyos. Ang bawat nakarinig sa Ama at natuto ay lumalapit sa Akin.” Ito ay sipi mula sa Isaias 54:13 na sa konteksto ng Diyos na nililigawan ang Israel pabalik sa Kaniyang sarili gaya ng pagligaw sa isang babae o sa isang asawa (Isaias 54:6). Ang proseso ay nagtuturo ang Diyos, nakikinig at natututo ang tao, at ang tao ay tutugon sa paglapit kay Cristo sa kaligtasan (sa Juan ang pariralang “lumapit kay” Cristo ay tumutukoy sa paglapit sa Kaniya sa kaligtasan para sa pananampalataya; cf Juan 5:40; 6:35, 37, 65; 7:37). Tanging ang mga nakinig at natuto ang mananampalataya. Ang mapagtanggap na saloobin sa Salita ng Diyos ay laging ginagantimpalaan ng mas higit na katotohanan (Marcos 4:24-25). Subalit, marami ang magtatakwil ng katotohanan tungkol kay Cristo gaya ng marami ang nagtakwil sa turo ni Moises (Juan 5:45-47; cf Lukas 16:27-31) at gaya ng ginawa ng mga tao sa Juan 6 sa kabila ng pagkakita ng malaking himala at makarinig sa pinakadakilang Guro. Alam din nating si Judas Iscariote ay laging tinuturuan ni Jesus ngunit malinaw na hindi siya kailan man nanampalataya (Juan 6:64). Sa ngayon, ang Ebanghelyo ang kapangyarihan ng Diyos sa kaligtasan (Roma 1:16). Sa ating pagtuturo at pangangaral nito, dinadala nito ang mga nakinig at natuto mula rito patungo kay Cristo.

Ginagamit ng Diyos ang Espiritu Santo upang manumbat. Ayon sa Juan 16:8-11, ang Espiritu Santo ang nanunumbat ng katotohanan (ang elegcho ay maaari ring maunawaan bilang naghahayag o nangungumbinse): “At Siya, pagparito Niya, ay Kaniyang susumbatan ang sanlibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran at sa paghatol.” Sa pagdala ni Cristo ng mga tao sa pamamagitan ng Kaniyang gawa sa krus, ang Espiritu ang naghahayag o nangungumbinse sa lahat (“ang sanlibutan”) ng katotohanan habang tinuturo ang Salita ng Diyos. Ang Espiritu ay gumagamit ng dibinong pangungumbinse upang sumbatan, sawayin, istorbuhin, ilapit at ibigin ang tao. Ngunit hindi nito ginagarantiya na ang lahat ng nakumbinse ng katotohanan ay tatanggap nito. Ang isang tao ay maaaring maunawaan ang katotohanan ngunit tanggihan ito (Juan 5:39-40). Ngunit ang sinumang tumugong positibo at naghahanap sa Diyos ay gagantimpalaan (Heb 11:6).

Ginagamit ng Diyos ang mga tao bilang kasangkapan. Pinili ng Diyos ang tao bilang ahente ng pangangaral ng Salita ng Diyos na gagamitin ng Espiritu upang sumbatan ang sanlibutan. Bilang karagdagan sa Kaniyang gawa sa krus, ipinangaral din ni Jesus ang ebanghelyo. Pinaalalahanan ni Apostol Pablo ang mga iglesia sa Corinto na ang unang bagay na pinaalam niya sa kanila ay ang ebanghelyo (1 Cor 15:3). Itinaltal niya sa mga Romano “Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayahan? At paano sila magsisisampalataya sa Kaniya na hindi nila napakinggan? At paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?” (Roma 10”14).

Dinadala ng Diyos ang tao kay Cristo gamit ang pagtutulungan ng iba’t ibang pamamaraang ito. Bago nagbanggit si Jesus ng pagdadala ng Diyos sa Juan 6:44, makalawang binanggit Niya na ang Ama ay nagbibigay ng tao sa Kaniya (v 37, 39). Ang konteksto ay nagmumungkahing nagbibigay ang Ama ng tao kay Cristo upang sila ay masiguro- sa v37 sila ay hindi kailan man itataboy ni Cristo at sa v39 hindi iwawala ni Crsito ang sinuman kundi ginagarantiyahan ang kanilang pagkabuhay na maguli. Sa v40 at 44, ginarantiyahan Niya rin ang kanilang pagkabuhay na maguli. Ngunit bago ang araw na iyan, ang v 40 ay nagpapaliwanag na ang Ama ay binigay ang mga tao kay Cristo upang kanilang “makita ang Anak” at manampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan. Dito makikita natin ang pagtutulungan ng soberanyang gawa ng Diyos na nagtuturo ng tao kay Jesus upang manampalataya sa Kaniya para sa kaligtasan. Ang isang magandang halimbawa ng pagdadala ng Diyos sa isang tao gamit ang iba’t ibang paraan ay ang kwento tungkol kay Lydia sa Gawa 16:13-15. Si Lydia ay dumadalo sa isang pagtitipon panalangin (Siya ba ay dinala sa kaniyang inisyatibo o sa Diyos? O pareho?) at narinig si Pablong magturo (ang ebanghelyo). Nabasa natin, “Binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso na pakinggan ang mga bagay na sinabi ni Pablo” (v14). Ang Diyos ay nagtrabaho, si Pablo ay nagturo ng ebanghelyo, ang Espiritu ay nangumbinse at si Lydia ay tumugon sa pamamagitan ng pananampalataya at nabautismuhan.

Pagbubuod

Hindi ipinipilit ng Diyos ang Kaniyang kaligtasan sa sinuman. Gumagamit Siya ng iba’t ibang paraan upang dalhin ang tao sa pagtugon sa pananampalataya kay Jesucristo. Kung ang mga tao ay kailangang kaladkarin sa kaligtasan dahil sila ay walang kakayahang manampalataya, paano ang mga tao sisingilin sa hindi pagsampalataya? Ang kanilang kundenasyon ay magiging kasalanan ng Diyos, hindi nila. Sa katapusan, ang ating paghahanap sa Diyos ay tugon sa Kaniyang paghahanap sa atin. Kailangan natin kung ganuon ipangaral ang ebanghelyo ng mabiyayang regalo ng Diyos na buhay na walang hanggan at nagtitiwala sa Espiritu Santo na kumbinsehin ang mga tao ng katotohanan at dalhin sila kay Cristo.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes