GraceNotes
   

   Naglilyab na Hebreo

Ang mga babalang pasahe sa Hebreo ay sadyang mahirap ipaliwanag. Marami ang nahihirapang tanggapin na ang mga babala sa Hebreo ay sinulat sa mga mananampalataya dahil sa matinding paghatol na binabala, lalo na ang banggit na apoy, na para sa karamihan ay lumilikha ng larawan ng impiyerno. Ang patunay na ang may-akda ng Hebreo ay sumusulat sa mga mananampalataya ay napakarami (tingnan ang Gracenotes 15, “Pagpapaliwanag ng Hebreo”). Dahil sa ang mga babala ay sa mga mananampalataya, hindi sila maaaring babalahan tungkol sa impiyerno, sapagkat hindi maiwawala ng mga mananampalataya ang kanilang kaligtasan (tingnan ang GraceNotes 11, “Eternal na Seguridad”). Ano pala ang kahulugan ng tatlong reperensiya sa apoy sa mga nagbababalang pasahe (6:8; 10:27; 12:31) para sa mga mananampalataya?

Ang apoy ay ginamit sa paghatol sa bayan ng Diyos

Ang apoy ay nangangahulugan ng maraming bagay sa Biblia, kabilang na ang impiyerno, ngunit hindi nangangahulugang ang apoy ay awtomatikong ipaliliwanag bilang apoy ng impiyerno. Ang apoy ay madalas gamitin bilang pantukoy sa bayan ng Diyos. Minsan ito ay apoy ng poot ng Diyos na nagdidisiplina sa Kaniyang bayan (Bilang 11:1-3; Is 9:19; 10:17; 29:6; 42:25; Jer 11:6; 15:14; 17:4; Panaghoy 2:3-4; 4:11; Ezek 22:20-22; Amos 2:5; Obad 18: Awit 78:21; 80:16). Minsan ito ay tumutukoy sa naglilinis o nagdadalisay na pagsubok o paghatol (Awit 66:12; Zac 13:9; Mal 3:2; Juan 15:6; 1 Cor 3:13-15; 1 Pedr 1:7). Ito ay ginamit upang ilarawan ang pagseselos ng Diyos para sa debosyon ng Kaniyang bayan (Deut 4:24; Awit 79:5; Sof 1:18; 3:8). Ang apoy ay nauugnay din sa gawa ng Espiritu Santo (Mat 3:11/Lu 3:16; Gawa 2:3).

Ang apoy ayon sa pagkagamit sa Hebreo

Ating lilimitahan lamang ang pag-aaral na ito sa mga banggit sa apoy sa mga babala ng Hebreo, bagama’t maraming mga detalyeng interpretatib ang sumusuporta sa katotohanang ang apoy na binanggit ay hindi ang walang hanggang apoy ng impiyerno. Kapansin-pansing ang walang hanggang apoy, walang hanggang paghihirap, impiyerno at Gehena ay hindi nabanggit sa mga babala.

Hebreo 6:8.

Gamit ang analohiyang ito, ang babala ay nagkukumpara ng isang taong nahulog mula sa Cristianong pananampalataya sa lupang tumanggap ng ulan ngunit ang tumubo ay tinik at dawag sa halip na bunga. Ang lupang iyan ay “tinatakwil, at malapit sa sumpa, at ang kaniyang kahihinatnan ay sunugin.” Ang salitang “tinatakwil” (adokimos) ay nangangahulugang diskwalipikado at ginamit sa mga mananampalataya sa Bagong Tipan bilang pantukoy sa pagkawala ng mga gantimpala sa hinaharap (cf 1 Cor 9:27), ngunit kailan man ay hindi ginamit na pantukoy sa impiyerno. Ang lupa (hindi mabungang mananampalataya) ay diskwalipikadong magamit at maging sa mga benepisyong kasama nito. Pansinin ding ang lupa ay malapit na masumpa, hindi ganap na sinumpa. Pinapakita nito kung gaano katindi ang pagtalikod (6:6) bagama’t hindi ganap na pagtakwil. Nang sinabi nitong ang lupa ay susunugin, tama ang mga larawang tinik at dawag ang susunugin sapagkat ang lupa mismo ay hindi naman nasusunog. Samakatuwid ito ay naglalarawan ng apoy ng paghuhukom at/o ng pagpupurgang nagsusunog ng mga walang kapakinabangan (cf Juan 15:6; 1 Cor 3:13-15). Ang mga mananampalatayang ito ay delikadong maging “tamad” (6:12), at ang espiritwal na katamarang ito ay walang kapakinabangan sa Diyos at sa iba. Ang nagdidisiplinang paghatol ng Diyos ay may layuning gawing banal at mabunga ang mga mananampalataya (12:10-11). Tila may sinasadyang ugnayan sa babala ng Is 5:1-7 kung saan ang Israel ay binalaang susunugin dahil sa pagiging ubasang walang bunga. Ang babala ng Hebreo 6 ay nagpapakitang ang mga mananampalatayang hindi sumusulong sa kanilang pananampalataya ay nagsasayang ng mga pagpapala ng Diyos anupa’t ang kanilang bunga ay hindi kapakipakinabang ngunit walang pakinabang at akma lamang itapon o sunugin.

Hebreo 10:27.

Ang mga mananampalatayang nagkakasalang sinasadya (pansining sinasama ng may-akda ang kaniyang sarili sa posibilidad sa pamamagitan ng paggamit ng panghalip na “atin”) ay may naghihintay na “isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalaman sa mga kaaway.” Ang sinasadyang kasalanan ng Hebreo ay ang pagtalikod pabalik sa makasalanang Judaismo na katumbas ng pagsang-ayon sa pagpako sa krus ni Jesucristo.

Una, pansinin nating ang disiplina ng Diyos ay maaaring maging kakilakilabot. Sa Gawa 5 nang si Ananias at Safira ay pinatay ng Diyos dahil sa kanilang pagsisinungaling, “malaking takot ang nahulog sa lahat ng iglesia” (5:11). Isang hukumang haharapin ng mga Cristiano ay ang hukuman ni Cristo (Roma 14:10-12; 1 Cor 3:11-15; 2 Cor 5:10) na maaaring maging kakilakilabot para sa mga hindi namuhay nang matuwid (2 Cor 5:11). Ang “kabangisang apoy” (lit “nag-aalab na katapatan”) ay “lalamon sa mga kaaway.” Ito ay maaaring mangahulugang ang paghatol na haharapin ng mga makasalanang mananampalataya ay ang uri ng nag-aalab ng kabangisang nais gamitin ng Diyos sa Kaniyang mga kaaway, o ito ay nangangahulugang ang nag-aalab ng paghatol na ginagamit ng Diyos laban sa Kaniyang mga kaaway ay gagamitin laban sa mga mananampalataya. Nakita natin kung paanong ang apoy ay ginamit laban sa bayan ng Diyos sa Lumang Tipan, kaya alin man sa dalawang kahulugan ay posible. Ang “mas masahol na kaparusahan” ng v 28 ay kinumpara sa mga pinatay dahil sa paglabag ng Kautusan ni Moises. Mayroon pa bang kaparusahang mas masahol pa sa kamatayan? Oo naman (cf Lam 4:6,9). Ang paghihirap sa buhay na ito ay maaaring maging kakilakilabot anupa’t may mga taong piniling magpakamatay upang makasumpong ng kapahingahan.

Na ito ay isang paghatol sa bayan ng Diyos ay ginawang malinaw sa v30 sa pagsipi mula sa Deut 32:25-36: “ Huhukuman ng Panginoon ang Kaniyang bayan.” Hindi lang iyan sa v31 sanabi, “isang kakilakilabot na bagay ang mahulog sa kamay ng buhayna Diyos,” ngunit nangangangahulugang sila ay nasa kamay ng Diyos. Panghuli, ang salungatan sa pagitan ng “pagkawasak” (apoloeian, o “pagkasira”) at ng “pagliligtas ng kaluluwa” (lit “pag-iingat ng buhay”) sa v39 ay nagsasalita ng pisikal na buhay at kamatayan o ng salungatan ng buhay na nasira sa buhay na iningatan sa mga konsekwensiya ng negatibong paghukom.

Ang babalang itong nagbabanggit ng apoy ay naglalarawan ng kakilakilabot na konsekwensiyang hinaharap ng mananampalataya kung sila ay sinasadyang tumalikod palayo kay Jesucristo. Ang mga konsekwensiya ay nagdudulot ng espiritwal na kasiraan, higit na masakit kaysa kamatayan, ngunit ang eternal na impiyerno ay hindi nabanggit. Ang mga mambabasa, ang mga Hebreong Cristianong natutuksong muling makiisa sa makasalanang Israel, ay maaaring unawain din ito bilang isang babala tungkol sa nalalapit na nasyunal na paghatol ng isang nagliliyab na pagwasak ng Jerusalem na naganap hindi kalaunan (AD 70), isang bagay na kanilang alam mula sa mga babala ni Jesus (Mat 23:27-24:2); Marcos 13:1-2; Luk 21:5-6; cf Gawa 2:40).

Hebreo 12:29.

Na “ang Diyos natin ay isang apoy na nagmumugnaw” ay isang motibasyon upang mamuhay nang may mabiyaya at maka-Diyos na paggalang sa paglilingkod sa Diyos, na nabanggit sa nakaraang sitas (v 28). Hindi ito nangangahulugang babala ng impiyerno dahil ang v28 ay nagbabanggit nang may katiyakang ang mga mambabasa ay “tatanggap ng kaharian” sa hinaharap. Ang metapora ng Diyos na apoy na namumugnaw ay galingsa Deut 4:24 kung saan ito ay tumutukoy sa paninibugho ng Diyos.

Pagbubuod

Ang hatol ng apoy sa Hebreo ay tumutukoy sa disiplina ng Diyos na maaaring maging matindi. Ang disiplinang ito ay ibibigay sa buhay na ito sa anyo ng masakit na mga karanasan. Malaki ang posibilidad na ang apoy dito ay naunawaan ng mga Hebreong Cristiano bilang ang nagliliyab na pagkawasak ng Jerusalem na na naganap hindi kalaunan matapos masulat ang aklat na ito, isang paghuhukom sa Israel sa kanilang pagtakwil at pagpako sa krus kay Jesucristo. Anupa mang sitwasyon, ang mga mananampalataya ay hindi dapat matakot na masunog sa impiyerno, ngunit mararanasan nila ang nagliliyab na poot ng Diyos kung sadyain nilang talikuran ang mga benepisyo ng eternal na kaligtasang ibinigay ni Jesucristo sa pamamagitan ng Kaniyang pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes