GraceNotes
   

   Mga Katangian ng Iglesiang Ginagabayan ng Biyaya

Maraming iglesiang nananalig sa Biblia ang bumabanggit ng biyaya. Ngunit sila ba ay konsistent sa pagsasabuhay nito? Narito ang ilang mga bagay na dapat ay katangiang taglay ng isang iglesia na sumusunod sa mga biblikong prinsipyo ng biyaya. Nakalista ang ilang mga akmang sitas ng Biblia para sa mas malalim na pag-aaral.

  1. Ang Free Grace (Libreng Biyaya) ay palaging tinuturo at ipinapangaral. Ang iglesiang nakatuon sa biyaya ay hinihimok ang pangangaral ng ebanghelyong ginagawang malinaw na tayo ay naligtas sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya, nang walang dagdag, kay Cristo lamang at wala nang dagdag. Ang kanilang mensahe ng ebanghelyo ay hindi nagpapahiwatig na kailangang gumawa ng pangako sa Diyos o gumawa ng mabubuting gawa upang maligtas, o gawin ang mga ito pagkatapos upang patunayan na tayo ay ligtas. Ang katiyakan ng kaligtasan ay nariyan para sa lahat ng nanampalataya sa mga pangako ng Diyos. Gayon din, ang ating paglagong Cristiyano ay nakabase sa biyaya gaya ng ating naunang kaligtasan. Efeso 2:8-9; Juan 1:16; Titus 2:11-12.
  2. Ang mga tao ay hinihikayat na lumago sa biyaya. Ang biyaya ay nagbibigay sa tao pareho ng motibasyon na lumago at puwang na magkamali habang marahan silang ginigiyahan sa maturidad. Ito ang proseso ng pagiging alagad. Ang layon ng paglago sa biyaya ay ang makatulad kay Cristo. Ang iglesia na seryoso sa paggawa ng mga alagad ay tutulungan ang mga tao na lumago nang malalim sa Cristiyanong pamumuhay. Efeso 4:7-16; Colosas 2:7; 1 Pedro 2:1-3; 2 Pedro 3:18.
  3. Ang biyaya ang pangunahing motibasyon sa Cristiyanong pamumuhay. Mayroong positibong pagdulog sa ministeryo na nagmomotiba sa mga tao na lumago sa pamamagitan ng biyaya at hindi guilt. Ang pangangaral at pagtuturo ng biyaya ay hindi ginagawa ang mga taong makaramdam ng hindi kinakailangang guilt. Sa halip na bigyang diin ang ating ginagawa o hindi ginagawa, binibigyang diin ng biyaya kung sino tayo kay Jesucristo. Ito ay nagmomotiba sa atin na mamuhay kung sino tayo bilang mga anak ng Diyos na pinagpala nang husto. Roma 12:1-2; Galatia 2:20-21; Efeso 4:1.
  4. Tinatanggap ang mga tao sa kung sino sila. Ang iglesia ay dapat maging modelo ng pag-ibig ng Diyos at mabiyayang kilos sa lahat ng tao. Bagama't tayo'y mang-iba-iba at madaling magkasala, tinanggap tayo ng Diyos dahil tayo ay Kaniyang mga anak diyan kay Cristo. Ang iglesiang nakatuon sa biyaya ay nagpapakita ng pagtanggap sa mga tao hindi lamang sa kanilang paglapit kay Cristo para sa kaligtasan, kundi habang kanilang sinusubukang isabuhay ang Cristiyanong pamumuhay. Ang iglesiang katulad nito ay tinatanggap ang pagkakaiba sa kultura, personalidad, opinyon, kaluob, kwestionableng mga bagay, at personal na preperensiya dahil tinanggap na ng Diyos ang taong iyan. Roma 14:1-13; 1 Cor 13:4-7; Efeso 1:6.
  5. Iniiwasan ang mga hindi biblikong kasukdulan ng lisensiya at legalismo. Ang biyaya ay hindi binabago upang maging dahilan upang gawin anuman ang ating naisin, na tinatawag na lisensiya. Ang Biblia ay nagsasabi na ang biyaya ay nagtuturo sa ating mamuhay nang maka-Diyos na pamumuhay. Ang kabaligtarang pagbabago ng biyaya, ang legalismo, ay nagpapahiwatig na kailangan nating manghawak sa mga hindi bibiliko o mga gawa-gawa lamang ng taong pamantayan upang maging katanggap-tanggap sa Diyos. Ang iglesia ay maaaring magbigay ng patago o hayag na diin na umayon sa mga ganitong artipisyal na pamantayan. Ngunit ang isang iglesiang nakatuon sa biyaya ay nanghahawak sa malinaw na mga turo ng Biblia, may kakayahang umangkop sa mga hindi malinaw na isyu, at hindi hinahayaan ang mga alituntuning pantao na higitan ang awtoridad ng Kasulatan. Marcos 7:1-23; Roma 6; Colosas 2:20-23; Titus 2:11-12.
  6. Ang kalayaan ay binabalanse ng pag-ibig. Ang biyaya ay pinalaya tayo upang mahalin at paglingkuran ang Diyos, na nangangahulugang kailangan nating mahalin at paglingkuran din ang iba. Ang isang iglesiang nakatuon sa biyaya ay magtuturo kung paano balansehin ang masayang kalayaan ng Cristiyanong pamumuhay sa pag-ibig sa Diyos at sa iba. Nangangahulugan ito na sa mga isyu ng konsensiya o kwestiyonableng mga bagay, hinihimok tayo na pigilin ang ating mga aktibidad sa pamamagitan ng pagsaalang-alang kung paano nito maapektuhan ang iba at sa pamamagitan ng pagkilos lamang ayon sa pag-ibig. Hinihikayat tayo na gamitin natin ang ating kalayaan sa paglilingkod sa iba. Roma 14; 1 Corinto 8; 10:23-33; Galatia 5:13-14.
  7. Mayroong diin sa pagiging, at hindi sa pagggawa. Ang kaabalahan ay hindi pagka-Diyos; ang pagka-Diyos ay pagka-Diyos. At ang pagka-Diyos ay nagsisimula sa puso sa pagkatanto kung sino tayo bilang mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. Ang iglesiang nakatuon sa biyaya ay hinihimok ang pagka-Diyos sa pamamagitan ng pagdidiin sa paglago sa ating personal na relasyon sa Diyos. Ang ministeryo at paglilingkod ay nagmumula sa masayang pagnanasa na parangalan ang Diyos, hindi ang namamaling paniniwala na ang Diyos ay hindi masaya kung tayo ay hindi abala. Lukas 10:38-42; Efeso 5:1-2; Colosas 2:6-7; 2 Pedro 1:2-11.
  8. Mayroong dalisay na pagnanasang ibahagi ang mensahe ng biyaya sa sanlibutan. Ang mga tunay na pinagpala ay dapat maging makusa sa pagbahagi ng pagpapalang iyan sa iba. Ang "Diyos ng lahat ng biyaya" ay nagnanasa sa lahat ng mga taong maligtas sa pamamagitan ng Kaniyang probisyon kay Cristo. Kung ang iglesia ay hinahanap ang puso ng Diyos, sila ay magiging aktibo sa pag-abot ng sanlibutan ng ebanghelyo ng biyaya, dahil nandiyan ang puso ng Diyos. Mateo 28:18-20; Juan 17-18; Gawa 1:8; 1 Timoteo 1:12-16; 2:1-7.
  9. Ang mga nagkasala ay tinatrato nang ayon sa Biblia. Ang katotohanan ng kasalanan sa mga Cristiyano ay inuunawa at pinag-uusapan nang ayon sa Biblia. Ang personal na pagkumpisal at pagbabalik ay tinuturo. Ang mga kasalanang ang kalikasan ay pampubliko o hayag ay hinahawakan ng iglesia nang may pag-ibig at panalangin, na may layuning ibalik ang nagkasala sa buong pakikisama sa Diyos at sa iglesia. Ang iglesiang nakatuon sa biyaya ay sumasalamin sa isang kapaligirang nagpapagaling sa halip na kritikal at mapanghusgang diwa. Mateo 18:15-20; 2 Corinto 2:6-8; Galatia 1:6; 2 Tesalonica 3:6-15.

Pagbubuod

May ilang iglesiang minomodelo na ang mga katangian ng iglesiang nakatuon sa biyaya. Sigurado marami pa ang magagawa ito. Ang mga Cristiyanong naghahanap ng iglesiang matatawag na tahanan na sumasalamin sa mga doktrina ng biyaya ay makikinabang sa paghahanap ng mga bagay na ito. Ang mga Cristiyanong nasa iglesia na ay hindi dapat gamitin ang mga katangian sa itaas upang kondenahin nang walang biyaya ang kahinaan ng iglesiang iyan. Sa halip, dapat nilang marahan at mapagmahal na hikayatin ang iglesia na pagsikapan ang mga layuning ito. Ang pinakamahusay na pamamaraan na tulungan ang iglesiang tumuon sa biyaya ay hayaan ang mga taong makita ang mga prinsipyong ito na kumilos sa ating mga buhay muna.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes