GraceNotes
   

   Pagahahambing ng Dalawang Darating na Paghuhukom

Maraming tagapaliwanag ng Biblia ang nagpapalagay na mayroon lamang iisang paghuhukom sa katapusan ng panahon, isang paghuhukom na naghihiwalay sa mga mananampalataya at hindi mananampalataya. Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa pagtutugma ng ilang Kasulatan. Halimbawa, sa Juan 5:24, sinabi ni Jesus na ang sinumang nanampalataya sa Kaniya “ay hindi darating sa paghatol” samantalang sa 2 Cor 5:10 sinabi ni Pablo sa mga mananampalataya, “... na tayong lahat ay haharap sa hukuman ni Cristo.” Kung ang dalawang ito ay nagbabanggit ng magkaparehong paghuhukom, sila ay magiging salungatan. Paano natin mamasdan ang mga nalalapit na paghuhukom na ito?

Paghihiwalay ng dalawang paghuhukom

Lahat ng tao ay haharap sa paghuhukom (Heb 9:27). Ang Bible ay nagbabanggit ng dalawang dakilang nalalapit na paghuhukom (bagama’t kinikilala rin natin ang mga espisipikong paghuhukom para sa mga Judio at mga Gentil na nabuhay sa Tribulasyon, hal Mat 25:31-46; Pah 20:4-5). Ang parehong paghuhukom ay may kaakibat na mga gawa ng tao.

Ang una ay ang pinal na paghuhukom para lamang sa hindi mananampalataya. Ang Juan 5:24 ay tungkol sa mga nanampalataya kay Jesucristo at tumanggap ng buhay na walang hanggan. Hindi sila haharap sa pinal na paghuhukom ng Pah 20:11-15, isang paghuhukom ng mga hindi mananampalataya matapos ng pagbablik ni Cristo sa mundo bilang Hari. Ang mga gawa ay nabanggit na ebidensiya ng kanilang kundenasyon at ang paghihirap ay nararapat.

Ang Biblia ay nagbabanggit din ng paghuhukom na haharapin lamang ng mga mananampalataya, na tinatawag na Hukuman ni Cristo (sa Griyego, Bema). Sa paghuhukom na ito, ang mga mananampalataya ay hindi huhukuman sa kanilang pananampalataya kay Cristo bilang Tagapagligtas, kundi sa kanilang pagsunod kay Cristo bilang Panginoon. Dito, ang mga mananampalataya ay magbibigay-sulit sa kung paano nila ginamit ang kanilang mga buhay. Ang gawa ng isang tao ay basehan kung siya ay gagantimpalaan o hindi.

Ang dalawang paghuhukom na ito ay maikukumpara sa tsart na ito:

Aling Paghuhukom?Ang Dakilang Puting LuklukanHukuman ni Cristo
Sino ang huhukuman?Tanging hindi mananampalatayaTanging mananampalataya
Kailang ang paghuhukom?Matapos ang milenyoMatapos ang Rapture pero bago ang Hapunan ng Kordero
Ano ang saksiMga aklat at Ang Aklat ng BuhayBawat isa ay magbibigay-sulit
Ano ang gampanin ng mga gawa?Ebidensiya sa kundenasyon at antas ng paghihirapBasehan sa gantimpala o pagtanggi ng gantimpala
Ano ang pinal na resulta?Eternal na kundenasyonGantimpalang ibinigay o hindi ibinigay
Ano ang isyu?Pananampalataya kay Cristo bilang TagapagligtasKatapatan kay Cristo bilang Panginoon
Ano ang mga pangunahing pasahe ng Biblia?Dan 12:1-3; Juan 5:22-29; Pah 20:11-15Roma 14:10; 1 Cor 3:11-15; 4:1-5; 2 Cor 5:10; 2 Tim 4:8

Ang magagawa nitong pagkakaiba

Kung ang dalawang paghuhukom ay maipagkakamali bilang isang pangkalahatang paghuhukom, ang mabubuting gawa ay magiging nesesidad para sa kaligtasan, dahil ang mga gawa ay may mahalagang gampanin sa parehong paghuhukom. Ito ay sasalungat sa malilinaw na pahayag ng Kasulatan gaya ng Roma 3:19-4:5; Gal 2:16; Ef 2:8-9 at Tito 3:5. Magiging imposible para sa ating sabihin na tayo ay naligtas sa biyaya bilang isang libreng regalo mula sa Diyos. Ang mga gawa ay nabanggit sa parehong paghuhukom pero kailan man ay hindi basehan o kundisyon ng kaligtasan.

Radikal din nitong babaguhin ang motibasyon sa maka-Diyos na gawi. Ang panlabas na mabubuting gawa ay hahanapin bilang ebidensiya ng kaligtasan, at ang kabaligtaran, ang katakutan ng kakulangan ng mga gawa ay iiwan ang marami na may pag-aalinlangan ng kanilang kaligtasan at katakutan ng eternal na kundenasyon. Ang mga mananampalatayang walang takot ng kundenasyon ay nakasusumpong ng kalayaang mamuhay ng kanilang mga buhay sa liwanag ng kanilang pinal na ebalwasyon sa Hukuman ni Cristo. Ang pagkakaroon ng kasiguruhan ng kanilang eternal na kaligtasan ang dapat magmotiba sa mga mananampalatayang maglingkod sa Diyos at mamuhay ng maka-Diyos dahil sa pag-ibig at pasasalamat sa Diyos. Ang salik ng takot ay naaalis kung eternal na kaligtasan ang pag-uusapan.

Pagbubuod

Ang dalawang nalalapit ng paghuhukom ay magkaiba para sa mananampalataya at hindi mananampalataya. Ang mga nanampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtas ay hindi darating sa paghuhukom sa kanilang kaligtasan, ngunit makatatakas sa kundenasyon. Subalit, sila ay magbibigay sulit sa kung paano sila nabuhay bilang mga Cristiano. Ang mga tumakwil kay Jesucristo bilang Tagapagligtas ay haharap lamang sa paghuhukom ng kundenasyon na didiretso sa Lawa ng Apoy. Marapat lamang na ang Biblia ay nagtapos sa paalala ng gantimpala sa mga mananampalataya, “Narito, Ako’y madaling pumarito at ang Aking gantimpala ay nasa Akin upang bigyan ng kagantihan ang bawat isa ayon sa kaniyang mga gawa” at imbitasyon para sa mga hindi mananampalataya: “At ang Espiritu at ang kasintahang babae ay nagsasabi, Halika. At ang nakikinig ay magsabi, Halika. At ang nauuhaw ay pumarito: Ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay.” (Pah 22:17).


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes