GraceNotes
   

   Mga Sipi sa Pagsisisi Bilang Pagbabago ng Isipan, Unang Bahagi



Ang kahulugan ng pagsisisi ay isang kontemporaryong kontrobersiya. Kapag ating siniyasat ang mga halimbawang sipi mula sa ilang historikal na souces, mayroong pangkalahatang pagsang-ayon na ang pagsisisi ay nasa diwang pagbabago ng isipan o ng puso. Ang impormasyon sa ibaba ay pinili mula sa isang artikulo ni Jonathan Perrault. Matatagpuan ninyo ang kaniyang artikulo na may mas kumpletong sipi at bibliolohiya sa Grace Research Room sa GraceLife.org o sa website ng awtor sa FreeGraceSpeech.blogspot.com. Ang mga sipi at sources sa ibaba ay pinaikli upang makalibre ng puwang.

Flavius Josephus (37-100 AD)sa The Genuine Works of Flavius Josephus, Wars of the Jews, Book 3 transl. William Whiston: “At si Vespasian ay nagmartsa kasama ang kaniyang hukbo, at dumating sa hangganan ng Galilea, kung saan kaniyang tinayo ang kaniyang kampo at pinigilan ang kaniyang mga sundalo, na atat makidigma; pinakita niya rin ang kaniyang hukbo sa kaaway, upang takuting sila at bigyan sila ng pagkakataong magsisisi (metanoia), upang makita kung magbabago ang kanilang isipan...”

Shepherd of Hermas (c 140 AD) sa Shepherd of Hermas, Vision 3, chapter 7, transl. J. B. Lightfoot, The Apostolic Fathers: “Sila ang mga nakarinig ng salita, ang babautismuhan sa pangalan ng Panginoon. Matapos, nang sila ay tinawag upang alalahanin ang kadalisayan ng katotohanan, ay nagbago ng kanilang isipan (metanoeo), at bumalik muli sa kanilang masamang pagnanasa.”

Polycarp (69-155 A.D.) sa A Translation of the Epistles of Clement of Rome, Polycarp, and Ignatius, transl. Temple Chevallier: “Ang Proconsul ay nagsabi sa kaniya [Polycarp], ‘Naihanda ko na ang mga mababangis na hayop; sa kanila itatapon kita, malibang ikaw ay magsisi.’ Sumagot siya, ‘Tawagin mo sila kung ganuon: sapagkat kaming mga Cristiano ay mariin sa aming pag-iisip, na hindi magbago [samakatuwid, magsisi] mula sa mabuti patungo sa kasamaan.”

Tertullian (c. 155–c. 220 A.D.) sa Ante-Nicene Christian Library: Translations of The Writings of The Fathers Down to A.D. 325., vol. 7, eds. Alexander Roberts and James Donaldson, transl. Peter Holmes, Against Marcion: “Ngayon sa Griyego ang salita para sa pagsisisi (metanioia) ay nabuo, hindi sa pagkukumpisal ng kasalanan, kundi sa pagbabago ng isipan, kung saan sa Diyos ay aming pinakita’y nagagabayan ng pangyayari ng iba’t ibang sirkumstansiya.”

Athanasius (4th–5th century A.D.) in De Parables, Question 133, The Works of the Right Rev. William Beveridge, ed. Thomas Hartwell Horne: “... ang may-akda ng mga tanong na itinalang kay Athansius, ay nagpapaliwanag ng metanoein, sa tou metatithesthai ton noun apo tou kakou pros to agathon; ‘ang pagbabago ng isipan mula sa masama patungo sa kabutihan.’” (Ang Griyego ay tinala sa mga titik Ingles.)

Liddell and Scott's Greek-English Lexicon (1859): “Metanoia, bilang ē, naalala; pagbabago ng isip dahil sa repleksiyon: samakatuwid pagsisisi…” (Ang Griyego ay sinalin sa titik Ingles.)

Cremer's Lexicon (1892): "μετάνοια, ἡ, pagbabago ng isipan, pagsisisi… sa N. T. at lalo sa Lukas, ay tumutugon sa μετανοεῖν [magsisi], samakatuwid, may reperensiya sa νους [isip, intelek, isipan] bilang pakuldad ng moral na repleksiyon.”

Alexander Souter in A Pocket Lexicon to the Greek New Testament (1917): “metanoeo, nagbago ang aking isipan, binago ko ang aking panloob na pagkatao (partikular sa reperensiya sa pagtanggap ng kalooban ng Diyos ng nous [isipan] sa halip na pagtakwil)”… “metanoia, pagbabago ng isipan, pagbabago sa panloob na pagkatao.”

Abbot-Smith's Lexicon (1922): “metanoeo… baguhin ang isipan o layunin ng isang tao, samakatuwid, magsisi… metanoia… naalala, pagbabago ng isipan, pagsisisi.”

Desiderus Erasmus (1466-1536) sa Annotation sa Mateo 3:2: “…ngunit kung ang Griyegong salita, [ay] hindi nanggaling mula sa parusa, gaya ng [pagkasalin] ng iba, penitensiya, samantalang ang pinakamalamang na pinanggalingan ay pagkaunawa matapos, at sa katotohanan, nakarating sa huwisyo, ito ay nilarawan bilang pagbabago ng isipan.” (Sinalin mula sa Latino)

Martin Luther (1483–1546) sinipi ni Henry Eyster Jacobs sa Elements of Religion (Philadelphia: The Board of Publication of the General Council of the Evangelical Lutheran church in North America): ”Matapos, sa pabor ng natuto, na napakasidhi ng pagsasalin sa amin ng Griyego at Hebreo, natutunan ko na ang parehong salita [poenitentia] sa Griyego ay metanoia, kaya ang pagsisisi o metanoia ay ‘pagbabago ng isipan’”

John Calvin (1509-1564) sa Institutes of Christian Religion, Vol. 1, Book 3, transl. John Allen: “Ang Hebreong salita sa pagsisisi, ay nagpapakita ng kumbersiyon o pagbalik. Ang Griyegong salita ay nagpapakita ng pagbabago ng isipan o intensiyon.”

Philip Schaff sa A Religious Encyclopedia: or Dictionary of Biblical, Historical, Doctrinal, and Practical Theology, vol. 3 (1884): “Ang mga Repormer ay bumalik sa orihinal na ideya ng pagsisisi bilang ‘isang transmutasyon ng isipan at pakiramdam’ (transmutation mentis et affectus- Luther)… si Calvin ay hindi nalalayo kay Luther, bagama’t bigo siyang bigyang diin ang kalungkutan sa kasalanang nagawa.”

William Tyndale (1494-1536) sa Tyndale's New Testament: “At ang Griyego sa Bagong Tipan ay perpetuwal na nag metanoeo sa pagbalik sa puso at sa isipan, at makarating sa tamang pagkaintindi, at sa tamang huwisyo ng tao ulit.”

Edward Fisher sa The Marrow of Modern Divinity (1646): “Una, ang salitang magsisi, sa orihinal ay nagpapakita ng pagbabago ng isipan mula sa maling daan (waies) sa tama, at ng ating puso mula sa masama patungo sa kabutihan…” (Matandang Ingles waies=ways ‘daan’)

Jonathan Edwards (1703–1758) sa The Works of Jonathan Edwards, vol. 2: “Ang salita sa Bagong Tipan na madalas isalin bilang pagsisisi, ay tamang nagpapakita ng pagbabago ng isipan.”

Adam Clarke (1762-1832) sa Adam Clarke's Commentary and Critical Notes on the New Testament, sa Gawa 11:18: “Dahil sa ang salitang metanoia na sinasalin nating pagsisisi ay literal na isang pagbabago ng isipan, ito ay tumutukoy sa pagbabago ng pananaw panrelihiyon…”

John Campbell (1795-1867) sa Theology for Youth, sinipi ni John Bowes in the Preface to his New Testament: Translated from the Purest Greek: “Ano ang pangkalahatang kahulugan ng ‘pagsisisi’ sa Kasulatan? Ang pangkalahatan nitong kahulugan ay ang lubos na pagbabago ng isipan, na nagaganap kapag ang isang makalananan ay nakumberte sa Diyos.”

Hermann Olshausen (1796-1839) sa Biblical Commentary on the New Testament, vol. 1, sa Mat. 3:2: “Ang metanoia, pagsisisi, pagbabago ng isipan, dito ay pinakikita bilang resulta ng epekto ng kautusan sa isipan.”

John Peter Lange (1802-1884) sa A Commentary on the Holy Scriptures, vol. 1, ed. Philip Schaff, sa Mat. 3:2: “Ang ekspresyong, ‘Magsisi kayo’ ay hindi katumbas ng ‘Magpenitensiya.’ Ang orihinal ay nangangahulugang Baguhin ninyo ang inyong mga isipan, ang modo ng pag-iisip at pagtingin sa mga bagay.”

Alfred Edersheim (1825-1889) sa The Life and Times of Jesus the Messiah, vol. 1: "Si [Juan Bautista] ay tumawag sa kanila sa pagsisisi- isang ‘pagbabago ng isipan’…”

Jamieson, Fausset, and Brown (1883) sa A Commentary: Critical, Practical and Explanatory, sa Gawa 2:38: “Magsisi- ang salita ay nagpapakita ng pagbabago ng isipan, at dito ay kabilang ang pagtanggap ng Ebanghelyo bilang tamang isyu ng pag-ikot ng isipan na kanilang pinagdadaanan.”

Horatius Bonar (1808-1889) sa God's Way of Peace: “Ang salitang pagsisisi ay nagpapakita sa Griyego, ‘pagbabago ng isipan…’”

Henry Alford (1810-1871) sa Homilies on the Former Part of the Acts of the Apostles, sa Gawa 2:38: “Ano kung ganuon ang sagot na ibinigay ni Apostol Pedro sa kanila? ‘Baguhin ninyo ang inyong isipan’- ‘Magsisi’. Mabuti kung minsan na ihayag ang mga salita ng pwersa ng kanilang simpleng pinanggalingan. ‘Magbago ng isipan’- hindi, magpenitensiya: walang panlabas na kilos ang pinahihiwatig sa salita lagpas sa nesesidad at natural na dadalhin ng panloob na estado ng isipan.”

Pagbubuod

Malinaw na ang mga taong pinakamalapit sa orihinal na lenggwahe at maraming mga iskolar ang kalauna’y sang-ayon na ang pagsisisi ay panloob na pagbabago. Anumang karagdagang panlabas na gawi ay inimporta ng teolohikal na pagkiling. Marami sa mga sinipi sa itaas ay iniuugnay din ang pagsisisi sa kaligtasan na hindi sumasalungat sa kaligtasan sa biyaya sa pamamagitan ng panananampalataya dahil naunawaan nilang ang pagsisisi, gaya ng pananampalataya, ay isang panloob na pagbabago, isang pagbabago ng isipan o ng puso.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes