GraceNotes
   

   Paano Ang Mga Tao Naligtas Bago ang Kamatayan at Pagkabuhay na Maguli ng Panginoong Jesucristo?

Isang tanong na madalas marinig ay, “Paano ang mga tao eternal na naligtas mga araw ng Lumang Tipan?” Para sa mas komprehensibong perspektibo, maaaring mas maiging itanong, “Paano ang mga tao eternal na naligtas bago ang kamatayan at pagkabuhay na mag-uli ni Jesucristo?” Ang tanong na ito ay lalapat sa mga taong nabuhay bago ang Kautusan ni Moises, sa panahon ng Kautusan at sa panahon ni Jesucristo. Alam nating ang mga salita para sa iligtas/kaligtasan sa parehong Hebreo at Griyego ay may basikong kahulugang iligtas mula sa kapahamakan at maraming beses na ginamit sa Biblia para sa temporal na pagliligtas (sa buhay na ito). Ginagamit natin ang termino upang ipangahulugang iligtas mula sa eternal na kundenasyon o Lawa ng Apoy, o sa diwa ng pag-aaring matuwid sa harap ng Diyos.

Ang mga tao ay naligtas bago ang kamatayan at pagkabuhay na maguli ni Cristo

Para maging malinaw, laging mayroong mga taong tinanggap ng Diyos. Si Adan at si Eba ay ginawang katanggap-tanggap nang sila ay saplutan ng Diyos. Ang handog ni Abel ay natagpuang katanggap-tanggap na nagpapahiwatig na siya rin ay ganuon. Ibinilang kay Abraham ang katuwiran sa harap ng Diyos (Gen 15:5). Ang mga kasalanan ni David ay pinatawad at kaniyang natamasa ang pagpapala ng Diyos (Roma 4:6-8 na sumisipi sa Awit 32:1-2). Ang mga propeta na sumulat ng Kasulatan ay siguradong ligtas. Sa panahon ni Jesucristo, ang Kaniyang sariling mga alagad ay alam na sila ay may buhay na walang hanggan bago Siya namatay at bumangon muli sa mga patay (Juan 6:68-69).

Walang naligtas sa mga gawa

Walang sinuman sa anumang kapanahunan ang naligtas ng mga gawa, sariling pagsisikap, o sa pagsunod ng Kautusan ni Moises. Ang katuwiran dahil sa mga gawa ay hindi makararating sa pamantayan ng Diyos, ngunit sila ay kasinwalang halaga ng “maruming basahan” (Isaias 64:60. Sa Bagong Tipan, ipinaliwanag din ni Pablo na walang sinuman ang inaring matuwid dahil sa pagtupad sa Kautusan (Roma 3:20). Bagama’t ang Kautusan ay walang kapangyarihang magligtas, ito ay nag-akay ng mga tao kay Jesus, na Siyang nagliligtas (gal 3:19-24). Makatlong beses tinukoy ni Pablo si Abraham bilang pinakamataas na halimbawa ng pag-aaring matuwid sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya (Roma 4:3; Gal 3:6; San 2:23; para sa perspektibo ni Santiago sa pag-aaring matuwid ni Abraham tingnan ang Tala ng Biyaya Blg 2 “Pananampalataya at Mga Gawa sa Santiago 2:14-26”). Si Abraham ay naligtas bago matuli at bago maitatag ang Kautusan, kaya hindi siya maaring maligtas sa pagtupad ng mga ito (Roma 4:9-12; Gal 3:16-18). Ang pagsunod sa Kautusan at sa sistemang paghahandog nito ay nagbibigay kalayaang makisama sa Diyos at naglalarawan ng pinal na kinakailangang alay ni Jesucristo. Ang mga Mosaikong handog na hayop ay probisyunal lamang, kailan man ay hindi sapat para sa kaligtasan (Roma 3:25; Heb 10:1-4).

Ang mga tao ay naligtas sa biyaya

Ang biyaya ay libreng regalong hindi matampat na probisyon ng Diyos. Sa kaso ni Abraham, ang biyaya ay dumating sa kaniya sa pamamagitan ng walang kundisyong pangako ng pagpapala sa hinaharap na darating sa sanlibutan sa pamamagitan ng Kaniyang Lahi o Binhi, ang Panginoong Jesucristo (Gen 12:2-3; 17:1-8; 22:18; Gal 3:16). Dahil sa ang pagliligtas na ito sa hinaharap ay pangako ng Diyos, ang katuparan ay nakadepende sa magagawa ng Diyos, at hindi sa magagawa ni Abraham. Sinipi rin ni Pablo si David na naligtas sa biyaya sa kabila ng kaniyang mga tanyag na kasalanan. Si Abraham at si David ay naligtas sa basehan at antisipasyon ng mabiyayang regalo ng Diyos ng darating na Tagapagligtas. Ang Diyos ay laging nag-ingat ng isang nananampalatayang nalalabi sa Israel sa Kaniyang biyaya (Roma 11:1-6).

Ang mga tao ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya

Dahil sa ang kaligtasan sa biyaya ay hindi matatamo o hindi matatampatan, ito ay matatanggap lamang sa pamamagitan ng pananampalataya: “Dahil dito’y sa pananampalataya, upang maging ayon sa biyaya, upang ang pangako ay lumagi...” (Roma 4:16; cf 4:4-5). Si Abraham ay inaring matuwid dahil siya ay nanampalataya sa pangako ng Binhi, na Siyang magiging Tagapagligtas (Gen 15:6; Roma 4:3-5). Dahil sa ang kaligtasan ni Abraham ay naganap nang siya ay hindi pa tuli, siya ay nagsisilbing modelo para sa lahat ng mga tao, mapa-Gentil man o Judio, na bibilangan ng katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya (Roma 4:9-11; Gal 3:26-29). Ang prinsipyo ng kaligtasan sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya hiwalay sa mga gawa ay nanunuot sa Bagong Tipan (Juan 3:16; 4:10; 20:31; Roma 3:21-24; Ef 2:8-9; Tito 3:4-5; Pah 22:17).

Ang transisyunal na panahon ni Cristo

Ang labindalawang disipulo ni Jesus ay alam na sila ay ligtas kailan man, ngunit maaaring magtanong ang isangtao kung paano sila naligtas kung hindi sila nanampalataya na si Jesucristo ay mamamatay at babangon muli (Mat 18:21-22; Marcos 8:31-32; Lukas 18:31-34; Juan 2:19-20; 20:8-9). Sila ay naligtas dahil sila ay nanampalataya na ang kanilang kaligtasan ay darating kay Jesus na pinangakong Mesiyas, ang Cristo, ang Tagapagligtas. Naunawaan nilang si Jesus ang dibinong Anak ng Diyos na sinugo upang lligtas sila mula sa kundenasyon ng kasalanan (Juan 5:24; 8:24). Narinig nila Siyang magturo na ang kaligtasan ay regalong natanggap sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi mga gawa (Juan 6:27-29, 35-54; 7:37-39). Hindi nila eksaktong nauunawaan kung paano ang regalo ay ibibigay, ngunit pwede nating italtal na dapat sana ay umasa sila sa mga patotoo ng mga propeta, sa napakaraming tipo (paglalarawan) ni Cristo sa Kautusan), at kay Jesus mismo na nagbabanggit ng paghihirap at pagkabuhay na maguli ng Mesiyas. Matapos ang Kaniyang kamatayan at pagkabuhay na maguli, hinamon ni Jesus si Tomas na manampalataya sa Kaniya bilang pinako at bumangong Panginoon (Juan 20:26-29). Tanging matapos nang pagtatagpong ito hinayag ni Juan ang layon ng kaniyang ebanghelyo :”ngunit ang mga ito ay nasulat upang kayo’y magsisampalataya na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos, at sa pagsampalataya kayo ay magkaroon ng buhay sa Kaniyang pangalan” (Juan 20:31). Kaya sa panahong ang mga alagad ay kasama ni Jesus ang mensahe ng buhay na walang hanggan ay lumawak mula sa si Jesus ang Anak ng Diyos na Tagapagligtas patungo sa si Jesus ang ipinako at bumangong Anak ng Diyos na Tagapagligtas. Ang mensaheng ito ay kinumpirma kalaunan ni Apostol Pablo (1 Co 1:17-18; 2:2; 15:1-4). Ang mensahe ng ebanghelyo ay hindi nagbago, kundi pinalawak.

Ang paglago ng kapahayagan

Bigyang pansin kung paano ang nilalaman ng mabuting balita ng Tagapagligtas ng Diyos ay lumawak sa kapanahunan. Hindi natin tiyak kung ano ang nalalaman ng mga unang tauhan ng Biblia dahil ang katotohana’y sinalin din sa bibig. Alam nating marahil alam ni Adan na ang Diyos ay magbibigay ng Tagapagligtas, ang Binhi ng babae na wawasak kay Satanas (Gen 3:150. Si Abraham ay naghihintay ng nagliligtas na Binhi at ng espesyal na kapahayagan Niya (Juan 8:56). May nalalaman si Moises tungkol sa paghihirap ng darating na Tagapagligtas at nagbanggit sa Kaniya (Juan 5:46; Heb 11:26). Naunawan ni David na ang Binhi ay kaniyang Anak. Ang mga propeta ay nilarawan ang pagka-Diyos ng Mesiyas, ang Kaniyang kaharian, ang Kaniyang kapangyarihan, ang Kaniyang kamatayan, at ang Kaniyang pagkabuhay na maguli. Si Isaias lalo na ay inugnay ang paghihirap ng Mesiyas sa kaligtasan (Is 53:3-11; Gawa 8:26-35; 10:43). Si Jesus ay nagpahayag na ang Kasulatan, mula kay Moises at sa mga propeta, ay nagpatunay na ang Mesiyas ay maghihirap bago pumasok sa Kaniyang kaluwalhatian (Lukas 24:25-27). Gayun pa man ay walang ebidensiyang alam ng lahat na ang Kaniyang pangalan ay Jesus o na Siya ay mamamatay sa krus, bagama’t ang Jesus ay transliterasyon lamang ng Hebreo para sa Tagapagligtas, Yeshua. Sa panahon ng Kaniyang kapanganakan, ang pangalan ni Jesus ay ipinahayag (Mat 1:21) at ngayon, walang naligtas hiwalay sa pangalang Jesus (Gawa 4:12). Matapos ang Kaniyang pagkabuhay na maguli, hinarap ni Jesus ang Kaniyang sarili bilang pinako sa krus at bumangon mula sa mga patay. Ito ang layon ng pananampalatayang nais ni Jesus na makita ni Tomas (Juan 20:26-29), na siyang naging mensahe ng kaligtasan na pinangaral ng mga apostol matapos nang pag-akyat ni Cristo sa langit (Gawa 2:22-24; 3:18-25; 4:2, 10; 5:29-31; 10:39-41; 13:29-32; 17:3; 26:22-23; 1 Cor 1:17-18; 15:1-5). Sa eternal na plano ng Diyos, si Jesus ay “pinatay bago pa ang pagkatatag ng sanlibutan” (Pah 13:8; cf 1 Ped 1:18-20), ngunit ang mga detalye kung paano ito mangyayari’y pinalawak habang ang kapahayagan ay lumawak sa buong kapanahunan.

Pagbubuod

Ang kaligtasan ay laging sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya sa pinangkong Tagapagligtas ng Diyos. Ang esensiyal na laman ng ebanghelyo ay hindi nagbago, ngunit ito ay pinalawak habang mas maraming impormasyon ang nalaman sa paglawak ng kapahayagan. Sa Lumang Tupan, ang mga tao ay naligtas sa pananampalataya sa probisyon ng Diyos ng darating na dibinong Tagapagligtas. Sa panahon ni Cristo, ito ay sa pananampalataya kay Cristo bilang nabubuhay na dibinong Tagapagligtas. Matapos ang kamatayan at pagkabuhay na maguli ni Cristo, tayo ay naligtas sa pananampalataya sa Jesus na napako at bumangon na magliligtas sa atin mula sa kundenasyon at nagbibigay ng walang hanggang kaligtasan. Ang ilan ay naligtas sa pagtingin sa unahan sa mabuting balitang ito; ngayon tayo ay naligtas sa pagtingin pabalik sa pagsagawa nito. Sa diwang iyan, masasabi nating ang kaligtasan sa anumang panahon ay laging sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya sa pinangakong Tagapagligtas ng Diyos, si Jesucristo ang Anak ng Diyos, na namatay para sa ating mga kasalanan at bumangon muli.


*Ang GraceNotes ay idinisenyo para sa pag-download at pagkopya upang magamit ang mga ito sa ministeryo. Walang pahintulot ang kinakailangan kung ang mga ito ay ibinahagi nang hindi na-edit nang walang bayad. Kung wala kang pdf viewer maaari kang mag-click dito para mag-download ng libreng bersyon.
GraceNote

GraceNotes
RSS Feed

Ang GraceNotes ay isang maikling kwarterly na pag-aaral ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at pamumuhay sa pamamagitan ng biyaya. Dinesenyo sila upang ma-download (mayroong pdf) at makopya upang magamit sa ministri. Hindi kailangan ang pahintulot kung ito ay ipakakalat nang walang pagbabago at walang bayad. Maaari rin kayong tumanggap ng bagong GraceNotes (Tala ng Biyaya) sa pamamagitan ng pag-subsribe sa aming libreng kwarterly na GraceLife newsletter.

GraceNotes