GraceNotes
   

   Legalismo: Kaaway ng Biyaya



Sa Bagong Tipan, makikita nating ang mga gumagamit nang mali sa kautusan upang balewalain ang biyaya ay nag-iimbita ng pinakamarahas na pagpuna ni Jesus at ng Apostol Pablo (Mat 23:13-28; Marcos 7:9-13; Gal 1:8-9; 5:12). Ang legalismo ay isang kaisipan at saloobing laban sa biyaya. Kailangang maunawaan ng mga Cristiano kung ano ang legalismo, ano ang mga anyo nito at ano ang mga konsekwensiyang dala nito upang hindi sila masilo nito.

Depinisyon ng Legalismo

Ang legalismo ay hindi Biblikal na salita, ngunit ito ay maidedepino ng mga implikasyon ng Kasulatan. Hindi ito ang pag-iingat o pagsunod sa mga utos, na masusumpungan sa parehong Luma at Bagong Tipan. Ang legalismo ay ang pag-iingat ng kautusan, ng mga utos, ng mga alituntunin, o anumang kodigo ng pagkilos sa kapangyarihan ng laman upang matamo ang pagsang-ayon ng Diyos o ng mga taong may saloobing itaas ang kaniyang sarili. Ang legalismo ay nakapokus sa panlabas na kilos sa halip na pagyamanin ang panloob na karanasan ng pag-ibig at biyaya ng Diyos. Ang pag-iingat ng kautusan ay salungat sa pagtamasa ng libreng kaloob ng biyaya ng Diyos at ng paglakad sa Espiritu. Ang Kasulatan ay malinaw na ang mga Cristiano ay wala sa ilalim ng kautusan kundi ng biyaya (Roma 6:4). Ang kautusan ay hindi ibinigay upang tamuhin ang pag-ibig ng Diyos kundi paraan upang maranasan ang pag-ibig ng Diyos.

Ang mga anyo ng legalismo

Ang legalismo ay may iba’t ibang anyo.

  1. Legalismo sa pag-aaring matuwid. Ito ay nagdaragdag ng pag-iingat ng kautusan o ng gawa upang matamo ang kaligtasan. Sinasalungat nito ang kaligtasan sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya (Juan 6:27-29; Gawa 15:1-5; Roma 3:20-24; Gal 2:16; 3:1-3).
  2. Legalismo sa sanktipikasyon. attempts to achieve holiness by keeping laws, rules, rituals, or disciplines (Gal. 3:1-3) instead of allowing Jesus Christ to live out His lifeIto ay nagsisikap na matamo ang kabanalan sa pag-iingat ng kautusan, mga alituntunin, ritwal o mga disiplina (Gal 3:1-3) sa halip na hayaan si Jesucristong maisapamuhay ang Kaniyang buhay sa pamamagitan natin (Gal 2:20) at lumakad sa pamamagitan ng Kaniyang Espiritu (Gal 5:16-18). through us (Gal. 2:20) and walking in His Spirit (Gal. 5:16-18).
  3. Legalismo sa relihiyon. Itinataas nito ang hindi Biblikal na pamantayan, tradisyon o preperensiyang kultural kaysa sa malinaw na mga utos ng Kasulatan (Marcos 7:6-9; Col 2:20-23).
  4. Legalismo sa teolohiya. Itinutumbas nito ang tamang doktrina sa pagiging matuwid sa harap ng Diyos- ang pagiging tama tungkol sa Diyos ay pagiging matuwid sa Diyos. Ang doktrinal na ortodoksiya ay mas mahalaga kaysa sa pag-ibig na nahahawig kay Cristo at sa kumikilos na pananampalataya (Mat 23:23; San 2:14-26). Ang doktrina ay ginagawang sandata upang wasakin ang pakikisama kahit pa sa sekondaryo, hindi gaanong mahalagang doktrina.

Mga konsekwensiya ng legalismo

Walang naibubungang mabuti ang legalismo. Maaaring hugisin nito ang panlabas na gawi ng isang tao, ngunit hindi nito mababago ang puso upang mahawig kay Cristo. Narito ang ilan sa mga negatibong konsekwensiya ng legalismo:

  1. Ang legalismo sa pag-aaring matuwid ay nagbabawal ng kaligtasan at nagtataguyod ng baluktot na evangelio ng mga gawa na nagpapanatili sa ibang manatiling hindi ligtas (Roma 3:20).
  2. Anumang uri ng legalismo ay magdudulot ng kawalan ng katiyakan ng kaligtasan dahil ang gawa ng isang tao ay hindi kailan man magiging perpekto at hindi nito maabot ang katuwiran ng Diyos.
  3. Ang legalismo sa sanktipikasyon ay dinedepino ang espirituwalidad sa kung ano ang maaari at hindi natin maaaring gawin habang pinababayaan ang buhay ni Cristong namumuhay sa pamamagitan natin. Ito ay nagpapakita ng “anyo ng kabanalang” walang panloob na realidad (2 Tim 3:5).
  4. Ang espirituwal na pagkabilanggo ay nagmumula sa pagsisikap na tuparin ang mga kautusan at alituntuning hindi kailan man makapagbibigay ng satispaksiyon (Gawa 15:10-11; Gal 5:1).
  5. Dahil sa ang kautusan ay nagdadala ng katantuan ng kasalanan at nagdadala ng kundenasyon (Roma 3:20; Gal 3:10), ang mga legalista ay laging nakararanas ng guilt, kalungkutan, depresyon, pagkapagod, at maging pagtalikod dulot ng putilidad ng pagsisikap na tuparin ang mga alituntunin habang patuloy na nabibigo.
  6. Ang pagmamapuri ay nagmumula sa magagawa ng isang tao sa halip na ginawa ni Cristo. Ang katuwiran ni Cristo ay nawawalang halaga dahil sa pansariling katuwiran (Lukas 18:9-14; Gal 2:21; 6:13-15; Fil 3:7-9).
  7. Madalas ang legalista ay may mapaghatol na espiritu laban sa ibang hindi nakaaabot sa ekspektasyon at kapritso ng legalista (Lukas 18:9-14; Roma 14:1-13; Col 2:16-23).
  8. Ang legalista ay madaling mamotiba sa mabuting gawi dahil sa takot na mabigong makapamuhay nang ayon sa kautusan o ng guilt dahil hindi nakapamuhay ayon sa kautusan. Mayroon silang buhay na kailangan ko sa halip na nais ko na tumutugon nang may pagpapasalamat at may pag-ibig sa Diyos dahil sa Kaniyang biyaya (Rom 12:1; Juan 14:15).
  9. Ang pag-iingat ng kautusan sa laman ay hindi makapamumunga ng bunga ng Espiritu (Gal 5:16-23) o makaka-access sa ibang pagpapala ng biyaya ni Cristong dumarating sa pamamagitan ng pananampalataya (Rom 15:2; Gal 5:4).
  10. Ang legalismo ay pumapatay ng sinsero at mapagmahal na espiritu sa simbahan (Gal 5:14, 25-26) at naghihikayat ng ipokrisiya.

Ang alternatibo sa legalismo

Kung ang legalismo ay gawing maraming alituntunin, ang lisensiya ay ang kawalan ng kahit anong pagpipigil sa gawi. Ang Biblikal na paraan ay ang mamuhay sa kalayaang nakokontrol ng pag-ibig para sa Diyos at sa kapwa. Kung iniibig ng mga Cristiano ang Diyos at ang kanilang kapwa, matutupad nila ang matuwid na hinihingi ng kautusan (Gal 5:13-14). Ang prioridad ng pag-ibig ay tinawag na “una at pinakadakilang utos,” “kautusan ni Cristo,” “kautusan ng hari,” at “isang bagong utos” (Mat 22:37-40; Juan 13:34-35; Gal 6:2; San 2:8). Ang pamumuhay sa ilalim ng biyaya ay tinatanggap ang katuwiran ni Jesucristo dahil Siya ang tumupad ng kautusan para sa atin. Sa ilalim ng biyaya, ang mga mananampalataya ay malaya sa takot at presyur ng paggawa dahil tinatanggap sila ng Diyos ayon sa kung sino sila kay Cristo, hindi kung ano ang kanilang gawa. Ang mga mananampalataya ay malayang lumakad sa Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya, na dahilan upang maging kawangis ni Cristo.

Pagbubuod

Bilang mga Cristiano, kailangan nating makilala ang legalismo, umiwas dito at lumayo mula rito. Hindi tayo dapat sumuko sa mga hinihingi ng mga legalistang magbabalik sa atin sa pagkaalipin sa gawa, nagpapatuloy na kabiguan, guilt at sa huli ay ipokrisiya. Gaya nang ating inisyal na kaligtasan, ang biyaya ay basehan ng buhay Cristiano. Ang mga mananampalataya ay dapat lumago at manatiling matatag sa biyayang nagliligtas at nagpapabanal (Gal 5:1; 2 Tim 2:1; 2 Ped 3:18. “Kung tayo'y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay mangagsilakad naman tayo ayon sa Espiritu” (Gal 5:25).


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes