GraceNotes
   

   Ang Kristiyano Ba Ay Maaaring Sa Diablo? - 1 Juan 3:8, 10

Ang gumagawa ngkasalanan ay sa diablo sapagkat buhat pa nang pasimula ay nagkakasala ang diablo. Sa bagay na ito’y nahayag ang Anak ng Diyos upang iwasak ang gawa ng diablo. Dito nahahayag ang mga anak ng Diyos, at ang mga anak ng diablo: ang sinumang hindi gumagawa ng katuwiran ay hindi sa Diyos,ni ang hindi umiibig sa kapatid.

Ang mga maingat na nagbabasa ng 1 Juan ay mapapansin ang paggamit ni Juan ng ganap na pagkukumpara: liwanag/kadiliman, nakikilala ang Diyos/hindi nakikikilala ang Diyos, umiibig sa kapatid/namumuhi sa kapatid. Sino ang tinatawag na “mga anak ng diablo?” Mayroon bang pagkakataon na ang mga Cristiano ay sa “sa diablo” o ito ba ay pantukoy lamang sa mga taong hindi ligtas?

Pag-alala sa konteksto

Anumang pag-aaral ng mga partikular ng 1 Juan ay kailangang magsimula sa kalagayang espirituwal ng mga mambabasa at sa layunin ng epistula. Malinaw na ang mga mambabasa ay mga Cristiano, kahit sa pangmadaliang konteksto ng pasaheng ating binibigyang pansin. Sa 3:10 inihayag na ang taong “hindi sa Diyos” ay hindi umiibig sa “kaniyang kapatid.” Tanging ang Cristiano lamang ang may espirituwal na kapatid. Malinaw din na ang layunin ni Juan sa pagsulat ay ang bigyang sigla ang pakikisama sa pagitan ng mga mambabasa, ng Diyos at ng sirkulo ng mga apostol (1:3-4), hindi ang magrekomenda ng mga pagsubok na sa paraang iyan ay malalaman ng mga mambabasa na sila ay ligtas kailan pa man (Ang mga detalyeng ito ay masusing tinalakay sa Ang Tala ng Biyaya 39 “Pag-interpreta ng 1 Juan”).

Ang mga Cristiano ay nagkakasala

Kung ang pasaheng ito ay nagsasabi na ang mga nagkakasala at ang mga sa diablo ay hindi ligtas, nangangahulugan itong lahat ng nagpapakilalang mga Cristiano ay hindi ligtas, sapagkat lahat ng mga Cristiano ay nagkakasala. Ito ay binigyang linaw sa 1:7-10. Ang ilang mga tagasalin ay bumigay sa kanilang sistemang teolohikal upang isalin ang pangkasalukuyang aspeto ng pandiwang poeio (gawin) sa v8 bilang “gumagawa ng kasalanan” na tila baga ang 1 Juan ay tumutukoy sa habitwal na kasalanan (gaya ng pagsalin nila sa pandiwang kasalanan, hamartano, sa v9 “nagkakasala” o “nagpapatuloy sa pagkakasala.” Tingnan ang ESV, NASB, NET, NIV). Ito ay nanghihingi sa mga mambabasang maglatag ng kakatwang interpretasyon na hindi karaniwan o hindi makikita agad sa teksto (Ang argumentong ito ay lumalapat sa pangkasalukuyang aspeto sa 3:6,7 at 9 na tinalakay sa Ang Tala ng Biyaya 59, “Ang mga Tunay na Cristiano’y Hindi Nagkakasala?”). Ang habitwal na interpretasyon ng pangkasalukuyang aspeto ay nagpapasimula ng ilang nakakagulong subhetibong mga isyu ng gaano karaming kasalanan, anong uri ng kasalanan at gaano kadalas ang isang tao maaaring magkasala, at ang mga ito ay ginagawang kapahamakan ang anumang uri ng interpretasyong pagsubok-sa-kaligtasan para sa sinumang Cristianong introspektibo.

Ang Kasulatan ay nagpapaalala sa atin na ang mga Cristiano ay nagkakasala at may kakayahan kahit ng pagpatay (San 4:2; 1 Ped 4:15).

Isang tanong tungkol sa pinanggalingan

Sa kaniyang paggamit ng pagkukumpara, pinaghihiwalay ni Juan ang dalawang magkaibang pinagmumulan ng gawi ng isang Cristiano. Ginawa niya ito sa 3:9 kung saan ang mananampalataya sa kaniyang bagong kapanganakan ay hindi magkakasala dahil si Jesucristo ay hindi magkakasala. Nangangahulugan itong ang kasalanan ay nagmula sa ibang pinagmulan, na sa sa katapus-tapusan ay ang diablo na “nagkakasala mula pa nang pasimula” (3:8). Ang diablo ang dumaya sa tao na magkasala na siyang dahilan kung bakit ang tao ay may makasalanang kalikasan. Ang kasalanan ay laban sa layunin ni Jesucristo na wasakin ang mga gawa ng diablo. Si Satanas at si Cristo ay ganap na magkalaban sa kanilang mga layunin at katangian. Kapag ang isang mananampalataya ay gumagawa ng mabuti, nahahayag sa kaniya ng dibinong kalikasang binigay ng Diyos (3:9), ngunit kapag siya ay nagkakasala, nahahayag sa kaniya ang makasalanang kalikasang si Satanas ang inspirasyon (3:8, 10). Ang salitang “mga anak” (tekna) na pantukoy sa Diyos o sa diablo ay hindi ginagamit sa paraang biolohikal gaya ng relasyong genetiko kundi ginamit para sa may mga katangiang nanggaling mula sa isang persona, samakatuwid, sa uri o klase ng persona (Ginamit ito sa parehong paraan sa Mat 11:9/Luk 7:35; Gal 4:31; Ef 2:3; 5:8; 1 Ped 3:6). Sinasabi lang ni Juan ang ultimeyt na pinanggalingan ng mga aksiyon ng isang mananampalataya.

Ang halimbawa ni Cain na pinatay si Abel sa v12 ay isang pisikal na ilustrasyon ng espirituwal na katotohanang ito. Ito ay hindi pahayag kung si Cain ay ligtas o hindi; pinakikita lamang nito na ang aksiyon ni Cain ay inspirado ng kaniyang pagkainggit na inspirado naman ng diablo (na “mamamatay mula pa nang panimula” Juan 8:44). Ganuon din, nang sinabi ni Jesus kay Pedro, “Dito ka sa likod ko Satanas!” (Mat 16:23), pinahahayag Niya ang pinanggalingan ng pagsaway ni Cristo kay Pedro, na nagpapakitang siya ay kumakatawan sa layunin ni Satanas, at hindi ng Diyos. Ang Apostol Pablo ay sumulat na ang mananampalataya ay maaaring mabihag ni Satanas na gawin ang kaniyang kalooban (2 Tim 2:26;ikumpara Gawa 5:3). Ipinakikita ng San 3:15-17 na may dalawang pinanggagalingan ang mga pagpipili ng mananampalataya, ang isa ay demoniko (galing kay Satanas) at ang isa ay mula sa itaas (galing sa Diyos). Ang pananaw ng Bagong Tipan ay malinaw: minsan ang mga mananampalataya ay gumagawa ng gawain ng diablo.

Pagbubuod

Ang mga Cristiano ay nagkakasala, at kapag nangyari ito, angkanilang aksiyon ay nagmula sa impluwensiya ng diablo, hindi mula sa Diyos. Ang kasalanan ay hindi patunay na ang isang tao ay hindi Cristiano, patunay lang ito na siya ay kumakatawan sa diablo at sa kaniyang kalooban. Ang isang Cristiano ay nagpapakitang ang kaniyang sarili ay anak ng diablo o “mula sa diablo” sa pamamagitan ng paggawa ng kalooban at gawa ng diablo. Ito ay walang saysay at nakasasakit sa pagsubok ng kaligtasan ng isang tao o sa pagsubok na patunay na ang ang isang tao ay hindi ligtas dahil sa realidad ng kasalanan sa buhay ng isang tao. Ang tanging pagsubok ng kaligtasang ibinigay sa 1 Juan ay kung siya ay nanampalataya at taglay si Jesucristo, ang Anak ng Diyos (5:1, 11-13). Ito ang tanging pagsubok na iniingatang malaya ang ebanghelyo ng biyaya na malaya mula sa meritong pantao o gawa.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes