GraceNotes
   

   Kailangan Bang Ipahayag ng Mga Mananampalataya Ang Kanilang Mga Kasalanan Para Patawarin?

Ayon sa Biblia,kapag ang isang tao ay nanampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtas, ang mga kasalanan ng taong iyan ay napatawad. Kung totoo ito, kailangan bang ipagpatuloy ng isang Cristiano na ipahayag o ikumpisal ang kanilang mga kasalanang nagawa matapos ng kaligtasan matapos nilang manampalataya kay Cristo? Ang ilan ay nagsasabing ang pagkukumpisal ay hindi na kailangan dahil ang lahat ng mga kasalanan ng isang mananampalataya ay napatawad na. Ano ang pananaw ng Kasulatan?

Ang kapatawarang posisyunal ng isang mananampalataya

Sa isang Crisitano, ang kapatawaran ay nangangahulugan ng pagkalag o paglaya mula sa guilt ng mga kasalanan na isang personal na pagsalangsang sa isang relasyon. Isa sa mga resulta ng pananampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtas ay pinatawad ng Diyos ang mga kasalanan na pagsalangsang laban sa Kaniya. Sa diwang ito, ang kapatawaran ay minsang binigay para sa lahat ng kapanahunan. Ito ay isang katotohanang posisyunal gaya ng pag-aaring matuwid at katubusan, na siyang dahilan kung bakit sa Kasulatan ang kapatawaran ay minsang iniuugnay sa walang hanggang kaligtasan.

Sa Ebanghelyo, ang posisyunal na aspeto ng kapatawaran ay nakikita sa pagsalungat nito sa walang hanggang paghatol (Marcos 3:28-29). Siniguro ni Jesus at ng Kaniyang kamatayan (dugo) ang kapatawaran (pagkalag) mula sa kasalanan (Mat 26:28). Sa paraang ito, Siya ang “Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan” (Juan 1:29). Binayaran Niya ang halaga ng katubusan para sa lahat ng tao (Mat 20:28). Ang halagang binayaran ay nagpapahiwatig ng pagkalag o kalayaan mula sa guilt ng kasalanan para sa lahat ng tumanggap nito. Ang kapatawaan ay ginamit sa mga kontekstong may kinalaman sa kaligtasan sa Gawa (Gawa 5:31; 13:38-39; 26:17-18).

Ang Apostol Pablo ay gumawa ng ilang depinidong pahayag tungkol sa posisyunal na kapatawarang naganap sa sandali ng pag-aaring matuwid. Sa Roma 4:5-7 iniugnay niya ang kapatawaran sa pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya. Gayun din, sa Efeso 1:7 inilarawan ni Pablo ang isa mga benepisyo ng pagiging kaisa ni Cristo: “Na sa Kaniya’y mayroon tayo ng katubusan sa pamamagitan ng Kaniyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan.” Gayun din sa Colosas 2:13 “At nang kayo’y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan, at sa di pagtutuli ng inyong laman ay Kaniyang binuhay kayo na kalakip Niya, na ipinatawad sa atin ang lahat na mga kasalanan.” Sa nakapalibot na konteksto, malinaw na si Pablo ay nagbabanggit ng mga benepisyo ng bagong posisyun ng isang mananampalataya at kaniyang pagkakakilanlan kay Cristo (Col 2:11-12, 14). Ang “pagsalangsang” ay kasinkahulugan ng mga kasalanan. Ang pandiwang “ipinatawad” ay aorist tense sa Griyego na tanda ng isang natapos na aksiyon. Ang aksiyon na nakumpleto ay ang kapatawaran ng “lahat” ng mga kasalanan. Sa dalawang sitas sa kaparehong pagkakasalita, itinaltal ni Pablo na ang mga Cristiano ay dapat patawarin ang bawa’t isa dahil pinatawad na sila ni Cristo (Ef 4:32; Col 3:13). Ang may-akda ng Hebreo ay nanghahawak din ng posisyunal na kapatawaran sa Hebreo 10:17-18 nag sipiin niya ang resulta ng Bagong Tipan ng Jeremias 31:34 sa mga terminong “Ang kanilang mga kasalanan at katampalasan ay hindi Ko na aalalahanin.”

Malinaw na lahat ng pasaheng ito ay nagpapakita na ang mga nanampalataya kay Jesucristo bilang Tagapagligtasa ay napatawad ng lahat nilang mga kasalanan dahil sa buo at pinal na kabayaran ni Cristo sa krus. Kung ganuon bakit kailangan ng mga Cristianong magkumpisal ng mga kasalanan?

Ang kapatawaran para sa pakikisama ng mga Cristiano

Kailangang ikumpisal ng mga Cristiano ang kanilang mga kasalanan upang maranasan ang kapatawarang pag-aari nila posisyunali. Sa ibang salita, dahil sa kamatayan ni Jesus sa krus, at dahil sa pananampalataya sa Kaniya, ang kapangyarihan ng kasalanang manghatol ay napawalang bisa na magpakailan pa man, ngunit mayroon pa rin itong kapangyarihang putulin ang karanasan ng pakikisama ng isang mananampalataya sa kaniyang Ama sa langit. Ang una ay kapatawarang hudisyal, ang ikalawa ay kapatawarang pampamilya. Dahil sa kapatawarang hudisyal, ang Cristiano ay may pribilehiyong magtamasa ng pakikisama o pakikiisa sa Diyos sa kaniyang lakad Cristiano, ngunit ang pribilehiyong ito ay maaaring abusuhin o mahinto ng kasalanan.

Ang pakikisama ng isang mananampalataya sa Diyos ay ang tema ng Unang Juan (1 Juan 1:3-4; tingnan Ang Tala ng Biyaya 37 “Pag-interpreta ng 1 Juan”). Ang pakikisamang ito ay nakadepende sa paglakad nang may katapatan sa liwanag ng Salita ng Diyos at kalooban ng Diyos (1 Juan 1:5-8). Habang ang isang mananampalataya ay naglalakad sa liwanag, ang kaniyang mga kasalanan ay nakikita o nahahalata. Kapag ang Diyos ay dinala ang mga ito sa isipan at kinundena ang konsiyensiya, ang mananampalataya ay maaaring itakwil ang katotohanang ito tungkol sa kaniyang kasalanan o maaaring ikumpisal niya ito sa Diyos. Ayon sa 1 Juan 1:9, “Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kaslaanan, at tayo’y liliniin sa lahat ng kalikuan.” Ang ipahayag o ikumpisal ay literal na nangangahulugang “banggitin ang kaparehong bagay,” samakatuwid, “kilalanin, sumang-ayon.” Sa ibabaw ng matapat na pagpahayag na iyan, ang Diyos ay nagpapatawad dahil Siya ay “tapat” sa Kaniyang sariling katangian at sa Kaniyang katapatan sa Kaniyang mga anak. Siya rin ay “matuwid” dahil tinanggap na Niya ang kabayaran ng Kaniyang Anak para sa kasalanang iyan. Dahil sa ang Diyos ay tapat at matuwid, ang kumpisal ng mananampalataya ay nagbabalik ng pakikisama sa Diyos. Dahil sa ang tema ay pakikisama, maliwanag na ang 1 Juan 1:9 ay para sa mga ligtas, hindi para sa mga hindi ligtas (pansining gumagamit si Juan ng “natin”!).

Nauunawaan ni Juan nang maiigi ang prinsipyong ito. Kabilang sa kaniyang Ebanghelyo ang kwento ng paghuhugas ni Jesus ng mga paa ng Kaniyang mga alagad. Sa kwentong iyan, nang subukan ni Pedrong tanggihan ang paghuhugas, sinabi ni Jesus, “Ang naligo na ay kailangan na lamang na maghugas ng kaniyang mga paa, sapagkat siya ay ganap nang malinis.” Ang reperensiya sa paliligo at ganap na paghuhugas ay tumutukoy sa kapatawarang posisyunal, ngunit ang paghuhugas ng paa ay naglalarawan ng nagpapatuloy na pangangailangan ng kapatawaran at paghuhugas sa mga kasalanang nagawa bilang isang Cristiano.

Nauunawaan din ni Haring David ang prinsipyo ng pagkukumpisal ng kasalanan para maibalik ang pakikisama. Matapos ang kaniyang kasalanan na nakadamay si Bathseba at Urias, kinumpisal niya ang kaniyang kasalanan para maibalik ang pakikisama sa Diyos (Awit 32:5). Gayun din, sa Awit 51, kinumpisal ni David ang kaniyang kasalanan upang matanggap ang paghuhugas at maibalik ang kasiyahan ng pakikisama sa Diyos. Ang kaligtasan ni David ay hindi isyu; ang isyu ay ang kaniyang pakikisama sa Diyos.

Tinuro ni Jesus ang prinsipyo ng pagkukumpisal upang maibalik ang pakikisama sa Diyos at sa kapwa sa pamilyar na “Ang Panalangin ng Panginoon” (mas maiging tawaging “Ang Panalangin ng mga Alagad”). Tinuro Niya na ang mga mananampalataya ay dapat malanging “At patawarin mo kami ng aming mga kasalanan, gaya ng pagpapatawad namin sa mga nagkasala sa amin” (Lukas 11:4). Samakatuwid, tinuro Niya ang pangangailangan ng kapatawaran upang maibalik ang relasyong bertikal (patayo) sa Diyos at relasyong horizontal (pahiga) sa kapwa. Mayroon pang ilang mga pasahe kung saan ang pagkukumpisal ng kasalanan ang basehan sa pagbabalik ng pakikisama sa dibino at pantaong relasyon (Mat 6:14-15; 18:21,35; Lukas 17:3-4; 2 Cor 2:7, 10; Ef 4:32; Col 3:13). Sa simpleng paglalagay, ang pagkukumpisal ay nagbabalik ng pakikisama sa isang relasyon, mapadibino man o pantao.

Pagbubuod

Walang dudang ang mga mananampalataya ay may siguradong posisyun ng kapatawaran ng kanilang ma kasalanan dahil sa buong kabayarang binayad ni Cristo sa krus. Subalit, ang karanasan ng isang mananampalataya ay madalas na sumasalungat sa kaniyang posisyun. Ang mga kasalanang nagawa matapos ang pag-aaring matuwid ay hindi inilalagay sa alanganin ang posisyung kapatawaran ng isang mananampalataya, ngunit maaaring magkaroon ng masamang epekto sa pagtatamasa ng isang mananampalataya ng posisyung iyan at sa pakikisama niya sa Diyos. Upang maibalik ang kasiyahan ng pakikisama , ang mananampalataya ay tinuruang ikumpisal ang kaniyang kasalanan sa Diyos na patatawarin siya at lilinisin mula sa guilt ng mga kasalanang ito. Maaaring makatulong ang isang ilustrasyon. Kung ang isang anak ay nagkasala sa ama, ang ama ay maaaring pumayag na tanggapin ang sakit ng pagkakasala at patawarin ang anak. Sa mata ng ama, ang anak ay napatawad na. Ngunit, upang maranasan ang kapatawran ng ama at matamasa ang pakikisama sa relasyong iyan, kailangan aminin (ikumpisal) ng anak ang kaniyang kasalanan sa ama. Ang Diyos ay ang Ama sa langit, ang Diyos ng pag-ibig at biyaya, na laging ibinabalik ang pakikisama sa lahat ng naghahanap ng kapatawaran para sa kanilang mga kasalanan.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes