GraceNotes
   

   Ang Pagsisisi Ba ay Nasa Ebanghelyo ni Juan?

Ang ilang nahihirapang tanggapin na ang eternal na kaligtasan ay sa pananampalataya lamang ay nagpipilit na ang pagsisisi (bilang pagtalikod sa mga kasalanan) ay kailangan din. Iyan ang dahilan kung bakit inaangkin nilang may pagsisisi sa Ebanghelyo ni Juan kahit pa ang salita ay hindi dito masusumpungan sa anyong pandiwa man o pangngalan man (metanoeo, metanoia). Itinataltal nila na ang konsepto ng pagsisisi ay masusumpungan sa iba’t ibang pasahe, ngunit ang kanilang depinisyon at mga pagpapalagay ng pagsisisi sa Juan ay hindi masusuportahan.

Ang kahulugan ng pagsisisi

Ang kahulugan ng pagisisisi ay naipaliwanag na nang nakaraan (Tala ng Biyaya Blg. 22 “Pagsisisi: Ano ang Nasa Salita?.”) Sa kabuuan, ang mga linggwista ay sumasang-ayon na ang pagsisisi ay nangangahulugang pagbabago ng isipan. Ang isipan (nous) ay minsang ginagamit sa moral na saloobin at gayun din sa intelek (Roma 1:28; 7:23, 25; Ef 4:17, 23; Col 2:18). Ang pagsisisi, bilang panloob na pagbabgo ng isipan o puso, ay iba sa panlabas na pagbabago ng gawi bagama’t ito ay inaasahan (Mat 3:8/Lukas 3:8; Gawa 26:20). Gayun din ang kasalanan ay hindi laging layon ng pagsisisi (cf Gawa 17:30; 20:21; Heb 6:1); ang konteksto ang nagdedetermina nito. Hindi rin ito ikalawang kundisyon para sa kaligtasan, na sa pamamagitan lamang ng pananampalataya lamang. Dahil sa ang pananampalataya ay katiyakan na ang isang bagay ay totoo, kapag ang isang tao ay nakumbinse ng katotohanan, may pagbabago ng isipan o pusong naganap. Ang pananampalataya ay maaaring magpahayag ng pagbabagong ito (Macos 1:15; Lukas 5:32; 24:47; Gawa 11:18; 17:30, 34; 2 Ped 3:9).

Ang kawalang banggit ng salita

Ang mga tagataguyod ng pagsisisi sa Juan ay tinatakwil ang argumentong ito ay hindi masusumpungan dahil lamang sa hindi ito nabanggit. Itinataltal nila na ang kawalang banggit ng ebidensiya ay hindi ebidensiya ng kawalan at binibigay ang aklat ng Ester bilang halimbawa, na minsan man hindi nabanggit ang Diyos. Ngunit ang ebidensiya ay ang nagpapatotoo sa pag-aangkin o pagpapalagay ng katotohanan, at wala nito tungkol sa pagsisisi sa Juan. Ang kanilang pagdadahilan ay paikot, ipinapalagay ang isang puntong nais nilang patunayang totoo. Pansining, hindi gaya ng ibang manunulat ng Ebanghelyo, hindi binanggit ni Juan ang pagsisisi bilang bahagi ng mensahe ni Juan Bautista (1:24-27; 3:22-26), ngunit ipinokus sa kaniyang layong magpatotoo kay Cristo upang ang lahat ay manampalataya sa pamamagitan Niya (1:6-8; 3:27-36).

Ang imperensiya tungkol sa pagsisisi

Ang ilan ay nagtataltal na kahit pa ang mga salitang pagsisisi/magsisi ay hindi masumpungan, ang konsepto ng pagsisisi ay masusumpungan sa pamamagitan ng imperensiya sa ilang pasahe. Narito ang ilang madalas sipiin.

Juan 3:14-15. Inaangking ginamit ni Jesus ang reperensiyang ito sa Bilang 21:4-9 dahil ang mga Israelitang nagkasala sa ilang ay tumalikod sa kanilang mga kasalanan upang gumaling. Ngunit walang indikasyon na ang patalikod sa kasalanan ang nagligtas sa mga Israelita. Oo, napagtanto nila ang kanilang mga kasalanan (Bilang 21:7) ngunit hindi sila gumaling dahil dito. Upang gumaling, kailangan lamang nilang sumulyap sa ahas na nasa poste kung paanong ang tagapakinig ni Jesus ay kailangan lamang sumulyap sa sakripisyo ni Jesus sa krus para sa kaligtasan mula sa kanilang kasalanan. Ang pagbibigay diin ay hindi tungkol sa pagtalikod sa kasalanan, kundi sa simplisidad o abailabilidad ng pananampalataya kay Cristo bilang Tagapagligtas. Ang sumusunod na sitas na 16 at 17 ay nagsasabing ang kundenasyong ito ay nagreresulta dahil sa hindi pagsampalataya kay Cristo, at hindi dahil sa kabiguang tumalikod mula sa mga kasalanan.

Juan 3:19-21. Sinabi ni Jesus na ang mga guamgawa ng masama ay hindi lumalapit sa kaliwanagan. Sa liwanag ng nakaraang konteksto at ng konsistent na ebanghelistikong gamit ng “lumapit” sa Ebanghelyo, si Jesus ay nagbibigay lamang ng obserbasyong ang mga nais ang kanilang kasalanan ay hindi sumasampalataya sa Kaniya bilang Tagapagligtas. Totoong kilangang magbago ng kanilang isipan tungkol sa kasalanan at sa mga konsekwensiya nito upang lumapit sa liwanag,ngunit ang pagtalikod mula sa mga kasalanan ay hindi ginawang kundisyon ng kaligtasan.

Juan 3:36. Ang pag-aangkin ay ang apeitheo sa sitas na ito ay maaaring isaling “sumunod” (NASB), samakatuwid ang sinumang sumuway sa pahiwatig na utos na magsisisi ay hindi makakakita ng buhay na walang hanggan. Ngunit muli ito ay isang pagpapalagay ng puntong nais patunayan; walang utos na magsisi. Isa pa, ang sumunod ay hindi dinepino sa konteksto, lalo na ang pagtalikod mula sa kasalanan. Ang NKJV ay sinalin ito bilang “hindi sumampalataya” na siyang hinihingi ng konteksto. Ito ay katapat ng unang bahagi ng sitas kung saan ang pananampalataya ay nageresulta sa buhay na walang hanggan (gayun din sa 3:18 kung saan ang kawalang pananampalataya ay nagreresulta sa kundenasyon).

Juan 4:1-42. Dahil sa nabanggit ni Jesus ang makasalanang relasyon ng isang babae sa isang lalaki, ang ilan ay nag-aangking siya ay tumalikod mula sa kasalanang iyan upang tumanggap ng buhay na walang hanggan. Ngunit walang ganiyang hinihingi sa kwento. Ang pagbanggit ni Jesus ng kaniyang mga kasalanan ay upang kumbinsihin siya tungkol sa kung sino Siya, ang omnisiyenteng Mesiyas. Kumbinsido ng Kaniyang pagkakakilanlan, siya ay nanampalataya (4:29, 40-42). Ang tanging kundisyon ni Jesus upang magtamo ng buhay na walang hanggan ay “humingi” (v10) na isang analohiya sa pagsampalataya. Bilang resulta ng patotoo ng babae, maraming Samaritano ang nanampalataya (v39).

Juan 5:1-15. Nang pagalingin ni Jesus ang paralisadong lalaki, sinabihan Niya siyang “huwag ka nang magkasala at baka mas masamang bagay pa ang dumating sa iyo.” Ang ilan ay nag-aangking ito ay paghingi sa lalaking tumalikod mula sa kaniyang mga kasalanan. Ngunit walang pahiwatig sa kwento na ang lalaki ay ligtas nang oras na iyan o na siya ay inalok ng kaligtasan. Ipinahihiwatig ni Jesus na ang kaniyang mga kasalanan ay may ambag sa kaniyang sakit at kung ganuon ay kailangang itigil ang kaniyang kasalanan upang maiwasan ang mas malalang kasalanan.

Juan 8:1-11. Pinatawad ni Jesus ang babaeng nahuli sa pangangalunya at sinabihan siyang “Humayo ka at huwag ka nang magkasala.” Ngunit gaya ng nakaraang kwento, walang pahiwatig na ang babae ay naligtas o na siya ay inalok ng kaligtasan. Ang implikasyon ay kung siya ay titigil sa pagkakasala, maiiwasan niyang mahulog sa pangangalunya sa hinaharap.

v

Ang kasapatan ng pananampalataya

Sa Juan 20:30-31 ipinaliwanag ni Juan kung bakit pinili niyang irekord ang ilang tandang ginawa ni Jesus. Sumulat siya upang ang kaniyang mambabasa ay manampalataya kay Jesus bilang Cristo at magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sa importanteng layong pahayag na ito, walang sinabi si Jesus tungkol sa pagsisisi, gaya ng konsistent niyang ginawa sa kaniyang ebanghelyo. Subalit, ginamit niya ang manampalataya nang siyamnapu’t walong beses na halos kalahati nito ay ginamit bilang kundisyon sa kaligtasan. Bukod sa mga pasaheng nabanggit, narito ang ilang signipikanteng mga halimbawang nagpapakita ng kasapatan ng pananampalataya para sa kaligtasan.

  • *Juan 5:38-40. Ang mga Judio ay pinagsisikapang patayin si Jesus, sila ay hindi sinabihang tumalikod mula sa kasalanang iyan,kundi ang lumapit sa Kaniya at manampalataya, na ito ay nagpapahiwatig ng pagbabago ng isip at resultang gawi.
  • *Juan 6:28-29. Nang ang mga Judio ay nagtanong kung anong “mga gawa” ang dapat nilang gawin upang mapasiya ang Diyos, sumagot si Jesus na mayroon lamang isang “gawa’- manampalataya. Madali para sa Kaniyang sabihing magsisi at manampalataya, ngunit hindi Niya ginawa.
  • *Juan 8:24. Binalaan ni Jesus ang mga Judio na sila ay mamamatay sa kanilang mga kasalanan kung hindi sila mananampalataya na Siya ang Mesiyas. Bagamat binanggit Niya ang mga kasalanan, hindi ni Jesus binanggit ang pagsisisi o pagtalikod mula sa kanilang mga kasalanan.
  • *Juan 16:8-9. Ang ministersyo ng Espiritu Santo ay ang sumbatan ang sanlibutan ng kasalanan dahil ang sanlibutan ay hindi nanampalataya kay Jesus. Ang malinaw na sagot sa kumbiksiyon ng kasalanan ay hindi ang pagtalikod mula sa mga kasalanan, kundi ang manampalataya kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas mula sa kasalanan. Ang problema ay ang makasalanang kundisyon ng tao, hindi mga espisipikong kasalanan.
  • *Juan 20:24-29. Sa kaniyang kawalan ng pananampalataya, kailangan ni Tomas na baguhin ang kaniyang isipan tungkol kay Cristo. Parehong nilarawan ni Jesus at Tomas ang pagbabagong isipang ito bilang manampalataya (v 25,29).

Pagbubuod

Si Juan ay hindi ignorante ng salitang pagsisisi dahil ginamit niya ito ng ilang dosena sa Aklat ng Pahayag. Bakit, kung ganuon hindi niya ito ginamit sa kaniyang Ebanghelyong eksplisit na ebanghelistiko? Samantalang ang pagsisisi bilang pagbabago ng puso, ay maaaring idepikta bilang pananampalataya, ang ideya na ang pagsisisi ay pagtalikod mula sa mga kasalanan ay hindi eksplisit na kinumpirma, at lalong hindi ginawang kundisyon ng kaligtasan. Ipinakikita ni Juan na ang pananampalataya kay Jesucristo na napako sa krus at muling binuhay na Tagapagligtas ay sapat para sa kaligtasang walang hanggan. Ito ay nangangailangan ng pagababgo ng isipan o ng iniisip tungkol sa Kaniya, na siyang sapat na pinapahiwatig ng pananampalataya.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes